You are on page 1of 16

Filipino 3

Filipino – Ikatlong Baitang


Unang Markahan – Modyul 4: Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat sa
Pagkalap ng Impormasyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Julie Talay Villegas
Editor: Cinderella I. Canja
Tagasuri: Leni D. Andres at Jennylin E. Corpuz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 3
Unang Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat
s sa Pagkalap ng Impormasyon
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino-Ikatlong Baitang ng Modyul
para sa araling Nagagamit ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat sa Pagkalap ng
Impormasyon!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-Ikatlong Batang Modyul ukol sa : Nagagamit


ang Iba’t Ibang Bahagi ng Aklat sa Pagkalap ng Impormasyon !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Nagagamit ang iba’t-ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyon.


Nilalayon din ng modyul na ito , na matutuhan ang mga bahaging
mapagkukunan ng impormasyon at magagamit sa pang-araw-araw upang
mahubog ang kaalaman at napapanahon ang ating mga nalalaman.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad sa


pangungusap tungkol sa impormasyong makikita sa
bawat bahagi ng aklat at Mali kung hindi.

_________1. Ang pabalat ay nagbibigay proteksyion sa aklat.


_________2. Makikita ang mensahe ng may-akda sa paunang
salita.
_________3. Ang pinakamahalagang bahagi ng aklat ay katawan
ng aklat.
_________4. Ang talaan ng nilalaman ay makikita ang mga
pangalan ng may-akda.
_________5. Sa talahuluganan ay nakatala ang mga mahihirap
na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga
ito.

BALIK-ARAL

PANUTO: Sagutin ang mga tanong pagkatapos basahin ang


kuwento.

Ang Alaga ni Roel


Sa panulat ni JTV
Si Roel ay mahilig sa hayop. Ang paborito niyang hayop ay aso. Kaya
naman niregaluhan siya ng kaniyang ninang Mercy ng tuta. Pinangalanan niya
itong Bullet. Lumaking mabait si Bullet. Kinagigiliwan ito ng mga kalaro ni
Roel. Kahit saan magpunta si Roel laging nakabuntot sa kaniya si Bullet.
Nagsisilbi siyang tagabantay nito. Bukod dito binabantayan din ni Bullet ang
mga alaga niyang manok. Mahal na mahal ni Arnel ang kaniyang alagang aso.
Isang araw naging matamlay si Bullet. Hindi ito kumakain. Lahat ng
paraan ginawa na ni Roel upang bumalik sa dating sigla ang kaniyang alagang
aso. Kinabukasan nagulat na lang siya sa balitang patay na ang mahal niyang
alaga. Lubos na nalungkot si Roel. Hindi na siya nakikipaglaro sa kaniyang mga
kaibigan.
Isang umaga dumating ang kaniyang ninang Mercy may dala ulit
siyang tuta. Tuwang-tuwa si Roel dahil may bago na naman siyang alaga.

1. Anong hayop ang tinukoy sa kuwento?


A. aso B. pusa C. manok
2. Sino ang may alaga kay Bullet?
A. Rudy B. Rodel C. Roel
3. Ano ang binabantayan ni Bullet?
A. manok B. pagong C. ibon
4. Bakit mahal na mahal ni Roel ang alaga niyang aso?
A. dahil ito ay masunurin
B. dahil matapang siya
C.dahil mabait si Bullet
5. Paano mo ipinapakita na mahal mo ang iyong alaga?
A. sinasaktan
B. inaalagaan
C. hindi pinapakain

ARALIN

Anong bagay ang nakikita sa larawan?


Handa ka na bang matukoy at malaman ang bahagi ng aklat at mga
impormasyong napapaloob dito? Alamin ang mga ito.

1. Pabalat - ito ang bahaging nagbibigay proteksyon sa aklat.


Makikita rito ang pamagat at pangalan ng may-akda.

2. Pahinang Pamagat - nakalahad dito ang pangalan o


pamagat ng aklat, ang may akda kasama ang
naglimbag o publisher.

3. Paunang Salita - dito nababasa ang mensahe ng may-akda


na nais iparating sa mga mambabasa. Taglay rin nito
ang mga kapakipakinabang o tip upang higit na
mabisa ang paggamit ng aklat.

4. Talaan ng Nilalaman – sa bahaging ito makikita ang talaan o


listahan ng lahat ng nilalaman ng aklat (mga yunit,
aralin at kasanayan) at saang pahina ito makikita.

5. Katawan ng Aklat - ito ang pinakamahalagang bahagi dahil


dito makikita ang nilalaman ng aklat.

6. Pahina ng Karapatang-ari - Makikita rito ang karapatang-ari ng


tagalimbag, kung ilang edisyon, kailan inilimbag, at
maikling impormasyon tungkol sa may-akda.

7. Talahuluganan o Glosari - Dito nakatala ang mga mahihirap na


salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan ng mga ito.
Nakaayos ito ng paalpabeto.

Halimbawa:
Suriin ang impormasyong makikita sa paunang pahina.
Itala natin ang mga sumusunod:
Pamagat: ______________
Mga May-akda: ___________
Karapatang-ari: ____________
Yamang Filipino
Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino

Emilia L. Banlaygas
Eleanor D. Antonio
Mga May-akda/Koordineytor

Sheryl D. Antonio
Evangeline M. Dallo
Mga May-akda

Published & Distributed by:


REX Book Store
856 Nicanor Reyes, Sr. St.
Tel. Nos. 736-05-67 . 73513-64
1977 C.M. Recto Avenue
Tel. Nos. 735-55-27 . 735-55-34
Manila, Philippines
www.rexpublishing.com.ph
Binagong Edisyon

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay Bilang 1
PANUTO: Piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang.

Talaan ng Nilalaman Pabalat Paunang Salita


Talahuluganan Katawan ng Aklat

Pangalan – tawa sa ngalan ng tao,


hayop, bagay, pook at pangyayari
Mga Uri ng Pangngalan
1. Pantangi – mga tiyakna ngalan ng tao,
hayop, bagay, at pook
Nagsisimula sa malaking letra
Hal. Yamang Filipino 3, Allan, Baguio
2. Pambalana – mga di tiyak na ngalan
ng tao, hayop, bagay at pook.
Nagsisimula sa maliit na letra
Hal. aklat, bata, lungsod

_____________1.
JTV Book Store

Ang Mahiwagang Kahon


.

Julie T. Villegas
Joyce T. Caranguian
Mga May-akda

________________________________ 2.

Kumusta?
Handa ka na bang bumasa at
sumulat sa wikang Filipino?
Ang kagamitang ito ay sadyang
para sa iyo. Ito ang magiging kasama
mo sa pag-aaral mo na bumasa at
sumulat sa wikang Filipino.
Ang mga gawain dito ay hinati sa
apat nay unit. Ang bawat isa ay nag-
lalaman ng mga gawain upang higit
mong maunawaan ang mga aralin sa
klase nang may kasiyahan.
______________________ 3.

Yunit III: Ako at ang Aking Bansang Pilipinas


Aralin 19: Magkasalungat na Salita …………… 198
Mahahalagang Detalye ……………. ...208
Paglalarawan ng Tauhan at Lugar …. 207
Aralin 20; Mga Tunog sa Isang Pantig ………….210
Kulay, Laki, at Hugis ng Isang Bagay …213
Aralin 21: Pagsunod-sunod ng mga Salita nang
Paalpabeto……………………………….216
Paglalarawan ng Katangian ng Tao, Lugar
at Bagay
Watika ……………………………………..219
Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari
sa Kuwento ……………………………….222
Pagsulat
________________________ 4.
pambihira - kakaiba
abswelto – napawalang sala
alituntunin – batas o regulasyon
dalubhasa – eksperto
itinatangis – iniiyakan
katoto – kaibigan
nangamba – nag-alala
______________________ 5.

Pagsasanay Bilang 2

PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek ()


kung wasto ang isinasaad sa bawat bahagi ng aklat at
ekis (x) kung hindi wasto.
________1. Sa paunang salita nababasa ang mensahe
ng may-akda sa mga mambabasa.
________2. Ang pabalat ay bahaging nagbibigay proteksyon sa
aklat. Makikita rito ang pamagat at pangalan ng may-
akda.
________3. Sa talahuluganan o glosari ay nakatala ang mga
mahihirap na salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan
ng mga ito. Nakaayos ito ng pa-alpabeto.
________ 4. Ang talaan ng nilalaman ay ang bahagi ng aklat na
makikita ang talaan o listahan ng lahat ng aklat (mga
yunit, aralin at kasanayan) at kung saang pahina ito
makikita.
________ 5. Ang katawan ng aklat ang pinakamahalagang
bahagi ng aklat dahil dito makikita ang nilalaman ng
aklat.

Pagsasanay Bilang 3

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Talaan ng Nilalaman
Yunit I: Ako at ang Aking Paaralan
Aralin 1: Pagtukoy ng kahulugan ng mga Salita ………. 2
Pamagat, May-akda at Tagaguhit…………….. 5
Pagtatanong Tungkol sa Isang Larawan ………8
Pagbasa ng Mapa………………………………..11
Aralin 2: Pagbibigay- Kahulugan sa mga Salita………..15
Mga Tunog ng Alpabetong Filipino……………18

1. Anong bahagi ng aklat ang iyong binasa?


A. Katawan ng Aklat
B. Talaan ng Nilalaman
C. Paunang Salita
2. Ano ang pamagat sa Yunit 1?
A. Ako at ang Aking Paaralan
B. Pagtukoy ng Kahulugan ng mga Salita
C. Pagtatanong Tungkol sa Isang Larawan
3. Ilang aralin ang napapaloob sa Yunit 1?
A. isa B. dalawa C. tatlo
4. Anong pahina makikita ang “Pagbasa ng Mapa”?
A. 11 B. 15 C. 18
5. Anong pamagat ang makikita sa pahina 5?
A. Pagtatanong Tungkol sa Larawan
B. Pagtukoy ng kahulugan ng mga Salita
C. Pamagat, May-akda at Tagaguhit

PAGLALAHAT

PANUTO: Isulat ang Tama kung natutuhan mo at Mali kung hindi.

_______ 1. Natutuhan mong alamin ang mga bahagi ng aklat.


_______ 2. Nalaman mo ang mga impormasyong makikita sa
bawat bahagi ng aklat.
_______ 3. Sinuri ang mga aklat batay sa mga impormasyong
hinihingi nito.
_______ 4. Natutuhan mong mahalaga ang bawat bahagi ng
aklat.
_______ 5. Ang aklat ay nakapagbibigay ng impormasyon at
hinuhubog nito iyong kaalaman.

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Isulat ang hugis puso kung ang pangungusap ay


wasto at biyak na puso kung hindi wasto.

________ 1. Ang aklat ay ingatan at alagaan.


________ 2. Guhitan ang aklat.
________ 3. Lagyan ng pabalat ang aklat.
________ 4. Pilasin ang bahagi ng aklat na magustuhan
________ 5. Magpasalamat sa anumang bagay na natatanggap
katulad ng aklat.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang katawan ng aklat ang pinakamahalagang bahagi ng


aklat dahil dito makikita ang ____________ ng aklat.
A. nilalaman B. pahina C. may-akda
2. Dito nakatala ang mga mahihirap na salitang ginamit sa aklat
at ang kahulugan ng mga ito.
A. pabalat B. talahuluganan C. talaan ng nilalaman
3. Ang paunang salita ay nababasa ang ____________ ng may-
akda sa mga mambabasa.
A. layunin B. alituntunin C. mensahe
4. Ano ang makikita sa pabalat?
A. pamagat at may-akda
B. yunit, aralin at kasanayan
C. mga mahihirap na salita at kahulugan nito
5. Ang _______________ ay makikita ang listahan ng lahat ng
nilalaman ng aklat (mga yunit, aralin at kasanayan) at kung
saang pahina ito makikita.
A. pahina ng karapatang-ari
B. pahinang pamagat
C. talaan ng nilalaman
5. B
5. Tama
Pagsasanay Bilang 3
1. B
2. A
3. B
4. A
5. C
Paglalahat
1. Tama
2. Tama
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Pagpapahalaga
1.
2.
3.
4.
5.
SUSI SA PAGWAWASTO
3. Tama 3. A
2. Tama 2. C
1. Tama 1. A
5. C Pagsasanay Bilang 2 Balik-aral
4. A 5. Mali
5. Talahuluganan
3. C 4. Talaan ng Nilalaman 4. Mali
2. B 3. Paunang Salita 3. Tama
2. Pabalat 2 Tama
1. A 1. Katawan ng Aklat
1. Tama
Panapos na Pagsusulit Pagsasasanay Bilang 1
Paunang Pagsubok

Sanggunian
AKLAT
Emilya L. Banlaygas, Eleanor D. Antonio, Sheryl D. Antonio, Evangeline M.
Dallo, Yamang Filipino 3 , Sampaloc, Manila, REX Book Store, Inc, 2017 pah.
10-11
LiGhT ArOhL Follow. 2014. “K TO 12 GRADE 3 LEARNER'S MATERIAL
IN FILIPINO.” LinkedIn SlideShare. July 5, 2014 pah. 13-14
https://www.slideshare.net/lhoralight/filipino-36652316.

Dep Ed Most Essential Learning Competencies F3EP-Ib-h-5, F3EP-IIa-d-5


DIDYITAL LARAWAN
Rex Interactive. Accessed June 24, 2020.
http://www.rexinteractive.com/~rexinter/imdownloader.php?c=1.

News, ABS-CBN. 2018. “Failon Ngayon: Mali-Maling Libro.” ABS. August


13, 2018. https://news.abs-cbn.com/news/08/13/18/failon-ngayon-mali-maling-
libro.

“Yamang Filipino 3 - [PDF Document].” n.d. Fdocument.pub. Accessed June


24, 2020. https://fdocument.pub/document/yamang-filipino-3.html.
Yuki, Julliane. n.d. “Red Heart Vector, HD Png Download - Kindpng.”
KindPNG.com. Accessed June 25, 2020.
https://www.kindpng.com/imgv/ixRhxxo_red-heart-vector-hd-png-download/.

“Broken Heart.” 2020. Wikipedia. Wikimedia Foundation. June 20, 2020.


https://en.wikipedia.org/wiki/Broken_heart.

“Collection of Number 3 Clipart Black And White (23).” n.d. Free Number 3
Clipart Black And White, Download Free Clip Art, Free

Clip Art on Clipart Library. Accessed July 6, 2020. http://clipart-


library.com/free/number-3-clipart-black-and-white.html.
Globe-Views.com. n.d. “Box - Meaning of Dream.” Interpretation of a Dream
in Which You Saw "Box". Accessed July 6, 2020. http://globe-
views.com/dreams/box.html.

You might also like