You are on page 1of 14

Colegio De La Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

Self- Learning Kit sa Edukasyon sa


Pagpapakatao 8
MISYON NG PAMILYA
(Unang Markahan- Ikatatlong Linggo)

Inihanda ni:
IAN CARL V. JANO, LPT

1
Paunang Salita

Ang Edukasyon sa Pagpapakatao ay isa sa mga asignatura na inilakip sa bagong


Kurikulom na nagtatagalay ng mga layuning maaring magamit bilang aplikasyon sa
pang kasalukuyang kaganapan sa lipunan. Bilang tunguhin ng bagong K to 12
Curriculum na magkamit ang mga mag-aaral ng mga kasanayan sa ika-21 siglo,
sinisikap ng linangan: Self-learning kit sa Pagpapakatao na taglayin ng mga mag-aaral
ang mga sangkap na pangkaalaman, pangkakayahan, at pangkaasalan upang harapin
ang buhay na may kabuluhan, pagtatangi, at pag-asa na maabot ang kanilang
potensiyal sa larangan ng pag-aaral at paggawa.

Sinikap ng Self-learning kit na ito na sa pamamagitan ng Edukasyon sa


Pagpapakatao, ikaw bilang mag-aaral, ay may magkaroon ng sariling pagkakataon
upang magniylay; maghayag ng iyong saloobin at makipagtalastasan; makaliha
atbumuo produktibong gawain; kumilos ng may pananagutan; mag-isip ng mapanuri
tungo sa pag-alam sa mas malalim na halaga ng buhay; makilala ang kabutihan at
kamalian tungo sa isang maliwanag na kinabukasan na nag aabang upang mapabuti ka
bilang isang buong indibidwal.

Gamit ang ibat ibang estratehiya, ang sereng ito ay magpapayaman ng iyong
mga kakayahan tungo sa pagkilala sa iyong sarili at ng iyong mga potensyal. Ito ay hitik
sa mga kaalamang naglalayung linangin ang iyong pagkatao nay na may kalakip na
responsibilidad, may sapat na pag-iisip at tinataglay ang kakayahang suriin ang
nararapat nakilos bilang bahagi ng lipunan.

May Akda

Upang mas maunawaan ang modyul na ito, ito ay may anim na mahahalagang bahagi:

2
Aking Pagtanaw
1.
Ginagamit ng ilang malikhaing tanong o mga kawili-wiling panimula na
nagpapakilala ng mga layunin na matutunan mo sa buong aralin. Ilan sa mga ito ay
makapupukaw ng iyong imahinasyon o schema na makakatulong sa paghahanda sa
mga konsepto ng aralin

.
Balikan
2.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon

3. Aking Pagtuklas

Mga pampokus at aktibong gawain na magbibigay-linaw sa mga konseptong


natuklasan sa Aking Pagtanaw na magpapatibay ng iyong pagkilala sa mga konseptong
matutunan sa aralin.

4.
Aking Pagsusuri

Ang magpapatibay ng iyong mas malalim na pag-unawa sa mga karanasan sa


mga naunang gawain. Lubos mong mauunawaan ang mahalag ng pagsusuri habang
gumagawa nang mag-isa o habang nakikipagtalakayan sa mga kaklase. Mahalaga ang
pag-uugnay ng iyong saraling karanasan, kalooban, kilos, at kaisipan sa bahagi ng
pagsusuri.

Alamin
3
5.

Ang mga konsepto ay nagsisilbing gabay sa mapanuring pagkilala ng mga


mahahalagang kaalaman at kakayahan bilang paghahanda sa mapanuri at aktibong
talakayan sa klase na kaugnay ng aralin. Ang mga konseptong ito ay inaasahang
makapaglilinang ng iyong mga kakayahang pagkaisipan upang maging produktibong
mag-aaral sa klase. Subalit, mananatili lamang na panulat ang bawat aralin kung hindi
ito gagamitin ng angkop at mapanagutang pagsasabuhay ng iyong natutunan. Kung
kaya inaasahan ang iyong aktibong pagkilos sa pagiging mapanagutang mag-aaral.
Upang higit kang matulungan sa ilang mga konsepto, may inilaang mga espasyo sa
bawat bahagi nito upang maitala mo ang mga bagong kaalaman o katanungan na iyong
natutunan sa talakayan.

6.
Aking Natutunan

Nagsisilbing pagtataya ng iyong naunawaang mga konsepto.

7. Aktibong Paglalapat

Ginagamitan ng iba’t ibang estratehiyang magpapamalas ng mapanagutang


pagsasabuhay ng iyong mga natutunang gawain. Inaasahang sa pagninilay ay lubos
mong mapahahayag ang iyong saloobin sa paraang makatutulong sa iyong lubos na
pag-unlad sa bawat aralin. Maari kang gumamit ng dyornal o malikhaing media sa
pagsasagawa nito.

Paalala: Hindi lamang modyul ang magpapalawak ang iyong kaalaman, gumamit ang
guro ng iba’t bang paraan upang maslumawak ang iyong kaalaman. Mayroong mga
gawain na nakaugnay sa Internet, Youtube, Genyo at marami pang iba.

Aking Pagtanaw

Ang lipunan ay kinasasangkutan ng ibat-ibang sektor na may


4
mahahalagang gampanin na ginagampanan, maaaring magkaiba ang
layunin ng bawat sektor na ito bagamat ito ay nakasentro pa rin sa layuning
mapabuti ang kapakanan ng lahat. Halimbawa na lamang sa kasalukuyang
Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na mga layunin sa araling ito:

Napapatunayan na:

a. May mga pangangailangan ang tao bilang indibidwal na makakamit lamang niya
sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang
pangkabuhayan, kultural, at pangkapayapaa

b. Kung umiiral ang prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa,


kalayaan at pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat na
nasa mahabang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat kasapi ng
pamayanan.

c. Ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisiskap na mapabuti ang uri ng


pamumuhay sa lipunan/ bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil ang
kanyang pag- unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

Bago ka magsimula sa ating bagong modyul gawin mo muna ang


pagsubok na ito upang malaman kung gaano ang iyong nalalaman at
kahanda sa ating paksa.

Unang Pagtataya
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
c. itaguyod ang karapatang- pantao

5
d. ingatan ang interes ng marami

2. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?


a. pangulo b. mamamayan
c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat

3. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa


iba?
a. iba-iba ang ating kakayahan
b. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
c. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag- isa

4. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
a. batas b. pinuno c. kabataan d. mamamayan

5. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?


a. pag-unlad b. pagkakaisa
c. kabutihang panlahat d. pagtataguyod ng pananagutan

Balikan

Gawain 1: Lapatan
Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga acronym sa ibaba.

IATF

GCQ

ECQ

MCQ

MGCQ

Mga katanungan:

a. Saan maiuugnay ang mga acronyms na ito?

6
________________________________________________________________
________________________________________________________________

b. May karanasan ka ba sa ganitong mga pangyayari?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

c. Anu-ano ang mga natutunan mo sa mga kaganapang ito?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

Aking Pagtuklas

Gawain 2: Suri Larawan


Panuto: Suriin ang ang mga lawaran sa ibaba, Isulat ang KP kong ito’y nagpapakita ng
pagtulong para sa kabutihang panlahat, isulat namn ang KPI kong ito’y naglalarwan
ng pagtulong para sa iilan lamang at saguting mga sumusunod na gabay na tanong.

____________________ _________________________ ___________________

____________________ _________________________ ___________________

7
Ang aking kaisipang konsepto:

Batay sa iyong nasuring mga larawan mag bigay ka ng maikling konseptong


iyong nabuo na maari mong isa-isip at isa-puso at maaari mong gawing insperasyon sa
iyong buhay.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Aking Pagsusuri

Gawain 3: Suri Liriko


1. Basahin at Intindihin ang sumusunod na liriko ng isang awitin.
2. Sagutin ang mga katanungan.
Ilugmok man tayo nang bagong pagsubok
Mga puso nati’y di mapapagod
Abutin ang kamay na handang dumamay
Mga puso nati’y di mapapagod Nasa
puso ng bawat Pilipino Pagmamahal sa kapwa at Serbisyong totoo
Isang bayan, tayo’y aahon, walang maiiwan sa pagbangon
Isang lakas, isang pag-asa, patungo sa bagong umaga…

Ang mababasa sa itaas ay liriko ng awiting inawit ni Julie Ann San Jose, tungkol sa
pagharap ng mga Pilipino sa mga pagsubok. Ipinapakita sa awiting ito kung paano
harapin ang mga pagsubok, at pairalin ng bawat isa ang pagtutulungan, pagdadamayan
at tatag, kasama sa pag ahon sang lakas at pag-asa. (“halaw sa awiting “Pagbangon”).

Sa iyong pananaw, sa krisis (COVID-19) at kalamidad (Bagyo at hidwaan) na


kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan:

1. Sa iyong palagay paano ito hinaharap ng mga Pilipino? Ipaliwanag.


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. May pagtutulongan bang nangibabaw sa kinakaharap na mga pagsubok?

8
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Alamin

Bayanihan to Heal as One Act Isa sa mga pinakamahalagang tulong ng


pamahalaan na pinangungunahan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay napasailalim
sa Bayanihan to Heal as One Act. Ito ay upang matulungan ang mga pangangailangan
sa mga taong nawalan ng trabaho ng dahil sa pandemya COVID-19.

Bukod sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Department of Social


Welfare and Development (DSWD) ay inatasan ng pamhalaan at iba pang mga
ahensiya upang maipaabot ang tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan ng
Social Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng
Bayanihan to Heal as One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis. Sa
programang ito ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency cash
subsidy.

Mga departamento at iba pang ahensya na nagtutulungan ay DOLE, Agriculture,


DOH,, DILG, Deped at iba pang ahensyang nakibayanihan upang makatulong kahit

9
papaano. Katulad ng grupo ng mga guro sa Distrito ng Mabuhay, nagbigay ng
kontribusyon para makatulong ng konti sa mga kababayan tulad ng bigas, noodles,
canned goods at iba pa. Para sa mga frontliners namimigay din ang mga guro dito ng
facemask at mineral water.

Karamihan sa mga Probinsya ng bansa ay namimigay din ng mga relief goods at


itoy malaking tulong sa atin at marami pang mga pribadong sector ng bansa ang
tumutulong. Dito natin makikita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.

Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas upang matiyak at mapanatili ang


siguridad ng ating bansa ngunit ang mga ibat ibat ahensiya at departamento ang
kailangan upang maisagawa at maisakatuparan ito.

Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Solidarity at Subsidiarity

1. Pakikipagkapwa tao
Binubuo hindi ng isang indibidwal lmang kundi ng mga samasamang tao ang
isang komunidad. Mahalagang isagawa at isapuso ang pagpapahalagang ito
upang makasiguro ng matibay na samahan.

2. Pagkakaisa
Paano nga makapagtatagumpay ang isang samahan kung walang
pagkakaisa? Isa
rin itong mahalagang salik na makapgsasabi kung magtatagumpay ang isang
pamayanan.

3. Interest
Kailangang maging malinaw ang layunin o hangarin hindi lang ng isang
indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.

4. Pagiging Responsable
Mahalaga ito upang mapabilis ng pag-unlad ng pamayanan. Kung ang bawat
isa ay magiging responsable sa kanilang mga gampanin bilang bahagi nito,
tiyak na magtatagumpay.

5. Matatag Na Samahan Mawawalang


saysay din ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity kung hindi rin matatag
and samhang magkakapitbahayan. Kung namumuno sa kanilang pagitan ang

10
napakatibay na bigkis, na di basta-bastang mapapatid, ay magiging epektibo
ang lahat ng mga layuning maganda ng bawat isa na makatutulong sa
pagpapanday ng maunlad at masaganang pamaynan.

Mahalaga ang sama-samang pagbalikat sa isang


layunin para sa ikabubuti at ikatataas ng lipunan at
bansa.Bilang kabataan, mahalagang maging maalam ka sa
mga gawaing sumasaklaw sa iyong lipunan. At mas higit na
palawakin ang iyong kaisipan sa mga mahahalagang bagay na
maari mong mai-ambag sa kasalukuyan o sa hinaharap.

Aking Natutunan
Gawain 4: Ang Aking Obserbasyon

Panuto:
1. Suriin ang mga tulong o ayuda na ipinamahagi sa inyong komunidad. Anu ano
mga ito? Isa-isahin. (Maaring mga Pampublikong ahensya o Prebado)

2. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba, at punan ito base sa halimbawang nilaan.

Mga Ahensiyang Mga Aytem/s na Dami ng Aytem/ Mga Benepisyaryo


Namahagi ng Ayuda Ipinamahagi Halaga (Tumanggap ng
Tulong)
Hal. DSWD SAP Pera (Php 5,000) Senior Citizen
1.

2.

3.

4.

5.

Pagtataya:
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang

11
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang
panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
c. itaguyod ang karapatang- pantao
d. ingatan ang interes ng marami

2. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?


a. pangulo b. mamamayan
c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat

3. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa


iba?
a. iba-iba ang ating kakayahan
b. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
c. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag- isa

4. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
a. batas b. pinuno c. kabataan d. mamamayan

5. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay nakikilahok?


a. pag-unlad b. pagkakaisa
c. kabutihang panlahat d. pagtataguyod ng pananagutan

6. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?


a. pangulo b. mamamayan
c. pinuno ng simbahan d. kabutihang panlahat

7. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na


___________
a. walang nagmamalabis sa lipunan
b. Ang lahat ay magiging masunurin.
c. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
d. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

8. Bakit nagkukusa tayong mag- organisa at tugunan ang pangangailangan ng


nakararami?
a. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.

12
b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
c. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
d. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

9. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa


karapatan ng bawat mamamayan?
a. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at
proteksiyon ng mga mamamayan
b. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-
unlad ng ekonomiya ng bansa
c. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na ssagot sa
pangangailangan ng bawat mamamayan
d. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas

10. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


a. magdudulot ito ng kasiyahan
b. makapagpapabuti sa tao
c. ito ay ayon sa mabuti
d. walang nasasaktan

Aktibong Paglalapat

Gawain 6: Suriin at Unawain

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

1. Panoorin ang Edsa 20 ’Isang Larawan”-An inquirer Documentary. Maaari mo


itong mapanood sa youtube sa sumunod na url: https://youtu.be/UdcuiXOytPo
2. Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa nakitang palabas.

PAMANTAYAN

Puntos 10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo magulo Wlang


ay mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Kaugnayan May malaking Di gaanong Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa may kaugnayan ugnayan sa kaugnayan sa
paksa sa paksa paksa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang

13
malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
kabuuan pagkakabuo

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagtataya Huling pagtataya

1. C 1. B
2. C 2. D
3. A 3. D
4. C 4. D
5. D 5. D
6. B
7. D
8. C
9. D
10. d

Para sa iyong mga katanungan mag-iwan lamang ng mensahe sa aking facebook


account GMAIL at Genyo na nakatala sa ibaba upang mabigyang tugon ang iyong mga
katanungan.
Ian Carl Jano janoiancarl@gmail.com Ian Carl V Jano

Sanggunian:
file:///C:/Users/Teacher/Desktop/All%20files/PEAC/signed%20off_esp8_q1_mod3_PamilyaSusi
%20sa%20MakabuluhangPakikipagkapwa_v3.pdf
https://youtu.be/WbVH0J7d7ws

Panoo Magpakatao 8 (Rex Book store)


Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Modyul para sa Mag-aaral)
Linanga: Workteks sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

14

You might also like