You are on page 1of 5

PAMAGAT NG ARALIN: Ang Dignidad ng Tao

UNANG MARKAHAN ( WEEK 7&8)

I. Mga Layunin
a. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao.
b. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at
indigenous groups.
c. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita sa kapwang itinuturing na mababa ang
sarili na siya ay bukod- tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao.
II. Mga Kagamitan: Aklat sa ESP 10/ Modyul sa ESP 10, Kwaderno at iba pa
III. Sanggunian: EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10: Modyul Para sa Mga Mag-aaral P.65-82
IV. MGA GAWAIN ( Lahat ng mga gawain ay isusulat sa kwaderno)

GAWAIN 1:
Panuto: Tunghayan ang mga larawan sa ibaba. Sa bawat larawan, tukuyin mo ang ipinahahayag ng bawat
aytem. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Gawing gabay ang unang bilang.


a. Madalas na katawagan sa kanila ng mga tao.
b. Ang iyong damdamin kapag nakakakita ka ng mga tao na tulad nito sa kalye.
c. Paraan ng pakikitungo sa kanila ng mga tao.

a. Pulubi

b. Naaawa

c. Pinandidirihan, Nilalayuan
1)

a. __________________________

b. __________________________

c. _________________________

2)
a. __________________________

b. __________________________

c. _________________________
3)

a. __________________________

b. __________________________

c. _________________________
4)

5)

Ano ang dahilan kung bakit iba-iba ang iyong pakikitungo sa iba’t-ibang uri ng tao?

________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
GAWAIN 2:

Ang ating pamahalaan ay naglulunsad ng mga programang kumikilala at nagpapaangat ng dignidad ng


tao. Magsagawa ng pagsasaliksik at magtala ka ng apat (4) na programa ng pamahalaan na kumikilala
sa dignidad ng lahat ng tao at ng mga napapabayaang sektor ng lipunan (marginalized).

Programa o
Paano nito naiaangat ang
Bilang Proyekto ng Layunin
dignidad ng tao?
Pamahalaan

Naitatanim sa isip ng mga


taong may espesyal na
Upang mabigyan ng pantay pangangailangan at mga
na pagkakataon ang mga may kapansanan (PWD) at
Special Education taong may espesyal na gayundin din sa kanilang mga
1
Program pangangailangan at pamilya na
mga may kapansanan (PWD) kinikilala ng pamahalaan
na makapag-aral. ang kanilang kahalagahan
bilang bahagi ng lipunan.

5
BALANGKAS NG PAGPAPALALIM

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. Kung ano ang makasasama sa iyo,
makasasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya.
Bakit nga ba? Sapagkat siya ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong kalikasan bilang tao. Ito ang
tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule). Kinikilala nito ang karapatan ng bawat indibiduwal sa
paggalang ng kanyang kapwa. Hindi
nga ba’t ito rin ang utos ng Diyos sa tao? Sinabi Niyang “Mahalin mo ang
iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao.
Nilikha ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ibig sabihin,
ayon sa Kaniyang anyo, katangian at kakayahan. Samakatuwid, ang
dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; Kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito
nilikha ng lipunan at ito ay pangkalahatan, ibig sabihin, taglay ito ng lahat
ng tao.
Ano ang Dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na
“dignitas” mula sa “dignus” na ang ibig sabihin ay “karapat-dapat”. Ito ay nangangahulugang pagiging
karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa. Lahat ng tao, anuman
ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay kapwa may dignidad. Ayon kay
Propesor Patrick Lee, ang dignidad ang pinagbabatayang kung bakit obligasyon ng bawat tao ang mga
sumusunod:
Igalang ang sariling buhay at buhay ng kaniyang kapwa. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi
gagawin ng isang tao ang magbenta ng sariling laman o magnakaw na nagpapababa ng sariling
pagkatao. Samakatuwid, kailangan mong tandaan na ang iyong kapwa ay hindi dapat gamitin para sa
sariling kapakinabangan.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos. Karaniwang naririnig mula sa matatanda
na bago mo sabihin o gawin ang isang bagay ay makasampu mo munang isipin. Laging isaisip ang
mga katanungang: Ano ang magiging epekto sa iba ng iyong gagawin? Nararapat pa ba itong gawin o
hind na?
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ang paggalang
sa karapatan, pagmamahal, pagpapahalaga sa buhay, kapayapaan, katotohanan ay ilan sa
pagpapahalaga tungo sa mabuting pakikipag-kapwa.

Pagkiling sa Mahihirap: Pag-aangat sa Dignidad ng Buhay Ang pagsuporta sa mga maralita at


mahihina ay pananagutan ng bawat isa. Paano kaya nakatutulog ang mga mayayaman kung ang mga
kapitbahay ay nagdarahop at hindi nakakakain nang sapat? Paano kaya
nagkakaroon ng kapayapaan ng loob ang mga maykaya sa buhay na ang mga
kamag-anak, mga kaibigan at kakilala ay halos mamatay na sa kawalan ng
ikabubuhay? Paano kaya nagiging masaya ang mga mayayamang bansa na
may karatig bansang naghihirap ang mga mamamayan? Isa lamang ang
sagot ng mga katanungang ito: Dahil sa kawalan ng paggalang sa dignidad
ng tao. Dapat tayong magpasalamat at magdiwang sa pagkakaroon ng buhay
arawaraw at pagkakaroon ng pag-asang mabuhay nang marangal. Ang mga
kondisyong ito ay nakikita sa ating paligid at mga pagkakataon para sa ating
pakikiisa sa mga paghihirap ng mga taong higit na nangangailangan ng
pagmamahal at pag-aaruga. Ang sabi ni Pope John Paul II “Hindi natin maaaring ipagwalang-bahala
ang katotohanang marami ang nagugutom, ang mga nangangailangan, mga walang matulugan, mga
hindi nakatatanggap ng atensyong medikal at lalong-lalo na ang mga nawawalan na ng pag-asa para
sa isang mabuting hinaharap.”

Pagtatanggol sa Karapatan ng Katutubo: Pag-aangat sa kanilang


Pantaong-Dignidad
May 110 na pangkat na nakalista sa National Commission
on Indigenous Peoples. Ang ilan sa mga pangkat na ito ay ang
Agta o Aeta, Bontoc,
Igorot, Ifugao, Tinguian, Kankana-ey sa Hilagang Luzon; ang
Mangyan sa
Mindoro,; Lumad at Manobo sa Bukidnon; Subanon ng
Zamboanga; Tiboli sa
Cotabato; at mga Samal at Badjao sa Sulu. Sila ay mga kapwa nating mga Filipino na dapat kilalanin
at igalang sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang katutubong kultura, espirituwal na tradisyon, kasaysayan
at pilosopiya. Ang mga katutubo ay kapantay ng dignidad at karapatan ng lahat ng tao. Kagaya ng
sinumang indibiduwal o pangkat ng tao, sila ay malaya at may kakayahan silang mag-ambag sa
kayamanan ng sibilisasyon at kultura, at sa kabuuan ng pamana ng sangkatauhan.
Nakalilibang magbasa, hindi ba? Higit sa lahat, lumalawak ang iyong kaalaman lalong-lalo na tungkol
sa buhay. Napakamakabuluhan ng nilalaman ng natapos na babasahin. Napakagandang gabay sa
pang araw-araw na pamumuhay. Ang susunod na gawain ay maaring magpatibay ng paglalapat mo ng
iyong mga natutuhan.

PAGLALAPAT

Panuto: Gamit ang larawan na nasa ibaba buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa
mga nagdaang gawain at babasahin.

Nakabatay ang __________________ ng __________ sa kanyang


pagka____________________________ (hindi siya nauulit sa kasaysayan) at sa
pagka_______________________________________ (may isip at kilos-loob).

PAGNINILAY:
Dahil naging malinaw sa iyo ang mga natatanging katangian ng tao at ang konsepto ng DIGNIDAD,
bigyang katuturan ito sa pamamagitan ng pagninilay sa pagsagot sa tanong na: Paano maiaangat ng
isang kabataan ang kanyang dignidad at ng kanyang kapwa lalo sa mahihirap at mga katutubo. Itala
ang iyong sagot sa pahina ng bukas na aklat na nasa ibaba. Gabay mo ang unang bilang.

1. Pantay na pagtingin

You might also like