You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A-CALABARZON
SANGAY LUNGSOD NG ANTIPOLO
DALIG NATIONAL HIGH SCHOOL
National Road, Brgy. Dalig Antipolo City, Rizal
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng pinakawastong sagot sa
iyong sagutang papel.

1. May kakayahang itong maging kritikal at mapanuri upang mapaunlad ang sariling
buhay, maging ng buhay ng kanyang kapwa.
a. isip b. kilos-loob c. konsiyensiya d. Kalayaan

2. Ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama, at nag-uudyok na piliin kung alin ang mabuti.
a. isip b. kilos-loob c. konsiyensiya d. Kalayaan

3. Ito ay umaasa at nagpapasya batay sa mga nakalap na impormasyon at sa ginagawang paghuhusga ng isip.
a. isip b. kilos-loob c. konsiyensiya d. Kalayaan

4. Ito ay may kapangyarihang umalam, umunawa at sumuri ng pangyayari.


a. isip b. kilos-loob c. konsiyensiya d. Kalayaan

5. Tunguhin nito ang kabutihan sa pagpapasiya o pagkilos.


a. isip b. kilos-loob c. konsiyensiya d. Kalayaan

6. Bakit kailangang hubugin nang wasto ang isip at kilos-loob?


a. Upang maimpluwensyahan nang mabuti ng isip ang damdamin
b. Upang may tamang batayan at lakas sa paggawa ng kung ano dapat
c. Upang maiwasan ang kalituhan sa tuwing mahaharap sa isang suliranin
d. Upang sa ganoon ay matiyak na magkatugma ang layunin at hangarin ng isip at kilos-loob sa pagharap sa
mga suliranin

7. Ang isip at kilos-loob ang dalawang katangiang nagpapabukod-tangi sa tao sa iba pang nilalang. Ang pahayag ay
______.
a. tama, dahil ang tao lamang ang may ispiritwal na kalikasan
b. tama, dahil hindi naman nagtataglay ng isip ang mga hayop
c. mali, dahil maging ang mga hayop ay nakakakilala rin ng tama at mali
d. mali, dahil lahat ng nilalang sa mundo ay pare-pareho ng mga katangian

8. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggalian katwiran sa iyong isipan, maaaring
________________.
a. ituloy pa rin ang pasya at bahala na sa resulta at epekto nito
b. gayahin mo na lamang ang pasya ng iba
c. huwag ka nang gumawa ng pasya
d. konsultahin ang iyong magulang, kapatid at sa iba pang eksperto

9. Ang pahayag na nagsasaad ng tamang impormasyon ay ____________.


a. ang material na kalikasan ng tao ay tumutukoy sa mental na katangian.
b. ang material na kalikasan ng tao’y pinagmumulan ng diwa at talino.
c. ang ispiritwal na kalikasan ng tao’y pagsasagawa ng pisikal na gawain.
d. ang ispiritwal na kalikasan ng tao’y nagbibigay kakayahang umunawa.
10. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanan kung ________.
a. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba
b. isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili
c. gagamitin mo nang tama ang isip at kilos-loob
d. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang
11. Ang isip at kilos- loob ang magkahiwalay na kapangyarihang nagpapabukod- tangi sa tao sa lahat ng nilalang.
Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil ang isip at kilos- loob ang kambal na kapangyarihang nagpapabukod- tangi sa tao sa lahat ng
nilalang.
b. Mali, dahil mas angkop itong iugnay sa mga katotohanan.
c. Tama, dahil ang mga ito ang patakaran na dapat sundin ng isang nilikha at ang patakaran na dapat taglayin ng
tao sa kanilang buhay.
d. Tama, dahil ginagamit ang mga ito upang ilaan ang sarili sa pagpapaunlad ng kanyang pagkatao.

12. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _________________.


a. Dean. Lumalabas pa rin siya ng bahay kahit mapanganib
b. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng Covid-19
c. Julia. Sinaktan niya ang pusa dahil lumapit sa kanya ito
d. Edcie. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya

13. Kailan masasabi na ang isang bagay ay katotohanan?


a. Kung ito ay sinusunod ng marami dahil nakakapagdulot ng kaginhawaan
b. Kung ito ay ipinapatupad ng mga taong may kapangyarihan at awtoridad
c. Kung ito ay nakabatay sa mga tradisyon, at mga paniniwala ng mga matatanda
d. Kung ito ay dumaan sa proseso ng pagsisiyasat, pagsusuri, at maraming tao
ang nakapagpatunay

14. Alin ang pinakamahusay na pagpapaliwanag ng pagkakaiba ng tao sa hayop?


a. Ang hayop ay higit na mabilis umiwas sa kapahamakan kaysa sa tao
b. Ang tao ay may kakayahang mag-isip at gumamit ng kilos-loob
c. Ang tao at hayop ay parehong nag-iisip na matugunan ang pangangailangan sa pagkain pero magkaiba ang
kinakain.
d. Ang hayop ay nakadepende sa kalikasan.

15. Paano naipamamalas ang mataas na antas ng paggamit ng isip at kilos-loob?


a. Patuloy na pag-aaral at pagpupunyagi upang makatulong sa kapuwa
b. Paggamit ng kaalaman upang makalamang sa kapuwa
c. Pakikilahok paminsan-minsang paggawa ng kabutihan.
d. Pagtulong sa kapuwa kapalit ng popularidad

16. Ito ay munting tinig na nagbibigay sa atin ng payo at agarang hatol kung ang ating kilos at ikikilos ay tama o
mali.
a. Konsiyensiya b. Batas Moral c. Eternal d. Universal

17. Ito ay naayon sa Sampung Utos na nahahati sa dalawang katuruan: ang mahalin ang Diyos nang higit kanino
man o ano mang bagay at ang mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
a. Konsiyensiya b. Batas Moral c. Eternal d. Universal

18. Nakapangyayari ito sa lahat ng lahi, kultura, sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon.
a. Konsiyensiya b. Batas Moral c. Eternal d. Universal

19. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng likas na batas moral?
a. Gawin ang masama, Iwasan ang mabuti
b. Gawin ang Mabuti, gawin ang masama
c. Alamin ang mabuti, iwasan ang masama
d. Gawin ang Mabuti iwasan ang masama

20. Ang sumusunod ay mga prinsipyo ng likas na batas moral maliban sa:
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.
c. Bilang rasyonal, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at
mabuhay sa lipunan.
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman
ang kaalaman at karanasan ng tao.
21. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsiyensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit
hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsiyensiya.
b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsiyensiya.
c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsiyensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti.
d. Kumikilos ang ating konsiyensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.

22. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan
d. Wala sa nabanggit

23. Bakit mahalagang mahubog ang konsiyensiya ng tao?


a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang
kalayaan
b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti at masama sa
kaniyang isip
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon
d. Lahat ng nabanggit

24. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsiyensiya?


a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti
b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya
c. Kung magiging kaisa ng konsiyensiya ang Likas na Batas Moral
d. Kung magsasanib ang tama at Mabuti

25. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung
ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
c. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
d. Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya

26. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?


a. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
b. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
c. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
d. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman

27. Ang mga sumusunod ay yugto ng paghuhusga sa tama o mali. Ang tamang pagkakaayos nito mula sa una
hanggang huli ay _______.
I. Alamin at naisin ang Mabuti III. Hatulan ang mabuting pasya
II. Kilatisin ang kabutihan IV. Suriin ang sarili at magnilay
a. I, II, III, 1V b. IV, III, II, I c. II, IV, III, I d. I, IV, III, II

28. Bakit mahalagang makapagnilay sa mga maling pasiyang ginawa?


a. Upang sanayin ang isip at kilos-loob sa paggawa ng tama at mabuti
b. Upang paunlarin ang konsiyensiya sa kakayahang humusga sa tama o mali
c. Upang magkaroon ng reyalisasyon sa bandang huli.
d. Lahat ng nabanggit

29. Alin ang pinakamabuting paraan sa paghubog ng tamang konsiyensiya?


a. Ang seryosong pag-aaral tungkol sa Batas Moral
b. Ang pakikitalakayan sa kapuwa tungkol sa konsiyensiya
c. Ang pagsisikap na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
d. Ang pagiging matulungin

30. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
a. Mga turo ng magulang tungkol sa tama o mali. c. Pakikinig sa payo ng kaibigan
b. Konsiyensiyang nahubog sa Batas-Moral d. Mga batas ng mga may awtoridad

31. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain?
a. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya sa karunungan at
kabutihan ng Diyos.
b. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha tayo.
c. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob
d. Dahil tao lamang ang may kakayahang gumawa ng tama.

32. Ang _______ katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaring hantungan
at itakda ang paraan upang makamit ito.
a. damdamin b. isip c. kalayaan d. asal

33. Maliban sa biyaya ng Maykapal, ang Kalayaan ay nakasaad din sa _____________________.


a. katipunan ng mga Karapatan sa Saligang Batas 1987
b. kasaysayan ng pinagmulan ng tao at mga kakayahan
c. mga aklat na nagpapaliwanag ng tungkol sa Kalayaan
d. kautusan ng mga ninuno mula sa sinanunang panahon

34. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?


a. kilos-loob b. konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad

35. Ayon kay ___________, ang Kalayaan ay paggawa ng mga gawaing nararapat upang makamit ang pinakamataas
at pinakadakilang layunin ng kaniyang pagkatao.
a. E. Esteban b. St. Thomas Aquinas c. Aristotle d. Plato

36. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?


a. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang
kalayaan.
b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng
sitwasyon.
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang
dito.
d. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang
buhay sa mundo.

37. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula
mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili.
b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan.
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya.
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang ugali.

38. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Nagagawa ni Michelle ang mamasyal anumang oras niya gustuhin.
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa
c. Hindi mahiyain si Jarel kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Sinamahan ni Sebastian ang kapitbahay na isinugod sa ospital kaya’t naghintay siya ng kapalit sa kabutihang
ginawa.

39. Dahil ikaw ay may kalayaan, maaari mo ng gawin at sabihin ang lahat ng gusto mo. Ang pahayag na ito ay
______________.
a. Mali. Puwede ring isama rito ang iyong mga naisin at naiisip.
b. Mali. Dapat pa ring magsalita at kumilos nang mapanagutan.
c. Tama. Kasama ito sa iyong mga karapatan at mga pribilehiyo.
d. Tama. Kaloob ng Diyos na magawa mo ito upang maging masaya.

40. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng iyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng
interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro.
Sang-ayon ka bas a kaniya?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon.
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagor sa mag-aaral.
c. Di-sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos.
d. Di-sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.

41. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan bilang pagtugon sa
pagmamahal at paglilingkod.
a. Pagtulong sa nangangailangan sa oras na gustuhin mo.
b. Paghahadog ng tulong sa kahit na anong kaparaanan.
c. Pagsunod sa health protocols sa oras na nandyan ang magulang.
d. Pagsunod sa health protocols tuwing nanaisin ng iyong kaibigan.

42. Alin ang katangiang dapat paunlarin ng kabataan kaugnay ng Kalayaan?


a. Malayang kumilos at may pananagutan sa anumang kahihinatnan ng kilos.
b. Malayang nakapagpapasya at ginagawa ito nang mabilisan.
c. Malaya sa pagpuna n sariling kaisipan, damdamin at kilos sa kapwa
d. Malaya sa pagmamahal

43. Ano ang tunay na kahulugan ng Kalayaan?


a. Ang tao ay malaya sa pagsunod sa batas.
b. Ang tao ay nakakapagsarili at hindi dumedepende sa kagustuhan ng iba.
c. May Kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin
d. May kakayahang tumugon sa pagmamahal at paglilingkod

44. Inalok ka ng iyong barkada na magbenta ng ipinagbabawal na gamot upang mabili mo ang iyong gusto.
Mahirap ang iyong buhay, pinagkakasya lang ng iyong pamilya ang kinikita ng iyong ama. Ano ang
gagawin mo?
a. Hindi ko tatanggapin, mas pipiliin kong maging mahirap.
b. Hindi ko tatanggapin, pagkakasyahin ko na lang ang maibibigay sa akin at magsisikap ako sa pag-
aaral upang makamit ang aking pangrap at makatulong sa pamilya.
c. Tatanggapin ko ang alok upang makatulong sa pamilya.
d. Tatanggapin ko upang makaahon sa hirap.

45. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan


a. Nais sana ni Ara na mag-post sa FB dahil gigil na siya sa galit sa gobyerno. Nagnilay muna siya at
hindi na niya itinuloy nang maisip na mali ito.
b. Nagpabili pa rin si Erwin ng bag kahit walang pera ang nanay niya.
c. Wala ng kasintahan si Omar kaya siya ay malaya ng manligaw sa marami.
d. Malayang ipinahayag ni Carla ang kanyang galit sa social media.

46. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang
kapuwa.
a. Dignidad b. Dangal c. Kalayaan d. Konsensiya

47. Ang salitang dignidad ay nagmula sa salitang latin na _________.


a. dignitas b. dignites c. dignas d. dignus

48. Nagmula sa Diyos ang pagkakaroon mo at ng ibang tao ng dignidad. Ang pahayag na ito ay
__________________.
a. Tama, dahil nilikha tayong kawangis ng Diyos at simula ng pagkalalang ay taglay natin ito.
b. Tama, dahil nais ng Diyos.
c. Mali, dahil ito ay nagmula sa ibang tao.
d. Mali, dahil ito ay nagmula sa ating magulang.

49. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao, MALIBAN
sa_______________.
a. pagiging magalang sa pananalita c. magtiwala upang pagkatiwalaan
b. paggalang sa pananaw ng iba d. pagpapasya nang mabilis

50. Alin sa mga sumusunod ang may dignidad?


a. Taong mahirap o salat sa salapi c. Mag-aaral
b. May kapansanan d. Lahat ng nabanggit

51. Ang kahirapan ay hindi lamang kasalatan o kakulangan sa pera o anumang materyal na pangangailangan, ito ay
paglabag din sa dignidad ng tao. Ang pahayag ay ______________________.
a. Tama dahil nakabatay sa materyal na bagay ang dignidad ng tao.
b. Tama dahil kung hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng tao, nilalabag nito ang kaniyang karapatan.
c. Mali, dahil ang mga taong ipinanganak na mahirap, nasanay na rito.
d. Mali, wala namang kinalaman ang dignidad ng tao sa kaniyang estado sa buhay.

52. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa dignidad ng mga Indigenous People
(IPs) maliban sa
a. paglalaan ng panahon upang iparamdam sa kanila na sila ay bahagi ng lipunan
b. pagiging sensitibo sa kanilang kultura
c. pagbibigay-galang sa kanilang kinagisnang tradisyon
d. pagkutya sa pisikal nilang kaanyuan

53. Kung ikaw ay nahirang na pangulo ng inyong seksiyon, paano ka makatutulong sa mga kaklase mong mahihirap?
a. Hahayaan na lamang sila dahil hindi mo obligasyon na akuin ang problema nila.
b. Gagawa ng aksiyon para makatulong.
c. Kakausapin ang aming gurong tagapayo at mga guro sa asignatura upang magplano kung paano mabibigyan
sila ng financial assistance o scholarship.
d. Pagtatawanan kung makagawa ng kapalpakan sa loob ng klase.

54. Ikaw ay napabilang sa pangkat na mayroong kapansanan na kamag-aral, paano mo sila pakikitunguhan ng
maayos?
a. Kokontrolin mo sila dahil mas nakalalamang ka sa kanila.
b. Gagawin mo silang utusan sa pangkat.
c. Maglaan ng panahon para maging mentor/tutor sa pagbabasa at pagsusulat.
d. Bibigyan mo ng maling instruksiyon sa pagsusulit.

55. Nais ni Pedro na tratuhin ang lahat ng tao nang may dignidad sa panahon na kumakalat ang CoViD-19. Alin sa
mga sumusunod ang kanyang pipiliing gawin
a. magsusuot ng eyeglasses sa loob ng bahay
b. hindi magtatakip ng bibig sa tuwing babahin
c. makikipag beso-beso sa lahat ng makakasalamuha
d. magsusuot ng facemask tuwing kailangan lumabas ng bahay

Para sa bilang 56-60. Suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin ang angkop na paraan upang maipakita ang
pagpapahalaga sa dignidad sa bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot.
56. Nawalan ng lakas ng loob si Angel, isang katutubo nang ipinahiya sa maraming tao dahil sa kulay pnito.
a. Magpaabot ng tulong. c. Igalang ang emosyon.
b. Tingnan ang kapwa bilang kapantay d. Mahalin ang sarili

57. Maraming tao ang nagkasakit ng Covid sa bayan ng Luban. Maraming bahay ang naka-lockdown.
a. Magpaabot ng tulong. c. Igalang ang emosyon.
b. Tingnan ang kapwa bilang kapantay d. Mahalin ang sarili

58. Narinig mong sinabihan ng kaibigan mo na walang kuwenta ang kanyang magulang dahil hindi nakapag-aral.
a. Magpaabot ng tulong. c. Tingnan ang kapwa bilang kapantay
b. Iwasan ang mapanakit na pahayag d. Mahalin ang sarili

59. Si Ana ay madalas inaasar ng mga kaklase dahil sa kanyang kapansanan.


a. Magpaabot ng tulong. c. Igalang ang emosyon
b. Igalang ang kapwa d. Mahalin ang sarili

60. Si Rose ay aktibong gumagamit ng facebook at sa tuwing siya ay may kaaway madalas siyang may negatibong
komento.
a. Magpaabot ng tulong. c. Tingnan ang kapwa bilang kapantay
b. Iwasan ang mapanakit na pahayag d. Mahalin ang sarili

Inihanda ni: Ipinasa kay:

JULIE ANN D, GIRAY MARY ANN N. NAVAJA


Guro, EsP 10 Tagapangulo, Kagawaran ng EsP

Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

LOUIGIE L. BASAS HENRY M. LICO


Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino Punongguro II

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES


DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF ANTIPOLO
DISTRICT II-C
DALIG NATIONAL HIGH SCHOOL
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10
JUNIOR HIGH SCHOOL
SY 2022-2023
TABLE OF SPECIFICATIONS
LEARNING COMPETENCIES REMEMBERING UNDERSTANDING APPLYING ANALYZING EVALUATING TOTAL TEST
NUMBER PALCEMENT
OF ITEMS

60% 30% 10%


Natutukoy ang mataas na gamit 5 5 1-5
at tunguhin ng isip at kilos-loob.

Nakikilala ang kanyang mga 1 1 2 12-13


kahinaan sa pagpapasya at
nakagagawa ng mga kongkretong
hakbang upang malagpasan

Napatutunayan na ang isip at 5 1 6 6-11


kilos-loob ay ginagamit para
lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod/
pagmamahal

Nakagagawa ng mga angkop na 1 1 2 14-15


kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang
katotohanan at maglingkod at
magmahal

Natutukoy ang mga 4 2 6 16-21


prinsipyo ng Likas na Batas
Moral

Nakapagsusuri ng mga 2 1 1 3 ,23-26


pasiyang ginagawa sa araw-
araw batay sa paghusga ng
konsiyensiya

Napatutunayan na ang 2 2 22,31


konsiyensiyang nahubog
batay sa Likas na Batas
Moral ay nagsisilbing gabay
sa tamang pagpapasiya at
pagkilos

Nakagagawa ng angkop na 1 1 2 4 27-30


kilos upang itama ang mga
maling pasyang ginawa

Naipaliliwanag ang tunay 4 4 32-35


na kahulugan ng Kalayaan

Natutukoy ang mga pasya 3 2 5 41-45


at kilos na tumutugon sa
tunay na gamit ng kalayaan

Napatutunayan na ang 1 1 2 36-37


tunay na kalayaan ay ang
kakayahang tumugon sa
tawag ng pagmamahal at
paglilingkod

Nakagagawa ng angkop na 3 3 38-40


kilos upang maisabuhay
ang paggamit ng tunay na
kalayaan: tumugon sa
tawag ng pagmamahal at
paglilingkod

Nakapagpapaliwanag ng 1 2 3 47-48
kahulugan ng dignidad ng
tao

Nakapagsusuri kung bakit 1 1 52


ang kahirapan ay paglabag
sa dignidad ng mga
mahihirap at indigenous
groups

Napatutunayan na 2 1 3 49-51
nakabatay ang dignidad ng
tao sa kanyang
pagkabukod-tangi (hindi
siya nauulit sa kasaysayan)
at sa pagkakawangis niya
sa Diyos (may isip at
kalooban)

Nakagagawa ng mga angkop 5 3 8 53-60


na kilos upang maipakita sa
kapwang itinuturing na
mababa ang sarili na siya
ay bukod-tangi dahil sa
kanyang taglay na dignidad
bilang tao

TOTAL 18 18 9 9 6 60

Prepared by:

JULIE ANN D. GIRAY


EsP Teacher

You might also like