You are on page 1of 24

Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10

Unang Markahan
Yunit I: Ang Moral na Pagkatao
Ika-7 at 8 na Linggo

MODYUL 4: HIGIT SA LAHAT, BUKOD-TANGING TAO

A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?

Sa mga natapos na modyul, natutuhan mo ang mataas na gamit at tunguhin

ng isip at kilos loob. Nalaman mong ang mga ito ay ginagamit para lamang sa

paghahanap ng katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal. Nagkaroon ka rin ng

pag-unawa sa konsepto ng paghubog ng konsiyensiya batay sa Likas na Batas

Moral, gayundin ang ukol sa tunay na kahulugan ng kalayaan at ang mapanagutang

paggamit nito.

Mahalaga at kakailanganin mo ang mga kaalamang ito sa pag-aaral ng

Modyul 4 ukol sa dignidad ng tao. Marahil, madalas mong naririnig ang salitang

dignidad lalo na sa mga panlipunan, pangkabuhayan at sosyo-kultural na talakayan

ngunit malinaw ba ang iyong pagkaunawa kung ano talaga ang dignidad at bakit

tanging tao lamang ang nagtataglay nito?

Sa pagtunghay mo sa mga gawaing inihanda para sa iyo sa modyul na ito,

inaasahan kong matutulungan ka na maunawaan kung ano nga ba ang dignidad ng

tao; saan ito nag-uugat at bakit ito mahalagang irespeto.

Pagkatapos ng aralin, inaasahang maisasagawa mo ang mga sumusunod:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng dignidad ng tao.

2. Napatutunayang nakabatay ang dignidad ng tao sa kanyang taglay na isip at

kilos loob at pagiging bukod-tangi.

3. Nasusuri ang paglabag sa dignidad ng mga mahihirap at indigenous people.

1
Paunang Pagtataya

1. Tumutukoy ito sa likas at angking kahalagahan ng bawat tao, anuman ang

kanyang edad, kasarian, katayuan sa buhay, relihiyon, lahi at nasyonalidad.

A. Konsensya B. Dignidad C. Isip D. Kilos-loob

2. Ang dignidad, karangalan, reputasyon o puri ay mga salitang magkakapareho ng

kahulugan.

A. Mali, iba ang kahulugan ng dignidad sa karangalan, reputasyon o puri.

B. Mali, higit na malalim ang pinag-uugatan ng reputasyon.

C. Tama, iisa lamang ang tuon na binibigyang kahulugan nila, ang tao.

D. Tama, walang pagkakaiba sa kahulugan ng mga salitang ito.

3. Naibalik na ang nawalang dignidad ng mga taong nagdusa na sa parusa ng batas.

Ang pahayag na ito ay:

A. Mali, sapagkat hindi maibabalik ng kaparusahan ang nawalang dignidad.

B. Mali, sapagkat hindi nawawala ang angking dignidad ng tao.

C. Tama, sapagkat nakadepende ang dignidad ng tao sa kanyang mga kilos.

D. Tama, sapagkat napagdusahan na nila ang mga kasalanang nagawa.

4. Ang hindi tamang pagtrato sa isang tao dahil lamang sa kanyang katayuan sa

buhay ay maituturing na diskriminasyon sapagkat.

A. Kinikillingan nito ang tao ayon sa kanyang kalagayang pangkabuhayan.

B.Hindi nito tinitingnan ang tao sa kanyang angking kahalagahan bilang

isang nilalang.

C.Hindi nito isinasaalang-alang ang pagiging namumukod-tangi ng tao.

D. Lahat ng nabanggit

5. Ang pagkamkam ng mga ancestral lands ng mga katutubong Pilipino o

Indigenous People upang gawing minahan ng ilang mga mapagsamantalang

2
negosyante ay paglabag sa kanilang karapatan at dignidad bilang tao sapagkat:

A. Wala silang matutuluyan kung sila ay paaalisin dito.

B. Hindi sila kinunsulta bago magtayo ng mga minahan sa kanilang lugar.

C. Wala silang mahusay na abogado na maaaring magtanggol sa kanila sa

hukuman.

D. Ito ang kanilang tinubuang lupa kalakip ang mga pamanang kultural ng

kanilang ninuno bago pa dumating ang mga dayuhan sa ating bansa.

6. Itinuturing na ang isang taong napagbintangan sa isang krimen ay wala pang

sala habang hindi pa napatutunayan. ( A person is assumed innocent unless

proven guilty.) Ang probisyong ito sa Saligang Batas ay nagbibigay proteksyon sa

lahat ng tao laban sa:

A. Pagkakalat ng mga tsismis. C. Malisyosong pagbabalita

B. Walang batayang kaso D. Lahat ng nabanggit

7. May kalakip na pananagutan ang bawat kalayaang taglay ng bawat tao gaya ng

sa paggamit ng mga on line platforms na napakadaling manirang puri o magkalat

ng mapanirang balita o artikulo. Binibigyang proteksyon ng batas ang bawat

mamamayan laban sa mga posibleng pag-abuso dito sa pamamagitan ng batas

na na ito:

A. Anti-bullying Law (R.A 10627)

B. Child Protection Policy

C. Cyber Crime Prevention Law ( R.A 10175) .

D. Violence Against Women and Children Act (R.A 9262)

8. Dahil sa pagkakatanggal sa trabaho ng ama ni Lira, hindi siya agad nakabayad

sa matrikula bago pa dumating ang final examinations sa pribadong unibersidad

na kanyang pinapasukan. Hindi siya pinakuha ng pagsusulit hangga’t hindi niya

nababayaran ang kulang na matrikula. May paglabag ba sa dignidad at karapatan

3
ni Lira bilang mag-aaral?.

A. Walang paglabag sapagkat maaaring gawin ng pribadong unibersidad ang

anumang naisin nila sa mga mag-aaral na hindi na makabayad sapagkat

sila ang may-ari ng paaralan.

B. Walang paglabag sapagkat nasa ilalim ng mga panuntunan ng paaralan

ang tungkol sa pagbabayad ng matrikula at alam ito ng lahat ng mga mag-

aaral na pumasok dito.

C. May paglabag sapagkat ang pangunahing misyon ng paaralan ay magturo

sa mga mag-aaral.

D. May paglabag sapagkat hindi nito inunawa ang katayuang pinansyal ng

mag-aaral.

9. Ang mataas na uri ng likhang sining ng mga pangkat etniko o Indigenous People

ay isang testimonya na lahat ng tao’y may angking isip at talino anuman ang

kanyang kinabibilangang pangkat. Ang pahayag na ito ay:

A. pagpapatunay ng pagiging natatangi (unique) ng bawat tao.

B. pagpapatunay na may mga pangkat etniko sa Pilipinas

C. pagpapatunay na napapansin na ang sining ng mga pangkat etniko.

D. pagpapatunay na may mataas na antas ng kultura ang mga pangkat etniko.

10. Alin sa mga sumusunod na patakaran at programa ng pamahalaan sa panahon

ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang pagtataguyod sa kapakanan at dignidad

ng mga mamamayan?

A. Paglalagay ng mga checkpoints, curfews at pagbabawal sa mga menor de

edad at mga senior citizens na lumabas ng bahay upang maingatan sila.

B. Pamamahagi ng Social Amelioration Fund ng pamahalaang nasyonal

C. Pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang lokal sa kanyang mga nasasakupan.

D. Lahat ng nabanggit.

4
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN

Gawain 1

Panuto: Ano ang iyong gagawin kung makakita ka sa daraanan mo ng lukot na

isang libong piso? Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mga tanong: Screen grab buhat sa Wikipedia

1. Pupulutin mo ba ito? Bakit? Kung hindi mo pupulutin, bakit?

2. Bukod sa lukot sa anyong panlabas, may nabago ba sa halaga nito?

3. Nababawasan o nagbabago ba ang halaga ng isang libong piso kung

madudumihan o malalagyan ito ng putik?

4. Saan nagmumula ang kahalagahan nito bilang salapi?

5. Paano maaaring mawala ang halaga nito bilang isang salapi?

Gawain 2

Panuto:Tingnan at unawain ang mensaheng hatid ng larawan.

A person’s a person
no matter how small

Mga tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan at ng pahayag na “ A person’s a person

no matter how small.”

2. Nababawasan ba ang kanyang pagiging tao dahil sa siya ay nasa

sinapupunan

5
pa lamang ng kanyang ina? Bakit?

3. Nababawasan ba o nadadagdagan ang kanyang kahalagahan bilang tao

kung siya ay ipinanganak na mahirap o mayaman? Ipaliwanag ang iyong

sagot.

4. Bakit sinasabing pantay-pantay ang lahat ng tao sa paningin ng Diyos na

lumikha?

5. Saan nag-uugat ang kahalagahan ng tao?

C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA

Gawain 1

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Suriin kung may

paglabag sa dignidad ng mga tauhang inilahad. Lagyan ng tsek ( ) ang kolum na

angkop sa iyong sagot at bigyang paliwanag ang kasagutan.

Kaso Bilang 1

Sa gitna ng kinakaharap na pandemya ng bansa, isang buntis na ginang ang

tinanggalan ng bubong at pinto ng bahay ng kanyang landlady dahil sa hindi nito

pagbabayad ng renta. May dalawang buwan na raw itong hindi nakakabayad. Ayon

sa may ari ng paupahan, may sakit siya at nangangailangan din ng pambili ng gamot

kaya niya nagawa ang pagpapaalis ng bubong at pinto ng inuupahang bahay ng

buntis na ginang.

May Paglabag Walang Paglabag

Paliwanag: Paliwanag:

6
Kaso Bilang 2

Malapit na ang kaarawan ng nanay ni Felicity at nais niya itong ibili ng pabango.

Minsan ay nagpunta siya sa isang mall at naghanap ng pabangong maireregalo sa

kanyang ina. Nagtanong siya sa saleslady kung magkano ang pabango na itinuturo

niya. Sinabi naman nito sa limang libong piso. Naghanap siyang muli ng iba pang

pabango sa parehong hanay at muling tinanong ang saleslady, sinabi nitong

dalawang libong piso. Tiningnan niya si Felicity mula ulo hanggang paa sabay sabing

walang mumurahing pabango sa kanilang hanay.

May Paglabag Walang Paglabag

Paliwanag: Paliwanag:

Kaso Bilang 3

Dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine at dahil sa dami ng katulad

niyang 4P’s beneficiary, maaga pa lamang ay umalis na ng bahay si Andrea upang

pumila sa bangkong may Automated Teller Machine (ATM). Marami na ang nauna

sa kanya sa pila kung kaya’t bandang dulo na siya ng pila na puwesto at matiyagang

naghihintay. Makalipas ang kalahating oras habang matiyagang nakapila ang

marami, may isang kotseng pumarada sa harap ng bangko at bumaba ang isang

babaeng mukhang nakaaangat sa buhay. Lumapit ito sa guwardiya at may sinabi.

Matapos ito ay sinabihan ng guwardiya ang lalaking susunod na sa pila ng ATM na

kung maaari ay pasingitin na ang babaeng bumaba mula sa kotse dahil sa

nagmamadali raw ito.

7
May Paglabag Walang Paglabag

Paliwanag: Paliwanag:

Mga tanong:

1. Ano ang pagkakatulad ng karanasan ng mga tauhan sa mga kasong nabanggit?

2. Makatao ba ang naging pakikitungo sa kanila? Bakit?

3. Paano nilabag ang kanilang dignidad o kahalagahan bilang tao?

4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ano ang dapat na pakikitungong gagawin mo sa

kanila?

5. Bakit sinasabi na “Ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gagawin sa kapwa

Mo”? Ipaliawanag.

D. PAGPAPALALIM

Sa mga natapos na gawain, marahil ay nadagdagan ang iyong kaalaman at

pag-unawa sa salitang DIGNIDAD. Upang higit pa itong maging malinaw sa iyo

tunghayan mo ang teksto at sagutin ang mga katanungan pagkatapos mo itong

basahin.

Bukod sa patuloy na pag-uulat tungkol sa pandaigdigang istatistika ng

pandmeyang COVID-19, ang buwan ng Mayo 25, 2020 ay isang luksang araw para

sa mga tagapagtaguyod ng karapatan at dignidad ng tao. Isang 46 taong gulang na

black American na nagngangalang George Floyd ng Minneapolis, Minessota,

8
Estados Unidos ang namatay dahil sa pagtuhod sa

kanyang leeg ng isang police officer na si Derek Chauvin.

Sa kabila ng kanyang pagsasabing hindi siya makahinga

at sa kabila rin ng pakiusap ng ilang mga nakasaksi sa

pangyayari, nanatili siyang tinuhuran sa leeg sa loob ng 8

minuto at 46 segundo ng pulis habang siya ay nakadapa

at nakaposas. Makalipas ang ilang minuto ay dumating Larawang buhat sa latimes.com

ang ambulansya at dinala siya sa ospital ngunit wala ng buhay na umabot dito.

Nakuhanan ng video at kumalat sa internet ang aktwal na pangyayari na nasaksihan

hindi lamang ng buong Estados Unidos kundi ng buong mundo.

Hinuli si Floyd dahil sa pagbabayad ng pekeng 20 dolyar sa isang convenient

store. Nagpasiklab ng galit ng mga tao sa Minneapolis ang pangyayaring ito

hanggang sa kumalat ang protesta at kaguluhan sa maraming estado sa America.

Hinihingi nila ang katarungan para sa hindi makataong pagtrato sa isang Black

American na humantong sa kamatayan ni George Floyd. Nakalulungkot nga lamang

na nabahiran ang mga lehitimong protesta laban sa diskriminasyon ng labis na

kaguluhan, panununog ng mga istasyon ng pulisya, pagnanakaw at marahas na kilos

na humantong ang ilan sa pagpatay.

Si Derek Chauvin, ang pulis na tumuhod sa leeg ni Floyd na nagdulot ng

kanyang kamatayan, ay kinasuhan na second-degree murder, third-degree murder,

and second-degree manslaughter. Ang Federal Bureau of Investigation ( FBI) at ang

Minnesota Bureau of Criminal Apprehension ang nag iimbistiga sa kaso.

Ayon sa pahayag ng pinuno ng Minneapolis Police Union na iniulat ng The

Daily Mail, dapat alalahanin ang maraming marahas na kasong kriminal si George

Floyd at ang pagbibigay sa kanya ng tila parangal ay hindi nararapat. Dito natin

9
makikita ang kakulangan ng kaalaman ng ilan sa tunay na kahulugan ng dignidad ng

tao. Dapat nating tandaan na kahit pa sabihing marami siyang kasong kriminal hindi

makatao ang pagtrato na tuhuran ang leeg na malaki ang posibilidad na ikamatay ng

tao. Tao pa rin dapat tinatrato ninuman, lalo na ng mga alagad ng batas kahit ang

mga kriminal.

Hindi lamang sa kaso ng racial discrimination o hindi pantay na pagtingin

batay sa kulay ng balat makikita ang paglabag sa dignidad ng tao. Ang kahirapan at

ang hindi pagkilala sa mga karapatan ng bawat tao kabilang ang mga katutubong

Pilipino o pangkat etniko/Indigineous People ay maliwanag na pagsasawalang-

bahala sa dignidad ng tao.

Ano nga ba ang dignidad? Tumutukoy ito sa ating kahalagahan bilang tao na

nilikha ng Diyos na kawangis Niya, may taglay na isip at kilos loob, namumukod tangi

(unique) at hindi mauulit (unrepeatable) Dito nag-uugat ang ating dignidad. Sa lahat

ng nilikha, ang tao lamang ang pinagkalooban ng ispiritwal na kapangyarihan na

mag-isip, magmahal at magpasya. Hindi maaaring mawala, madagdagan o

mabawasan ang ating dignidad anuman ang kulay ng ating balat, lahi, kalagayan sa

buhay, itsura, kasarian, relihiyon, paniniwala at iba pa. Kumbaga sa matematika, ito

ay constant. Wala tayong maaaring gawin na makapagpapababa o

makapagpapataas nito. Hindi ito naaapektuhan ng kulay ng balat, katayuan sa

buhay, edad, kasarian, talino, kalakasan o kapangyarihan. Nangangahulugan ito na

ang isang sanggol na nasa sinapupunan at ang isang matandang may edad na

mahigit pa sa 100 ay may magkatulad na dignidad. Ang mayaman at mahirap, ang

taga-lungsod at ang mga pangkat etniko ay parehong may dignidad. Ang mga

matatandang may sakit at nakahiga na lamang, mga may kapansanan, mga batang

walang malay, mga makasalanan tulad ng mga kriminal, nagbibili ng panandaliang

10
aliw, drug addicts, at iba pa ay may kaparehong dignidad gaya ng sa Pangulo ng

bansa, ng pinakamayamang tao sa daidig at maging ang mga pangunahing pinuno

ng iba’t-ibang relihiyon . Ang mga mahihirap, pangkat etniko o indigenous people,

mga refugees, mga baliw at wala sa katinuan, mga taong may kakaibang

paniniwalang pang relihiyon, mga may kakaibang sekswal na oryentasyon, mga may

kakaibang paninindigang pulitikal, at iba pa, tulad natin ay mahalaga at nararapat

bigyan ng pagpapahalaga bilang tao.

Maging sa pagpapataw ng kaparusahan sa mga nagkasala ay nararapat

isaalang-alang ang makataong paraan ng pagbibigay parusa. Kaya nga may Bill of

Rights upang siguruhin na ang dignidad ng bawat tao ay isinasalang-alang sa lahat

ng pagkakataon maging sila man ay mga katutubo o Indigenous People, at mga

mahihirap na mamamayang nasa laylayan ng lipunan. Kapwa sila mahalaga

sapagkat nilikha silang may taglay na isip at kilos loob, namumukod tangi at hindi

maaaring i-duplicate ninuman. Tunghayan mo ang dalawang alagad ng sining na

mula sa magkaibang rehiyon at henerasyon ngunit may kapwa angking talento sa

pagtatato, pagpapatunay na sa kabila ng pagkakaiba ng henerasyon ay may angking

dignidad ang bawat tao.

Narinig mo na ba ang pangalang Ann Savage?

Whang Od?? Marahil kung pamilyar ka sa sining ng

pagtatato ay hindi na iba sa iyo ang pangalang Ann

Savage dahil kilala siyang tattoo artist sa Cebu.

Nabigyang parangal na rin siya sa larangan ng sining


Larawang hango mula Instagram post: Ann Savage

na ito at napabilang sa talaan ng 20 pinaka-tanyag na tattoo artists sa buong mundo.

11
Kung makabago ang paraan ni Ann sa kanyang pagtatato, kakaiba at tradisyunal

naman ang paraan at gamit ni Whang OD sa pagtatato.

Si Whang Od ang kinikilalang Huling at


Larawang hango mula sa Wikipedia

pinakamatandang Mambabatok (tradisyunal na

magtatato sa tribu ng Butbut, ng Buscalan,

Kalinga). Kakaiba ang sining ng kanyang pagtatato

sapagkat hindi siya gumagamit ng karayom, tinta at

ibang mga pangkulay, sa halip ay tinik o siit, tubig

at uling ang kanyang ginagamit. Marami na ring mga kilalang personalidad ang

nagpatato sa kanya. Maging mga dayuhan ay pumupunta pa sa Buscalan, Kalinga

upang personal siyang makita at saksihan ang paraan ng kanyang pagtatato.

Maaaring hindi makabago ang kanyang paraan at sining ngunit hindi makakaila ang

angking husay si Whang-Od atang kanyang sining ng pagtatato na minana pa niya

sa kanyang ama.

Noong Hunyo 25, 2018 ay iginawad sa kanya ang prestihiyosong Dangal ng

Haraya Award ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining, sa Tabuk,

Kalinga, Bulubundukin ng Cordillera.

May ibang mga pangkat etniko na hindi

nabibigyan ng atensyon at pagpapahalagang tulad

kay Whang OD. Ang mga pangkat na ito ay patuloy

pa ring ipinaglalaban ang kanilang ancestral lands at

pagkilala sa kanilang pangkat na nagmamay-ari ng Larawang buhat DGRNews

mga lupa at ang kalikasang nakapaligid dito. Ang pagkilala sa mga karapatang ito ay

bahagi na rin ng pagkilala sa kanilang dignidad bilang tao at bilang pangkat etniko.

12
Sinasabi sa isang pag-aaral na ginawa ng Asian Development Bank na may

tatlong pangkalahatang pangkat ng tao sa Mindanao, ang mga Muslim, mga

Kristyano at mga Lumad na kumakatawan sa lahat ng mga pangkat etniko na hindi

yumakap sa relihyong Islam. Nanatili sila sa kanilang mga sinaunang paniniwala at

kultura bilang isang pangkat. Ang mga Lumad ay mga katutubong tao mula sa

Katimugang Mindanao. Mayroon silang tradisyunal na konsepto ng komunyal na

pagmamay-ari ng lupa kung saan ang mga kasapi ng isang komunidad ay may

karapatang gamitin o linangin ang bahagi ng anumang lupang bakante basta ito ay

nasasakop pa ng kanilang komunidad. Ang mga minanang lupa mula sa kanilang

ninuno (ancestral land) ay kinabibilangan ng maulang kagubatan o rainforest,

kapatagang kaaya-aya sa pangangaso, mga lupaing linang (cultivated) at di linang

(uncultivated), at mga pinagkukunang yamang taglay ang mahalagang mineral gaya

ng ginto, tanso (copper), karbon (coal), nickel, gas at semento.

Sa loob nang ilang dekada ay kinailangan ng mga Lumad na ipagtanggol ang

kanilang minanang katutubong lupain mula sa

militarisasyon at pagpasok ng mga korporasyong

multi-nasyonall. Ang likas na yamang taglay ng

kanilang mga minanang lupa ang hangad ng mga


Screen grab buhat sa Ibon International
multi-nasyonal na korporasyon at logging

companies. Marami sa mga Lumad ang nawalan ng lupang matitirahan, ipinasara

ang mga paaralan at may mga napatay dahil sa pakikipaglaban sa kanilang

karapatan bilang mga katutubong may ari ng lupa. May mga napilitang nangibang

lugar dahil sa karahasang nagaganap sa kanilang lupang sinilangan.

May mga pangkat etniko rin sa Hilagang Luzon at ibang bahagi ng bansa na

nakakaranas ng mga suliraning tulad nito kung kaya’t naisulong ang Batas Republika

13
8371 na kumikilala at nagtataguyod sa mga karapatan ng mga pangkat etniko o mga

Indigenous People sa ating bansa

Bukod sa mga nabanggit, maituturing din na paglabag sa dignidad ng tao ang

kahirapan. Bakit ito itinuturing na paglabag sa dignidad ng tao? Ang kahirapan ay

hindi lamang umaagaw sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang

mabuhay, tulad ng pagkain, tirahan, damit, at iba pa., hindi rin nito binibigyan ng

pantay na pagkakataon ang isang tao na mapaunlad at malinang ang kanyang talino,

na abutin ang kanyang mga pangarap upang matulungang hanguin ang sarili sa

abang kalagayan.

Ang kawalan ng disenteng uri ng pamumuhay ay lumalabag sa dignidad ng

tao sapagkat inaalis nito ang kanyang pagkakataong na tamasahin ang disenteng uri

ng pamumuhay, ang magamit ang kanyang potensyal upang paunlarin ang sarili para

sa kapakinabangan ng pamilya at kapwa, at makamit ang mga karapatang sibil,

kultural, pangkabuhayan, politikal at panlipunan.

Halimbawa, ang isang batang mahirap ngunit matalino na naghahangad na

maging doktor pagdating ng araw ay hindi napagkakalooban ng pagkakataon na

mag-aral sa medical school at makamit ang kanyang pangarap sa buhay dahil sa

kahirapan. Sabihin man na may libreng edukasyon sa elementarya hanggang

kolehiyo, nananatili pa rin ang katotohanang hindi siya makakapag medisina dahil sa

taas ng gastos sa mga libro at gamit na nangangailangan ng malaking halaga ng

pera. Ano na ang mangyayari sa batang ito? Mag working student man siya ay hindi

sasapat ang kikitain niya sa gastos sa medical school. Maaaring makapag-aral at

makapagtapos pa rin siya sa pamamagitan ng mga scholarships ngunit ang kursong

kukunin niya ay iyon na lamang tutugma sa kakayahang pampananalapi ng kanyang

pamilya. Dito papasok ang tungkulin ng pamahalaan upang siguruhin na mabibigyan

14
ng pantay na pagkakataon ang lahat ng tao sa paningin ng batas. Itinatakda ng

Saligang batas ng 1987, Artikulo II. Seksyon 9 na:

.”Dapat itaguyod ng Estado ang makatwiran at dinamikong kaayusang

panlipunan na titiyak sa kasaganaan at kasarinlan ng bansa at magpapalaya sa

sambayanan laban sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang nagtatakda

ng sapat na mga lingkurang panlipunan, nagtataguyod ng pagkakataon na

makapaghanapbuhay ang lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay at ng lalong

mainam na uri ng buhay para sa lahat.”

Sa pagtama ng COVID -19, ang pandemyang nagpahirap at nagpadapa ng

maraming ekonomiya sa buong mundo, hindi maiiwasang magkaroon ng mataas na

bilang ng mga taong nawalan ng trabaho sa ating bansa dahilan sa pagsasara at

pagbagsak ng maraming negosyo na magpapataas sa bilang ng mahihirap. Ayon sa

Philippine Statistics Authority, umabot sa 17.7 % ang

bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho na

katumbas ng 7.3 milyong Pilipinong nakabawas sa lakas


Screen grab mula sa CDC paggawa ng bansa sa buwan ng Abril 2020, sakop ang

panahong ito ng isailalim ang maraming bahagi ng bansa sa community quarantine..

Sa sitwasyong tulad nito, mahalaga ang pagtugon ng pamahalaan upang ang

nagbabadyang paglaganap ng kahirapan at kawalan ng trabaho ay matugunan gamit

ang iba’t-ibang patakaran at polisiya ng pamahalaan upang maitaguyod ang dignidad

ng bawat Pilipino lalo na sa gitna ng pandemya. Ang Social Amelioration Fund ay

paraan ng pamahalaan upang kahit paano ay makatulong sa pagtatawid sa mga

pamilyang labis na tinamaan ng pandemya at community quarantine. Iba’t-ibang

ayuda mula sa mga pamahalaang lokal. Ang pagbabayanihan ng mga

pangkaraniwang tao at pribadong sektor ay makikita rin upang tumulong sa mga

15
nangangailangan. Bakit ginagawa ang mga ito? Sapagkat malinaw na dapat na

matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay. Bahagi ito

ng pagkilala natin sa buhay at dignidad ng tao. Ang dahan-dahang pagbubukas ng

trabaho at negosyo, ang pagsiguro na ang minimum health standards ay nasusunod

sa mga negosyo at establisyemento, ang pagbabawal sa mga menor de edad at mga

senior citizens na lumabas ng bahay, ang pagsasailalim ng iba’t-ibang lugar sa iba’t-

ibang antas ng community quarantine ay mga hakbang upang mapangalagaan ang

buhay at kalusugan ng bawat tao bata man o matanda. Ang pagsasagawa nito ay

nangangailangan ng maingat na pagbalanse sapagkat parehong kapakanan ng tao

ang isinasaalang-alang. Sa isang bahagi ay ang pagkukunan ng ikabubuhay at sa

kabila naman ay pag-iingat sa buhay at kalusugan. Ito ay pagsasaalang-alang sa

kahalagahan o dignidad ng bawat tao.

E. PAGHINUHA NG BATAYANG KONSEPTO

Panuto: Sa tulong graphic organizer isulat ang mahalagang konseptong natutuhan

mo ukol sa dignidad na taglay ng bawat tao.

Batayang Konsepto:

ANG DIGNIDAD NG
TAO AY…

16
F. PAGSASABUHAY NG PAGKATUTO

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa loob ng mga kahon.

1. Paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng kabuhayan ng inyong pamilya sa

panahon ng pandemya na hindi ka naman lumalabag sa mga security protocols gaya

ng curfew at hindi paglabas ng bahay. Isulat ang sagot sa loob ng espasyo sa ibaba.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_

2. Bilang kabataan, paano ka makatutulong upang higit na mapabuti ang uri ng


pamumuhay ng inyong pamilya?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_

3. Paano mo dapat itinatrato ang mga pangkat etniko tulad ng mga Badjao, Aeta,

Igorot, Mangyan, at iba pa?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_

17
G. PAGNINILAY

Kung babalikan ang isang pangyayari na matatagpuan sa ebanghelyo ni Juan

8:1-11, makikita natin ang halimbawang ipinakita ni Hesukristo kung paano igalang

ang dignidad maging ng isang makasalanang babaeng nahuli sa akto ng

pangangalunya o pakikiapid.

Si Jesus ay pumunta sa Bundok ng mga Olibo. Sa pagbubukang-liwayway,


siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya. Siya
ay umupo at tinuruan sila. Dinala sa kaniya ng mga guro ng kautusan at ng mga
Fariseo ang isang babae na nahuling nangangalunya. Inilagay nila siya sa
kalagitnaan. Sinabi nila sa kaniya: Guro, ang babaeng ito ay nahuli sa paggawa ng
pangangalunya. Iniutos sa amin ni Moises sa kautusan na batuhin ang katulad nito.
Ano ang masasabi mo? Ito ay kanilang sinabi upang subukin siya nang mayroon
silang maiparatang laban sa kaniya.

Yumukod si Jesus, sumulat sa lupa sa pamamagitan ng kaniyang daliri. Sa


patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya. Sinabi niya sa kanila: Ang
sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya. Siya
ay muling yumukod at sumulat sa lupa.

Sila na nakarinig nito ay sinumbatan ng kanilang mga budhi. Dahil dito, sila ay
isa-isang lumabas, simula sa matatanda hanggang sa kahuli-hulihan. Naiwan si
Jesus gayundin ang babae na nakatayo sa kalagitnaan. Nang tumindig si Jesus ay
wala siyang nakita maliban sa babae. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Ginang, nasaan ang
mga nagsasakdal sa iyo? Wala bang humatol sa iyo?

Sinabi niya: Wala, Ginoo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi
hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.

Mga Tanong:
1. Ano ang aral na mapupulot mo sa halimbawang ipinakita ni Jesus sa kuwento?

2. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng makasalanan, ano ang magiging reaksyon mo

sa naging makataong pagtrato sa iyo?

18
3. Paano ito makatutulong sa pagpapanumbalik mo ng paniniwala sa iyong sarili?

H. PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap at piliin ang titik ng

pinakawastong sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na patakaran at programa ng pamahalaan sa panahon

ng pandemyang dulot ng COVID-19 ang pagtataguyod sa kapakanan at dignidad

ng mga mamamayan?

A. Paglalagay ng mga checkpoints, curfews at pagbabawal sa mga menor de

edad at mga senior citizens na lumabas ng bahay.

B. Pamamahagi ng Social Amelioration Fund ng pamahalaang nasyonal

C. Pamamahagi ng ayuda ng pamahalaang lokal sa kanyang mga nasasakupan.

D. Lahat ng nabanggit.

2. Ang dignidad, karangalan, reputasyon o puri ay mga salitang magkakapareho ng

kahulugan.

A. Mali, iba ang kahulugan ng dignidad sa karangalan, reputasyon o puri.

B. Mali, higit na malalim ang pinag-uugatan ng reputasyon.

C. Tama, iisa lamang ang tuon na binibigyang kahulugan nila, ang tao.

D. Tama, walang pagkakaiba sa kahulugan ng mga salitang ito.

3. Tumutukoy ito sa likas at angking kahalagahan ng bawat tao, anuman ang

kanyang edad, kasarian, katayuan sa buhay, relihiyon, lahi at nasyonalidad.

A. Konsensya B. Dignidad C. Isip D. Kilos-loob

4. Dahil sa pagkakatanggal sa trabaho ng ama ni Lira, hindi siya agad nakabayad

sa matrikula bago pa dumating ang final examinations sa pribadong unibersidad

na kanyang pinapasukan. Hindi siya pinakuha ng pagsusulit hangga’t hindi niya

nababayaran ang kulang na matrikula. May paglabag ba sa dignidad at karapatan

ni Lira bilang mag-aaral?.

19
A. Walang paglabag sapagkat maaaring gawin ng pribadong unibersidad ang

anumang naisin nila sa mga mag-aaral na hindi na makabayad sapagkat

sila ang may-ari ng paaralan.

B. Walang paglabag sapagkat nasa ilalim ng mga panuntunan ng paaralan

ang tungkol sa pagbabayad ng matrikula at alam ito ng lahat ng mga mag-

aaral na pumasok dito.

C. May paglabag sapagkat ang pangunahing misyon ng paaralan ay magturo

sa mga mag-aaral.

D. May paglabag sapagkat hindi nito inunawa ang katayuang pinansyal ng

mag-aaral.

5. May kalakip na pananagutan ang bawat kalayaang taglay ng bawat tao gaya ng

sa paggamit ng mga on line platforms na napakadaling manirang puri o magkalat

ng mapanirang balita o artikulo. Binibigyang proteksyon ng batas ang bawat

mamamayan laban sa mga posibleng pag-abuso dito sa pamamagitan ng

batas na na ito:

A. Anti-bullying Law (R.A 10627)

B. Child Protection Policy

C. Cyber Crime Prevention Law ( R.A 10175) .

D. Violence Against Women & Children Act (R.A 9262)

6. Naibalik na ang nawalang dignidad ng mga taong nagdusa na sa parusa ng batas.

Ang pahayag na ito ay:

A. Mali, sapagkat hindi maibabalik ng kaparusahan ang nawalang dignidad.

B. Mali, sapagkat hindi nawawala ang angking dignidad ng tao.

C. Tama, sapagkat nakadepende ang dignidad ng tao sa kanyang mga kilos.

D. Tama, sapagkat napagdusahan na nila ang mga kasalanang nagawa.

20
7. Ang mataas na uri ng likhang sining ng mga pangkat etniko o Indigenous People
ay isang testimonya na lahat ng tao’y may angking isip at talino anoman
ang kanyang kinabibilangang pangkat. Ang pahayag na ito ay:
A. pagpapatunay ng pagiging natatangi (unique) ng bawat tao.
B. pagpapatunay na may mga pangkat etniko sa Pilipinas
C. pagpapatunay na napapansin na ang sining ng mga pangkat etniko.
D. pagpapatunay na may mataas na antas ng kultura ang mga pangkat etniko.

8. Ang hindi tamang pagtrato sa isang tao dahil lamang sa kanyang katayuan sa

buhay ay maituturing na diskriminasyon sapagkat.

A. Kinikillingan nito ang tao ayon sa kanyang kalagayang pangkabuhayan.

B.Hindi nito tinitingnan ang tao sa kanyang angking kahalagahan bilang

isang nilalang.

C.Hindi nito isinasaalang-alang ang pagiging namumukod-tangi ng tao.

D. Lahat ng nabanggit

9. Ang mga pagkamkam ng mga ancestral lands ng mga katutubong Pilipino o

Indigenous People upang gawing minahan ng ilang mga mapagsamantalang

negosyasnte ay paglabag sa kanilang karapatan at dignidad bilang tao sapagkat:

A. Wala silang matutuluyan kung sila ay paaalisin dito.

B. Hindi sila kinunsulta bago magtayo ng mga minahan sa kanilang lugar.

C. Wala silang mahusay na abogado na maaaring magtanggol sa kanila sa

hukuman.

D. Ito ang kanilang tinubuang lupa kalakip ang mga pamanang kultural ng

kanilang ninuno bago pa dumating ang mga dayuhan sa ating bansa.

10. Itinuturing na ang isang taong napagbintangan sa isang krimen ay wala pang

sala habang hindi pa napatutunayan. ( A person is assumed innocent unless

proven guilty.) Ang probisyong ito sa Saligang Batas ay nagbibigay proteksyon sa

lahat ng tao laban sa:

21
A. Pagkakalat ng mga tsismis. C. Malisyosong pagbabalita

B. Walang batayang kaso D. Lahat ng nabanggit

I. TANDAAN

Ang dignidad ng tao ay nag-uugat sa kanyang pagiging


nilikhang may taglay na isip at kilos loob, natatangi (unique)
hindi mauulit (unrepeatable), at kawangis ng Diyos.
Hindi nagbabago ang dignidad, hindi ito napatataas o
napabababa ng anumang kilos o gawain ng tao. Ito ang ating
kahalagahan bilang tao.

Management and Development Team

Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Lucita A. Gener
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Validators: Lucita A. Gener


Paulo T. Adorio
Writer/s: Imelda P. Dela Cruz
Master Teacher II, Rajah Soliman High School

22
SANGGUNIAN

Environment and Social Safeguard Division Regional and Sustainable


Development Department Asian Development Bank, Manila, Philippines June
2002

Kawanihan ng Edukasyong Sekundarya. Kagawaran ng Edukasyon. 2010.

Gabay sa Pagtuturo sa EP para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyon Sekundarya

(SEC) Pasig City: Awtor

https://cdn1.sph.harvard.edu/wp-content/uploads/sites/580/2017/06/Poverty-
and-Human-Rights-ver-5-June-2017.pdf, Daniel Moeckli, Sangeeta Shah,
Sandesh Sivakumaran and David Harris (eds.), Textbook on International
Human Rights Law, Oxford University Press, 3rd edition, 2017

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Juan+8&version=SND

https://en.wikipedia.org/wiki/Killing_of_George_Floyd

https://globalnews.ca/news/7010572/george-floyd-arrest-explained/George
Floyd: What we know about the arrest, video and investigation. Rachel
D’Amore- Global News, posted June 1, 2020

https://nypost.com/2020/06/01/official-me-report-rules-homicide-in-george-
floyds-death/

https://nypost.com/2020/06/02/george-floyd-had-violent-criminal-history-
minneapolis-union-chief/

https://www.pressenza.com/2015/10/philippines-lumad-people-under-threat-by-
australias-xstrata-copper-company/

https://psa.gov.ph/poverty-press-releases

https://www.bworldonline.com/impact-of-covid-19-on-key-philippine-economic-
sectors/

https://psa.gov.ph/statistics/survey/labor-and-employment/labor-force-survey

https://www.ienearth.org/stop-the-lumad-killings/ Stop the Lumad Killings


Pam Tau Lee, Chair of the International Coalition for Human Rights in the
Philippines (ICHRP) – U.S.

23
https://www.jstor.org/stable/41056740?seq=1 he Poor in Philippine Cities: A
Situation Analysis Pilar Ramos-Jimenez, Ma. Elena Chiong-Javier and Judy
Carol C. Sevilla Sojourn: Journal of Social Issues in Southeast Asia. Published
by: ISEAS - Yusof Ishak Institute , Vol. 3, No. 1, February 1988

Susi sa pagwawasto

Paunang Panghuling
Pagtataya Pagtataya

1. B 6. D 1. D 6. B

2. A 7. C 2. A 7. A

3. B 8. D 3. B 8. B

4. D 9. A 4. D 9. D

5. D 10.D 5. C 10. D

24

You might also like