You are on page 1of 20

Science 3

Science 3
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Panlabas na Bahagi ng Katawan
ng Hayop at Gampanin Nito
Agham – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Panlabas na Bahagi ng Katawan ng mga Hayop
Unang Edisyon, 2020 at Gampanin Nito

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marlie B. Abiera


Editor: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras, Loralyn F. Sarmiento
Tagasuri: Dr. Louie B. Dasas, Liza A. Alvarez
Tagaguhit: Emmerando Cruz
Tagalapat: Janeth D. Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng Modyul
tungkol sa araling Panlabas na Bahagi ng Katawan ng Hayop at Gampanin Nito!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa


Panlabas na Bahagi ng Katawan ng Hayop at Gampanin Nito!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay isinulat at inihanda upang magamit sa


iyong pag-aaral. Sa paggamit nito ay lalawak ang iyong
kaalaman tungkol sa Agham.
Ang modyul na ito ay tatalakay sa mga hayop.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:
1. makilala ang mga panlabas na bahagi ng hayop at
gampanin nito;
2. maiguhit ang mga panlabas na bahagi ng hayop; at
3. makapagbigay ng mungkahi kung paano
mapapangalagaan ang mga panlabas na bahagi ng
hayop.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang


sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Anong bahagi ng katawan ng isda ang dahilan kung bakit


nakahihinga ito sa ilalim ng tubig?
A. bibig B. buntot C. hasang D. palikpik

2. Alin sa mga sumusunod na hayop ang may shell bilang panakip


nito sa katawan?
A. ahas B. kabayo C. manok D. alimango

3. Ang __________ ay panakip sa katawan ng agila, tumutulong


din ito sa kanilang paglipad.
A. feather B. scale C. shell D. moist skin
4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng hayop ang may shell o
kabibe bilang panakip sa katawan?
A. tahong, manok, ahas
B. oyster, alimnago, pagong
C. pagong, kabayo, gold fish
D. kalapati, kalabaw, alimango

5. Ano ang nararapat mong gawin upang maipakita mo ang


pagpapahalaga sa iyong alagang hayop?
A. Paglalaruan ko ang buntot ng pusa.
B. Tatalian ko ang buntot ng kalapati at saka paliliparin.
C. Bubunutan ko ng balahibo ang manok hanggang
makalbo.
D. Paliliguan ko ang alagang aso at susuklayan ang
balahibo nito.

BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang mga hayop sa


ating kapaligiran. Tukuyin ang pook-tirahan ng mga hayop. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.
A. Nakatira sa lupa B. Nakatira sa tubig
C. Nakatira sa lupa at tubig

Hal.:

A ____1. ____2.

____3. ____4. ____5.


ARALIN

Panlabas na bahagi ng Katawan ng mga Hayop na Nakatira


sa Lupa

Naalala mo pa ba ang mga hayop na nakatira sa lupa?


Ano-ano ang mga ito? Tingnan ang larawan ng hayop sa ibaba.
Ang aso ay isa mga hayop na nakatira sa lupa. Alamin natin ang
iba’t ibang panlabas na bahagi ng katawan ng aso.

Larawan 1.Panlabas na bahagi ng


katawan ng aso

Ang mga panlabas na bahagi ng katawan ng aso ay ang


apat na paa, buntot, fur o balahibo, at ulo kung saan naroon ang
mga tainga, mata, ilong, at bibig. Ginagamit nito ang mga mata
upang makita ang mga bagay sa paligid at makapaghanap ng
pagkain. Nakatutulong din ang ilong nito sa paghahanap ng
pagkain. Dahil sa matalas na pang-amoy, kaya nitong
makahanap ng bomba o mga nawawalang tao sa gumuhong
gusali. Ang bibig naman ang ginagamit nito upang makakain,
makakuha ng mga gamit, at makagawa ng tunog, ito rin ang
kanilang ginagamit panlaban sa kaaway. Samantalang, ang mga
paa nito ay ginagamit sa paglakad or pagtakbo. Ang buntot nito
ay nakatutulong upang ito ay makapagbalanse sa paglakad o
pagtakbo. Ginagamit din nito ang buntot sa pakikipag- ugnayan
para maiparating ang kanyang nararamdaman. Ang fur o
balahibo naman ay ang nagsisilbing panakip nito sa katawan.

Bukod sa aso, may alam ka pa bang hayop na nakatira sa


lupa at mayroong fur o balahibo? Tingnan ang mga larawan sa
ibaba.

Kuneho oso daga

Larawan 2. Mga hayop na nakatira sa lupa at mayroong fur o balahibo


bilang panakip ng katawan.

Alam mo ba kung ano ang gamit ng mga fur o balahibong


ito?
Ang fur o balahibo ay panakip sa katawan ng mga hayop
tulad ng nasa larawan. Ito ay nagsisilbing proteksyon, kung
malamig ang panahon ay nakakatulong itong painitin ang
kanilang katawan. Kung mainit naman ay nakakatulong itong hindi
maubos ang tubig sa loob ng kanilang katawan.

Sa mga hayop na nasa


kagubatan, nakakatulong ito upang
sila ay makapag comouflouge o
makapagbalat kayo sa mga dahon at
sanga. Ginagawa nila ito upang
takasan ang ibang hayop o di kaya ay
manghuli ng kakainin.
Larawan 3. Tigre sa
kagubatan
Ang mga whiskers o mahahbang
buhok sa mukha ng hayop ay espesyal. Ito
ay may nerve endings tulad ng ating mga
daliri. Nakakaramdam ito ng mga bagay
sa paligid, kung sila ay madidikit sa
Larawan 4. pusa magaspang o makinis na bagay.

Tingan ang larawan sa ibaba. Ano ang panakip nila sa


katawan?

Salamander Palaka
Larawan 5. Mga hayop na balat ang panakip sa katawan.

Ang salamander at palaka ay mayroong moist skin o


mamasa-masang balat. Ito ang nagsisilbi nitong panakip sa
katawan. Naninirahan ang mga ito sa lupa ngunit nanatili din sa
tubig o mamasa masang lugar. Ito ay upang mapanatiling basa
ang kanilang balat. Hindi gaya ng ibang hayop, sila ay umiinom at
humihinga gamit ang kanilang balat kapag nasa tubig. Kapag sila
naman ay nasa lupa, ginagamit nila ang kanilang ilong sa
paghinga. Naglalabas ang kanilang balat ng slime o malagkit
upang hindi ito matuyot. Ang pagkatuyot nito ay maaring maging
sanhi ng kanilang kamatayan.

Panlabas na bahagi ng Katawan ng mga Hayop na Nakatira


sa Lupa

Ano-ano ang mga hayop na nakatira sa tubig? Ang isda ay


isa sa mga hayop na nakatira sa tubig. Narito ang mga panlabas
na bahagi ng isda.
Larawan 6. Panlabas na bahagi ng katawan ng isda

Ang panlabas na bahagi ng isda ay ang mata, bibig, hasang,


palkpik, at buntot. Ang mata ng isda ay ginagamit upang makakita
at makahanap ng pagkain. Ang bibig ay ginagamit nila sa
pagkain. Ang palikpik at buntot ang ginagamit nito sa paglangoy.
Samantala ang ginagamit nito sa paghinga ay ang hasang. Ang
panakip naman nito sa katawan ay scales o kaliskis.

Ang goldfish ay uri ng isda na


mayroon ding scales o kaliskis bilang
panakip ng katawan. Panlaban niya ito
sa ibang hayop sa dagat na maaring
manakit sa kanya. Nakakatulong din ito
sa maayos niyang paglangoy. Ano-
Larawan 7. goldfish anong uri pa ng isda ang iyong alam na
may kaliskis?

Tingan ang larawan sa ibaba. Ang mha hayop na ito ay


makikita rin sa ilalim ng tubig. Ano ang panakip nila sa katawan?

clam tahong oyster


Larawan 8. Mga hayop na may shell.

Ang clam, tahong at oyster ang may shell o kabibe. Ang shell
ng mga ito ang nagsisilbi nitong panakip sa katawan. Ito ay upang
maprotektahan ang kanilang sarili laban sa ibang hayop na
maaaring manakit sa kanila. Sila ang gumagawa ng kanila shell
mula sa calcium na matatagpuan din sa tubig kung nasaan sila.
Habang lumalaki ang hayop ay lumalaki din ang kanyang shell. Ito
na ang nagsisilbi nilang panakip sa balat habang sila ay
nabubuhay. Kapag namatay na ang hayop, naiiwan ang shell nito
at pinapakinabangan ng ibang hayop sa dagat.

Ang alimango ay nakatira


sa tubig ngunit nananatili din ito
sa lupa. Kapag ito ay lumalaki
na, hindi na ito magkakasya sa
dating shell kung kaya ito ay
gagawa na ng bago. Bubuka
ang likuran nitong shell at unti
unting lalabas mula sa lumang
shell. Sa una, ang bagong shell
ay malambot pa, ngunit ito ay
titigas din kapag tuluyan ng naka
Larawan 9. Pagpapalit ng shell ng
alis mula sa lumang shell.
Alimango

Nakakita naba kayo ng hermit


crab? Ito ay isang uri ng alimango na
walang sariling shell. Wala itong
kakayanan na gumagawa ng
sariling shell kaya naman
naghahanap ito ng mga bakanteng
shell upang kanyang tirahan.
Nagpapalipat lipat ito ng shell
Larawan 10. hermit crab
habang lumalaki.

Panlabas na bahagi ng Katawan ng mga Hayop na Makikita


sa Himapapawid

Tingnan ang larawan ng hayop sa ibaba. Anong hayop


ito? Tama! Ito ay kalapati. Ang kalaptai ay isang uri ng ibon. Alam
mo ba kung ano ang iba’t ibang panlabas na bahagi ng katawan
ng ibon at ang gamit ng mga ito? Tara! Alamin natin.

Larawan 11. Lumilipad na kalapati

Ang mga panlabas na bahagi ng katawan ng ibon ay ang


mga mata, tuka, paa, kuko, pakpak, buntot at feather o balahibo.
Ginagamit nito ang mga mata upang makakita at makahanap ng
pagkain. Ang tuka at kuko naman ay ginagamit sa pagkain at
panlaban sa kanilang mga kaaway. Ang pakpak ay ginagamit
nito sa paglipad. Ang buntot nito ay nakakatulong sa
pagbabalanse nito sa paglipad. Ang balahibo(feather) naman
ang pantakip nito sa katawan.

Ano-anong uri ng mga ibon ang nakita mo sa himpapawid?

kwago maya agila


Larawan 12. Mga ibon sa himpapawid

Ang mga kwago, maya, at agila ay may feather o balahibo


bilang panakip sa kanilang katawan. Ito rin ay nakakatulong sa
kanila upang makalipad. Ngagawa rin nitong painitin ang
kanilang katawan.
Larawan 13. peacock Larawan 14. peahen

Feather o balahibo rin ang panakip sa katawan ng mga


peacock at peahen. Ang mga ito ay malalaking uri ng ibon. Sa
kabila ng kanilang sukat ay may kakayanan pa rin silang
makalipad, ngunit sa maiiksing distansya lamang. Ang
magagandang feather o balahibno ng peacock ay ginagamit rin
nitong pang tawag pansin sa nagugustugan nitong peahen.

Nakakita kana ba ng ostrich?


Ang ostrich ang pinaka malaking ibon.
Kaya nitong lumaki hangang 9 na
talampakan at bumigat hanggang
300 pounds (136.078 kilos). Bagamat
meron itong feather bilang panakip sa
katawan ay hindi ito nakakalipad.
Hindi ito makikita sa himappawid tulad
ng ibang ibon. Ito ay makikita lamang
sa lupa. Ang katawan ng ostrich ay
hindi nakadisensyo sa paglipad.
Ngunit mayroon naman itong
Larawan 15. Ostrich
matitibay na mga binti na kayang
tumakbo ng napakabilis.

Ang bawat hayop ay may kanya kanyang panakip sa


katawan. Ito ay akma sa kanilang tirahan at uri ng pamumuhay.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Kilala Kita!


Panuto: Isulat sa unang hanay kung saan makikita ang hayop. Sa
ikalawang hanay naman isulat kung ano ang panakip nito sa
katawan.

HAYOP Saan makikita? Panakip sa


(lupa, tubig, tubig at lupa, katawan
himpapawid)
Halimbaw: kuneho lupa fur o balahibo

1. parrot

2.bangus

3.kambing

4.alimango

5.palaka

Gawain 2: Mga Bahagi ng Hayop


Panuto: Gumupit ng larawan ng hayop mula sa lumang magazine
o libro. Maari din mag print ng larawan ng iyong alagang hayop o
di kaya ay kumuha ng larawan sa internet. Idikit ito sa papel at
tukuyin ang mga panlabas na bahagi ng katawan nito.
tainga
Halimbawa

fur
mata

buntot
ilong
Gawain 3: Bahagi mo, iguguhit ko!
Panuto: Iguhit ang mga sumusunod na hayop at tukuyin ang
panakip nito sa katawan.

1. hamster 2. tahong 3. maya


Panakip sa katawan: Panakip sa katawan: Panakip sa katawan:

_______________________ ________________________ ______________________

4. gold fish 5. salamander


Panakip sa katawan: Panakip sa katawan:

_________________________ _________________________
PAGLALAHAT

Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa ng hayop ayon na


panakip sa katawan na nakasulat.

Fur o balahibo Moist skin o mamasa masang


balat
1. _________________
1. _________________
2. _________________
2. _________________

Scales o kaliskis Shell o kabibe


1. _________________ 1. _________________
2. _________________ 2. _________________

Feather o balahibo
1. _________________
2. _________________

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap


ay nagsasaad ng tamang pangangalaga sa mga bahagi ng
katawan ng hayop, at ekis (X) naman kung hindi ito nagsasaad
ng tamang pangangalaga sa mga bahagi ng katawan ng
hayop.
_____1. Paliguan ang alagang aso at tanggalan ng garapata.
_____2. Maglaan ng maayos at malaking kulungan para sa mga
alagang manok.
_____3. Tanggalin ang balahibo ng mga ibon.
_____4. Itaboy sa lugar na walang tubig ang mga palaka.
_____5. Ilipat sa malaking aquarium ang mga alagang isda.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa papel.

1. Anong bahagi ng katawan ng isda ang ginagamit nito sa


paglangoy?

A. B. C. D.
bibig hasang kaliskis palikpik at buntot

2. Alin sa mga sumsusunod na hayop ang mayroong moist skin o


mamasa masang balat?
A. aso B. kalapati C. kuneho D.
palaka

3. Ano ang panakip sa katawan ng agila?


A. feather B. fur C. moist skin D. scales

4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ng hayop ay mayroong fur


o balahibo bilang panakip sa katawan?
A. pusa, bibe, ostrich B. tupa, tilapia, bangus
C. aso, hamster, tupa D. kuneho, palaka, aso

5. Nakakita kayo ng kaibigan mo ng isang ibon na hindi


makalipad dahil nasugatan ang pakpak nito. Nagboluntaryo ang
kaibigan mo na siya na ang gagamot dito. Ano ang maaari
mong imungkahi sa iyong kaibigan para gamutin ang pakpak ng
ibon?
A. Maghugas muna ng kamay bago gamutin ang pakpak ng
ibon.
B. Tiyakin na tama ang gamot na ilalagay sa pakpak na
nasugatan.
C. Humingi ng tulong sa nakatatandang kasama sa bahay upang
magamot nang tama ang pakpak ng ibong nasugatan.
D. Lahat ng nabanggit.
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang pagsubok Gawain 1


1. C 1. Himpapawid; feather o balahibo
2. D 2. Tubig; scales o kaliskis
3. A 3. Lupa; fur o balahibo
4. B 4. Tubig at lupa; shell o kabibe
5. D 5. Tubig at lupa; moist skin o mamamsa masang
Balik aral balat
1. A
2. B Gawain 2
3. C (Malayang paggawa ng mga bata. Ipakita sa iyong
4. C guro ang iyong gawa)
5. A
Panapos na Pagsubok Gawain 3
1. D (Malayang pag guhit ng mga bata. Ipakita sa iyong
2. D
guro ang iyong gawa)
3. A
1. fur o balahibo
4. C
2. shell o kabibe
5. D
3. feather o balahibo
Pagpapahalaga
4. scales o kaliskis
1. / 5. moist skin o mamamsa masang balat
2. /
3. X Paglalahat
4. X
(Malayang pag sasagot ng mga bata. Ipakita sa
5. /
iyong guro ang iyong sagot)

Sanggunian
A. Aklat

Sacastropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014.

Sacastropes, Arthur DC., et al. Science Teacher’s Guide 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2014.
B. Pampamahalaang Publikasyon

Dep Ed Most Essential Learning Competencies

C. Online o Elektronikang Pinagmulan


https://www.willyswilderness.org/post/why-do-animals-have-fur
https://www.exploratorium.edu/frogs/mainstory/frogstory2.html
https://animals.mom.com/giant-salamander-oxygen-1237.html
https://www.amnh.org/explore/ology/zoology/what-s-this-
breathing#:~:text=Most%20salamanders%20are%20like%20frogs,air%20and%20live%20on%20l
and.
https://www.reference.com/pets-animals/included-list-fish-scales-ca0a26d60f3d8983
https://www.reference.com/pets-animals/included-list-fish-scales-ca0a26d60f3d8983
https://bio.libretexts.org/Bookshelves/Introductory_and_General_Biology/Book%3A_Introduct
ory_Biology_(CK-12)/12%3A_Vertebrates/12.08%3A_Fish_Structure_and_Function
https://askinglot.com/are-oysters-born-with-shells
https://sanddollarshelling.com/seashells/seashell-facts/
https://coastalcare.org/educate/seashells/#:~:text=Clams%2C%20oysters%2C%20mussels%2
C%20cockles,and%20most%20are%20filter%20feeders.
https://www.science.org.au/curious/earth-environment/sea-shells
https://sanddollarshelling.com/seashells/seashell-facts/
https://sciencing.com/how-do-clams-produce-their-shells-13404494.html
https://www.worldatlas.com/articles/can-peacocks-fly.html
https://www.rspb.org.uk/birds-and-wildlife/natures-home-magazine/birds-and-wildlife-
articles/how-do-birds-survive/adapted-for-flight/how-do-feathers-work/
https://www.kpbs.org/news/2015/oct/05/nature-big-birds-cant-fly/

You might also like