You are on page 1of 16

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Florante at Laura Saknong 27-68
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Wendy E. Tierra
Editor: Joanna Marie L. Martirez
Tagasuri: Danilo L. Ungos at Vera-Janice V. Tamundong
Tagalapat: Wendy E. Tierra
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
8
Filipino
Ikaapat na Markahan
Modyul 5 para sa Sariling Pagkatuto
Florante at Laura Saknong 27- 68
Manunulat: Wendy E. Tierra
Tagasuri: Danilo L. Ungos at Vera - Janice V. Tamundong
Editor: Joanna Marie L. Martirez
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino – 8 na baitang Modyul
para sa araling Florante at Laura Saknong 27-68.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino-8 Modyul ukol sa Florante at Laura


Saknong 27-68. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang matatamo mo ang kasanayan at mga


layuning pampagkatuto:
Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat
saknong na binasa.
Mga Layuning Pampagkatuto:
• Natutukoy ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa mga binasang saknong.
• Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari sa mga binasang saknong.
• Nailalahad ang damdamin at saloobin ng bawat tauhan batay sa ginampanan
nila sa mga binasang saknong.

PAUNANG PAGSUBOK
Sagutin mo ang mga paunang pagsubok. Susukatin lamang nito ang iyong kaalaman
hinggil sa paksang pag-aaralan. Magiging batayan ito sa kung paano pagyayamanin
ang iyong kaalaman sa paksa.

Panuto: Piliin ang tinutukoy ng sumusunod na pahayag. Bilugan ang titik ng


wastong sagot.

1. Inakala niyang pinagtaksilan siya ng kasintahan.


A. Laura B. Aladin C. Florante D. Konde Adolfo
2. Inihahanda at inaayos niya ang mga kagamitang pandigma ni Florante.
A. Reyna Floresca C. Duke Briseo
B. Prinsesa Laura D. Menandro
3. Nakikilala ni Laura si Florante mula sa pakikidigma dahil sa kasuotan nito.
A. turbante na may titik L C. plumahe na may titik L
B. baluti na may titik L D. turbante na may titik F
4. Dinadala ni Laura sa lugar na ito si Florante para maaliw.
A. asotea B. hardin C. plasa D. gubat
5. Hiniling ni Florante sa taong ito na kunin na ang lahat huwag lamang ang
kanyang kasintahan.
A. Heneral Meramolin C. Konde Adolfo
B. Sultan Ali- Adab D. Aladin

Ilan ang nakuha mong iskor? Mababa ba? Ayos lang yan, ibig sabihin marami ka pang
matututuhan sa aralin natin ngayon.
BALIK-ARAL

Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin sa Florante at Laura?


Naghanda ako ng ilang katanungan upang masukat ang talas ng iyong isipan
ukol sa nakaraang aralin. Handa ka na ba?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay hango sa
nakaraang aralin, lagyan ng tsek ( ) ang patlang at ekis ( ) naman kung hindi.

____________1. Hindi naghinanakit si Florante sa Maykapal sa hindi Nito pagdinig sa


kanyang pakiusap.
____________2. Nananawagan si Florante sa Diyos na saklolohan ang Albania na
pinananahanan ng kasamaan.
____________3. Dahil sa ambisyon at kasakiman sa kapangyarihan, nagsabog si
Konde Adolfo ng kasamaan sa Albania.
____________4. Iniluluklok ni Konde Adolfo sa kaharian ang mga nagsabi ng
katotohanan.
____________5. Naniniwala si Florante na walang nagaganap sa lupa na hindi
kagustuhan ng Diyos kung hindi para sa kapakanan ng sangkatauhan.

ARALIN

Naranasan mo na ba ang magselos? Kanino at bakit? Maraming dahilan kung


bakit nagseselos o naninibugho ang isang tao.
May iba’t iba ring ibinubunga sa bawat tao ang paninibugho. Sa pagbasa sa
mga saknong sa ibaba, tuklasin mo kung sino nga ba ang nakaramdam ng
paninibugho at ang kanyang dahilan para maramdaman ito?
Suriin mo rin sa mga pangyayari ang maaaring ibunga ng kanyang panibugho
PABATID:

Maaring i-click ang URL upang mapanood ang kabuoang video ng aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=x6lIK1vDcRA

Masasabi mo bang ikaw ay isang tapat na tao? Naranasan mo na ba ang


mapagtaksilan? O masyado ka lamang nag-iisip na pinagtataksilan ka kahit na
hindi mo man lang nalalaman ang tunay na pangyayari?
Tiwala, iyan ang isang salitang aalamin natin kung ito ba ay naipakita ni Florante
sa kanilang ugnayan ni Laura o katulad din ng iba na sa tindi ng hirap na
nararanasan ay nadadaig ang kanilang pagtitiwala sa minamahal?
PABATID:

Maaring i-click ang URL upang mapanood ang kabuoang video ng aralin.
https://www.youtube.com/watch?v=YEEBvDPA0Ss

MGA PAGSASANAY

Nagustuhan mo ba ang aralin na iyong binasa? Naramdaman mo rin ba ang


damdaming nangibabaw kay Florante sa tula?

Alam kong binasa at naunawaan mong mabuti ang tula, kaya tiyak na masasagutan
mo ang mga pagsasanay na inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali
lang ang mga ito. Makatutulong kung uunawain mong mabuti ang mga panuto sa
bawat gawain o pagsasanay.

GAWAIN 1
PANUTO. Tukuyin ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa bawat saknong. Piliin
ang titik ng tamang sagot sa kahong nasa baba.

Mga Saknong Kaisipan


30“Kung apuhapin ko sa sariling isip
ang suyuan namin ng pili kong ibig,
ang pagluha niya kung ako’y may hapis
nagiging ligaya yaring madlang sakit.”
31“Nguni, sa aba ko, sawing kapalaran!
ano pa’ng halaga ng gayong suyuan . . .
kung ang sing-ibig ko sa katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan?”
32“Sa sinapupunan ng Konde Adolfo
aking natatanaw si Laurang sinta ko,
kamataya’y nahan ang dating bangis mo
nang di ko damdamin ang hirap na ito?”
39”Ay, Laurang poo’y bakit isinuyo
sa iba ang sintang sa aki’y pangako,
at pagliluhan ang tapat na puso,
pinaggugulan mo ng luhang tumulo?”
40“Di sinumpaan mo sa harap ng Langit
na di maglililo sa aking pag-ibig?
ipinabigay ko naman yaring dibdib
wala sa gunita itong masasapit!”
Pagpipiliang Kaisipan:

A. Labis na sakit ang naramdaman ni Florante sa pagtataksil ng kasintahan.

B. Hindi inakala ni Floranteng darating ang panahon na magtataksil si Laura


sa kanya.

C. Kasiyahang nararamdaman ni Florante kapag nag-aalala si Laura dahil


tanda ito ng pagmamahal ng dalaga.
D. Balewala ang masasayang alaala kung ang taong mahal mo’y nasa piling
na nang iba.

E. Mas mainam pa ang kamatayan kaysa makitang nasa piling nang iba ang
taong mahal niya.

GAWAIN 2:
PANUTO. Tukuyin ang damdamin na ipinahihiwatig ng mga tauhan sa bawat
saknong at kung kanino ito ipinapatungkol. Gamitin ang tsart sa ibaba.
Mga Saknong Damdamin Kanino
patungkol?
48“Pahihiyasan mo ang aking turbante ng
perlas, topasyo’t maningning na rubi, bukod _____________ ______________
ang magalaw na batong d’yamante puno ng
ngalan mong isang letrang L.”
49“Hanggang ako’y wala’t nakikipaghamok
_____________ ______________
nag-aapuhap ka ng pang-aliw-loob, manalo
man ako’y kung bagong nanasok nakikita
mo na’y may dala pang takot.”
62“Sa ibang kandunga’y ipinagbiyaya ang
pusong akin na at ako’y dinaya, buong pag-
ibig ko’y ipinanganyaya nilimot ang sinta’t _____________ ______________
sinayang ang luha.
63“Alin pa ang hirap na di nasa akin?
may kamatayan pang di ko daramdamin?
ulila sa ama’t sa inang nag-angkin _____________ ______________
walang kaibiga’t nilimot ng giliw.”
66 “O Konde Adolfo’y inilapat mo man sa
akin ang hirap ng sansinukuban, ang
kabangisan mo’y pasasalamatan, ang puso
ni Laura’y kung hindi inagaw!” _____________ ______________
GAWAIN 3
PANUTO. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Ano ang higit na nagpapahirap kay Florante?

______________________________________________________________________________
2. Bakit naniniwala si Florante na nagtaksil si Laura?
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Sa palagay mo, ano ang lumalason kay Florante para paghinalaan niyang
nagtaksil si Laura?
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Mayroon ba talagang dapat pagselosan si Florante? Patunayan.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Ano-ano ang naidudulot ng panibugho sa buhay ng tao?


______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Gawain 1: Panuto. Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa binasang saknong


gamit ang grapikong pantulong sa ibaba.

Kung paano ipinakita ni Laura ang kanyang pagmamahal kay Florante


ayon sa naaalaala nito.

1._____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____

2. ____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____
3. ____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
__

4. ____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
____
5. ____________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Gawain 2: Panuto. Bumuo ng konsepto mula sa mga natutuhan sa buong aralin
sa pamamagitan ng pagdudugtong sa patlang na nasa baba.

Ang paninibugho o pagseselos ay _________________________________

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
_____________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Kapuri-puri ang ipinamalas mong pagsisikap sa pag-aaral ng ating paksa. Ngunit


hindi pa dito nagwawakas ang lahat, kailangan mong buuin ang impormasyong
hinihingi sa ibaba.

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag.

Kung ako si Florante, ang dapat kung gawin ay_________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Kung ako si Laura, ang dapat kung gawin ay ____________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

Kung ako si Adolfo, ang hindi ko dapat gawin ay_________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin sa pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang nasa biluhaba.


Isulat ang sagot sa patlang.
1. Hindi na dapat pagkatiwalaan ang taong lilo.

taksil
__________
2. Lubhang tinatangisan ni Florante ang mga kasawian sa buhay.

iniiyakan
__________
3. Dinaan ni Adolfo sa dahas ang katuparan ng kanyang pangarap.
_________ bagsik
4. Tunay na mababakas sa anyo ni Florante ang dalita dala ng pangungulila sa
magulang at kasintahan.

Paghihirap ng loob
____________
5. Mahihimasmasan lamang ang sakit na nadarama ni Florante kung makikita
si Laura.
______________ mababawasan

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Iguhit sa patlang ang ☺


masayang mukha kung tama ang pahayag at  malungkot na mukha kung mali.
________6. Ang alaala ni Laura ang tanging nagbibigay-ligaya kay Florante.
________7. Nawalan ng malay si Florante nang makita niya ang mga leon.
________8. Narinig ng buong kalawakan ang mga panaghoy ni Florante.
________9. Isinumpa ni Laura sa langit na si Florante lamang ang mamahalin.
________10. Pumasok sa isipan ni Florante na si Laura ay nasa kandungan ni Adolfo.

You might also like

  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Camille Caacbay
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Elisa Acojedo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino 9
    Filipino 9
    Document14 pages
    Filipino 9
    JANINE TRISHA MAE O. PAGUIO
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Fil8 Q3 M12 PDF
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Document11 pages
    Fil8 Q3 M12 PDF
    Arnulfo Obias
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gladzangel Loricabv
    50% (4)
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document18 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Lenlen Feliciano
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    mark
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Roan Arnega
    No ratings yet
  • Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Document14 pages
    Ibong Adarna-Ikaapat Na Linggo
    Joan Makiling
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    khathlene
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Nahida H Ali
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Wes
    100% (2)
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    jan lawrence panganiban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino: Modyul 15
    Filipino: Modyul 15
    Document15 pages
    Filipino: Modyul 15
    Camille Castrence Caranay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Florian Leks C. Embodo
    No ratings yet
  • FIL8
    FIL8
    Document13 pages
    FIL8
    Rhian Kaye
    No ratings yet
  • Filipino - Ikawalong Baitang
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Document15 pages
    Filipino - Ikawalong Baitang
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document14 pages
    Filipino
    Harlene Arabia
    No ratings yet
  • FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Document13 pages
    FIL11 Q3 M14-Pagbasa
    Rinalyn Jintalan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Will Pepito
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Klaris Reyes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document21 pages
    Filipino
    Majalita Ducay
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    VINCENT ORTIZ
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Alyssa rubayan
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document19 pages
    Filipino
    Joel Calubia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    suerte zaragosa
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Raymond Destua
    No ratings yet
  • FIL5Q1M2
    FIL5Q1M2
    Document15 pages
    FIL5Q1M2
    Angelica Teologo
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    APPLE GRACE LEONES
    No ratings yet
  • Science 3 Q2 M16 LAYOUT
    Science 3 Q2 M16 LAYOUT
    Document16 pages
    Science 3 Q2 M16 LAYOUT
    Angel Ricafrente
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Pepeng Maghapon
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Gladys Angela Valdemoro
    100% (1)
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    yajope8262
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document12 pages
    Filipino
    Gines, Hanna Alexa L.
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document17 pages
    Filipino
    Josephine Gonzaga
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document15 pages
    Filipino
    Charles Garcia
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document16 pages
    Filipino
    Wes
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Ivy Angeline Cabading
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Aisa Galmac Bansil-Solaiman
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Rachel Felipe
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document13 pages
    Filipino
    Maricel Tayaban
    No ratings yet
  • Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Document14 pages
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    jennifer sayong
    No ratings yet
  • EsP 4-Q4-Module 12
    EsP 4-Q4-Module 12
    Document15 pages
    EsP 4-Q4-Module 12
    Ana Conse
    No ratings yet
  • Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    Document15 pages
    Modyul para Sa Sariling Pagkatuto
    jennifer sayong
    No ratings yet
  • Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Catalan - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet
  • Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    From Everand
    Matuto ng Galician - Mabilis / Madali / Mahusay: 2000 Mga Susing Bokabularyo
    No ratings yet