You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Cantilan I District
CABANGAHAN INTEGRATED SCHOOL
Cabangahan, Cantilan, Surigao del Sur
2ND QUARTER
SUMMATIVE TEST IN ESP 10
WEEK 1 AND 2

Name:_________________________________________ Date:__________
Year & Section:__________________________________ Score:_________

Panuto: Isulat ang Fact kung ang sitwasyon ay totoo at Bluff naman kung hindi.
1. Ang makataong kilos (human act) ay kilos na isinagawa ng tao nang may
kaalaman, malaya, at kusa.
2. Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
3. Sa buhay natin may mga pagkakataong kumikilos tayo nang may takot o di kaya
ay dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang bagay.
4. Ang kamangmangan na hindi madaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang
gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng
paraan upang malaman at matuklasan ito.
5. Ang halimbawa nang masidhing damdamin ay ang pag-ibig, pagkamuhi,
katuwaan, pighati, pagnanais, at pagkasindak.
6. Ang karahasan ay ang pagkakaroon ng palabras na pwersa upang pilitin ang isang
tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.
7. Ang pagkaalimpungat sa gabi ay maituturing na gawi.
8. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninanais niya kundi nakikita niya ito
bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang isip niya ay
nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
9. Ang pag-ilag ng isang boksingero sa suntok ay dahil sa takot.
10. Ang pag-uwi nang isang studyante ng maaga dahil may emergency meeting ang
mga guro ay isang halimbawa ng kilos na hindi madaraig.

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba. Ipaliwanag sa 3-4 na pangungusap
kung kakikitaan ng makataong kilos o mabuting gawain ang mga ito. Ibig sabihin, may
kakayahang panagutan ng sinuman ang kaniyang piniling pasiya (5 pts).
1. Si Josefa ay isang mag-aaral sa Grade 10. Aminado siya na mas mahirap pa sa daga ang
katayuan nila sa buhay. Kaya naman, ganoon na lamang kung magsikap siya sa
kaniyang pag-aaral. Kung may bakanteng oras siya ay tumatanggap ng labada mula sa
kaniyang mga guro o kapitbahay na nais tumulong sa kaniya. Ano sa palagay mo ang
kabutihan o kasamaan sa ipinakikitang kilos ni Josefa?

You might also like