You are on page 1of 16

Science 3

Science
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4
Ang mga Anyo ng Matter
Agham – Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 4: Ang mga Anyo ng Matter
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

K
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marlie B. Abiera


Content Editors: Marites R. Borras at Nermie V. Abuan
Language Editors: Melinda P. Iquin at Janessa S. Amparado
Tagasuri: Liza A. Alvarez, Vic Marie I. Camacho, Crist John M. Pastor
Tagaguhit: Lovely Rollaine B. Cruz
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang
ng Modyul tungkol sa araling Ang mga Anyo ng Matter!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo
na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Ang mga Anyo ng Matter!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Papag-aralan mo sa mga naunang modyul ang tungkol
sa katangian ng mga materyal o bagay sa tahanan, at sa
paligid. Sa modyul na ito , tatalakayin ang tungkol sa mga
pangkat na kinabibilangan ng mga materyal o bagay na
nasa kapaligiran.

Paano ba pinapangkat ang mga matter batay sa anyo


nito? Ano-anong bagay ang nabibilang sa pangkat ng solid,
liquid at gas? Itong modyul ay dinisenyo at isinulat para
maituro sa iyo ang paksang ito.
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may
kakayahan ka nang:

1. maipangkat ang mga bagay na makikita sa bahay at


sa paligid kung ito ay solid, liquid, o gas;
2. matukoy ang gamit ng materyal batay sa anyo nito;
at
3. magpahalaga sa mga bagay na mayroon sa bahay
at sa paligid.

PAUNANG PAGSUBOK

Basahin ang bawat tanong at isulat ang titik ng tamang


sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang solid?

A. B.

C. D.

1
2. Alin sa sumusunod ang liquid?

A. B.

C. D.

3. Alin sa sumusunod ang gas?

A. B.

C. D.

4. Ang kaldero, kawali at sandok ay mga bagay na


nakatutulong sa pang-araw-araw na buhay mo. Sa
anong gawain ito ginagamit?

A. pag-aaral B. pagluluto
C. paglalaba D. paglilinis

5. Matapos gamitin ang telebisyon at ang bentilador, ano


ang dapat mong gawin bilang pag-iingat dito?

A. I-off ang mga kasangkapan at hugutin sa saksakan.


B. Hayaang nakabukas at dire-diretso ang pag-andar.
C. Alisin ang tono nito upang hindi marinig ni nanay.
D. Takpan ng kumot para walang makakita.

2
BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo na ang mga bagay


na nakikita sa bahay at sa paaralan ay may katangian at
kagamitan. Sagutin ang talahanayan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Materyal o Bagay Katangian Gamit


Halimbawa: Para gumulong nang maayos
Gulong bilog ang sasakyan at makarating
sa pupuntahan.
1.
2.
3.
4.
5.

ARALIN

Nakakita ka na ba ng aquarium? Di ba nakawiwiling


pagmasdan ang mga isda habang ito ay lumalangoy.
Pagmasdang mabuti ang larawan. Ano-ano ang nasa loob
ng aquarium?

3
Tama! Ang nasa loob ng aquarium ay isda, tubig, bato,
halaman, at hose o tubo.

Ang mga halimbawa ng matter na solid ay ang


aquarium, isda, bato, hose o tubo at halaman. Ang mga ito
ay nahahawakan, may sariling hugis, kulay, sukat, bigat, at
tekstura.

Samantalang, ang isang halimbawa naman ng bagay


o matter na liquid ay ang tubig. Ang liquid ay nakikita. Ito ay
nahahawakan ngunit hindi kayang panatilihin sa ating mga
kamay kaya kinakailangan ng sisidlan. Ang liquid ay walang
tiyak na hugis at nakasalalay sa hugis ng lalagyan ang hugis
ng mga ito. May mga liquid na may kulay, amoy at mabilis o
mabagal dumaloy.

Ang isang halimbawa naman ng matter na gas ay ang


bula. Karaniwan, ang matter na gas ay hindi nakikita, walang
kulay at walang amoy. Wala ring tiyak na hugis ang gas,
nakadepende sa lalagyan ang magiging hugis nito. Ang gas
ay may bigat.

4
Marami pang halimbawa ng mga matter na solid, liquid
at gas sa iyong tahanan at sa iyong paligid. Basahin ang
sumusunod na mga halimbawa.

SOLID
aklat kalan kaldero kama kutsara
kutsilyo mesa pambura papel plato
sandok sapatos telebisyon unan upuan

LIQUID
alkohol bleach gaas gatas honey
juice ketsup mantika muriatic acid patis
shampoo suka syrup toyo tubig

GAS
hangin hangin sa loob ng lobo hangin sa gulong
hininga ng tao Oxygen singaw ng niluluto

Makapagbibigay ka pa ba ng ibang halimbawa ng


matter na solid, liquid at gas na makikita sa iyong paligid?

5
MGA PAGSASANAY

Gawain 1:
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang S kung ang
bagay ay solid, L kung liquid at G kung gas.

_______ 1. ______ 2. ________3.


Bleach kandila gatas

________4. _______5. ________6.


Telebisyon singaw ng niluluto pabango

________7. _______8. ______9.


LPG sapatos papel

________ 10. ubas

GAWAIN 2:
Panuto: Kopyahin sa iyong sagutang papel ang bagay na
hindi nabibilang sa grupo.
1. aklat lapis papel toyo

2. mantika patis suka hangin

3. bato hangin hininga ng tao


Oxygen

6
4. baso juice mantika tubig
5. damit kama mesa ulan

GAWAIN 3:
Panuto: Pangkatin ang sumusunod na mga bagay. Ilagay
sa tamang hanay sa iyong sagutang papel.
bag baso hangin

hininga ng tao LPG patis


plato suka tubig

SOLID LIQUID GAS

PAGLALAHAT

Balikan natin ang mga katangian ng bawat anyo ng matter.


Lagyan ng tsek (√) ang katangiang naglalarawan sa solid,
liquid, o gas.
Katangian Solid Liquid Gas

1. may sariling hugis

2. may sariling bigat o


mass

3. nahahawakan

4. nadadala kung
may lalagyan o
sisidlan

5. dumadaloy o
kumakalat kapag
walang sisidlan

7
Bumuo ng pangungusap tungkol sa mga bagay na solid,
liquid, at gas gamit ang mga katangiang nasa talahanayan
para mabuod ang ating aralin sa araw na ito.
Ang solid ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Ang liquid ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Ang gas ay
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

PAGPAPAHALAGA

Sa tahanan, ikaw ay dapat tumulong sa gawaing-


bahay. Gamit ang iba’t ibang bagay sa iyong tahanan,
punan ang talahanayan ng solid, liquid o gas na ginamit mo
sa bawat gawain.
Gawain Solid Liquid Gas
Paglilinis ng bahay Basahan, sabon Tubig Hangin
Timba, Tabo
Paghuhugas ng Espongha Sabon,tubig
pinggan
Paglalaba ng Tubig, Hangin
damit fabric
conditioner
Pamamalantsa Plantsa, Hangin
plantsahan
Pagdidilig ng Pandilig Tubig
halaman

8
Pagpuksa sa mga Pang-isprey Tubig
insekto tulad ng Siling labuyo
langgam

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Tingnan ang mga larawan. Pangkatin natin ang mga


ito bilang solid, liquid at gas. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa tatsulok.

A. sabon B. bitamina C. tsaa D. sapatos

E. LPG F. gatas G. Oxygen H. singaw ng


niluluto

I. tubig J. alkohol

9
solid liquid
MATTER

gas

SUSI SA PAGWAWASTO

10
Sanggunian
A. Aklat

Sacastropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.


2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Lungsod ng Pasig, Pilipinas

Sacastropes, Arthur DC., et al. Science Teacher’s Guide 3.


2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Lungsod ng Pasig, Pilipinas

B. Pampamahalaang Publikasyon

DepEd Most Essential Learning Competencies

11

You might also like