You are on page 1of 10

TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT 1- ARALIN 1
Kabutihang Panlahat: Susi sa Lipunang Maunlad

Introduksyon 2

Paglulunsad 2

Tukuyin at Alamin 4

Magsaliksik 5

Pag-ugat ng Kasaysayan 6

Ang Lipunan at ang Kabutihang 7

Panlahat
Mga Elemento ng Kabutihang 8
Panlahat
Magsanay Ka 9

1
INTRODUKSYON
Tungkulin ng lipunang tiyakin ang kabutihang panlahat. Ang lipunan ay umiiral dahil
sa mahalagang gampanan sa tao. Sa pamamagitan ng pagpapairal ng patas na batas,
pagpakilala sa mga pangangailangan ng tao, at paglulungsad ng mga programang
tumitiyak sa kabutihan ng mamamayan ay nagampanan ng lipunan ang papel nito sa
tao. Ang lipunan ay binubuo ng mamamayan, simbahan, midya, at lipunang sibil na
dapat ay natutulungan sa pagtiyak na naisasakatuparan ang papel ng lipunan sa tao.

PAGLULUNSAD

Tukuyin ang mensaheng ipinapahiwatig ng larawan na nasa ibaba upang

masagutan ang mga katanungan.

1. Ilarawan ang sitwasyong inilalahad ng larawan.

________________________________________________________________

2
2. Anong suliranin ang makikita sa larawan?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ano-anong ahensiya ang sa palagay ninyo ay sangkot sa suliraning ito?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ano-anong hakbangin ang marapat na isagawa upang malutas ang suliranin?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Paano matitiyak ang kalutasan ng suliraning inilalahad?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3
TUKUYIN AT ALAMIN
ARALIN 1: Kabutihang Panlahat: Susi sa Lipunang Maunlad

Aralin I: Kabutihang Panlahat, Ano Ba ito?

Alam mo ba ang kahulugan ng kabutihang panlahat?

Ang kabutihang panlahat ay itinuturing na nucleo ng anumang sitawasiyon kung

saan ang dalawa o higit pang tao ay bumubuo ng pangkat, komunidad, o lipunan.
Maraming organisasyon ang itinatag dahil sa layuning magkaroon ng kabutihang
panlahat: pagtatanggol, pampublikong trasportasyon, pampublikong kaligtasan,
pampublikong kalusugan, at marami pang iba.

Ayon sa Diksiyonaryong Webster, ang kabutihang panlahat ay “kabilang sa o

pagiging bahagi ng bawat isa o lahat” (Webster’s Dictionary, 1990 p.122). Mapapansin
sa ibinigay na kahulugan na ang salitang kabutihang panlahat ay pagtitiyak na ang
bawat bahagi ng pangkat o lipunan ay bahagi at nakikibahagi para matiyak ang
kabutihan ng lahat ng mga kasapi.

Ang mga sumusunod ay pakahulugan, pananaw, ideya ng mga kilala o/dakilang

personalidad kaugnay ng kabutihang panlahat:

 “Lubhang mahirap na mapag-iral ang kabutihang panlahat sa kabila ng

pagnanais ng ilan na matugunan ang sariling interes, lalo na kung ang
desisyon ay ginawa sa silid na nakapinid.” – Kimmy Carter

 “Walang saysay ang batas kung hindi ito tumutugon sa kabutihang

panlahat, na nilikha ng taong may malabis na pagpapahalaga sa
komunidad.” – St. Thomas Aquinas

 “Wala nang mas mates pang rehiyon maliban sa pagtulong sa kapwa. Ang
gumawa para sa kabutihang panlahat ay isang dakilang prinsipyo.”
- Woodrow Wilson

4
MAGSALIKSIK

Magsaliksik ng mga kilala o dakilang personalidad na may kauganay sa pananaw

ng dakilang panglahat. Magbigay ng limang personalidad at italakay ang kanilang
mungkahi.

Halimbawa:
Personalidad: Kimmy Carter
Mungkahi: Lubhang mahirap na mapag-iral ang kabutihang panlahat sa kabila ng
pagnanais ng ilan na matugunan ang sariling interest, lalo na kung ang desisyon ay
ginawa sa silid na nakapinid.

1. Personalidad: _____________________________________________________
Mungkahi:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Personalidad:_____________________________________________________
Mungkahi:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Personalidad: _____________________________________________________
Mungkahi:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5
4. Personalidad: _____________________________________________________
Mungkahi:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Personalidad: _____________________________________________________
Mungkahi:________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

PAG-UGAT NG KASAYSAYAN
Mula sa panahon ng mga sinaunang estado ng Griyego sa pamamagitan ng
kotemporarayong pilosopiyang politikal, ang ideya ng kabutihang panlahat ay nakatuon
sa pagkakaroon ng partikular na kabutihan tulad ng seguridad at hustisya, sama-
samang paggawa, at aktibong pakikibahagi sa mundo ng politika at pampublikong
panglilingkod. Bunsod nito, ang ideya ng kabutihang panlahat ay hindi ang pagkakaroon
ng isang lipunang binubuo ng mga idibidwal na mistulang nabubuhay nang mag-isa at
malayo sa kaniyang kapwa.

Ang ideya ng kabutihang panlahat ay madalas na maging tema ng Kanluraning

pilosopiyang politikal, lalo na sa mga obra nina Aristotle, Niccolo Machiavelli and Jean-
Jacques Rousseau.

Sa Book I ng Politics na isinulat ni Aristotle, ipinagdiinan niya na ang tao ay may

kalikasang politikal. Makakamtan lamang ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng
pakikisangkot ng mga mamamayan sa politikal na komunidad, o polis. Ang aktibong
pakikibahagi sa politika tulad ng pagiging lingkod ng lahat, pakikisangkot sa
deliberasiyon ng batas at hustisiya, o pagiging isang sundalong ipinagtatanggol ang
polis.

Ang ideya ng kabutihang panlahat ay naging mahalagang paksa rin noong huling
bahagi ng ika-15 siglo at unang bahagi ng ika-16 siglo sa mga akda ni Machiavelli, sa

6
kaniyang pamosong akda na The Prince. Ipinagdiinan ni Machiavelli na ang pagkakamit
ng kabutihang panlahat ay nakabatay sa pagkakaroon ng masigasig at mapagmahal na
mamamayan. Binuo ni Machiavelli ang nosyon ng virtu (birtud) bilang denotasyon ng
kahalagahan ng pagpapananatili ng kabutihang panlahat sa pamamagitan ng pagkilos
ng mga mamamayan, maging ito ay sa pammagitan ng military o politikal.

Noong kalagitnaan ng ika-18 siglo, mababakas sa mga akda ni Rousseau ang

malabis niyang pagpapahalaga sa kabutihang panlahat. Ayon sa kaniya ang kabutihang
panlahat ay makakamtan sa pamamagitan ng aktibo at boluntaryong pagtugon ng mga
mamamayan at hindi sa pagpairal ng sariling interes.

Sa kasalukuyan, naging malawakan ang pagpapanatili ng kabutihang panlahat

sa halos lahat ng lipunan. Iba-ibang ahensiya ng lipunan ang kumikilos upang matiyak
na ang kabutihang panlahat ay namamayani.

Tungkulin ng lahat ang aktibong pakikisangkot upang mapanatili at lalo pang

malaganap ang pagpapairal ng kabutihang panlahat.

ANG LIPUNAN AT ANG KABUTIHANG PANLAHAT

Binubuo ng tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang tao (Dy, 1994). Ang tao ay
isang panlipunang nilalang. Gumagalaw siya sa lipunang humuhubog sa kaniya.
Marapat na ang layunin ng lipunan ay layunin din ng bawat indibiduwal. Ang
pagpupunyagi ng lipunan ay pagpupunyagi rin ng bawat mamamayan.

Marapat na maging tunguhin ng lipunan ang kabutihang panlahat - ito ay

pagtiyak na tinatamasa ng bawat indibiduwal ang pagkalinga ng lipunan na nilikha ng
mga mamamayan nito. Sa madaling sabi, hindi malilikha ang kabutihang panlahat kung
wala ang mga mamamayang bumubuo sa lipunan.

Mahalagang tugma ang layunin ng bawat mamamayan at ng lipunan. Bahagi ng

lipunan ang tao. Kaya sinasabing ang tao ay panlipunang nilalang. Hindi magiging
ganap ang pagkatao ng tao kung siya ay nag-iisa. Mahalagang makibahagi siya sa mga
pangyayari sa kaniyang lipunan.

7
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
Ayon sa Catechism of the Catholic Church, ang mga sumusunod ay elemento ng
kabutihang panlahat:

1. Paggalang sa bawat tao: bawat tao ay may karapatan. Taglay na niya ito bago
pa siya ipinanganak.
2. Kapakanang Sosyal at pag-unlad ng pangkat: Pangunahing tungkulin ng
pamahalaan ang pag tiyak sa kapakanan ng bawat mamamayan nito tulad ng
maayos na kalusugan, maunlad na sistema ng edukasyon, malinis na
kalagayang politikal, ligtas at payapang lipunan, matatag na ekonomiya, angkop
na programang pangkalusugan, at marami pang iba.
3. Kapayapaan: Ang pag-iral ng kapayapaan ay isa sa mga manipestasyon na
umiiral din ang kabutihang panlahat. Hindi maaring makamtan ang kabutihang
panlahat kung ang lipunan ay maligalig, magulo at batbat ng karahasan. Ang
kapayapaan ay maari ring kapayapaan ay maari ring mangahulugan ng
katahimikan ng pag-iisip, kalooban, pamilya, komunidad, at lipunan.

MGA BALAKID SA PAGTAMO NG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Pagpapairal ng personal na interes: Makakamtan ang kabutihang panlahat
kung ang bawat isa ay naghahangad ng kabutihan ng lahat ng kasapi ng lipunan.
2. Indibiduwalismo: Ang pagkaniya-kaniya ay hadlang sa pagtamo ng kabutihang
panlahat. Tandaang ang tao ay isang panlipunang nilalang. Hindi makatutulong
sa pagtamo ng kabutihang panlahat ang pagiging mapag-isa ng tao.
3. Hindi makatuwirang paghahambing ng sarili: tandaang ang pagpapanatili ng
kabutihang panloob ay pag-aalay ng sarili.

PAANO MAKAKAMIT ANG KABUTIHANG PANLAHAT

1. Marapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya ang tao sa
pamamagitan ng pakikipag-usap, pamamahalan, at pagbibigay ng katarungan.
2. Marapat na mapangalagaan ang pangunahing karapatang pantao.
3. Marapat na mapaunlad ang bawat indibiduwal tungo sa pagkamit ng kaganapan
ng pagkatao nito.

8
MAGSANAY KA

Magbigay ng salita o lipon ng mga salita na maaaring maiuugnay sa salitang

KABUTIHANG PANLAHAT.

Kabutihang
Panlahat

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit mahalaga ang pagpapairal ng kabutihang panlahat?
______________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, paano makakamtan ang kabutihang panlahat?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
3. Bakit itinuturing na nucleo ng anumang pangkat o organisasiyon ang
kabutihang panlahat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Bakit sinasabing marapat na maging tunguhin ng lipunan ang kabutihang

panlahat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Ano kaya ang mangyayari kung hindi pinahahalagahan ng mamamayan ang

kabutihang panlahat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

10

You might also like