You are on page 1of 15

Science 3

Science 3
Pangalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
Kahalagahan ng mga
Hayop sa Tao
Agham – Ikatlong Baitang
Pangalawang Markahan – Modyul 8: Kahalagahan ng mga Hayop sa Tao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Elisa A. Raborar
Editors: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit:
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham - Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Kahalagahan ng mga Hayop sa Tao!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham - Ikatlong Baitang Modyul ukol sa


Kahalagahan ng mga Hayop sa Tao!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Napag-aralan natin sa Modyul 7 ang pag-uuri ng hayop ayon


sa mga bahagi ng katawan at gamit nito. Ngayon naman aalamin
natin ang kahalagahan ng mga hayop sa tao. Tatalakayin sa
modyul na ito ang mga naitutulong ng mga ito sa mga tao.

Paano mo ilalarawan ang kahalagahan ng mga hayop sa


mga tao? Anu-ano ang mga bagay na naibibigay o naitutulong
ng mga hayop sa mga tao?
Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan
ka nang:
1. matukoy ang kahalagahan ng mga hayop sa tao;
2. mailarawan ang mga hayop ayon sa kanilang naibibigay
o naitutulong sa tao; at
3. mapahalagahan ang naitutulong ng mga hayop sa tao.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutin


muna ang sumusunod na pagsubok upang malaman kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman ukol sa paksa ng modyul
na ito.
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot sa isang malinis
na papel.

1. Ano ang naitutulong ng manok sa tao?


A. Pinagkukunan ng pagkain kagaya ng itlog.
B. Ginagamit na pangdekorasyon.

C. Ginagamit sa transportasyon.
D. Ginagawang sapatos at bag.
2. Piliin ang tamang pahayag tungkol sa mga hayop.
A. Nakakapagbigay ng pagkain sa mga tao.
B. Nakapipinsala sa kalusugan ng mga tao.
C. Nagdadala ng sakit sa mga tao.
D. Nakakagulo sa bakuran.

3. Anong hayop ang nakakatulong sa mga magsasaka sa


pagbubungkal ng lupa?

A. C.

B. D.

4. Alin sa sumusunod na hayop ang tinaguriang man’s best


friend?
A. aso B. baka C. kabayo D. pusa

5. Alin sa sumusunod na larawan ng hayop ang maaaring


gamtin sa transportasyon?

A. B. C. D.
BALIK-ARAL

Sa nakaraang aralin, napag- aralan natin ang tungkol sa


pag-uuri ng mga hayop ayon sa mga bahagi ng katawan at
gamit nito. Natatandaan mo pa ba ang ating naging aralin?
Sagutan ang nasa ibaba.
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo, MALI kung
hindi.

______1. Ang ahas ay hayop na nabibilang sa mga uri ng hayop


na walang paa.
______2. Ginagamit ng ahas at uod ang kanilang katawan sa
paggapang.
______3. Lahat ng uri ng ibon ay nakalilipad.
______4. Ang milipid at alupihan ay nabibilang sa mga hayop
na may maraming paa.
______5. Magkakapareho ang mga bahagi ng katawan ng mga
hayop.

ARALIN

Pagkatapos nating pag-aralan ang iba’t ibang bahagi ng


katawan ng hayop at gawain nito, ngayon naman ay pag-
aaralan natin ang kahalagahan ng mga hayop sa mga tao.
Ang mga hayop ay parte ng kalikasan. Mula pa man noong
sinaunang panahon ay magkasama nang namumuhay ang mga
tao at mga hayop. Alam mo ba na napakahalaga ng mga
hayop sa tao? Ang mga hayop ay maraming naitutulong sa mga
tao. Ang mga hayop ay napagkukunan ng mga tao ng pagkan,
mga kagamitan, at iba pang pangngailangan.
Isa-isahin natin ang mga hayop ayon sa kanilang naibibigay
o naitutulong sa tao.
Halika ating alamin ang mga hayop na pinagkukunan ng
pagkain.
Ang mga hayop ay pinagkukunan ng pagkain kagaya ng
itlog. Saan nanggagaling ang itlog na inuulam natin kadalasan sa
umaga?Ang itlog ay galing sa mga manok at sa ibat ibang uri ng
ibon gaya ng pabo, pato, at pugo. Bukod sa itlog may iba pang
pagkain na galing sa mga hayop kagaya ng mga karne galing
ito sa baboy, baka ,kalabaw, itik, kambing, at manok. Ang gatas
at keso ay galing din sa baka, kalabaw, at kambing. Ang mga
isda, hipon, talangka, alimasag, alimgango, at iba pang lamang
dagat ay nagsisilbing pagkain din ng mga tao.

Figure 1 Figure 2

Bukod sa pagkain, ang mga bahagi ng hayop ay ginagawa


ding gamit. Ano kayang mga gamit ang nagagawa na galing sa
mga hayop? Ang mga sapatos, bag, at damit ay mga gamit na
gawa sa balat ng mga hayop.
Sa pamamagitan ng mga kagamitang ito nagkakaroon ng
pagkakakitaan ang mga tao. Naipagbibili nila ang mga bagay
na galing sa mga hayop katulad ng bag, sapatos, sinturon, damit,
pitaka, at marami pang iba.
Figure 3 Figure 4

Nakatutuwang isipin ang mga naitutulong at naibibigay ng


hayop sa mga tao! Alam mo bang nakatutulong din ang mga
hayop sa trabaho ng mga tao?
Ang kalabaw ay nakatutulong sa mga magsasaka sa
pagbubungkal ng lupa sa bukid. Ang kabayo, baka , at elepante
ay nakatutulong din sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
Mahalaga din ang aso sa tao, tumutulong ito sa pagbabantay ng
bahay. Katulong din ito ng mga sundalo sa paghahanap ng mga
bomba, ang tawag sa mga ito ay “bomb sniffing dog.” Natutukoy
nila ang mga bomba sa pamamagitan ng kanilang pangamoy.

Figure 5 Figure 6

Figure 7 Figure 8
Sa mga probinsiya na maraming kabundukan at kagubatan,
mahirap marating ng mga sasakyan, gumagamit ang mga tao
ng kabayo at kalabaw para sa transpotasyon.
May mga hayop din na ginagamit sa pananaliksik. Ang mga
daga at unggoy ay ginagamit sa laboratoryo upang
mapatunayan ang bisa ng mga gamot o kaya naman ay para
matukoy ang epekto ng isang kemikal.
Magmasid ka sa iyong paligid. Ano ang karaniwang gamit ng
mga hayop sa inyong komunidad? Ano kaya ang pwedeng
mangyari sa mga tao kung wala ang mga hayop?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Hulaan Natin!/Bugtungan Tayo!


Panuto: Isulat sa patlang ang hayop at gamit o kahalagahan nito
na tinutukoy sa pangungusap.

Halimbawa:
Kabayo, transportasyon 1. Pagsakay sa akin ay anong ginhawa,
pagpasyal sa kabundukan at kagubatan ay iyong magagawa ng
masaya!
_______________________ 2. Sa fast food ako ang laging bida,
lutong at linamnam ko, dulot ay saya!
_______________________3. Magsasaka’y sa akin umasa, sa
pagbubungkal na bukirin ako ang nakakasama!
_______________________4. Magagandang sapatos at pitaka sa
balat ko’y magagawa, halina’t tangkilikin gawang Marikina!
_______________________5. Akala mo’y lahat ng uri ko’y salot, sa
laboratoryo tulong sa pagtuklas ng kaalama’y dulot.
_______________________6. Gatas ko’y nagpapalakas, tigas ng
buto’y mamamalas!
Gawain 2: Listahan ng mga Kahalahan ng Hayop
Panuto: Isulat ang mga hayop batay sa naibibigay o
kahalagahan nito. Maaaring mailista ang hayop sa iba’t ibang
gamit o kahalagahan.

Nagbibigay Nagagamit Nagagamit Ginagamit na Gamit sa


ng Pagkain sa Trabaho Pangtrans- Materyales sa Pananalik-
portasyon Paggawa ng sik
Gamit
karne at Kalabaw kalabaw balat ng
gatas ng kalabaw
kalabaw

Gawain 3:
Pagtapatin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Ang balat nito ay ginagawang A. pusa
bag at sapatos.
_____ 2. Tumutulong ito sa pagpaparami B. aso
ng mga bulaklak sa ating paligid.
_____ 3. Taga-gising sa umaga at C. manok
sariwang itlog dulot ko pa.
_____ 4. Hinuhuli nito ang mga peste D. paruparo
tulad ng daga at ipis.
_____ 5. Malalaking uri namin ay kasama E. buwaya
ng pulis at sundalo sa paghanap
ng kriminal, droga at bomba.
PAGLALAHAT

Bakit mahalaga ang mga hayop sa mga tao?


Punan ang bubble map ng tamang sagot.

________

Anu- ano
ang
________ kahalagah ________
an ng mga
hayop sa
tao?

________

PAGPAPAHALAGA

Isang araw nagising ka na lamang na wala ng hayop sa


iyong paligid. Paano kaya ang pang-araw araw na pamumuhay
kung walang hayop?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

1. Ang kalabaw ay tinaguriang pambansang hayop ng Pilipinas.


Mahalaga ito sa mga tao dahil ito ay nakakatulong sa _______.
A. gawain sa bukid B. gawain sa tahanan
C. gawain sa paaralan D. gawain sa lungsod

2. Ang mga pagkain tulad ng karne, keso, at gatas ay mga


pagkaing nakukuha natin sa _________.
A. Aso B. Baka C. pusa D. kabayo

3. Ang mga kagamitan tulad ng bag at sapatos ay mga


kagamitan na gawa sa balat ng _________.
A. baka B. isda C. loro D. pusa

4. Sa mahahalagang okasyon tulad ng pista, hindi nawawala sa


handaan ang pambansang pagkain na “litson.” Anong uri ng
hayop ang ginagawang litson?
A. ahas B. Baboy C. buwaya D. isda

5. Anong pagkain ang madalas nating kinakain sa almusal,


ginagawang kwek-kwek at balot na nakukuha natin sa
manok ,pugo at pato?
A. gatas B. itlog C. kanin D. karne
SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Balik-Aral Gawain #2


Nagbibi Nagaga Nagaga Ginagam Gamit
Pagsubok 1. TAMA gay ng mit sa mit it na sa
1. A 2. TAMA Pagkain Trabah Pangtr Materyal Panana
o ans- es sa lik-sik
2. A 3. MALI portasy Paggawa
3. C 4. TAMA on ng Gamit

4. A 5. MALI karne at Kalaba kalaba balat ng


gatas w w kalabaw
5. D ng
Mga Pagsasanay kalaba
w
Gawain #I
1.Kabayo, transportasyon Karne kabayo kabayo Balat ng
ng kabayo
2.Manok, pagkain kabayo
3.Kalabaw, trabaho Karne Balahibo
4. Buwaya, kagamitan at itlog ng
ng manok
5. Daga, pananaliksik manok
6. Baka, pagkain

Gawain #3 Panapos na
1. E Pagsusulit
2. D 1. A
3. C 2. B
4. A 3. A
5. B 4. B
5. B

Sanggunian
K to 12 Grade 3 Learner’s Material in Science Q2
K to 12 Grade 3 Teacher’s Guide in Science Q2
https://www.google.com/image

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Learner’s Material 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Rex Bookstore Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015.

You might also like