You are on page 1of 11

Ikalawang Markahan- Modyul 1

Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (AP7KSAIIb1.3) – WEEK 1

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng kabihasnan sa Asya


 Naiisa-isa ang mga katangian ng pagkakaroon ng kabihasnan

Subukin Natin

GAWAIN 1: Ano nga ba ang kahulugan ng Kabihasnan at


Sibilisasyon?
Isulat mo sa ‘banner’ ang mga salita na naiisip mo o ideya na bubuo sa
kahulugan ng salitang kabihasan at sibilisasyon.

GAWAIN 2: Matapos kang makapagbigay ng mga ideya o


mga salita na may kinalaman sa kabihasnan at sibilisasyon
ay subukin mong pag-ugnay-ugnayin ang mga nasabing
salita upang makabuo ka ng kaisipan na kakatawan sa
magiging kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon. Buuin
ang pangungusap simulant ito sa pangungusap na:
Ang kabihasnan at sibilisasyon ay …
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Aralin
KASAYSAYAN NG ASYA:
1 KAHULUGAN NG KONSEPTO NG
KABIHASNAN AT MGA KATANGIAN NITO

Balikan Natin

GAWAIN 3:
Panuto: Tunghayan ang mga larawan. Suriin mo at bigyan ng
kahulugan ang mga ito. Ano kaya ang naging halaga o silbi nito sa sinaunang
Asyano? May kinalaman kaya ang mga bagay na ito sa pagkakaroon ng
kabihasanan at sibilisasyon? Magbigay ng ideya o opinyon sa mga
bagay/larawan na naipakita. Pagkatapos masuri ay sugutin ang mga
katanungan na nasa ibaba.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinapahayag ng mga bagay sa larawan?
Una: ___________________________
Pangalawa: ___________________________
Pangatlo: ___________________________
Apat: ___________________________
Lima: ___________________________
Anim: ___________________________
2. Bakit kailangan ng mga sinaunang tao ang mga bagay na ito?
__________________________________________________________________
3. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito noong sinaunang
panahon?
__________________________________________________________________
Tuklasin Natin

GAWAIN 4:
PANUTO: Suriin ang mga larawan, magbigay ng ideya kung saan
matatapuan ang mga ito? Tukuyin kung ano ang maaring naging mahalagang papel
ng mga ilog lambak sa pag-usbong o pag-unlad ng Kabihasanan at Sibilisasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapakita ng mga larawan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay bakit sa mga lugar tulad nito nagsimula ang unang
kabihasnan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Talakayin Natin

GAWAIN 5:
PANUTO: Basahin at unawain mo ang nillaman ng teksto tungkol sa
kanihasnan at sibilisasyon. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang mga
pamprosesong tanong at ang susunod na gawain na may kinalaman sa pag-
usbong ng kabihasnan

Sinasabing ang kabihasnan ay masalimuot na pamumuhay sa lungsod at kadalasang


kasinghulugan ng salitang sibilisasyon. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang
bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging magaling. Katulad ng nangyari sa mga
Sinaunang Asyano, nanirahan sila sa mga lambak at ilog. Nalinang nila ang pamumuhay tulad ng
pangingisda at pagsasaka dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tinirahan. Kinasanayan na
nila ang pangingisda at pagsasaka at ito ang nagsilbing pang araw- araw nilang hanapbuhay.Dahil
dito nabuo ang konsepto ng kabihasnan napamumuhay nanakasanayan o nakagawian.
Ang sibilisasyon naman ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga
lambak at ilog tulad ng Sumer, Indus at Shang. Subalit hindi tahasang sinasabi na kapag namuhay
ka sa lungsod ay sibilisado ka na o kung namuhay ka sa hindi lungsod ay hindi ka sibilisado. Ang
pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa hamon ng kapaligiran kung paano mo ito
matutugunan. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon
ng kapaligiran at sa pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kanyang pamumuhay gamit ang
lakas at talino nito. Ito ang magpapaunlad sa kanyang pagkatao.
May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Ito ay ang pagkakaroon ng
organisado at sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing
pang-ekonomiya at uring panglipunan, mataas na antas ng kaalaman sa teknolohiya, sining at
arkitektura at sistema ng pagsusulat. Kung susuriin, ang Sumer, Indus at Shang ay mga lungsod na
nagkaroon ng kakayahan na mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Lumaki ang kanilang populasyon
na luminang sa lupain na agrikultural na paglaon ay pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay,
nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka. Bawat lungsod ay pinamunuan ng mga pari at ang
iba naman ay napalitan ng mga hari. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos natinawag na
Politeismo. Nakapagtayong mga templo, nakaimbento ng mga kagamitang yari sa metal na nagamit
sa kalakalan. Bunga ito ng angking kakayahan ng mga artisano. At ang huli ay ang pagka imbento ng
sistema ng pagsulat.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-anong mga bagay na makakapagpatunay na nagkaroon ng
kabihasnan ang mga sinaunang Asyano?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Naging sapat ba ang mga kakayahan ng mga sinunang Asyano
upang mapaunlad ang kanilang kabihasanan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Pagyamanin Natin
GAWAIN 6:
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan at bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


a. pamumuhay na nakagawian at pinauunlad ng maraming pangkat
ng tao
b. mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
c. paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
d. pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mga
mamamayan.

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa


pagkakaroon ng kabihasnan?
a. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring
panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat.
b. Pamahalaan, relihiyon sining, arkitektura at pagsusulat
c. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas at
pagsusulat
d. Pamahalaan, relihiyon, kultura at tradisyon, populasyon at estado

3. Ano sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang


Sumer ang itinuturing na pinakamatanda at pinaka unang kabihasnan sa
buong daigdig.
a. Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak Tigris at Euphrates
noong 3500- 300 BC na unang nahubog na pamayanan.
b.Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinaka unang kabihasnan sa
daigdig
c. Dahil dito natatag ang mga pamayanan at imperyo
d. Ito ang naging tagpuan ng ibat ibang pangkat ng tao

4. Isa sa pinakamahalagang natuklasan ng sinaunag Kabihasnan?


a. Apoy
b. Bato
c. Hayop
d. Kahoy
5. Saan sinasabing umusbong at napaunlad ang kabihasnan?
a. Ilog-Lambak
b. Bundok
c. Dagat
d. Lambak

GAWAIN 7:

PANUTO: Pag-isipan Mo! Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan ukol sa pagkakaroon ng apoy. Layunin ng gawaing ito na
masusuri ang mga katangian ng sinaunang panahon ayon sa uri ng mga
kagamitan at sistema ng pamumuhay ng tao

1. Alin sa mga sumusunod na gamit ang pinakalumang paraan sa paglikha


ng apoy?
2. Alin sa tatlo ang may makinis at maliit na hawakang kahoy?
__________________
3. Alin sa tatlo ang may bakal o metal at kailangang lagyan ng "liquid fuel"
sa loob?
4. Sa kasalukuyan, alin sa tatlo ang karaniwang gamit ng mga tao sa pang
araw-araw na pangangailangan ng apoy?
5. Batay sa iyong karanasan, alin sa tatlo ang nagdudulot ng pinakamadali
at mas tumatagal na nakasinding apoy at pangatwiranan ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________

Tandaan Natin

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO


Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa
modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na
dapat mong tandaan?

 Ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.


 Sumibol at umulad ang kabihasan sa mga Ilog-Lambak
 Makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang
wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing
intelektuwal, pamahalaan, kakayahan maipagtanggol ng sarili at
Sistema ng pagsulat.
Isabuhay natin

Batay sa iyong mga nabasa at natuklasan sa araling ito.


Magbigay tatlong opinyon ukol sa pamumuhay NOON at
NGAYON.

NOON NGAYON
1. 1.

2. 2.

3. 3.

Tayahin Natin

GAWAIN 8:
PANUTO: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pahayag.
____________ 1. Mayroong permanenteng tirahan ang sistema ng
pamumuhay ang mga sinaunang Asyano.
____________ 2. Nagkaroon ng paniniwala sa maraming diyos na tinawag na
Politeismo.
____________ 3. Iisa lamang ang pinaniniwalaang Diyos ng mga sinaunang
Asyano.
____________ 4. Nanirahan sa mga lambak at ilog ang mga sinaunag Asyano.
____________ 5. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng kasanayan sa isang
bagay masasabi nating nagiging bihasa siya o nagiging
magaling ito.
____________ 6. Ang konsepto ng kabihasnan ay tumutukoy sa pamumuhay
na nakasanayan o nakagawian.
____________ 7. Ang pagkakaroon ng sibilisasyon ay batay sa pagharap sa
hamon ng kapaligiran kung paano mo ito matutugunan.
____________ 8. Tahasang sinabi na kapag namuhay ka sa lungsod ay
maituturing ka ng sibilisado.
____________ 9. Bawat lungsod noon ay pinamunuan ng mga pari at ang iba
naman ay napalitan ng mga hari.
____________ 10. Walang kinalaman ang sitema ng pagsulat sa
pagpapaunlad ng kabihasanan at sibilisayon.
Gawin Natin

GAWAIN 9:
PANUTO: Itala sa bawat kahon ang mga salik at batayan sa pagkabuo ng
Kabihasnan at Sibilisasyon mula sa binasang teksto mula sa Gawain 3.
Mga Sanggunian:

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
by Rosemarie C. Blando, et., al.

MGA BUMUO NG MODYUL PARA SA MAG-AARAL


Manunulat: MARY JOY DAIZ
Tagasuri:
Content Evaluator: MARIETTA F. VALIDA, ROWEL GALURA
Language Evaluator:
Naglay-out: ROBERT VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, OIC-SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC, ASDS
DR. ELLERY QUINTIA, Chief, CID
DR. DAISY MATAAC, EPS, LRMDS
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS, ARALING PANLIPUNAN

Para sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like