You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XIII – CARAGA
SCHOOLS DIVISION OF BUTUAN CITY
ALVIOLA VILLAGE INTEGRATED SECONDARY SCHOOL – BAAN CAMPUS
BRGY. BAAN KM 3, BUTUAN CITY

SUMMATIVE EXAMINATION #4
ESP 7, QUARTER 2

 Panuto: Sanggahan/itiman/I-shade ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.


Walang susulatan dito.

1. Ano ang salitang latin ng Dignidad?


a. Digna c. Dignis
b. Dignus d. Dignitaris
2. Sinong pilosopo ang nagsasabing ang tao ay nilikha na kawangis ng Diyos?
a. Santo Tomas Aquinas c. San Agustine De Sales
b. Santo Felipe Aristotle d. Santo Gregorio Azcuna
3. Ano ang taglay ng tao na naging dahilan na may kakayahan siyang kilalanin at piliin ang
mabuti?
a. Kilos-loob c. Katapatan
b. Kasipagan d. Kalidad
4. Si Immanuel Kant ay isang pilosopo na nagsasabi na ang tao ay
a. ang pinakadakilang likha ng Diyos
b. ang naiiba sa lahat at mas mahalaga at mas magaling siya sa ibang nilalang
c. maraming hindi pagkakatulad sa kapwa
d. may dignidad dahil sa kanyang pagkatao
5. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
a. sa paningin ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig
6. Bakit magkapantay-pantay ang tao?
a. dahil ang mga tao ay parehong nilikha ng Diyos ayon sa kanyang imahe
b. dahil tayo ay may kakayahang maghanapbuhay
c. dahil ang tao ay may kakayahang tapakan ang kanyang kapwa.
d. dahil lahat tayo ay may mga magulang
7. Bakit nilikhang hindi pare-pareho ang lahat ng tao sa mundo?
a. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
b. Mabibigyan ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng talento.
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan
d. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapwa.
8. Ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng dignidad ng tao maliban sa
a. Igalang ang sariling buhay at kapwa.
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. maling pakikitungo sa kapwa tao.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
9. Naghanap si Ellen ng isang institusyon na kakalinga sa isang batang lansangan na nakikita
niyang natutulog lagi sa lansangan. Nais niyang mabigyan ang batang ito ng disenteng buhay.
Ano ang kilos na ipinakikita ni Ellen sa pagtulong niya na maiangat ang dignidad ng bata
bilang tao?
a. para maging tanyag c. gawaing pakitang tao lang
b. kilos ng pagmamahal d. makasarili
10.Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kaniyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng isang empleyado na
tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na nangangailangan
ng kaniyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kaniyang panunungkulan sa pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
11.Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa lipunan ito
nagmumula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang pagkilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao ay nakabatay sa kanyang
prinsipyo lamang
b. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
c. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas mataas ang
katungkulan sa pamahalaaan.
d. Tama, dahil ang pinakamahalaga ay ang kasikatan ng tao
12.Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang mga barkada lamang.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa taong gusto mo
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang kilalanin ang sarili
13. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng
kapwa
c. Tama, dahlia ang pinakamahalaga ay ang kasikatan ng tao
d. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat sa
kanilang pagkilala.
14. Paano natin maipapakita ang pagtanggap sa dignidad ng iba?
a. sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
b. sa pamamagitan ng pag-unawa sa pagkakaiba ng tao
c. sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
d. sa paggalang sa kapwa katulad ng paggalang sa Diyos
15.Paano ipaliwanag ang salitang Latin na ”DIGNITAS” na ang ibig sabihin ay karapat-dapat?
a. dahil sa taglay niyang dignidad, karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang ng
kaniyang sarili at kapwa
b. dahil sa kasikatan at kapangyarihan ng kanyang pamilya. Siya ay karapat-dapat bigyan ng
karangalan
c. dahil siya ay likha na kawangis ng Diyos may karapatan siyang magmamayabang
d. dahil sa taglay na talento, karapat-dapat ang tao ay maging mapagmataas

Inihanda ni: Sinuri ni:

MAE O. CUDAL RODRIGO H. MADELO JR.


Guro Gurong Tagapamanihala

You might also like