You are on page 1of 14

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Aralin- IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA
PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o KOMENTARYO

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: MARIANNE L. LUCAS
Editor: ADELA S. CRUZ, MT I
Tagasuri: PAUL JOHN S. ARELLANO AT JOSEFINA T. SALANGSANG, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8

Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA
IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o KOMENTARYO
Manunulat: MARIANNE L. LUCAS
Tagasuri:ADELA S. CRUZ, MT I
Editor: PAUL JOHN S. ARELLANO AT JOSEFINA T. SALANGSANG, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 3 para sa Aralin 3.1
IBA’T IBANG ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA PAGSULAT
NG BALITA o KOMENTARYO
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 3 ukol sa Aralin IBA’T IBANG


ESTRATEHIYA SA PANGANGALAP NG MGA IDEYA SA PAGSULAT NG BALITA o
KOMENTARYO!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo


mo ang sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:

 Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa

Layuning Pampagkatuto:

1. Nailalahad ang mga gabay sa wastong pagpili ng mapagkakatiwalaang mga


website sa pananaliksik
2. Naiisa-isa ang mga maaaring pagkuhanan ng mga ideya at datos (Internet,
Aklat, Survey, Videos, atbp)
3. Natatalakay ang mga hakbang sa pagsulat ng balita at komentaryo upang
makasulat ng alinman sa mga ito hinggil sa napapanahong isyu ng lipunan
gamit ang mga nakalap na ideya.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto:Piliin sa kahon ng pagpipilian ang salitang tinutukoy sa
bawat bilang.

Balita Telebisyon Aklat Dagli Sarvey


Kuro-kuro Komentaryo Internet

_______________1. Isang pandaigdigang network ng kompiyuter na nagbibigay ng


iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon
_______________2. Ito ay pagsisiyasat upang kumalap ng mga opinyon at
karanasan sa pamamagitan ng pagtatanong.
_______________3. Nakalimbag o nakasulat sa mga pahinang pinagsama na
naglalaman ng mga impormasyon o mga datos.
_______________4. Ito ay anomang pangyayaring hindi karaniwan hinggil sa
lipunan na naganap, nagaganap o magaganap pa lamang
_______________5. Pasulat na pagpapahayag ng mapanuring opinyon o
pagpapaliwanag tungkol sa partikular na pangyayari o paksa

6
BALIK-ARAL
Panuto: Piliin ang titik ng katumbas na Popular na Babasahin na
tinutukoy sa bawat bilang.

A. Tabloid B. Magasin C. Komiks D. Dagli

1. Ang babasahin na ito ay mas kakaunti ang mga salita ngunit ito ang may
pinakamaraming ang mga larawan/piktyur.

2. Nagtataglay ng pormal na salita ang babasahing ito, mayroon din itong


seryosong tono dahil tungkol ito sa mga balita.

3. Ang mga pangungusap sa popular na babasahin na ito ay nasa anyong


pasalaysay dahil ito ay pinaikling kuwento.

4. Mayroong pinagsamang ginuhit na mga larawan at lobo ng diyalogo ang


babasahing ito.

5. Ang babasahing ito ang may pinakamagandang kalidad ng papel sa lahat


ng popular na babasahin, makulay, makapal at matibay.

ARALIN
Iba’t ibang Estratehiya sa Pangangalap ng mga Ideya sa Pagsulat ng
Balitang Komentaryo
Sa simula ng araling ito, mahalagang malaman mo muna kung ano ang kahulugan
at katangian ng Balita at Komentaryo.

Ano ang Balita


Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay na
naganap, nagaganap, o magaganap pa lamang tungkol sa lipunan. Ang
mahahalagang salik ng balita ay (a)mga pangayayari o detalye nito, (b)kawilihan,
at (c)mambabasa. Ito rin ay may katangiang (a)may ganap na
kawastuhan paktual o tunay na pangyayari, (b)napapanahon at may diin
sa katotohanan, (c)walang kinikilingan, (d)maikli, at (e)malinaw.

Basahin ang halimbawang balita na ito:


“GCQ pa more, hirit ng Metro Manila mayors”
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - September 1, 2020 - 12:00am

Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang


rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ)
sa National Capital Region (NCR).

7
Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin
Olivarez na napagkasunduan ng 17 mayors sa ginanap nilang pulong na
pinagbatayan sa kanilang rekomendasyon sa IATF na kailangang mabalanse ang
‘health’ at ‘economy’
“Ang pinagbasehan po nyan yung pagbubukas natin ng ekonomiya
na dahan-dahan, na hindi pwedeng i-compromise ang ating health protocol, hirap
na hirap na po ang ating mga kababayan,” ani Olivarez.
Inaasahan namang ito rin ang irerekomenda ng IATF kay Pangulong Rodrigo
Duterte na magdedesisyon kung anong quarantine status ang ipatutupad ngayong
Setyembre 1.
Napag-usapan din aniya, sa pulong ng MMC na paikliin na
lamang ang curfew hours na mula sa alas- 8 ng gabi hanggang alas-5 ng
madaling araw ay gagawing alas- 10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw.
Patuloy din aniya ang gagawing pagpapaigting sa critical care capacity
sa pamamagitan ng pagtatayo pa ng mga isolation facilities para sa may mga
mild cases at suspected cases ng coronavirus diseases 2019 (COVID-19). Itutuloy
din ang pagpapatupad ng localized lockdown sa ilang lugar na matutukoy na
may clustering cases dahil sa pagkakahawaan.

Ano ang Komentaryo?


Ang komentaryo ay ang malayang pagpapahayag ng mga salita salig sa isang
usapin o isyu na maaaring mainit na tinatalalakay sa publiko o maging sa mga
isyung matagal nang umiiral. Depende sa uri ng komentaryo na
gagawin, maaaring masusing komentaryo o mapanira.
Kung minsan kasi ay hindi maiwasang pumanig ang isang komentarista
sa mga isyung pinag-uusapan. At kung nangyari ang bagay na ito, maaring
hindi balanse ang mga komento niya sa isyu.
Kadalasang naisasagawa ang komentaryo sa tv sa radyo, pahayagan,
at ngayon ay sa mga social media sa internet.

Basahin ang halimbawang komentaryo na ito:


“Mga Bagong Bayani ang Heath Frontliners”
BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon)
September 1, 2020 - 12:00am (Bahagi lamang)

Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging


tampok sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay
parangal sa medical frontliners. Malaki ang naging ambag ng mga doctors,
nurses, medical staff at iba pa para sagipin ang buhay ng mga Pinoy na tinamaan
ng COVID-19.
Kabilang din sa frontliners ang mga pulis at sundalo. Halos walang
oras silang naka-deployed sa lansangan para proteksiyunan ang
sambayanan. Kaya pinupuri ko sina Philippine National Police Deputy Director
for Operation Lt. Gen. Guillermo Eleazar at National Capital Region Police
Office chief MGen. Debold Sinas sa sakripisyong ipinamalas nila sa sambayanan.

8
Halos hindi na sila natutulog upang masiguro na naipatutupad ang
health protocol ng IATF. Ang masama lang dito, mukhang sila pa ang
pinupuntirya ng ilang ambisyosong PNP officials na naghahangad sa puwesto
ni PNP chief Gen. Archie Gamboa na magreretiro ngayong buwan.
Karapat-dapat talagang bigyan ng pagpapahalaga ang serbisyo ng
ating medical team sa lahat ng dako ng bansa. Sila ang mga bagong bayani
ng bansa sa panahon ng pandemya. May mga doctor, nurses at medical staff
ang nanawagan ng “time out” dahil pagod na sila sa pag-asikaso sa mga
tinamaan ng sakit. Kaya panawagan nila sa sambayanan na sumunod sa
health protocol upang maiwasan ang hawahan. Kaya mga suki, palaging
magsuot ng face mask, face shield at pairalin ang social distancing para
makaiwas sa sakit.
Ang mga darating na OFWs at LSIs ay susunduin ng mga provincial
medical team at isasakay sa ambulansiya na magdadala sa kanila sa
quarantine facilities. Kaya wala munang kaanak na makakahalubilo ang mga
ito upang maiwasan ang physical contact. Kaya may panawagan ako kina
Contreras at Dadivas na pag- usapan na lang ninyo nang maayos ang gusot
upang ang kaayusan at kaligtasan ng Capiz ay masiguro.

Mga Gabay at Maaaring Pagkuhanan ng Ideya o Datos sa Pagsulat ng


Balita o Komentaryo

1. Internet- ito ay isang pandaigdigang network ng kompyuter na nagbibigay


ng iba’t ibang impormasyon at pasilidad na pangkomunikasyon. Ang google
at yahoo ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino sa pagsasaliksik ng
mga impormasyon na nais nilang malaman. Ang mga ito ay nakakonekta
sa iba’t ibang platforms ng internet na maaari sayong makapagbigay ng
mga kaalaman mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ngunit
kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng kredibilidad at
awtensidad ng mga nakalagay na impormasyon dito. Kinakailangan na ito
ay mula sa pinagkakatiwalaang ahensya, grupo, o indibidwal na espesyalista
o dalubhasa sa paksa o larang.
2. Aklat- Ang aklat ay isa sa mga pinaka-una at batayang pinagkukuhanan
ng impormasyon noon hanggang ngayon. Ito ay nakalimbag o nakasulat
sa mga pahinang pinagsama na naglalaman ng mga impormasyon
o mga datos. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi obsolete
o masyado nang luma. Hangga’t maaari ay hindi lalampas 10-20 taon ang
tagal mula sa pagkakalimbag nito. Kasama ng mga aklat ang iba pang
mga printed sources gaya ng dyornal o pahayagan.
3. Sarvey - Isa itong talatanungan na nakalimbag o maaaring elektroniko
na naglalayong makuha ang pangkalahatang opinyon ng grupo ng mga tao.
Madalas itong ginagamit sa pananaliksik upang bigyan ng interpretasyon
ang mga numero mula rito. Ngunit may mga sarvey din naman na ang mga
sagot na pahayag ang binibigyan ng diin dito.
4. Panayam o Intervyu - Ito naman ay ang tahasang pagtatanong sa
isang indibidwal o grupo na dalubhasa o may sapat na kaalaman sa
isang paksa. Maaaring isulat o di kaya’y i-rekord sa pamamagitan

9
ng video o audio ang pagtatanong ng tagapanayam at ang sagot ng
kinakapanayam, ngunit huwag kalimutang humingi ng pahintulot.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita o Komentaryo


1. Pumili ng napapanahong paksa - Mahalaga na ikaw ay magmasid sa
iyong paligid, mula sa iyong mga nababasa naririnig, nakikita at napapanood.
Anong suliranin o pangyayari sa lipunan ang tumawag ng iyong pansin at
sa tingin mo ay matutuwa kang malaman ang mga impormasyon at
katotohanan tungkol dito?
2. Magsaliksik- Sa bahagi namang ito ay maaari kang magsaliksik sa iba’t
ibang pagkukuhanan ng ideya o datos tulad ng internet, aklat, dyornal,
pahayagan, sarvey, o intervyu. Basahing mabuti ang iyong pinagkukuhanan
at isulat ang mahahalagang impormasyon na sa tingin mo ay makatutulong
sa iyong balita o komentaryo. Mahalagang makuha mo ang mga sagot sa
tanong na ANO, SINO, SAAN, KAILAN, at BAKIT.
3. Lumikha ng iyong burador - Ang lahat ng manunulat ay gumagamit ng
burador o scratch paper. Mula sa mga detalye na iyong nasaliksik. Lagyan
mo ng bilang o numero kung ano ang pinaka-importante hanggang sa di-gaanong
mahalaga. Ang balita at komentaryo ay nagtataglay ng tinatawag na
PAMATBUNAY o Lead.

Pamatnubay - ito ang pinakamahalagang bahagi ng balita sapagkat ito ay


unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit sa mambabasa dahil ito ay
ang buod. Ngunit maaaring ito ay isang salita lamang, lipon ng mga salitang
panghihikayat ng interes ng mambabasa, o isang parapo o talata.
Halimbawa:
“Nagkaisa ang lahat ng alkalde ng Metro Manila sa kanilang
rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging
Infectious Diseases na mapalawig pa ang general community quaratine (GCQ) sa
National Capital Region (NCR).” (Pamatnubay sa Balita)
“Kahapon ginunita ang Araw ng mga Bayani sa buong bansa naging tampok
sa lahat ng programa ng mga local government units ang pagbibigay parangal sa
medical frontliners.” (Pamatnubay sa Komentaryo)

4. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo - Ang mga bahaging ito ay


ay simula (pamatnubay), katawan, at wakas. Tandaan na sa pagsulat ng
balita, iwasan ang masyadong mahabang talata. Maaari itong putolin upang
bumuo ng bagong talata. “Isang ideya = isang talata.” Gumamit ng mga
transitional devices upang mapag- ugnay-ugnay ang mga talata gaya ng
mga salitang: una, ikalawa, sumunod, sa kabilang banda, gayunpaman,
bilang pagwawakas, at iba pa
5. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa - Mahalaga na basahin mo
ang sarili mong gawa upang makita mo ang ilang mga kamalian sa
ispeling, pagbabantas, o nilalaman na sa tingin mo ay kailangang alisin
o dagdagan. Maaari din na ipabasa mo ito sa iyong magulang, kapatid,
o kasama sa bahay na may kakayahang sumuri ng kalakasan at
kahinaan ng iyong gawang balita o komentaryo.

10
MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1: Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa bawat bilang

__________________1. Ang balita ay kinakailangang napapanahon, makatotohanan,


at walang kinikilingan
__________________ 2. Ang komentaryo naman ay nagtataglay ng saloobin hinggil
sa isang paksa na kinakailangang mapanira lamang.
___________________3. Sa pagsasagawa ng intervyu, kahit sinong tao ay
maaari mong tanungin o kapanayamin hinggil sa paksang iyong
napili.
___________________4. Kahit anong aklat ay maaari mong gamitin sa iyong
pagsulat.
___________________5. Ang sarvey ay isa sa mga mapagkakatiwalaang
puwedeng pagkuhanan ng detalye.

PAGSASANAY 2: Pagsunod-sunorin ang mga hakbang sa pagsulat ng balita


o komentaryo sa pamamagitan ng paglalagay ng bilag 1 hanggang 5 sa
patlang bago ang titik.

________A. Lumikha ng burador


________B. Basahin at irebisa ang sarili mong gawa
________C. Pumili ng napapanahong paksa
________D. Buoin ang bahagi ng balita o komentaryo
________E. Magsaliksik

PAGSASANAY 3: Bumuo ng sariling gawang balita o komentaryo


hinggil sa napapanahong balita sa iyong kapaligiran. Gawing gabay ang
rubriks sa ibaba.

PRODUKTO SA PAGGANAP – Pagsulat ng Balita o Komentaryo

Grasp
Naglunsad ng patimpalak sa pagsulat ng balita at komentaryo sa
Filipino ang GMA NEWS Department sa pakikipag-ugnayan sa Kagawaran ng
Edukasyon (DepEd). Bukas ito sa lahat ng mag-aaral sa ika-8 baitang.
Layunin ng patimpalak na ito na tumuklas ng mga batang may angking
husay sa pagsulat ng balita at komentaryo sa Filipino.
Ang magwawagi ay magiging bahagi ng ilulunsad na programang balitaan
para sa mga kabataan sa platform ng Facebook.
Ang unang antas ng paligsahan ay sa paaralan isasagawa kaya ikaw at
ang iyong mga kaklase ay lalahok dito. Ang iyong gawa ay huhusgahan ayon
sa rubrik na nakalahad sa ibaba:

11
KAILANGAN
NAPAKA-
PAMANTAYAN MAHUSAY KATAMTAMAN NG PAGSA-
HUSAY
SANAY
Anyo (may 5 4.5 4 2
simula, gitna, at
wakas
Nilalaman ng 5 4.5 4 2
balita/Komentar
yo ayon sa
nasaliksik
Daloy ng mga 5 4.5 4 2
impormasyon
Makatotohanan 5 4.5 4 2
Napapanahon 5 4.5 4 2

PAGLALAHAT

Alam kong marami kang natutuhan sa pagtatapos ng araling ito. Ano ang
sa tingin mong pinakamahalagang bagay na natutuhan mo sa araling ito

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Ano sa tingin mo ang gampanin at kahalagahan ng pagsulat ng


balita sa paghubog ng kaasalan ng mga kabataang tulad mo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain at mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang


titik ng tamang sagot.

__________1. Ang ay ang malayang pagpapahayag ng


mga salita salig sa isang usapin o isyu na maaaring mainit na
tinatalalakay sa publiko o maging sa mga isyung matagal nang umiiral.
A. Balita
B. Komentaryo
C. Pamatnubay
D. Burador

__________2. Ang ______________________ ang pinakamahalagang bahagi ng balita


sapagkat ito ay unang pinagtutuunan ng pansin at siyang umaakit
sa mambabasa dahil ito ay ang buod.
A. Komentaryo
B. Balita
C. Burador
D. Pamatnubay
__________3. Siguraduhin lamang na ang aklat na ito ay hindi _____________ o
masyado ng luma.
A. Obsolete
B. Makabago
C. Makapal
D. legit
__________4. Ang ___________________ ay talatanungan na nakalimbag o
maaaring elektroniko na naglalayong makuha ang pangkalahatang
opinyon ng grupo ng mga tao.
A. Internet
B. Aklat
C. Sarvey
D. panayam
__________5. Ngunit kinakailangang maingat sa pagsuri at pagtukoy ng _________
ng mga nakalagay na impormasyon sa internet.
A. Awtentisidad
B. Kahusayan
C. Kasamaan
D. daloy

13
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian

14

You might also like