You are on page 1of 21

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang

Alternative Delivery Mode


Unang Markahan – Modyul 1 : Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Reublika 8293 , Seksyon 176 na : Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas . Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan . Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan , ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabras sa telebisyon, pelikula , atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng
karapatang ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapagtala at mga may-akda karapating-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Nicolas T. Capulong PhD, CESO IV
Ronilo Al K. Frimo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio PHd

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Criscita R. Padilla


Editor : Name
Tagasuri : Wala
Tagaguhit : Wala
Tagalapat : Wala
Tagapamahala : Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS in Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________________________


Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Office Address : ___________________________
___________________________
Telefax : ___________________________
E-mail Address: ___________________________
10

ARALING PANLIPUNAN DEPARTMENT


Unang Markahan : Modyul 1
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU
Paunang Salita

Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan – Kontemporaryong Isyu ay nakabatay


sa Most Essential Learning Competancies (MELCs) na magagamit ng mga mag-aaral
sa Ika-sampung baitang upang matulungang matutunan ang mga paksa sa Unang
Markahan.

Taglay nito ang Yunit 1- Ang Konsepto ng Kontemporaryong Isyu at


kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

Sa paggmit ng modyul na ito, inaasahang matututunan ang mga kasanayang


itinadhana ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng Pinakamahalagang
Kasanayang Pampagkatuto tungo sa pagkamit ng mga kasanayang pang-21 siglo
kaalinsabay ng mga pamantayang itinakda ng K-12 Curriculum.

Para sa mga Guro:

Mahalagang bahagi ng buhay ng isang indibidwal ang pag-aralan ang mga


konsepto ng Kontemporaryong Isyu upang maging mulat sa nangayayari na may
kaugnayan sa ating pamumuhay.

Bilang tagapamatnubay- guro man magulang o nakatatanda, ang inyong


paggabay upang matutunan ng mag-aaral ang mga paksang-aralin sa modyul na ito ay
napakahalaga sa pagkamit ng mga pamantayang pagkatuto.

Sinikap ng may-akda na pagaanin ang mga talakayan upang maging madalia


ang pagkatuto sa mga mag-aaral. Gumamit ng mga pantulong na mga sanggunian at
mga akmang gawain nang sa gayon, higit na maging kahali-halina sa mga mag-aaral
ang pag-aaral ng mga konsepto ng Kontemporaryong Isyu sa modyul na ito.

Para sa Mag-aaral

Inaasahan nap ag-aaralang mabuti ang mga paksa sa modyul na ito. Sikaping
masagutan ang mga gawain nang matapat at seryosoupang matugunan kasanayang
pampagkatuto.

Layunin ng may-akda namapagtagumpayan mo at matutunan ang mga paksang-


aralin sa modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito
upang kahit ikaw ay nasa bahay lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay
mangibabaw ang karunungang magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Alamin
Pamantayang Pangnilalaman :

Naipauunawa ang mga sanhi at implikasyon ng mga hamong pangkapaligiran


upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa pamumuhay ng tao.

Pamantayan sa Pagganap:

Nakabubuo ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran


tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

Magandang araw sa iyo ! Handa ka na bang gamitin ang modyul na ito para sa iyong
aralin? Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sumusod :

1. Konsepto ng kotemporaryong isyu.


2. Lipunan at kultura.
3. Isyung Personal at Isyung Panlipunan.

Inaasahan sa pagtatapos ng araling nakapaloob, ikaw ay may kakayahang


ipaliwanag ang Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu (Naipaliliwanag
ang konsepto ng Kontemporaryong Isyu AP10PKI-Ia-1 at Nasusuri ang kahalagahan ng
pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu- AP10PKI-Ib-2)

Tiyak na Layunin :

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng kontemporaryong isyu


 Naatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito
 Nasusuri ang istrukturang panlipunan at ang mga elemento nito
 Nasusuri ang kultura bilang mahalagang bahagi ng pagaaral ng lipunan
 Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga isyung personal at
isyung panlipunan.
Subukin
Panimulang Pagtataya

Panuto : Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon at isulat sa patlang.

Social Group Isyung Panlipunan Pagpapahalaga Status


Charles Cooley Emile Durkhei C. Wright Mills Karl Marx
Institusyon Kultura Pamilya Paniniwala
Kontemporaryong Isyu Lipunan Norms

___________1.Tumutukoy sa anumang pangyayari , ideya, opinyon o paksa sa kahit


anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
___________2. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa
isangorganisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.
___________3. Ito ay mga organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
___________4. Ang pinakamahalagang institusyong panlipunan, ditto hinuhubog ang
pagkatao ng isang tao.
___________5. Ito ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may pagkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng
isang ugnayang panlipunan.
___________6. Tumutukoy sa posisyong kinabibilangan in isang indibiduwal sa lipunan.
___________7. Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga
mamamayan sa isang lipunan.
___________8. Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung
ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan kung ano
ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi
nararapat.
___________9. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos o gawi na binuo at nagsisilbing
pamantayan sa isang lipunan.
__________10. Tumutukoy sa isang pampublikong bagay na karaniwang kaugnay ito
ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.
__________11. Tumutukoy sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan
at tinatanggap na totoo.
__________12. Siya ay isang ekonomista na nagsabing “ Ang lipunan ay kakikitaan ng
tunggalian ng kapangyarihan, bunga nito ay nagkakaroon ng
pagkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa
yaman at kapangyarihan.
__________13. Ayon kay ___________, ang maayos na lipunan ay makakamit kung
bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang
kanilang tungkulin.
___________14. Sinabi rin ni __________, mauunawaan at higit na nakikilala ng tao
ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang
miyembro ng lipunan.
___________15. Ayon sa Amerikanong sosyologo layunin ng Social Imagination na
maunawaan ng tao ang relasyon ng mga pangyayari sa paligid at
maiugnay ito sa sariling karanasan.

Aralin Kahalagahan ng Pag-aaral ng


1 Kontemporaryong Isyu

Balikan

Panuto : Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang.

_______1. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?


A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya na kaasalan ng tao na nakaaimpluwensiya
sa kanyang pagdedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga
suliraning pangkabuhayan.
D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan

_______2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang-


yaman tulad ng yamang likas, yamang tao, at yamang capital. Bakit
nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang-yaman.
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga
produktong ibinebenta sa pamilihan
D. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pinagkukunang-
yaman ng bansa
_______3. Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong
produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng:
A. Konsyumer
B. Prodyuser
C. Pamilihan
D. Pamahalaan

_______4. Ano ang dahilan bakit patuloy parin umiiral ang contractualization sa kabila
ng reklamo ng mga manggagawa?
A. Mas nakakatipid ang mga kompanya kung ang manggagawa ay
kontraktuwal.
B. Mas Malaki ang kikitain ng mga negosyante
C. Ang mga empleyadong kontraktuwal ay walang benepisyo tulad ng SSS
at Philhealth
D. Lahat ng nabanggit

_______5. Ano ang pinamahalagang dahilan bakit kailangan ng isang bansa ang
kalakalang panlabas?
A. Bawat bansa ay nangangailangan ng tulong ng ibang bansa
B. Hindi lahat ng pangangailangan ng mga mamamayan ay kayang tugunan
ng kanilang bansa
C. Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa paggawa ng produkto at serbisyo
D. May mga kagustuhan ang tao na sadyang matutugunan ng ibang bansa

Tuklasin

Halina’t Tuklasin
Suriin ang mga larawan sa ibaba at tukuyin kung ang mga ito ba ay maituturing
na isyung may katuturan o hindi. Lagyan ng Tsek kung oo at Ekis kung hindi.
Sa panimulang aralin na ito mauunawaan moa ng mga sanhi at bunga ng mga isyu at
hamong nararanasan sa lipunan. Mahalagang maunawaan mo ito upang maging
bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong ito. Hindi lamang mga
namumuno sa pamahalaan at ng mga pangkat na nagsusulong ng kanilang adhikain
ang may tungkulin. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan
inaasahang masasagot moa ng tanong na : Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t
ibang isyu at hamong panlipunan?

Ang Kontemporaryong Isyu ay maaaring panlipunan, pangkalusugan, pangkapaligiran ,


pangkalakalan , at marami pang saklaw. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga
kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay makakatulong sa paglinang ng kritikal at
malawakang kaisipan.
Suriin at tukutin ang bawat larawan na nabibilang sa iba’t isyu .
KI Panlipunan, KI Pangalusugan, KI Pangkapaligiran, KI Pangkalakalan.

KIPangkalakalan KI Pangkapaligiran
_____________ Kontemporaryong
Isyu
_____________

KI Pangalusugan KI Panlipunan
______________ _____________

Suriin

Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo


ng isang lipunan, ugnayan, at kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig sabihin ng lipunan?
Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Ipagpalagay na ang lipunan ay tulad ng isang barya na may dalawang mukha: ang
isang mukha ay tumutukoy sa mga istruktura ng lipunan at ang isa naman ay tumutukoy
sa kultura. Bagama’t ang dalawang mukha ay magkaiba at may kani-kaniyang
katangian, mahalaga ang mga ito at hindi maaaring paghiwalayin tulad na lamang
kapag pinag-uusapan ang lipunan.
-social institution
istruktura -social group
-social status
-social roles
Lipunan
kultura
Material
Hindi material ( Beliefs,
values, norms, symbols
Ayon kay Emile Durkheim, ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan
nagaganap ang mga pangyayari at Gawain. Ang maayos na lipunan ay makakamit
kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang
tungkulin.

Sinabi naman ni Karl Marx, ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.


Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na komokontrol sa
produksyon.

Sa pahayag ni Charles Cooley, ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing


na ugnayan at tungkulin. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksyon ng mga mamamayan.

Ang lipunan ay binubuo ng Ang Social Group ay Ang Status ay tumutukoy sa


ng institusyon. Ang tumutukoy sa dalawa o higit posisyong kinabibilangan ng
institusyon ay pang taong may pagkakatulad isang indibidwal sa lipunan.
organisadong Sistema ng na katangian na nagkakaroon
ugnayan sa isang lipunan: ng ugnayan sa bawat isa atat Ascribed Status- nakatalaga sa
 Pamilya bumubuo ng isang ugnayang igang indibidwal si,ula ng siya ay
 Paaralan panlipunan. ipinanganak
 Ekonomiya Achieved Status – Nakatalaga sa
 Pamahalaan Primary group - malapit at isang indibidwal sa bias ng
 Relihiyon impormal na ugnayan kanyang [agsusumikap.
Secondary group – may
pormal na ugnayan sa isat isa. Roles – o gamapanin sa mga
karapatan, obligasyon at mga
inaasahan ng lipunan na
Kung may mga isyu na dulot ng hindi mabuting ugnayan kaakibat ng posisyon ng
ng mga istrukturang panlipunan, mayroon din naming indibidwal.
mga isyung may kaugnayan sa kultura.

Anderson at Taylor Panopoio 2007 Mooney 2011


Ang kultura ay isang Ito ang kabuuang Ang kultura ay tumutukoy sa
komplikadong Sistema konseptong sangkap sa kahulugan at paraan ng
ng ugnayan na pamumuhay ng tao, pamumuhay na
nagbibigay-kahulugan mga batayan ng kilos at naglalarawan sa isang
sa paraan ng gawi, at ang kabuuang lipunan.
pamumuhay. Sa gawain ng tao.
lipunan binibigyang-
katwiran ang maganda
sa hindi, ang tama sa Mga Elemento ng Kultura
mali at ang mabuti sa
masama Paniniwala Pagpapahalaga Norms Simbolo
Materyal – Binubuo ito ng mga gusali, likhang-
sining, kagamitan,at iba pang bagay na nakikita at
nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio)

2 Uri ng Kultura

Kabilang ditto ang batas, gawi, ideya, paniniwala at


norms ng isang grupo ng tao. Hindi ito
nahahawakan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na
pamumhay ng tao at sistemang panlipunan
(Mooney)

Ayon kay C. Wright Mills, mahalagang


malinang ang isang kakayahang Makita
ang ugnayan ng mga personal na
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung
karanasan ng isang tao at ang lipunang
panlipunan. Mahalaga makita ang
kanyang ginagalawan. Tinawag niya
ugnayan ng istrukturang panlipunan at
itong Sociological Imagination. Kapag
kultura sa pagkakaroon ng suliranin at
nalinang ang abilidad na ito, masusuri
isyung panlipunna.
ang koneksiyon at interaksiyon ng mga
isyung personal at isyung panlipunan.

Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung panlipunan? Ang mga isyung
personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa
kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa
pribadong paraan. Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay.
Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga
suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.
Pagyamanin
Malayang Gawain Blg. 1
Ayusin at bigyang sagot
Panuto: Ayusin o kompletuhin ang jumbled letters para mabuo ang salita at isulat
ng kahulugan ng mga ito.

1. K _ L _ U _ A – ___________________________________________________
2. _ A N _ _ I W _ L A – ______________________________________________
3. _ A G _ _ P A H _L _ _A – ___________________________________________
4. N _ R M S – ______________________________________________________
5. _ I M _ _ L O – ____________________________________________________
6. S I M A B N A H – _________________________________________________
7. A Y P L I M A- ____________________________________________________
8. P A A N A L R A – _________________________________________________
9. E K O M I Y A N O- ________________________________________________
10. M A P A H A N A A L - ______________________________________________

Malayang Pagtatasa Blg. 1


Timbangin Mo!
Panuto :Bashin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang
nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng unang pahayag
at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama ang ikalawa;
D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.

_____1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa


isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at
pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.
_____2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang
lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamamagitan ng
maayos na interaksiyon ng mga mamamayan.
3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa metatag at
organisadong Sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng
isang intitusyong maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito.
_____4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group.
B. Tumutukoy ang secondary group sa mga indibidwal na may malapit at
impormal na ugnayan sa isa’t isa.
_____5. A. Ang bawat indibidwal ay may posisyon sa isang social group. Ang
posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa isang social
group ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na nakaaapekto sa bawat isa sa
nasabing grupo.

Malayang Gawain Blg. 2


Materyal o Di-Materyal
Isulat ang MK kung ang salita ay material na kultura at DMK kung di material na kultura.

Sagot Sagot
1. Papel 6. Gawi
2. Cellphone 7. Paaralan
3. Kasabihan 8. Paniniwala
4. Sepilyo 9. Tulay
5. Batas 10. Hikaw

Malayang Pagtatasa 2
Ligwak o Tumpak
Panuto: Sagutin ng Tumpak kung tama ang pahayag at kung ligwak o mali
naman ay itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.
______________________1 . Ang ginagawa natin sa ating pang-araw- araw na
pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura.
______________________2. Hindi nag-iiba ang paglalarawan ng bawat lipunan batay
na rin sa kultura nito.
______________________3. Maituturing ang paniniwala bilang batayan ng isang grupo
o lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggapa at kung ano ang hindi.
______________________4. Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isang lipunan ay
maaring magdulot ng kaayusan.
______________________5. Sa isang lipunan, binibigyang- katwiran ng kultura ang
maganda sa hindi, ang tama sa mali, at ang mabuti sa masama
______________________6. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay ng mga mamamayan sa isang lipunan.
______________________7. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na
tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang
lipunan.
______________________8. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na
katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.
______________________9. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan ay may
kaukulang kaparusahan o sanctions.
______________________10. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan.
Malayang Gawain 3
Personal o Panlipunan
Panuto: Gamit ang Venn diagram ay ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
isyung personal sa isyung pnalipunan.

Isyung Personal Isyung Panlipunan

Malayang Pagtatasa Blg. 3


Isyu ba Kamo
Panuto :Suriin ang mga pangungusap kung ito ba ay isyung panlipunan o isyung
personal. Isulat ang Personal kung ito ay pampersonal o Panlipuan naman kung hindi.

__________________________ 1. Lalong dumadami ang bilang ng mga may sakit


dulot ng NCOV-19 sa iba’t- ibang panig ng mundo.
__________________________ 2. Pagkakasakit ng mga anak ni Ana dahil sa
nagkalat niyang basura.
__________________________ 3. Dumadanas ng matinding kahirapan si Pablo dahil
sa siya’ ay walang permanenteng hanapbuhay.
__________________________ 4. Limang daan sa kabuuang bilang na pitong libo ng
mga mamamayan ng Brgy. Maria ay nagkasakit ng inpeksyon dulot ng di maayos na
sistema ng pangongolekta ng basura.
__________________________ 5. Patuloy ang paglakas ng digmaang nagaganap sa
pagitan ng Iran at Amerika.
__________________________ 6. Dahil sa kakulangan ng oportunidad marami ang
walang trabaho sa Pilipinas.
__________________________ 7. Si Jordan na nag-iisang anak ng mayamang mag-
asawa ay di nag-aral kaya napabayaan niya ang mga ari-ariang iniwan sa kaniya ng
namayapang magulang.
__________________________ 8. Apektado ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa
hidwaan sa pagitan ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.
__________________________ 9. Si Allan ay nahawaan ng COVID 19 dahil sa siya’y
hindi sumunod sa ipinatupad na home quarantine.
__________________________ 10. Dahil sa paglala ng polusyon ay patuloy ang
pagbabago ng klima at panahon sanhi ng pagdanas ng iba’t ibang suliranin sa
agricultural na aspekto n gating bansa.

Isaisip
Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu, napagmumunihan
kung ano ang ating kaugnayan at papel na ginagampanan sa mga pangyayari sa ating
sariling komunidad, bansa, o sa buong daigdig.

1. Bakit kailangan tayong maging mulat sa kontemporaryong isyu ?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Paano nakatutulong ang pagkamulat sa mga kontemporaryong isyu sa
pagpapaunlad ng bansa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Isagawa
Cut-a-Pic & Paste it!
Gumupit ng larawan mula sa mga lumang aklat o anumang babasahin na
nagpapakita ng isyung laganap sa ating bansa at ito ay idikit sa kahon sa ibaba para sa
iyong pagsusuri gamit ang sociological imagination.
Ito ay maituturing Ito ay maituturing
na isyung personal na isyung
dahil …. panlipunan dahil ….

Tayahin
Ang bahaging ito ay may tatlong bahagi. Sagutin ang mga pahayag ayon
sa hinihingi sa bawat panuto.
Karagdagang Gawain
Pangatwiranan mo
Basahin ang mga situwasyon sa unang kolum. Ipaliwanag ang sanhi at
epekto ng bawat situwasiyon gamit ang Sociological Imagination.

Situwasyon Paliwanag

1.Ayon sa istatistiks, labing limang


milyong Pilipino ang walang trabaho.

2. Isang mag-aaral ang nahihirapang


gumawa ng takdang-aralin sa Araling
Panlipunan.

3. Dahil sa biglang paglakas ng ulan,


malaking bahagi ng komunidad ang
bumaha.
Susi sa Pagwawasto

Subukin Balikan Tuklasin


1.Kontemporaryong Isyu 1. D 4. D 1. /
2. Lipunan 2. A 5. B 2. /
3. Institusyon 3. D 3. X
4. Pamilya
4. /
5. Social Group Pagyamanin: 5. X
6. Status Malayang Gawain #1 6. /
7. Kultura 1 kultura 7. ONLINE SELLING
8. Pagpapahalaga 2. paniniwala 8. POLLUTION/BASUR
9. Norms 3. pagpapahalaga A
10. Isyung Panlipunan 4. norms 9. DRUG ADDICTION
11. Paniniwala 5. simbolo 10. ONLINE LEARNING/
12. Karl Marx 6. simbahan DISTANCE
13. Emile Durkheim 7. pamilya LEARNING
14. Charles Cooley 8. paaralan
15. C. Wright Mills 9. ekonomiya
10. pamahalaan Karagdagang Gawain :
May pagkakaiba-iba
Malayang Pagtatasa #1 ng sagot at iba’t ibang
1. A kaisipan
2. C
Tayahin # 1 3. A
1. komunikasyon 4. D
2. parusa 5. A Isagawa
3. wika
4. hamong panlipunan Malayaang Gawain #2 Iba’t ibang kasagutan,
5. ugaki, aksiyon 1. DMK pagkaiba-iba ng kaipan
2. DMK
#2 3. MK
1 simbolo 4. DMK Isaiip
2. edukasyon 5. DMK
3. pamahiin 6. MK Iba’t ibang
4. ispiritwal 7. DMK kasagutan,pagkakaiba-iba
5. larawan 8. MK
ng kaisipan
9. DMK
#3 10. DMK
1 materyal
2.Institusyong panlipunan Malayaan Pagtatasa #2
3. kultura 1. Tumpak 6. tumpak
4. paniniwala 2. Ligwak 7. ligwak
5. maobserbahan 3. Ligwak 8. ligwak
4. Ligwak 9. tumpak
5. Tumpak 10. tumpak
Sanggunian
Ekonomiks 2015 edition: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Cristine T. Villamar
Curriculum Guide and Teacher;s Guide Araling Panlipuna 10
Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu
Internet Resources:
Slideshare.net

You might also like