You are on page 1of 26

LEARNING MODULE

THE NOTRE DAME OF MASIAG, INC.


SY 2020-2021
EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 7
Quarter 4
Name ______________________________________________

Section ______________________________________________

Subject Teacher ________DANTE H. LAGNAODA________________

Class Adviser MRS. WILMA S. PACOL/MRS. MARY JEAN S. FARILLON_

FOR PRIVATE USE


in the Archdiocesan Notre Dame Schools of Cotabato
Strictly not for Public Circulation
Panimula:
Isang bahagi ng pagbibinata at pagdadalaga ang pangarap. Hindi nga ba’t
nagbibigay ng matinding inspirasyon ang pagbuo ng mga pangarap na magbibigay
katuparan sa miniminthing maligaya, matahimik, at maginhawang buhay sa
kinabukasan?
Dahil sa punong-puno ng pag-asam sa magagandang bagay na maaaring
mangyari sa hinaharap, lubhang aktibo ang imahinasyon ng bawat kabataan ang
pinapangarap, at animo’y maaabot na ang pinapangarap na nais marating.
Subalit sa kabila ng pangangarap, hindi rin maipagpakaila ang pag-agam-agam,
pagkalito, o pagkatakot sa maaaring kahihinatnan ng kaniyang pinapangarap sa
buhay. Kaya naman napakahalaga na sa pagdaan ng mga araw matuklasan at
maunawaan mo ang kasagutan sa mahalagang tanong: Bakit mahalaga sa isang
kabataan ang pagkakaroon ng pangarap? Ano ang kinalaman ng kaniyang pamilya at
ng iba pang taong nakapalibot sa kaniya sap ag-abot niya sa kaniyang pangarap?
Paano sila nakatutulong sa kaniya? Paano niya natuklasan na kailangan niya ng
gabay ng kaniyang mga magulang at tulong ng kaniyang mga kapatid sa pag-abot ng
kaniyang mga pangarap?

Layunin:
Arali Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang ng
n Sesyon/Ora
Blg. s
1.1 PANGARAP KO,  nakikilala ang pagkakaiba W1-W2
MAAABOT KO at pagkakaugnay ng birtud 10 ORAS
at pagpapahalaga
 natutukoyang mga birtud at
pagpapahalaga nais
sabuhay at ang mga tiyak
na kilos nailalapat sa
pagsasabuhay ng mga ito.
 Napatutunayan na ang
paulit-ulit na
pagsasabuhay ng mga
mabuting gawi batay sa
mga moral
napagpapahalaga ay
patungo sa paghubog ng
mga birtud (acquired
virtues)
 naisasagawa ang
pagsasabuhay ng mga
pagpapahalaga at birtud
na magpapaunlad ng
kanyang buhay bilang
nagdadalaga/ nagbibinata

PANIMULANG PAGTATAYA:
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan
ng pagsagot sa PANIMULANG PAGTATAYA.
Gawain 1- PANIMULANG PAGTATAYA: FORMATIVE ASSESSMENT 1 (FA1)
Tandaan: ang Formative Assessment ay para sa iyong pansariling gawain. Sagutan
muna ang gawaing ito bago tignan ang susi sa pagwawasto.
Panuto: Kopyahin at Ilagay ang sagot sa iyong activity/assessment notebook. Lagyan
ang inyong gawain ng Q4 – Aralin 3 – Gawain 1 – Panimulang Pagtataya 1 (FA1).
Mga dapat kong
Gawin
A1. Mga pangarap ko ngayon nakayang kong
maisakatuparan
A2. Mga pangarap ko ngayon na inaasahan kong
maisasakatuparan
A3. Mga pangarap ko ngayon na mahirap
maisakatuparan

Magaling! Natapos mo ng sagutan ang panimulang pagtataya na magbibigay


sa iyo ng paunang kaalaman tungkol sa araling tatalakayin. Ngayon ay maaari ka
ng tumuloy sa susunod na bahagi; ito ay ang PAGTUKLAS.
PAGTUKLAS:
Sa bahaging ito ng modyul ay sasagutan mo ang isang gawain na magbibigay
sa iyo ng paunang kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Karanasan na rin ang makapagpapatotoo, na sa ikatutupad ng pangarap, may
mga katangian at virtue na kailangan ang tao. Ang determinasyon, sikap at tiyaga,
katatagan, tiwala sa sarili, at pananampalataya sa Diyos ay mga pagpapahalagang
makatutulong sa isang kabataan upang maisakatuparan ang pinangarap.
Ang determinasyon ay may matatag na paninidigan sa isakatuparan ang
kaniyang minimithi. Hindi siya natitinag ng mga hadlang sa kaniyang nais na
marating.
Ang pagsisikap at pagtitiyaga ay nagbibigay lakas upang ipagpatuloy ang anumang
gawain kahit gaano pa man ito kahirap. Ang matiyaga at masipag na tao ay
masigasig sa pagsasakatuparan ng mithiin, gaano man ito kahirap. Masipag,
mapagpaumanhin, at matiisin siyang mapagtagumpayan ang minimithing layunin.
Matatag ang taong matibay ang paniniwalang sa kabila ng unos ay may araw
na sisikat.
Ganyan din ang taong may tiwala sa sarili. May pananalig siya sa na mayroon
siyang pansariling kaangkinan at kalakasan na nagbibigay sa kaniya ng positibong
pananaw sa buhay, at paniniwalang kaya niya ang mga pinagdadaanan. Higit sa
lahat, ang maigting na pananampalataya at pagmamahal sa Diyos ang pinagkukunan
niya ng pag-asa at lakas na tahakin ang landas tungo sa katuparan ng pinapangarap.
Mahusay! Napagtagumpayan mong sagutan ang mga gawain sa
PAGTUKLAS. Naibigay mo na rin ang iyong mga paunang kaisipan tungkol sa
paksang tatalakayin. Ngayon ay maaari ka ng tumuloy sa susunod na bahagi.
PAGLINANG/PAGPAPATIBAY:
Gawain 2- PAGBABASA 1
Tandaan: ang Gawaing ito ay natuon lamang sa iyong PAGBABASA AT PAG-
UNAWA
Panuto: Basahin at unawin ang mga konteksto na nakasulat sa ibaba.
Bakit mahalaga ang Pangarap
Nang likhain ang tao, nabiyayaan siya ng mga kaangkinan upang mabuo ang
kaniyang pagkatao. Isa na rito ang pag-iisip kung saan mahalagang tungkulin ang
pagpapagana ng imahinasyon. Sa imahinasyon nagmumula ang mga pangarap.
Tulad ng bahaghari, makukulay ang mga pangarap na ipinipinta ng imahinasyon sa
iyong isip. Matinding kasiyahan ang nararamdaman mo kapag binabalik-balikan ang
mga pangarap sa iyong isip. Sa tuwa ang mangangarap wari bay iyong-iyo ang
mundo at parang lumulutang ka sa ligaya.
May kaibahan ang pangarap sa panaginip. Ang panaginip ay panandaliang
karanasan habang ikaw ay natutulog. Buo o putol at maaaring natatandaan o hindi
ang napanaginipan kapag nagising ka. Sa kabilang panig, ang pantasya ay gawa ng
malikhaing isip habang ikaw ay gising. Bumubuo ka ng sitwasyon o pangyayari na
gustong-gusto mong laro-laruin sa iyong isipan. May dulot din na ligaya ang
pantasya dahil lahat ng gusto mong mailarawan sa diwa ay posible. Halimbawa,
maaari kang magpantasya na ikaw ay isang astronaut, Miss Universe, o maging
katulad ni Bill Gates. Kaya lang, tulad ng panaginip, napuputol ito kapag bumalik ka
na sa realidad o katotohanan ng kasalukuyan. Kaya higit na mabuti at mahalaga ang
mangarap o mag-ambisyon dahil ito ay may maaasam na katuparan sa hinaharap.
Kaakibat ng pangarap ang mithiin sa buhay. Nagpapatindi sa katuparan ng
mithiin ang pangarap o ambisyon. Nagsisilbi itong pangganyak at insipirasyon
upang kumilos at magsikap sa pag-abot ng iyong mithiin sa buhay. Tumutulong ito
sa pagpapasiya mo ng mga nararapat na hakbang tungo sa ikatutupad ng iyong
minimithi.
Tila ba isa itong flyer sa pabalat ng isang kapana-panabik na nobela na nakikita mo
ang maaaring kabuuan ng kwento.
Sa pangarap, mamatanaw mo ang iyong kinabukasan. Kaya naman kailangang
mangarap ka ng kongkreto at makatotohanan. Halimbawa, tamang-tama sa iyo ang
maging manggagamot kung (1) bukal sa kalooban mo ang makatulong sa may
karamdaman, (2) importante sa iyo ang maipadama sa kapuwa ang tunay na
pagtulong at pagmamalasakit, (3) mahusay ang grado mo lalo na sa science dahil na
rin sa angkin mong talino at sipag sa pag-aaral, at (4) mayroon namang sapat na
gastusin sa kursong medisina ang iyong mga magulang. Kongkreto ang pangarap mo
kapag napaglalapit mo ang sariling saloobin, kakayahan, pagpapahalaga, at naisin sa
buhay. Kung alam mo naman kung paano maisasakatuparan ang iyong pangarap,
malapit ito sa katotohanan. Madali, masarap, at walang gastos ang pangarap.
Subalit kailangan mong magsumikap at kumilos para maabot ito upang hindi
ka magsisi sa huli. May pakpak ang oras, ika nga, at madaling lumipas ang panahon.
Ang panahong lumipas ay hindi na mababawi pa. Kaya kung mayroon kang
pangarap ngayon, simulan mo nang magplano upang maisakatuparan ito.
Mga Dapat Tandaan upang Maabot ang Pangarap
1. Gawin ang nararapat at iwasan ang mga balakid sa iyong mga pangarap.
Pagtupad sa Pangarap

Dapat Gawin Dapat Iwasan

1. magtiyaga at magsumikap 1. pagiging mareklamo


2. huwag ipagpabukas ang magagawa 2. pagiging mareklamo
ngayon 3. pagtutumpik-tumpik
3. humingi ng payo sa nakatatanda kung 4. pagwawalang bahala sa payo/gabay ng
kailangan nakakatanda
Dapat Iwasan
Dapat Gawin
1. magtiyaga at magsumikap
2. Damhin ang pagnanasa tungo sa katuparan ng2.pangarap.
huwag ipagpabukas ang magagawa
 Paggising sa umaga, asam-asamin ang magiging
ngayonkatuparan ng mithiin.
 Kumuha ng inspirasyon sa panalangin, kalikasan,
3. humingi ng payo sa nakatatanda kung
kailangan
at pagmamasid sa mga
magaganda at malilikhaing bagay upang mag-alab ang pagnanasang
. pagtutumpik-tumpik
3.
magtagumpay sa katuparan ng mga pangarap. pagwawalang bahala sa payo/gabay ng
nakakatanda
 Alamin ang pansariling kahinaan at paglabanan ito upang hindi maging
sagabal.
 Alamin, pagyamanin, at gamitin sa wastong paraan ang mga pansariling
kalakasan para sa ikauunlad at ikadadali ng katuparan ng mga pangarap.
3. Damhin ang pangangailangan para maisakatuparan ang mga pangarap. Matindi
ang pagnanasa mong matamo ang iyong mithiin kapag alam mong kailangan mo ito
at ng mga minamahal mo sa buhay. Ang katuparan ng pangarap ay makapagdudulot
ng galak, ginhawa, at kabuuan sa iyong pagkatao. Paulit-ulit na damhin ang
pangangailangang ito tungo sa lubusang tagumpay ng iyong mithiin.
4. Manalig at magtiwala na magkakatotoo ang iyong mga pangarap dahil kaya mong
gawing totoo ang mga ito sa tulong ng Diyos. Ang pagtitiwala mo sa iyong
kakayahang maisakatuparan ng iyong pangarap. Makapagbibigay ng inspirasyon sa
iyo ang mga kababayan nating tulad nina Jovit Baldovino at Charice Pempengko sa
larangan ng musika, ng CNN hero na si Efren Penaloflorida at iba pa. Hindi sila
nagpatalo sa mga dinanas na balakid at nagsumikap sila hanggang sa magtagumpay
sa kanilang pinapangarap.

Gawain 3-SUBUKAN ANG IYONG PANG-UNAWA: FORMATIVE


ASESSMENTS 2 (FA2)
Panuto: Bigyang kahulugan o isulat ang sariling opinyon sa sumusunod na
kasabihan. Isulat ang iyong sagot sa activity/assessment notebook. Lagyan ang
inyong gawain ng Q3 – Aralin 3 – Gawain 3 – (FA2).
1. “Ang bagong daigdig ay matatagpuan ng mga taong mapangarapin.”
2. “Ang aking mga pangarap ay walang halaga; aking mga plano, alikabok, aking
hangarin, imposible. Lahat ay walang halaga kung walang aksiyon.”
Magaling! Nalinang mo na ang iyong kaalaman hinggil sa virtues. Natapos
mo na ring sagutan ang nakalaang gawain na sumukat sa iyong natutunan . Higit pa
nating palalimin ang ang iyong kaalaman sa susunod na bahagi ng modyul.
PAGPAPALALIM:
Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong mga natutunan mula sa iba’t-ibang
gawain. May sasagutan kang gawain na magbibigay ng karagdagang kaalaman
mula sa iyong natutuhan.
Gawain 5- IPALIWANAG ANG KAISIPAN: SUMMATIVE ASSESSMENT 1
(Q3SA1)
Tandaan: Ang SUMMATIVE ASSESSMENT ay ang pagmamalas ng iyong mga
natutuhan at ang pagkabihasa mo sa pampagkatutong layunin. Pagkatapos mong
sagutan lahat ng Formative Assessments at basahin lahat ng mga gawain sa pagbasa
ay handa ka ng sagutan ang gawain sa Summative Assessments.
Panuto: Isipin kung sino-sino ang maaari mong lapitan na alam mong makatutulong
sa iyo upang matamo ang iyong pangarap. Bakit sila ang naisip mo? Kopyahin ang
pormat at sagutin and pagsasanay sa iyong activity/assessment notebook. Lagyan
ang inyong gawain ng Q4 – Aralin 3 – Gawain 4 – (SA1).

Taong Makatutulong Dahilan


1.
2.
3.
Tandaan! Ang pangarap ay tunay na masasabing gabay sa isasakilos na mithiin sa
buhay.
VALUES INTEGRATION:
Disciplined

PAGLILIPAT:
Ito ang katapusang bahagi ng iyong modyul, na susukat sa iyong natutuhan sa
araling ito. Ang iyong mga natutuhan ay iyong isasatitik sa pamamagitan ng isang
gawain. Natapos mo nang sagutan ang lahat ng gawain mula pagtuklas hanggang
sa pagpapalim, ngayon ay handa kana sa pinakahuling gawain ng iyong modyul.
Gawain 5- PERFORMANCE TASK 1 (Q3PT1)
Gumuhit ng bituin sa bawat araw at panahon sa buhay na natupad ang mga
pangarap.
Panuto:
1. Gumawa ng isang blangkong kalendaryo sa short bondpaper.
2. Gumamit ng mga pangkulay. Gamitin ang mga paborito mong kulay.
3. Kung sa palagay mo nakagawa ka ng isang bagay nanakaaambag sa katuparan ng
pangarap, iguhit ang bituin sa isang sulok sa bawat araw ng taon na nangyayari ito.

Halimbawa:

Pansariling Kalendaryo
Buwan/Taon: Abril, 2021
Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo
22 23 24 25 26 27 28

Bumangon ng
maaga at ginawa
ang mga
responsibilidad
sa bahay. Tanda
ito ng itinaguyod
kong pagiging
maagap at
masikap.

Isalin ito sa iyong activity/assessment notebook.


Talaan ng Pagmamanman ng Mag-aaral: Lagyan ng tsek (✔) ang naaayon na hanay
ng mga nagawang iba’t-ibang gawain o aktibidad sa pagkatuto.
Aktibidad sa Pagkatuto Nagawa Hindi nagawa

FORMATIVE
ASSESSMENT 1 (FA1)
FORMATIVE
ASSESSMENT 2 (FA2)
SUMMATIVE
ASSESSMENT 1 (SA1)
PERFORMANCE TASK 1
(PT1)

PAMANTAYAN SA MITHIIN, SUSURIIN KO


Panimula:
Kaakibat ng panagarap ang mithiin sa buhay, mithiin sa ninanais.
Kadalasan, dito umiikot ang buhay ng tao. Gumagawa, kumikilos at
nagsusumikap sila upang maaabot ang ninanais at minimithi sa buhay
sapagkap naniniwala sila na sa katuparan nito makakamit ang kasiyahan at
tagumpay.
Nasuri mo na ba at napagnilayan ang pamantayan sa mithiin na
kinakailangan? Batid mo ba sa mithiin ang ugat ng iyong pangarap? Ito ang
nagsisilbing gabay sa wastong pagpapasiya, pagtukoy, at pagtupad ng mga
pangarap. Batay dito, kinakailangan ang pagkakaroon ng malinaw na
kaalaman, pag-unawa, at pagsunod sa mga pamantayan sa pagtatakda ng
makatotohanang mithiin. Kailangan din ang disiplina sa sarili at maingat na
pagpapasiya.

Layunin:

Arali Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang ng


n Sesyon/Ora
Blg. s
2.1 Aking Isip at kilos-loob,  natutukoy ang kahulugan W3-W4
Gagamitin ko ng mithiin 10 ORAS
 nauunawaan ang anim na
pamantayan sapagtatakda
ng mithiin
 nailalapat sa aktuwal
nagawain ng anim na
pamantayan sa pagtatakda
ng mithiin,
 nailalapat ang pinaka
tanging mithiin sa buhay
batay sa mga pangarap at
pansariling mithiin sa
pamilya,
pakikipagkaibigan,
paaralan, pamayanan , at
buhay esperitwal.
PANIMULANG PAGTATAYA:
Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa
pamamagitan ng pagsagot sa PANIMULANG PAGTATAYA.
Gawain 1- PANIMULANG PAGTATAYA: FORMATIVE ASSESSMENT 1 (FA1)
Tandaan: ang Formative Assessment ay para sa iyong pansariling gawain.
Panuto: Pumili ng limang kasama sa bahay at tanungin sila kung ano ang
pinakamahalaga para sa kanila. Isulat sa iyong activity/assessment notebook ang
kanilang mga sagot. Lagyan ang inyong gawain ng Q4-Aralin 4- Panimulang
Pagtataya (FA1)

Suriin ang mga sagot sa bawat kolum. Lagyan ng tsek sa ibaba ang bilang ng iyong
nilagyan ng tsek:
1 2 3 4 5
1. Sumusunod sa iniaatas at payo ng awtoridad at
katatanda
2. May pagtitimpi sa sarili (self control).
3. Nag-iisip bago kumilos.
4. Iniiwasan ang pagrereklamo.
5.Mayroong sinusundang prinsipyo sa buhay.
6. Humingi ng payo bago magpasiya.
7. Isinasabuhay ang utos ng Diyos at ng simbahang
kinabibilangan.
8. Maluwag sa loob na tinatanggap ang kamalian at
handang iwasto ito.
9. Tinitimbang ang mga isyu bago magpasiya.
10. Ginagawa nang mahusay ang takdang aralin kahit
ayaw itong gawin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Saan pagpapahalaga ka nagkaiskor ng 4 at 5?
2. Saang pagpapahalaga ka nagkaiskor ng 2 at 1?
3. Ano ang sinasabi sa iyo ng ng iyong mga sagot?
Magaling! Natapos mo ng sagutang ang panimulang pagtataya na magbibigay sa
iyo ng paunang kaalaman tungkol sa araling tatalakayin. Ngayon ay maaari ka ng
tumuloy sa susunod na bahagi; ito ay ang PAGTUKLAS.
PAGTUKLAS:
Sa bahaging ito ng modyul ay sasagutan mo ang isang gawain na magbibigay sa iyo
ng paunang kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
A. Ang unang pamantayan sa mithiin ay ang pagmamahal sa Diyos. Nararapat
lamang na dito mag-ugat ang anumang pangarap at mithiin kung saan hindi lamang
kapakanan ng sarili ang iniisip kung hindi kapakanan at kabutihang panlahat. Ito ay
bilang sagisag ng pagmamahal sa Diyos.
B. Katarungan. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay sa kapuwa kung ano ang nararapat
sa kaniya. Sa mga pamantayan sa mithiin, mahalagang isipin ang nakatutulong sa
kapuwa sa bawat mithiing hinahangad.
c. Katatagan. Isa itong virtue na nararapat ba taglayin upang hindi sumuko sa
anumang hamon ng mithiin.
Mahusay! Napagtagumpayan mong sagutan ang mga gawain sa PAGTUKLAS.
Naibigay mo na rin ang iyong mga paunang kaisipan tungkol sa paksang
tatalakayin. Ngayon ay maaari ka ng tumuloy sa susunod na bahagi.
PAGLINANG/PAGPAPATIBAY
Gawain 2- PAGBABASA 1
Tandaan: Ang gawaing ito ay natuon lamang sa iyong PAGBABASA AT PAG-
UNAWA.
Panuto: Basahin at unawin ang mga konteksto na nakasulat sa ibaba.
A. Natutuhan mo ang kahalagahan ng pangarap sa naunang paksa. Ngayon
naman, kailangan mong unawaing lubos kung bakit mahalaga ang mabuting
pangarap para sa pagkamit ng itinakdang mithiin. Nagtatakda tayo sa mga taong
nakuha na nila ang gusto sa buhay subalit hindi parin sila ganap na maligaya.
Mayroon isang taong naghangad maging isang matagumpay na negosyante.
Sa pagdaan ng mga taon, dumami at lumago ang kaniyang mga Negosyo. Subalit
wala siyang ganap na kasiyahan. Hindi siya makapagretiro upang malasap nang
buong tamis ang kaniyang pinaghirapan. Sige pa rin siya sa pagtatrabaho kahit na
wala siyang kasiyahan. Bakit mayroong mga taong ganito?
Ang pangarap ng tao ay marami at iba’t-iba. Upang magkaroon ng kabuluhan
ang bawat pangarap, nararapat na mayroong isang mithiin sa buhay ang mga
pangarap na ito. Tinatawag na goal, o desire o mithiin an tunguhin o pakay na iyong
nais na marating sa hinaharap. Sa Madaling sabi, ito ay ang nais mong mangyari sa
iyong buhay sa hinaharap. Sa tingin mo, magiging maligaya ka na kaya kapag
narrating mo ang iyong tunguhin sa buhay?

Masdan ang dayagram sa ibaba:


Mga Pangarap
1

Direksyon
1 Tunguhin / Mithiin
1

Ang tunay na makapagbibigay ng direksyon sa iyong buhay at mithiin ay ang


pagiging maka-Diyos at ang pagbibigay halaga sa paggawa ng kabutihan. Kung may
matibay kang pananampalataya sa Diyos, tiyak a maaabot mo ang iyong mithiin at
ito ang simula ng iyong makahulugang buhay. Mahalaga na ang pangunahing
konsiderasyon sa pagpili ng iyong mithiin ay ang pagmamahal sa kabutihan hindi
lamang para sa sarili kung hindi pati na rin sa kapuwa. Sa ganito, magkakaroon ng
kahulugan ang iyong mithiin.
Halimbawa, gusto mong maging isang tanyag na at mabuting abogado upang
maipagtanggol ang karapatan ng mahihirap sa lugar ninyo dahil naaapi at
nayuyurakan ang dignidad ng walang sapat na salaping maipagtanggol ang sariling
karapatan. Higit na makabuluhan ang iyong mithiin sa layunin mong ito, kaya kapag
dumating ang panahong naging magaling kang abogado at naabot mo ang iyong
mithiin, magiging lubos ang iyong kaligayahan. Kapag ikaw ay yumaman dahil
mayroon ka ring mayayamang kliyente na may kakayahang magbayad sa mahusay at
tapat mong serbisyo, ito ay malakong bonus sa iyong pinapangarap na buhay.
B. Ang anim na pamantayan sa Pagtatakda ng Mithiin
1. Ito ay tiyak. Nakasisiguro ka na ang mga natatangi mong mithin ang nais mong
maabot sa iyong buhay. Aksaya sa pera at panahon ang pagbago-bago at paulit-ulit
na mithiin.
2. Ito ay nasusukat. May kakayahan ka bang abutin ang ninanais mo? Halimbawa, sa
kursong hinahangad mo, may sapat bang gastusin ang pamilya mo para dito? Mataas
ba ang iyong marka? Sa pagsulog ng panahon, nasusukat mo ang progreso sa pag-
usad ng pag-abot sa iyong minimithi.
3. Ito ay naaabot. Naaabot ang mithiin kung ito ay makatotohanang hamon.
Halimbawa, kung gusto mong mag abogado, makatotohanan ito kung kayang
tustusan ang iyong pag-aaral at maipapasa mo naman ang mga eksamen. Kaya kahit
na mahirap ito, at medyo may katagalan din kaysa sa pangkaraniwang kurso,
pursigido ka ring makatapos. Isang hamon para s sa iyo ang pag-abot ng kursong ito.
4. Ito ay makabuluhan at mahalaga. Makabuluhan at mahalaga ang iyong mithiin
kung ito ay nag-uugat sa pagmamahal sa Diyos at pagbibigay preperensiya sa
kabutihan at may layuning makatulong sa kapuwa. Laging alalahanin kung alin ang
una, ikalawa, o sumusunod na mahalaga sa iyo bago ka magdesisyon sa pagtatakda
ng iyong mithiin.
5. Ito ay nasasakop ng panahon. Kailangan pag-isipang mabuti ang haba ng
panahong kailangan bago matupad ang iyong mithiin at ang iyong pakay para rito.
Ang panahong gagamitin sa pagsasakatuparan ng iyong mithiin ay may kaugnayan
sa perang ipangtutustos sa pagtupad ng iyong layunin o pakay. Nararapat na pag-
ukulan ng talino ang pagpapasiya sa pag-abot ng mithiin.
6. Ito ay may angkop na kilos. Tiyaking ang pagpapahayag ng mithiin ay nasa
pangkasalukuyang kilos, kaya mong gawin at positibo, upang ang resulta o
katuparan nito ay maghahatid ng ligaya at tamis ng tagumpay. Ang mga pamantayan
sa pagtatakda ng malinaw at makatotohanang mithiin ay makatutulong upang
magkaroon ng determinasyon tungo sa pagkamit nito.
Gawain 3- SUBUKAN ANG IYONG PAG-UNAWA: FORMATIVE
ASSESSMENTS 3 (FA3)
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
activity/assessment notebook. Lagyan ang inyong gawain ng Q4-Aralin 4- gawain 3-
(FA3)
Ano ang pananaw mo tungkol sa sumusunod na pahayag?
1. “Walang permanente sa mundong ito. Lahat ay maaaring magbago, kaya
maging ang mangyayari sa hinaharap ay maaaring maiba. Dahil dito,
mahirap ang magtakda ng mithiin.”
2. “Alamin kung saan mo nais tumungo. Unawaing lubos kung saan ka narooon
ngayon. Alamin ang mga hakbang na tatahakin tungo sa tamang direksyon.”
Magaling! Nalinang mo na ang iyong kaalaman hinggil sa Dignidad. Natapos mo
na ring sagutan ang nakalaang gawain na sumukat sa iyong natutuhan. Higit pa
nating palalilim ang iyong kaalaman sa susunod na bahagi ng modyul.

PAGPAPALALIM:
Sa bahaging ito ay susubukin ang iyong mga natutunan mula sa iba’t-ibang
gawain. May sasagutan kang gawain na magbibigay ng karagdagang kaalaman
mula sa iyong natutuhan.
Gawain 5- GAMITIN ANG KAISIPAN: SUMMATIVE ASSESSMENT 1 (Q2SA1)
Tandaan: Ang SUMMATIVE ASSESSMENT ay ang pagmamalas ng iyong mga
natutuhan at ang pagkabihasa mo sa pampagkatutong layunin. Pagkatapos mong
sagutan lahat ng Formative Assessments at basahin lahat ng mga gawain sa pagbasa
ay handa ka ng sagutan ang gawain sa Summative Assessment.
Panuto: Sa sandalling katahimikan, isipin at tanungin ang sarili. Ano ang minimithi
ko para sa aking sarili, sa pamilya, sa pamayanan, at kaibigan? Isulat ang mithiin sa
kaliwang kolum. Sa kabilang kolum, isulat kung gaano kahaba ang panahong
gugugulin upang matupad ang mga mithiin. Kopyahin ang pormat sa ibaba at Isulat
ang iyong sagot sa iyong activity/assessment notebook. Lagyan ang inyong gawain
ng Q2 – Aralin 2 – Gawain 5 – (SA1).

Mithiin Angkop na Panahon


1. Sa sarili
2. Sa pamilya
3. Sa pamayanan
4. Sa kaibigan
Tandaan! Sa pagtakda ng mithiin, buhay ay nagiging makulay at nakakaroon ng
saysay.

VALUES INTEGRATION:
Disciplined
PAGLILIPAT:
Ito ang katapusang bahagi ng iyong modyul, na susukat sa iyong natutuhan sa
araling ito. Ang iyong mga natutuhan ay iyong isasatitik sa pamamagitan ng isang
gawain. Natapos mo nang sagutan ang lahat ng gawain mula pagtuklas hanggang
sa pagpapalim, ngayon ay handa kana sa pinakahuling gawain ng iyong modyul.
EBALWASYON:
Gawain 7: SUMMATIVE ASSESSMENT 2--(Q2SA2)
Panahon na para tahasan ang iyong mga nalalaman sa ating aralin.
Panuto: pagbatayan ang sagot sa Pagpapalalim. Isulat ang iyong sagot sa
activity/assessment notebook. Lagyan ang inyong gawain ng Q2-Aralin 2-
Ebalwasyon-(SA2)
Isulat ang dahilan kung bakit ang mga nabanggit ang iyong mithiin para sa:
1. sarili ________________________________________________
2. Pamilya ________________________________________________
3. Pamayanan ________________________________________________
4. Kaibigan ________________________________________________

MGA PANSARILING SALIK SA PAGPILI NG KURSONG


AKADEMIKO O TEKNIKAL-BOKASYONAL O NEGOSYO

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Sa mga naunang modyul natutuhan mo na ang pagkilala sa sarili ay gabay


sa pagtupad ng mga tungkulin tungo sa pagpapaunlad ng sarili. Nakilala mo ang
mga angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata. Natuklasan mo ang iyong mga mga talento, kakayahan
at kahinaan, mga hilig (Interests), at mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata. Gamit ang mga kaalaman dito nakagawa ka ng mga
angkop at makatotohanang pagtatakda ng mithiin sa iba’t ibang aspekto ng iyong
buhay.

Sa naunang modyul ay nagbigay tuon ka sa halaga ng moral na pagpapasya


at nakagawa ng pahayag ng layunin sa buhay na may pagsasaalang-alang sa tama
at matuwid na pagpapasya. Nakilala mo rin na mahalagang bahagi ng
pagsasakatuparan ng layuning ito ang pagpili ng karera o negosyong tatahakin.
Sa modyul na ito ay inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-
unawang ito upang mapaunlad ang mga pansariling salik upang ito ay maitugma
sa mga pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.
Sa huli, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong: Bakit
mahalagang tugma ang mga personal na salik sa mga pangangailangan
(requirements) sa napiling kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
Arali Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang
n ng
Blg. Sesyo
n/Oras
3.1 MGA  Natutukoy ang mga W5-W6
PANSARILING personal na salik na 10 ORAS
SALIK SA PAGPILI kinakailangang paunlarin
NG KURSONG kaugnay ng pagpaplaplano ng
AKADEMIKO O kursong akademiko o teknikal-
TEKNIKAL- bokasyonal, negosyo o
BOKASYONAL O hanapbuhay
NEGOSYO  Natatanggap ang mga pagkukulang sa
mga kakayahan kaugnay ng mga
pangangailangan sa kursong
akademiko o teknikal-
bokasyonal,negosyo o hanapbuhay na
napili
 Naipaliliwanag na ang pagiging tugma
ng mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa
napiling kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o
hanapbuhay, ay daan upang
magkaroon ng makabuluhang
hanapbuhay o negosyo at matiyak ang
pagiging produktibo at pakikibahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
 Naipakikita ang pagkilala sa sarili at
ang kasanayan sa pagtatakda ng
mithiin sa pamamagitan ng paggawa
ng Goal Setting and Action Planning
Chart

PAUNANG PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang titik ng salita, mga salita o pahayag na tinutukoy sa pangungusap.
Isulat sa activity notebook ang iyong sagot.
1. Ito ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ito ang naggaganyak
sa iyo na kumilos at gumawa.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
2. Sa kabilang banda, ito ay kalakasan (“power” o mas akma, “intellectual
power”) upang makagawa ng isang pambihirang bagay tulad sa musika o sa
sining. Ito ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang intellect o
kakayahang mag-isip.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin
3. Siyang nagiging dahilan upang ang isang bagay o ideya ay maging kanais-
nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Mga motibo upang
piliin ang isang hakbangin o pasya. (Hall, 1973)
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin

4. Ito ay ang pinakatunguhin o pinakapakay ng iyong nais na marating o


puntahan sa hinaharap. Sa simpleng salita, ito ang nais mong mangyari sa
iyong buhay sa hinaharap.
a. Hilig b. Pagpapahalaga c. Kakayahan d. Mithiin

5. Isa sa mga hakbang sa pagtatakda ng mithiin ang pagkakaroon ng tuon sa


nais nating maabot, may kasiguruhan at pinag-isipan.
a. Tiyak o Specific
b. Nasusukat o Measurable
c. Naabot o Attainable
d. Angkop o Relevant
e. May itinakdang panahon o time-bound
PAGTUKLAS:

Basahin ang pag-uusap ng mga kabataan sa larawan.

Panuto: Isulat sa activity notebook ang iyong mga sagot sa sumusunod:

6. Iba’t iba ang mga motibasyon o dahilan nila sa pagpili ng kurso o negosyong
tatahakin. Itala mo ang mga salik na nabanggit dito.
a. Halimbawa - D. Hilig o interes
b. ________________________________
c. ________________________________
d. ________________________________
7. Nakaiimpluwensya ba ang mga kakayahan, kahinaan, pagpapahalaga at
hilig o interes sa iyong pagkakamit ng mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
8. Makatutulong ba ang kaalaman sa iyong mga kakayahan, kahinaan,
pagpapahalaga at hilig o interes sa pagkakamit ng mithiin sa buhay?
Ipaliwanag.

_______________________________________________________
_______________________________________________________
9. Bukod sa mga pansariling salik mayroon pa bang ibang mga salik
na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kursong pang-akademiko o
teknikal-bokasyonal o negosyo? Anu-ano ang mga ito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Ikaw ano ang pinapangarap mong karera o negosyo balang araw? Isulat sa
kuwaderno ang iyong sagot.

10. Naaayon ba ito sa iyong mga mithiin? Pangatwiranan.


11. Naaayon ba ito sa iyong layunin sa buhay?
12. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa pagpili ng kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay? Ipaliwanag.

Sa unang markahan ay sinukat mo ang iyong mga kakayahan, kahinaan, at


mga hilig o interes sa pamamagitan ng iba’t ibang instrumento tulad ng
Multiple Intelligences Survey at Interest Focus Inventory. Nagbalangkas
ka rin ng mga hakbang upang mapaunlad ang mga hilig at mapalakas
ang iyong mga kahinaan. Sa ikaapat na markahan ay inaasahang
mayroon ka nang mga naging paglago sa mga salik na ito. Gumawa ng
ulat ng iyong pag-unlad sa pagsasagawa ng mga hakbang na ito.
Sagutin:

Nakaimpluwensya ba sa iyong pagbuo ng layunin sa buhay at pagpili ng kurso


akademiko o teknikal-bokasyonal o negosyo ang mga naging pag-unlad na ito sa
iyong mga kahinaan at mga hilig o interes? Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

PAGLINANG:

Pagpili ng kursong akademiko o teknikal bokasyonal o negosyo at pagtatakda ng


mithiin kaugnay ng pagtatatag ng karera o negosyo batay sa mga pamantayan sa
pagtatakda ng mithiin, ang SMARTA:
Panuto: Sa kalahing bahagi ng iyong activity notebook ay isulat ang iyong
mithiin. Ibatay ang iyong mithiin sa iyong pinaplanong kursong akademiko o
teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay.

Halimbawa:

Ang aking napiling kurso ay Medisina

Ang aking minimithing karera o negosyo ay kaugnay sa larangan ng Medisina

Matapos gawin ito , tayain ang ginawang mithiin gamit ang sumusunod na kraytirya:
S – pecific (Tiyak)
M- easurable (Nasusukat)

A - ttainable (Naabot/Makatotohanan)
R- elevant (Makabuluhan)
T-ime-bound (May itinakdang panahon)

A - ction oriented (May kaakibat na pagkilos)

TANDAAN:

Sa pagtatakda ng mithiin mahalagang isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagbuo ng


mahusay na mithiin. SMARTA (Sta. Maria, 2006)
Ang mahusay na mithiin ay tumutukoy sa mga tiyak na hakbang o pagkilos na gagawin.
Halimbawa: Hindi mo lamang sasabihin na “Nais kong maging isang doktor,” kundi,
“Tatapusin ko ang mga pangangailangang pag-aaral para kursong pre-med at medisina sa
Pamantasan ng Sto. Tomas labinlimang taon mula ngayon.”
Kung nasusukat ang mithiin nasusubaybayan natin ang ating pagsulong sa pagtatamo ng
mithiin at natutukoy kung kailan ito nakamit na. Halimbawa: Kung alam natin ang mga
pangangailangan (course requirements) sa kursong medisina, malalaman mo kung ano-ano ang
natapos mo na at kailangan pang tapusin.

PAGPAPALALIM:
Basahin ang sumusunod na sanaysay:

Ang mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Karera o Negosyo

Batay sa sarbey ng DOLE, lumalaki ang kakulangan sa mga kwalipikadong aplikante sa


malalaking kumpanya sa bansa, partikular na sa National Capital Region. Nagiging sanhi ito ng
tumataas ding turnover rate sa trabaho at ang panunulot ng empleyado o pirating of workers.
Ayon pa sa pag-aaral ng DOLE, ang pagliban at pagkahuli sa trabaho at ang pagbaba ng pagiging
produktibo ay labis na nakaapekto sa produksyon ng malalaking kumpanya. Dagdag pa rito ang
napakaraming mga nakapagtapos sa kolehiyo na hindi makahanap ng trabaho o unemployed o
kaya’y makapagtrabaho man ay underemployed naman. Kung hindi pa nararamdaman sa ngayon,
malakas ang magiging hatak pababa sa ating ekonomiya kung magpapatuloy ang kawalan ng
tinatawag na pagtutugma ng mga trabahong kailangang punan at ang mga kasanayan o
kwalipikasyon ng mga manggagawang Pilipino o job mismatch. Ayon sa DOLE ang job
mismatch na ito ay bunga ng kawalan ng sapat na pagpaplano sa kursong akademiko o teknikal-
bokasyonal, negosyong itatatag ng mga kabataan matapos ang Basic Education o elementarya at
haiskul.
Bago pa man tingnan ang mga trabahong magiging in-demand apat hanggang sampung
taon mula sa pagtatapos sa haiskul, nararapat na napag-aralan at nasuri munang mabuti ang
sariling mga kakayahan, interés o hilig, pagpapahalaga at ang mga mithiin. Mahalaga sa pagpili
ng akmang karera o negosyo ang pagkilala sa sariling mga kakayahan, interés o hilig,
pagpapahalaga at mithiin. Ang pagkakaroon ng malinaw na pagkilala at ang pagsasaalang-alang
ng mga ito ay nakatutulong upang magkaroon ng sapat na paghahanda o pagpaplano, tuon at
pagsusumikap upang maabot ang minimithing karera o negosyo balang-araw.
Likas ang talento at kakayahan ngunit kailangan itong sanayin. Si Profesor Ericsson at
kanyang grupo ay nagsagawa ng mahabang pag-aaral ng mga sikat at matagumpay na
personalidad sa iba’t ibang larangan; sa sining, siyensya, matematika, palakasan o sports,
negosyo at iba pa. Sinuri ng kanyang pangkat ang mga istatistika, iba’t ibang datos at
talambuhay tungkol sa kanila. Sinuri din nila ang mga resulta ng ilang taong pag-eeksperimento
sa mga eksperto at matagumpay na tao. Dalawang mahalagang bagay ang natuklasan nila. Una,
kadalasan di sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang
larangan. Ang kanilang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng masusi at matamang
pagsasanay. Wika nga sa Ingles “Practice makes perfect”.

Ikalawa, bukod sa kakayahan o talento, mahalaga rin na tayo ay may interes o hilig sa
ating larangang pinasok. Dapat na tayo ay masaya sa ating ginagawa upang magkaroon tayo ng
inspirasyon at motibasyon na lampasan o higitan pa ang ating natural na kakayahan. Ang
pagsasaalang-alang sa mga interes o hilig sa pagtatakda ng mithiin ay nakatutulong upang ang
mga mithiing ito ay maging makabuluhan sa tao. Sa gayon ang pipiliin nyang mga mithiin ay
yaong pagsusumikapan niyang matamo. Bibigyan siya nito ng lakas ng loob upang malampasan
ang mga balakid at paghihirap na haharapin sa pagkakamit ng mithiin. Bibigyan din siya nito ng
tuon upang huwag matukso ng mga panandaliang ginhawa o kasiyahan o maligaw ng tunguhin.
Ang pinakabuod ng pagpaplano ng karera o negosyo ay nakasalalay sa matalinong pagpili mula
sa iba’t ibang pamimiliang karera o negosyo na magbibigay kahulugan sa kanyang buhay. Sa
pagsasaalang-alang niya sa kanyang mga sariling interes sa bawat karera o negosyo makikilala
niya kung alin sa mga ito ang magsasakatuparan at magpapayaman ng mga kakayahan at
pagpapahalaga niya sa paggawa.
Ang pagkakaroon natin ng interés o pagkahilig sa isang gawain ay nababatay sa ating
mga pagpapahalaga. Maraming mga pakahulugan (interpretations) sa pagpapahalaga. Ayon kay
Esteban (1989), maaaring pangkatin sa dalawa ang mga ito:
Nagmula sa labas ng sarili o batay sa “absolute moral values” kung saan ay nasasakop at
napapailalim ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon saan man siya naroon. Maibibilang dito
ang mga kahulugan batay sa relihiyon, ang ayon sa propesyonal na mga guro at ang ayon sa
mga etikong prinsipyo.
Nagmumula sa loob ng sarili o “behavioral values” na maaaring batay o ayon sa pananaw
at mga karanasan ng tao o batay sa kolektibong pananaw ng pangkat kultural. Maibibilang dito
ang pakahulugan ng mga sosyolohista, sikolohista at mga “career counselor” at ilang pilosopo o
nag-aaral nito.
Para sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay siyang nagiging dahilan upang ang isang
bagay o ideya ay maging kanais-nais, kaiga-igaya, kahanga-hanga o kapaki-pakinabang. Ito rin
ay mga motibo upang piliin ang isang hakbangin o pasya (Hall, 1973). Kaugnay ng pagpili ng
karera, negosyo o hanapbuhay ang binibigyang diin ay ang pagiging batayan ng pagpapahalaga
sa paggawa ng pasya at pagtatakda ng mithiin.
Para kay Abiva (1993), ang pagpapahalaga ang humuhubog sa kakayahan ng tao na
piliiin ang mahusay at kaibig-ibig na mga bagay sa buhay. Ang mga pagpapahalagang ito ay
bunga ng karanasan. Ayon kay Sta. Maria (2006) may iba’t ibang uring
pagpapahalaga. Mahalagang banggitin dito ang:
Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Paggawa (work values) – tulad ng kahusayan sa
paggawa, pagtanggap sa mga pagbabago, pagharap sa publiko, pagtanggap sa pagkakaiba-iba,
at iba pa. Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Pagpapaunlad ng Karera (career values) – tulad
ng pansariling pag-unlad, pag-angat, pagkilala, at iba pa

Ang isang matagumpay na tao ay karaniwang may mga tiyak na mga pagpapahalaga na
pinagbabatayan ng kilos at pasya. Malinaw sa kanya kung alin sa mga pagpapahalagang ito ang
makatutulong sa pagtatamo ng mas makabuluhang buhay. Dahil dito ay nakakikilos siya
naaayon sa mga mas mataas at makatutulong na mga pagpapahalaga sa gitna ng iba pa niyang
pagpapahalaga. Bunga nito, ang kanyang mga pagsusumikap ay nakatuon sa pagtatamo ng
kanyang mga itinakdang mithiin.

Ang taong nagtatagumpay sa kanyang karera, negosyo o hanapbuhay ay karaniwang


nagtataglay ng mga sumusunod na pagpapahalaga: kasipagan, pagkukusa, pakikiisa sa sama-
samang paggawa o “teamwork”, paggawa ng may kahusayan, pagkamaayos, patriotismo at
nasyonalismo, self-reliance. Ang mga pansariling salik kaugnay ng paggawa ay nararapat
linangin upang mapaunlad ang sarili at makapaglingkod tungo sa produktibong pamayanan at
bansa.

Tayain ang Iyong Pag-unawa


Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa iyong activity notebook ang mga sagot.
Bakit mahalaga ang pagpaplano sa karera o negosyong tatahakin? Ipaliwanag

Paghihinuha:

Matapos ang iyong naging mga pag-aaral, subukan mo muling


sagutin ang kakailanganing anong:
Bakit mahalagang tugma ang mga personal na salik sa mga
pangangailangan (requirements) sa napiling kursong akademiko/
bokasyonal o negosyo?

VALUES INTEGRATION:
Transformed

PAGSASABUHAY:
Pagpaplano ng karera o negosyo

Sa pagpaplano ng karera o negosyo ay dapat ding isinasaalang-alang ang iba pang


bahagi o aspekto ng buhay ng isang kabataan. Nararapat na balanse ang pagbibigay ng tuon sa
pagpapaunlad ng iba pang aspekto ng kanyang buhay.
“GOAL SETTING AND ACTION PLANNING CHART”
Panuto: Hindi isang bahagi lamang ng buhay ang dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng
mga mithiin at pagbabalangkas ng plano sa pagtatamo ng pangarap sa buhay. Lahat ng aspeto
ng buhay ay dapat na mabigyang tuon. Gamit ang Goal Setting and Action Planning Chart ay
isulat ang iyong itinakdang mithiin para sa pagbubuo ng karera o negosyo. Katapat nito ay itala
ang mga hakbangin na isasagawa upang makamit ang mithiin. Gayon din ang gawin para sa
Pag-aaral, Pamilya at Personal (Pangkatawan, Pangkaisipan, at pang-ispiritwal). Ang panahong
itatakda ay dapat na hindi bababa sa anim na buwan. Inaasahang magagamit dito ang mga
natutuhan tungkol sa sarili sa mga naunang gawain at ang naging resulta ng naunang Force
Field Analysis. Itala sa journal ang mga magiging katuparan o accomplishments sa mga
itinakdang mithiin at kaugnay na mga hakbang sa pagkakamit nito. Gayondin itala ang mga
magiging kahirapan o balakid sa pagtatamo ng mithiin at ang mga gagawing alternatibong
hakbang pamalit dito.
HALAGA NG PAG-AARAL PARA SA
PAGNENEGOSYO O PAGHAHANAPBUHAY !

ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Sa Modyul na ito ay nagtakda ka ng iyong mithin kaugnay ng kursong


kukunin sa kolehiyo o negosyo na nais itayo balang araw. Nalaman mo na
mahalagang tugma ang mga pansariling salik sa kurso akademiko o teknikal-
bokasyonal o negosyo na iyong minimithi. Nalaman mo rin na kailangang
paunlarin ang mga pansariling salik kung may mga pagkukulang dito bilang
paghahanda sa pagsasanay at patuloy na pag-aaral matapos ang haiskul.

Sa modyul na ito ay inaasahang gagamitin mo ang lahat ng mga pag-


unawang ito upang maipamalas mo ang mga layuning pampagkatuto na
inaasahan sa modyul na ito.

Sa huli, inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong: Bakit


mahalaga ang pag-aaral sa paghahanda sa pagnenegosyo at
paghahanapbuhay?

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
Arali Pamagat Matutuhan mo ang… Bilang
n ng
Blg. Sesyo
n/Oras
4.1 HALAGA NG  Natutukoy ang mga kahalagahan W7-W8
PAG-AARAL PARA SA
PAGNENEGOSYO O
ng pag-aaral sa paghahanda sa 5 ORAS
PAGHAHANAPBUHAY pagnenegosyo at
paghahanapbuhay
 Natutukoy ang mga sariling
kalakasan at kahinaan at
nakapagbabalangkas ng mga
hakbang upang magamit ang mga
kalakasan sa ikabubuti at
malagpasan ang mga kahinaan
 Naipaliliwanag na sa pag-aaral
nalilinang ang mga kasanayan,
halaga, at talento na
makatutulong sa pagtatagumpay
sa pinaplanong kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal,
hanapbuhay o negosyo.
 Nakapagbabalangkas ng plano ng
paghahanda para sa kursong
akademiko o teknikal-bokasyonal,
negosyo o hanapbuhay

PAUNANG PAGTATAYA:

Panuto: Isulat sa activity notebook ang titik lamang ng mga sagot


sa sumusunod na pagsusulit.

1. Ang liham ni Rizal sa mga kababaihan ng Malolos ay isang


pagpapahayag ng ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang
ipinamalas ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon.
Nagpapahayag ito ng kanyang damdamin tungkol sa halaga:
a. ng mga kababaihan sa pagpapaunlad ng lipunan
b. ng pag-aaral maging para sa mga kababaihan
c. na ipaglaban ang karapatan sa edukasyon
d. ng mga kababaihan sa pagtataguyod ng edukasyon
e. Depende sa kasanayan at kwalipikasyon ng mga manggagawa
ang pasahod dito.
2. Isang halimbawa ng highly skilled worker ang inihinyero sapagkat…
a. siya ang nagbubuo ng mga bahagi ng produkto sa isang
industriya
b. siya ang gumagawa ng balangkas at nag-iisip ng mga
kailangang sangkap at disenyo ng produkto
c. malaki ang pasahod sa kanya ng kumpanya

3. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Ang taong may pormal na


edukasyon ay higit na may kakayahang magtamasa pa ng higit na
kaalaman at maging isang highly skilled na manggagawa.
a. Ang taong nakatapos ng kolehiyo ay maaaring mag-aral pa ng
ibang kurso o kaya’y magtamo pa ng mas mataas na titulo.
b. Ang taong may pormal na pag-aaral ay mas medaling
makaunawa at makagawa ng tamang pagpapasya.
c. Ang taong hindi marunong bumasa at sumulat ay wala nang pag-
asang umasenso.
d. Ang isang taong hindi marunong bumasa o sumulat ay walang
kakayahan upang matanggap ang mga kaalaman at
impormasyong pinalalaganap sa buong mundo sa pamamagitan
ng edukasyon.
4. Ano ang buod ng talata:
Itinuturo sa haiskul ang kahalagahan ng kalinisan at pangangalaga sa
kapaligiran. Sina Juan at Lynn ay kapwa mag-aaral sa haiskul kung kaya’t
sinisikap nilang pangalagaan ang kalinisan ng kanilang kapaligiran.
Karamihan ng mga kabataan sa kanilang baranggay ay tumigil na ng pag-
aaral. Marami rin sa mga matatanda dito ang no read, no write. Marami sa
kanila ang nagtatapon ng mga basura kung saan-saan lamang. Madalas
na mayroong nagkakasakit sa kanilang baranggay. Isa si Juan sa mga
malubhang nagkasakit bunga ng maruming kapaligiran. Mas maraming
hindi nangangalaga sa kanilang kapaligiran sa baranggay nila Juan.
a. Hindi lang ang mga hindi nakapag-aral ang nagdurusa sa
kasalatang bunga ng kawalan ng edukasyon.
b. Walang pagkakaisa ang mga tao sa kanilang baranggay.
c. Hindi nagpapatupad ng proyektong kaugnay sa pangangalaga sa
kapaligiran ang pamahalaan ng baranggay
5. Ano ang makatwirang aksyon ang maaring gawin ni Juan o Lynn sa
aytem 6, bilang isang mag-aaral ano ang pangmatagalang solusyon na
maaari mong gawin upang matulungan ang iyong baranggay?
a. Mamamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa
pangangalaga sa kapaligiran
b. Maghahain ng petisyon sa barangay upang magkaroon ng
proyektong mangangalaga sa kapaligiran
c. Hihimukin ang mga kapwa kabataan na bumalik sa paaralan
d. Wala kang magagawa sapagkat ikaw ay mag-aral lang sa
haiskul

PAGLINANG NG KAALAMAN:

Gawain 1: Basahin ang sanaysay tungkol sa liham ni Rizal sa mga kababaihan ng


Malolos.

Sa kanyang liham sa mga kadalagahan ng Malolos na sinulat noog 1889,


ipinahahayag ni Jose Rizal ang kanyang papuri at paggalang sa katapangang ipinamalas
ng mga ito sa pagsusulong ng karapatan sa edukasyon – isang di-karaniwang hakbang
para sa maraming kababaihan sa kanyang panahon. Ayon kay Rizal , namulat siya sa
pananaw na ang kababaihang Pilipino ay katuwang sa layunin para sa ikagagaling ng
bayan. Batay sa kanya, ang mithiin ng mga kadalagahan ng Malolos para sa karunungan
ay patunay ng pagkamulat sa tunay na kahulugan ng kabanalan - kabanalang nakatuon sa
kabutihang-asal, malinis na kalooban at matuwid na pag-iisip.
Binibigyang-diin ni Rizal ang tungkulin ng kababaihan – bilang dalaga at asawa – sa
pagbangon ng kanilang dignidad at halaga sa lipunan. Kaugnay nito, inilalarawan niya
ang katangian ng kababaihan sa Europa at bilang halimbawa ay pinakita ang babaing
Sparta bilang huwaran ng pagiging mabuting ina. Ipinapayo ni Rizal na gamitin ang
halimbawang ito upang maitaguyod ang isang anak na marangal at magtatanggol sa
bayan. Bahagi rin ng liham ang pagpapaalala ni Rizal sa lahat na gamitin ang isip na
kaloob ng Diyos, upang matukoy ang katotohanan at hindi maging alipin ninoman.
Binigyang-puna niya sa liham ang mga hindi kanais-nais na gawain ng mga prayle,
gayundin ang pagiging mulat ukol sa tunay at huwad na relihiyon. Ang payo ni Rizal ay
"mulatin ang mata ñg anak sa pag-iiñgat at pagmamahal sa puri, pag-ibig sa kapwa sa
tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulit-uuliting matamisin ang mapuring
kamatayan sa alipustang buhay".

Mga Tala: Ika-17 ng Pebrero 1889 nang isulat ni Jose Rizal – gamit ang wikang
Tagalog – ang liham na ito habang ginagawa ang anotasyon sa aklat ni Morga. Isinulat
niya ito sa London, limang araw matapos ipaalam sa kanya ni Marcelo H. del Pilar ang
isang mahalagang pangyayari sa bayan ng Malolos. Ayon sa pagsasalaysay, ika-12 ng
Disyembre 1888 nang may 20 kadalagahan ng Malolos ang naghain ng petisyon kay
Gobernador-Heneral Weyler upang magtayo ng isang "panggabing paaralan." Layunin
nila na mag-aral ng wikang Español sa ilalim ni Teodoro Sandiko, isang propesor sa
Latin. Gayunpaman, hindi sinang-ayunan ni Padre Felipe Garcia, ang kura paroko, ang
petisyon. Naging dahilan ito upang hindi rin pumayag ang gobernador-heneral na
maitatag ang paaralan. Sa kabila ng pagtutol, hindi dagliang sumuko ang mga
kadalagahan sa kanilang layunin. Patuloy silang nanawagan at nang lumaon, pumayag
na rin ang pamahalaan na maitatag ang paaralan, bagama't tumagal lamang ito ng tatlong
buwan. Si Señora Guadalupe Reyes ang nagsilbing guro ng mga kadalagahan.
Sagutin:
6. Tungkol saan ang sanaysay? Ipaliwanag
7. Sa iyong palagay, ano ang damdamin ni Jose Rizal tungkol sa edukasyon para
sa mga kababaihan ng Malolos? Pangatwiranan.
8. Sa iyong palagay, bakit humihiling ang mga kababaihan ng Malolos na
magkaroon ng paaralan para sa kanila? Ipaliwanag.
9. Bakit kaya hindi pinapayagan ng pamahalan noong panahon ni Rizal na
makapag-aral ang mga kababaihan? Ipaliwanag.

Values Integration:
Transformed

PAGSASABUHAY:
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
Gabay na Tanong:
18. Paano mo iuugnay ang mga natuklasan mong kakayahan at kahinaan sa pag-aaral sa
gusto mong kurso o negosyo? Ipaliwanag
19. Ano-anong mga ugali o gawi sa pag-aaral ang kailangan mong pag-ibayuhin o
baguhin? Ipaliwanag.
20. Paano makatutulong ang pagpapataas ng marka sa mga asignatura sa paaralan sa
paghahanda sa iyong pinaplanong kuro akademiko o teknikal-bokasyonal o hanapbuhayo
negosyo? Pangatwiranan.

Ipasa sa guro ang iyong kwaderno sa pagtatapos ng


araling ito. Binabati kita!

You might also like