Professional Documents
Culture Documents
I. Pauna
KAHULUGAN
KATARUNGAN PANLIPUNAN
PAGPAPAHALAGA
Pagtuklas
“Walang iwanan.” Sa ano-anong sitwasyon o konteksto mo narinig ang pahayag na ito? Anong pagpapahalaga
ang masasalamin sa katagang ito?
Bilang panlipunang nilalang, tayo ay may likas na pangangailangan sa kapwa, lalo na sa mga kritikal na sitwasyon
sa buhay. Ito ay dahil ang tao ay panlipunang nilalang o umiiral na kasama ang ibang tao. Matutugunan lamang ang
pangangailangang ito kung may nabubuong ugnayan sa atin at sa mga taong nakapaligid sa atin – isang ugnayang
1
dapat na pinamayanihan ng katarungan.
Kahulugan ng Katarungan
Ano ang katarungan? Ayon sa karaniwang kahulugan nito, ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa
kaniya. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap. Kung kaya, ang tuon ng
katarungan ay ang labas ng sarili. Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling interes.
Ano naman ang nararapat sa kapwa? Ito ay ang pagpapahalaga sa kaniyang hindi malalabag na espasyo ng kaniyang
pagka-indibidwal-ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang pagkatao ng tao ay isang katotohanang nangangailangan ng
ating pagkilala at paggalang.
Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay. Umiiral ito kung tinatanggihan ng
mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot sa pribado at publikong institusyon, hindi makatarungang
pasahod sa mga empleyado, at ang iba pang mga katulad na sitwasyon. Isinasaalang-alang ng katarungan ang
ugnayan ng bawat isa sa lipunan, makikita mo kung gaano kalaki ang hamon ng pagpapairal ng katarungang
panlipunan. Mabisang paraan ito upang mapangalagaaan at mapanatili ang kabutihang panlahat. Hindi lamang ito
nakatatak sa Saligang Batas ng ating bansa kundi ito ang siyang isinisigaw ng ating bayan sa kasalukuyan nitong
kalagayan.
Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr. Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa ugnayan ng tao sa kaniyang
kapwa kundi s ugnayan din sa kalipunan. Iba ang kapwa sa lipunan. Ang kapwa ay personal o interpersonal na
ungnayan mo sa ibang tao. Halimbawa: sa batang nasa lansangan, sa isang matandang babae na nagpapaturo sa iyo
kung saan ang daan, sa kaibigan na nagpapatulong tungkol sa kaniyang problema. Samantala ang kalipunan (socius)
at ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang tungkulin sa isang institusyon.
Halimbawa nito ay ang guro o mag-aaral sa paaralan, ang konduktor ng bus o ang empleyado sa opisina. Sila ay
kalipunan dahil may namamagitan na institusyon sa kanilang ugnayan. Magkaiba, ngunit hindi magkahiwalay ang
kapwa at kalipunan. Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapwa.
Ang katarungang panlipunan sa tunay na kahulugan nito ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang bawat tao ay may
dignidad hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa lipunan, o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang
pagkatao. Bukod-tangi ang tao sa lahat ng mga nilalang ng Diyos dahil nilikha siya ng Diyos na may pag-iisip at
kalayaan. Ang kaniyang pagkabukod-tangi ay hindi dumidepende sa kanino man. Wala siyang katulad sa buong
kasaysayan. Hindi siya mauulit. Tulad ng binanggit sa Baitang 7, kung ang diyamante ay mahalaga dahil bihira ito,
ano pa kaya ang tao na bukod-tangi? May dignidad ang tao dahil may halaga siya. Mahalaga siya sa kaniyang
pagkasiya, pagka-ako, pagkabukod-tangi. Ito ang nararamdaman ng tao sa kaniyang kapwa at sa kaniyang sarili.
Dahil mahalaga ang tao, makatarungan na ibigay ang nararapat sa kaniya. Totoo na ang pagbibigay kung ano ang
nararapat sa tao ay hindi nakadepende sa kaniyang sitwasyon, kundi sa kaniyang hindi malalabag na karapatang
kaugnay sa kaniyang dignidad bilang tao. Ang katarungang panlipunan, kung gayon, ay nakatutuon sa kabutihan ng
mga tao. Samakatuwid, ang mga istraktura ng lipunan ay nabubuo at nararapat na umiiral para sa kabutihan ng
lahat ng tao.
2
IV. MGA GAWAIN
KATARUNGANG
PANLIPUNAN
1.__________________________
____________________________
____________________________
2.__________________________
____________________________
____________________________
3.__________________________
____________________________
____________________________
4.__________________________
____________________________
____________________________
3
Gawain2 – Pang-isahang Gawain
Panuto:
1. Gumawa ng pagtatasa kung anong mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao ang taglay mo sa iyong
sarili sa kasalukuyan.
2. Sagutin ang bawat aytem sa talahanayan sa ibaba.
3. Isaalang-alang ang mga ginawa mo sa kasalukuyan at hindi ang mga gusto mong gawin.
4. Lagyan ng tsek (√) ang angkop na kahon sa bawat bilang.
MGA PALATANDAAN NG PAGIGING MAKATARUNGANG TAO AKO ITO HINDI
AKO ITO
1. Isinasaalang-alang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aking paligid.
2. Inuunawa ko ang bawat sitwasyon sa obhektibong karapatan upang makakilos nang
makatarungan ayon sa hiningi ng sitwasyon.
3. Kahit alam ko kung ano ang nararapat para sa akin ay maaari akong magparaya alang-
alang sa mas nangangailangan nito.
4. Handa akong magbigay ng aking sarili upang makatulong sa pagpapabuti ng
kapakanan o buhay ng aking kapwa.
5. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng bawat miyembro ng aming pamilya.
6. Kinikilala ko at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa trabaho,
sa aming barangay o sa bansa.
7. Itinataya (commit) ko ang aking sarili sa kasunduang mayroon ako at ang aking
kaibigan.
8. May kamalayan ako kung anong karapatan ang dapat kung igalang lalo na ang may
kaugnayan sa likas na batas moral.
9. Tinutupad ko ang aking mga pangako at mga komitment sa buhay.
10. Nauunawaan ko na ang mga pagsalungat, pagbatikos, at pagpuna sa iba na kulang ng
batayan ay kawalan ng katarungan.
1. Ano ang katarungan? Bakit nangangailangan ng panloob na kalayaan ang pagtataguyod nito?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Paano ba magiging makatarungan ang tao? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Paano nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan? Patunayan.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Ano ang katarungang panlipunan? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4
Gawain 4 – Performance Task
Panuto:
1. Balikan ang ginawa mong pagtatasa ng sarili sa Gawain 2 tungkol sa mga palatandaan ng pagiging
makatarungang tao.
2. Sa Kolum 1 ng matrix isulat ang mga aytem ng palatandaan na kailangan mo pang taglayin. Sa Kolum 2, isulat
ang 2 o 3 tiyak na paraan o hakbang na gagawin mo sa pagsasakatuparan ng bawat palatandaan. Sa Kolum 3
naman, isulat ang mga kaugnay na pagpapahalaga sa mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na
mahubog sa iyong sarili. Gabay mo ang halimbawa.
(Gayola 2017)
Mga Palatandaan ng Pagiging Mga Paraan o Hakbang na Gagawin Mga Kaugnay na Pagpapahalagang
Makatarungang Tao na Kailangan Ko sa Pagsasakatuparan ng Bawat Mahuhubog sa Aking Sarili
Kong Taglayin Palatandaan
Halimbawa:
• Isinasaalang-alang ko ang • Hinaan ko ang volume n • Paggalang sa kapwa
mga karapatan ng mga tao gaming stereo/component
sa aking paligid. tuwing pinapatugtog ko ito
upang hindi makaistorbo sa
aming mga kapitbahay.
1.
2.
3.
4.
5.
6. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
b. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng ito.
c. Malalaman nag tao ang mangyayari sa kaniyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda ng
batas.
d. Itinakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kaniyang buhay.
6
10. Bakit mahalagang mauunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging
makatarungan sa kapwa.
d. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
B. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay makatarungan o hindi. Isulat sa sagutang papel ang (M) kung
ito ay Makatarungan at (HM) naman kung ito ay Hindi Makatarungan.
11. Paghihingi ng hustisya sa hindi makatarungang pagtanggal sa trabaho ng ilang mangagawa sa isang
pribadong pabrika.
12. Panunukso sa kaklaseng may kapansanan.
13. Paghihingi ng angkop na payo mula sa isang abogado tungkol sa isang isyu/problemang kinakaharap ng
isang miyembro ng pamilya.
14. Pag-imbestiga sa mga kahina-hinalang paggasta ng pondo ng isang lokal na pamahalaan.
15. Hindi pagtulong sa isang matandang babaeng tumatawid sa kalsada.
VI. SANGGUNIAN
Aklat:
Gayola, Sherryll T., Guevarra, Goeffrey, Bontia, Maria Tita Y., et.al. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Gabay sa
Pagtuturo. Pasig City, Philippines: Bloombooks, Inc., 2017.
Inihanda ni:
Janreyl L. Namocot
Tangke National High School
4625498
7
Control No: _______________
ANSWER SHEET
Gawain 1
1.
___________________________________________________________________________

Gawain 2
MGA PALATANDAAN NG PAGIGING MAKATARUNGANG TAO AKO ITO HINDI
AKO ITO
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
8
Gawain 3
1._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4._________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 4
Mga Palatandaan ng Pagiging Mga Paraan o Hakbang na Gagawin Mga Kaugnay na Pagpapahalagang
Makatarungang Tao na Kailangan Ko sa Pagsasakatuparan ng Bawat Mahuhubog sa Aking Sarili
Kong Taglayin Palatandaan
1.
2.
3.
4.
5.
Pagsusuri/Pagtataya/Tayahin
1. ___________________
2. ___________________
3. ___________________
4. ___________________
5. ___________________
6. ___________________
7. ___________________
8. ___________________
9. ___________________
10. ___________________
11. ___________________
12. ___________________
13. ___________________
14. ___________________
15. ___________________
9
Control No: _______________
TALAAN NG FEEDBACK
LEARNER’S FEEDBACK
-------------------------------------------------------------------------

--------------------------------------
PARENTS’/GUARDIANS’ FEEDBACK
-------------------------------------------------------------------------------------------------------

------------------
10