You are on page 1of 4

Edukasyon Sa Pagpapakatao 10

Unang Markahan
Modyul 7, Linggo 7
Mary Ann D. Torres
________________________________________________________________________________________________________
ARALIN 1: Ang Pagkilala sa Dignidad ng Tao

LAYUNIN AT KASANAYAN
Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman:
a. Nakapagpapaliwanag ng kahulugan ng dignidad ng tao;
b. Nakapagsusuri kung bakit ang kahirapan ay paglabag sa dignidad ng mahihirap at indigenous groups.

PAUNANG PAGTATAYA
Ipaliwanag ang kahulugan ng dignidad. Bumuo ng dalawa o tatlong pangungusap, ilagay sa isang papel ang

kasagutan.

TALAKAYAN
Ang Dignidad ng Tao

“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Kung ano ang makakasama sa iyo,
makakasama rin ito sa iyong kapwa. Kung ano ang makabubuti sa iyo, makabubuti rin ito sa kaniya. Bakit nga ba
kaibigan? Sapagkat siya ay iyong kapwa tao. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao. Ito ang mensahe ng
gintong aral (Golden Rule). Ito rin ang utos ng Diyos sa tao, sinabi niyang “Mahalin mo ang kapwa katulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili. “ “Nangangahulugan ito ng pagkilala sa dignidad na taglay ng lahat ng tao. Nilikha
ng Diyos ang lahat ng tao ayon sa Kaniyang wangis. Ibig sabihin ayon sa Kaniyang anyo, katangian, at kakayahan.
Samakatuwid , ang dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos; kaya’t ito ay likas sa tao. Hindi ito nilikha ng lipunan at ito
ay pangkalahatan ibig sabihin, taglay ng lahat ng tao.

Ano ba ang dignidad? Ang dignidad ay galing sa salitang Latin na dignitas,mula sa dignus, ibig sabihin
“karapat-dapat”. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kaniyang kapwa.

Ibig lamang sabihin nito ay: ang lahat ng tao, anuman ang kaniyang, gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan, ay may dignidad.

ARALIN 2
Kahirapan at ang Dignidad ng Tao

Kung minsan bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya nakararamdam tayo ng kakulangan. Hinahanap
natin sa ating sarili ang lahat ng ating nakikita sa ating kapwa. Sa ganitong paraan, inaakala natin na tayo ay
napagkakaitan.

Ang lahat ng materyal na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang ating panahon at pagod
sa mga bagay na ito. Ang di matinag na karangalang taglay ng tao ay ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao.
Nagmumula ang kahalagahang ito hindi sa anomang “mayroon” ang isang tao kung hindi ano siya bilang tao.

Kung ang lahat ng tao ay mabibigyang-linaw ukol sa bagay na ito, hindi na magiging mahirap ang
pagpapanatili ng mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri ng lipunan. Kailangan mo ng tulong
mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa Diyos upang maisagawa ito. Sa ganitong paraan, muli nating
maaalala na tayo ay ANAK ng DIYOS.
Inaasahan ng Diyos na yaong nabiyayaan ay magbabahagi ng mga biyayang ito sa mga taong
nangangailangan ng mga ito. Ang ganitong mga pagkakaiba ang humihikayat sa tao na isabuhay ang
pagiging mapagbigay at mabuti. Ang nais ng Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at
regalo na natanggap ng bawat tao mula sa Kaniya.

Dahil sa dignidad, lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o makasasama sa
ibang tao. Nangingibabaw ang paggalang at pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, pantay-pantay ang lahat.
Samakatuwid, kailangan mong tuparin ang iyong tungkulin na ituring ang iyong kapwa bilang natatanging anak ng
Diyos na may dignidad. Mapangangalagaan ang tunay na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao
na kaugnay ng Diyos. Nakasalalay ang ating tunay na dangal sa katotohanang tinatawag tayo upang makapiling ang
Diyos.

Pagnilayan

Matapos mong mahinuha ang mga mahalagang mensahe. Lumikha ka ng isang “Salawikain” na nagpapakita
ng kahulugan ng dignidad. Isulat ito sa isang papel.

SANGGUNIAN

Alpe, E.J. S. (2018). Yaman sa Pagpapahalaga sa Ikasampung Baitang.

(unpublished manuscript).

Covar, P. R. (2016). Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino. Daluyan:

Journal Ng Wikang Filipino, 0(1).

Luna Colleges
Tayug, Pangasinan
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10
(1st Quarter Modyul 7)

Pangalan: ________________________________________________________________ Puntos: ____________


Antas/Seksiyon:_________________________________________________________ Petsa : ____________

A. Basahing mabuti ang mga tanong at pangungusap at piliin ang pinakangkop na sagot.
1. Sino sa mga sumusunod ang higit na nagpapakita ng tunay na kahulugan ng dignidad.
a. Si Ana na hindi lumiliban sa klase.
b. Si Pedro na ginagawa ang anumang iutos sa kanya.
c. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
d. Si Tomas na mabait sa kanyang mga kaibigan.
2. Ang tunay na mensahe ng gintong aral (Golden Rule).
a. Siya ay iyong kapwa tao
b. Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao.
c. Ang tao ay may dignidad
d. May karapatan ang bawat indibidwal.
3. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa, maliban sa
a. Si Ana ay hindi kinaklimutan magdasal.
b. Si Pedro na ginagawa ang utos sa kanyang magulang.
c. Si Juan na pantay ang pakikitungo sa tao mahirap man o mayaman.
d. Si Tomas ay matulungin sa kapwa.
4. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b. Sa sandaling nalabag ang kaniyang karapatang pantao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
5. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga.

B. Ipaliwanag ang kahulugan ng dignidad ng tao. Pumili ng mga salita mula sa kahon at bumuo ng
dalawa o tatlong pangungusap na mula rito.
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________

C. Isipin mo ang mahalagang mensahe na gustong ipaabot sa atin ng paksa sa pamamagitan ng


pagpupuna sa mga nawawalang salita sa loob ng kahon
Ang paggalang ng

DIGNIDAD ng TAO at

D. Pag-aralan ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek (/) kung ang mga ito ay nagpapahayag
ng pangangalaga sa dignidad ng tao at ekis (x) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.

_____1. Ang diginidad ay naaayon lamang sa mga taong may maayos na katayuan sa lipunan.

_____2. Inaasahan ng Diyos na ang mga taong nabiyayaan ay magbabahagi sa mga


taong nangangailangan ng mga ito.

_____3. Ibinibigay lamang ang mabuting pakikitungo sa mga taong may mataas na
antas sa lipunan.

_____4. Itinataguyod ang paggalang sa dignidad ng bawat indibidwal anuman ang


katayuan sa lipunan.

_____5. Iniingatan ang sariling dignidad laban sa makamundong pagnanasa sa mga


materyal na bagay .

You might also like