You are on page 1of 17

Science 3

Science 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Katangian ng mga Materyal na
Liquid at Gas
Agham – Ikatlong Baitang
Unang Markahan –Modyul 3: Katangian ng mga Materyal na Liquid at Gas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

K
Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rachelle D. Mendoza


Content Editors: Marites R. Borras at Nermie V. Abuan
Language Editors: Melinda P. Iquin at Janessa S. Amparado
Tagasuri: Liza A. Alvarez, Vic Marie I. Camacho, Crist John M. Pastor
Tagaguhit: Lovely Rollaine B. Cruz
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara at Lovely Rollaine B. Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang
ng Modyul para sa araling Katangian ng mga Materyal na Liquid at Gas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan
sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong
Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral


ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo
na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang


pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol sa
Katangian ng mga Materyal na Liquid at Gas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga
dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aara
MGA INAASAHAN

Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may


kakayahan ka nang:

1. makilala ang mga bagay na liquid at gas;


2. mailarawan ang mga katangian ng liquid at gas; at
3. magpahalaga sa mga bagay sa ating kapaligiran.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang sumusunod na pagsubok upang malaman


ang lawak ng iyong kaalaman ukol sa paksang tatalakayin.

Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga larawan ay halimbawa ng anyo ng matter.


Alin ang halimbawa ng liquid?

A. B. C. C. D.
2. Piliin ang tamang pahayag tungkol sa liquid.
A. Ang liquid ay hindi nakikita.
B. Ang liquid ay may sariling hugis.
C. Ang liquid ay umayon sa hugis ng lalagyan.
D. Ang liquid ay may sariling hugis at nahahawakan
3. Alin ang halimbawa ng gas?
A. mga patak ng ulan
B. oxygen mula sa mga halaman
C. alikabok na naipon sa bintana
D. tubig na pandilig ng halaman

4. Alin sa mga pangungusap ang tamang pahayag tungkol


sa gas?

1
A. Ang gas ay kadalasang hindi nakikita.
B. Ang gas ay hindi nararamdaman.
C. Ang gas ay may sariling hugis.
D. Ang gas ay nahahawakan.
5. Napapaligiran tayo ng liquid at gas. Bilang isang bata, ano
ang maimumungkahi mo upang mabawasan ang polusyon
sa hangin at tubig?
A. Ipagpatuloy ang paggamit ng mga kemikal at itapon
sa ilog.
B. Iwasan ang mga bagay na makadaragdag sa
polusyon sa hangin at tubig.
C. Mag-ipon ng maraming basura at ikalat sa bakuran
ng kapitbahay kapag wala sila.
D. Magsunog ng mga naipong basura sa bakuran ng
kapitbahay.

BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin ay tinalakay ang iba’t ibang


katangian ng matter. Sagutin ang nasa ibaba.

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI


naman kung hindi.

______1. Ang solid ay isang anyo ng matter.


______2. Walang tiyak na hugis ang solid.
______3. Kapag ang tabo ay inilagay mo sa isang timba, hindi
pa rin nagbabago ang hugis ng tabo.
______4. Ang solid ay may tiyak na sukat, bigat at hugis.
______5. Pare-pareho ang bigat ng mga bagay na solid.

2
ARALIN

Pagkatapos nating pag-aralan ang solid bilang anyo ng


matter, atin naman pag-aralan ang dalawa pang anyo nito,
ang liquid at gas. Sa bago nating aralin, maglalakbay ka sa
pamamagitan ng larawan.

Mahangin sa tabing lawa kaya naman masarap


magpalipad ng saranggola! Ano ang mga halimbawa ng
liquid at gas na nakasaad sa larawan?
Isa sa halimbawa ng liquid na nasa sa larawan ay ang
tubig sa lawa.
Samantala, ang gas naman ay hindi natin nakikita
ngunit ating nararamdaman, ano kaya ito?
Tama! Ito ang hangin. Ang hangin ay halimbawa ng
gas. hindi tulad ng solid at liquid, ang gas ay karaniwang hindi
nakikita.
Ilan sa mga halimbawa ng gas ay ang hangin sa loob
ng gulong; Oxygen na galing sa mga halaman na humahalo
sa hangin; Carbon dioxide na lumalabas sa katawan natin
habang tayo ay humihinga; at Helium na nasa loob ng lobo
kaya lumulutang ito sa ere. Ang lahat ng mga halimbawa ng
gas na nabanggit ay hindi nakikita. May mga gas din na
nakikita ang presensya tulad ng steam o water vapor habang
nagpapakulo ng tubig.

3
Ang liquid at gas ay anyo ng matter na walang sariling
hugis. Pansinin ninyo ang mga larawan sa ibaba. Ano ang
hugis ng liquid at gas?

Ang liquid at gas ay nagkakaroon ng hugis kapag ito ay


inilagay sa isang lalagyan. Kung ano ang hugis ng lalagyan
ay iyon din ang kanilang hugis. Katulad ng solid, ang liquid at
gas ay kumukuha rin ng espasyo.

Ano kaya ang mangyayari kapag sumobra ang


nailagay na liquid o gas sa isang lalagyan? Tama! Kapag ang
liquid sa sisidlan nito ay sumobra, umaapaw ito. Ang gas
naman kapag sumobra sa lalagyan nagiging sanhi ito ng
pagkasira ng lalagyan.
May mga liquid na mabilis umagos gaya ng tubig. Tulad
ng tubig, ang toyo at suka ay liquid na mabilis umagos. May
mga halimbawa ka pa ba ng mga liquid na mabilis umagos?
Mayroon din namang mga liquid na mabagal umagos
tulad ng ketsup at honey dahil malapot ang mga ito.

4
Mayroon ka pa bang alam na liquid na mababagal umagos
o malapot?

Ang liquid ay may bigat o mass katulad ng solid. Ang


dami ng liquid naman ay maaaring sukatin. Liters ang
ginagamit na panukat nito.
Ang gas ay mayroon ding mass tulad ng solid at liquid.
Madalas, ang gas ay inilalagay sa mga metal at goma na
lalagyan.
Makapagbibigay ka ba ng iba pang halimbawa ng
mga gas na nasa paligid natin?

MGA PAGSASANAY

Palawakin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa liquid


at gas sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawain.

Gawain 1:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang halimbawa ng liquid at ekis (X)
naman sa gas. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.

5
7. 8. 9. 10.

Gawain 2:
Piliin ang titik ng larawang tinutukoy sa pangungusap at
tukuyin kung ito ay liquid o gas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Halimbawa:
_C_-_Liquid_ 1. Ito ay iniinom upang maging malusog.

A B C D E

_____-_______1. Ginagamit natin ito na panghugas ng ating


kamay kasama ng sabon sa loob ng 20 segundo.
_____-_______2. Ito ang hanging kailangan natin para
mabuhay.
_____-_______3. Karaniwan itong ginagamit pang disinfect sa
kamay.
_____-_______4. Maaari itong inumin ng mga kabataan,
pampalakas ng resistensya.
_____-_______5. Ang Helium ay gas na karaniwang inilalagay
sa loob ng lobo.

6
Gawain 3:
Tingnan ang mga larawan. Isulat sa sagutang papel kung ang
mga ito ay halimbawa ng liquid o gas.
___________1.

___________2.

___________3.

___________4.

___________5.

7
PAGLALAHAT

Kumpletuhin ang mga pangungusap upang maibuod


ang aralin. Pumili sa kahon at isulat ang mga katangiang
kailangan na nakatulong para matukoy na ang mga bagay
ay liquid at gas sa patlang. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.
espasyo hugis mahahawakan maamoy

LIQUID
Ang liquid ay walang sariling (1)__________. Ang hugis
nito ay nakasalalay sa kanyang lalagyan. Ito ay may sariling
(2)__________. Ang liquid ay (3)_____________ ngunit hindi
kayang panatilihin sa ating mga kamay kaya kinakailangan
ng sisidlan.
GAS

espasyo sisidlan mabilis mahahawakan


nakikita

Ang gas ay walang sariling (1)___________ ngunit itoy


nakakakuha ng (2)__________. Kinukuha lamang ng gas ang
hugis ng kanyang (3)_________. Hindi ito nahahawakan ng
kamay at kadalasang hindi (4)__________. Kadalasan ding,
ang pagkilos ng gas ay (5)______________.

PAGPAPAHALAGA

Ang tamang paghuhugas ng kamay ay isa sa mabisang


paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mikrobyo na
nagdudulot ng sakit. Gumagamit tayo ng tubig upang

8
magawa ito. Paano ka makatutulong sa pagtitipid ng tubig
sa sarili mong paraan?

Isulat sa patlang ang mga paraan ng pagtitipid sa tubig.


___________________________________________________________
___________________________________________________________

Maliit man ang iyong nagawa sa pagtitipid sa tubig


malaking bagay naman ito sa ating kapaligiran at sa ating
pamilya.
Bukod sa pagtitipid sa tubig, nakatutulong din ang
halimbawang makikita sa larawan sa ibaba. Isulat sa
kaliwang kahon ang gas na inilalabas ng mga halaman na
kailangan nating mga tao at isulat sa kanang kahon ang gas
na kailangan naman ng mga halaman mula sa mga tao at
hayop upang sila ay mabuhay.

9
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:Piliin ang tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong


sagutang papel.
1. Ito ay anyo ng matter na walang tiyak na hugis, may
bigat ngunit hindi kadalasan nakikita.
A. Solid B. Liquid C. Gas D. A at B

2. Alin sa mga larawan ang halimbawa ng gas?


A. B. C. D.

3. Ito ang uri ng matter na walang tiyak na hugis,


nagkakaroon ito ng hugis kapag inilagay sa lalagyan,
may bigat at dumadaloy.
A. Solid B. Liquid C. Gas D. B at C
4. Bilang pag-iingat sa COVID-19, tayo ay pinanatili sa loob
ng ating mga tahanan upang mapigilan ang lalong
pagkalat ng virus. Anong halimbawa ng matter ang
makatutulong sa pagpapanatili ng kalusugan?
A. SOLID – cellphone B. LIQUID – alcohol
C. GAS – Helium D. Wala sa nabanggit
5. Alin sa sumusunod na pangangalaga sa kalikasan ang
may kinalaman sa liquid at gas?
A. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at
ang pagsusunog ng basura na nakasasama sa
hangin.
B. Paghiwalayin ang nabubulok at di-nabubulok na
basura.
C. Pagre-recycle ng mga plastic bottles.
D. Iwasan ang pagputol ng mga puno.

10
SUSI SA PAGWAWASTO

11
Sanggunian
Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learners Material 3.
2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Lungsod ng Pasig, Pasig
Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Teachers Guide 3.
2014. Kagawaran ng Edukasyon at Lexicon Press, Inc.
Lungsod ng Pasig, Pilipinas

12

You might also like