You are on page 1of 8

Paunang Pagtataya sa Kontemporaryong Isyu

Inihanda ni: G. Marlex M. Estrella – TIII Jalajala NHS

Napapanahong paalala:
Sa pagsasagot ng paunang pagsusulit para sa unang aralin, gumamit ng kwaderno at piliin
ang titik ng tamang sagot. Matapos sagutan ay itama ito gamit ang talaan ng tamang sagot na
nakaselyo pa, buksan lamang ito sa oras ng pagpagtatama. Mahalaga ang katapatan para sa higit na
pagkatuto.

1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at
pagpapahalaga.
A. lipunan B. bansa C. komunidad D. organisasyon

2. Ang kontemporaryung isyu ay mga pangyayari o suliraning nangangailangan ng ___________________ o pagdedebate sa


______________ panahon (Batan, 2017).
A. pagsisiyasat B. paglilinaw C. parating na D. kasalukuyang
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat para sa istrukturang lipunan?
A. institusyon B. social group C. status D. teritoryo
4. Sang-ayon sa kanya “ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin.”
A. Charles Cooley B. August Comte C. Emile Durkheim D. Karl Marx
5. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa
patakarang ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Paniniwala B. Pagpapahalaga C. Norms D. Simbolo
Para sa aytem 6-9. Tukuyin kung Tama o Mali
__________6. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala ng
isang indibiduwal o
pangkat ng tao.
__________7. Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang
indibiduwal sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
__________8. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na
nagsisilbing pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
_______9. Halimbawa nito ang mga ginagawa natin sa pang-araw-araw na pamumuhay mula paggising hanggang sa pagtulog.
Ano ito na tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan? A kultura B. pamahiin
C. paniniwala D. tradisyon
_______10. Kabilang ang uri ng kulturang ito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao na hindi
nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o maobserbahan.
A. katutubo B. banyaga C. materyal D. hindi-materyal
11. Batay sa talata, ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan? “Mayroon mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya.
A. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills
isyung personal ay hindi. (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung
B. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa
samantalang ang isyung personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang. isang komunidad na may 100,000 mamamayang
C. Sumasalamin ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap maaaring maghanapbuhay ay may isang walang trabaho,
ng isang lipunan. maaaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit
D. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kung sa isang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15
kinahaharap ng indibiduwal. milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring
na isyung panlipunan.”
12. Ano ito na tumutukoy sakakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan?
A. social adjustment B. social introspection C. sociological imagination D. sociological decision
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI sumusuporta sa kahalagahan ng pagiging mulat sa kontemporaryong isyu at
hamong panlipunan
A. upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa.
B. nang maunawaan na lahat tayo ay may bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning
C. upang mabatid ang epekto nito sa indibiduwal, sa iba’t ibang pangkat ng tao, at sa lipunan
D. upang makalamang sa kaalaman at magamit pagtatakda ng sariling plano ng pag-unlad at negosyo.

Bahagi ng mga katanungan ay halaw sa LM Blando R. et.al. Kontemporaryong Isyu DepEd


AP Grade 10 , Jalajala NHS

Lakbay- Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd

basa,
STAGE 1
Lakbay-

Panuto: Ating simulan ang lakbay-basa, lakbay tuto. Para sa iyong unang gawain
ay suriin ang mga larawan/ pahayag at magbigay kasagutan ayon sa hinihingi.
Isulat ang iyong sagot sa mga inihandang espasyo.

Downloaded from Downloaded from


https//tinyurl.com/ybn7usI8 https//tiny.url/ya2fc92e Source: LM AP10, DepEd

Personal Protective Equipment (PPE) noon (bubonic plague ika-14 na siglo) at ngayon ( Corona virus 2019-2020)

Gayumpaman, maituturing lamang ang isang pangyayari na kontemporaryong isyu kung ito ay mahalaga at
makabuluhan sa lipunang ginagalawan, may malinaw na epekto o impluwensiya sa lipunan o sa mga mamamayan,
nangyayari sa kasalukuyang panahon na kung saan may tuwirang impluwensiya sa takbo ng mga pangyayari sa
kasalukuyan, at may temang napag-uusapan o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan (Dallo et.al, 2016).
Paalala: Ang mga teksto ay halaw sa LM Blando R. et.al. Kontemporaryong Isyu, DepEd

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang kahulugan ng kontemporaryong isyu?
2. Alin sa dalawang sakit at kasuotan ang napapabilang sa kontemporaryong panahon?
Pangatwiraninan ayon sa konsepto ng kontemporaryo.
3. Napapabilang baa ng pandemic Covid19 sa kontemporaryung isyu?
Pangatwiranan ayon sa konsepto ng kontemporaryong isyu.
4. Ano pang kontemporaryong isyu ang iyong maibibigay na kung saan mismong ikaw ay
o di-kayay ang iyong mismong pamilya ay naapektuhan
Talaan ng sagot
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Binabati kita sa iyong unang lakbay-basa, lakbay-tuto.


Gupitin ang bahaging ito : Pangkalahatan at tiyak na layunin sap ag-aaral
Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig
a. Natutukoy ang konsepto ng sociological imagination personal na isyu at isyung panlipunan
b. Natatalakay ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga komtemporaryong isyu sa lipunan at daigdig c. Nakapagbibigay
saloobin sa kontemporaryong
AP Grade 10 , Jalajalaisyu
NHS sa lipunan at daigdig
Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd
Lakbay- STAGE 2

ISIP-ISIP? basa,
Panuto: Pagkatapos ng patikim at mabatid moa ng layunin ng aralin, simulan mo
Lakbay-
naman ang pagpapayabong ng kaalaman sa pag-alam ng kailangang konsepto
konsepto bago masuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at
daigdig. Bigyang pansin ang LIPUNAN, ELEMENTO AT KULTURA.

Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan ang pag-unawa sa bumubuo ng isang lipunan,
ugnayan, at kanyang kultura. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. Tunghayan din ang mga sumusunod:
“Ang lipunan ay isang buhay na organism kung saan nagaganap ang mga pangyayari atgawain. Ito ay
patuloy na kumikilos at nagbabago. Biinubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na
pangkat at institusyon.. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay
gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)

EMILE DURKHEIM

“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng


mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa
tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at
kapangyarihan.”(Panopio, 2007)
KARL MARX

“Ang lipunanay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin. Nauunawaan at higit na
nakikilala ng tao ang kaniyangsarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.
Makakamit ang kaayusang panlipunan saAng status ay tumutukoy
pamamagitan sa
ng maayos na interaksiyon ng mga
posisyong kinabibilangan ng
mamamayan.”(Mooney, 2011)
isang indibiduwal sa lipunan,
CHARLES COOLEY
tulad ng
MGA ELEMENTO NG ISTRUKTURANGASCRIBED PANLIPUNAN
Nakatalaga sa isang
indibiduwal simula nang
siya ay ipinanganak, hindi
INSTITUSYON SOCIAL GROUP STATUS GAMPANIN (ROLES)
ito kontrolado ng isang
Tumutukoy ito sa 2 o higit indibiduwal gaya ng Tumutukoy ang mga
Ang lipunan ay binubuo ng pang taong may kasarian, kulay ng balat gampaning ito sa mga
mga institusyon. Ang magkakatulad na katangian ACHIEVED karapatan, obligasyon, at
institusyon ay na nagkakaroon ng ugnayan Nakatalaga sa isang mga inaasahan ng lipunan na
organisadong sistema ng sa bawat isa at bumubuo ng indibiduwal sa bisa ng kaakibat ng posisyon ng
ugnayan sa isang lipunan isang ugnayang panlipunan kaniyang pagsusumikap indibiduwal. Sinasabing ang
gaya ng tulad ng Maaaring mabago ng isang mga gampaning ito ang
PAMILYA, PAARALAN, PRIMARY GROUP indibiduwal gaya ng nagiging batayan din ng
EKONOMIYA, SIMBAHAN AT - sila ay malapit at impormal pagiging Guro, Doktor at kilos ng isang tao sa
PAMAHALAAN na ugnayan ng mga Inhinyero lipunang kanyang
indibiduwal gaya ng ginagalawan.
pamilya at kaiibigan Halimbawa
SECONDARY GROUP Lider ng bayan ay may
May isyung at hamong sila ay binubuo ng mga gampanin na maglingkod ng
kinaharap an gating lipunan indibiduwal na may pormal tapat sa bayan
tulad ng na ugnayan sa isa’t isa gaya
CORRUPTION, ng amo at manggagawa
INEQUALITY,
CITIZENSHIP,
Ang hindi pagtupad sa
UNEMPLOYMENT GAMPANIN ay maaaring
ILLITERACY magdulot ng ISYU AT
PANDEMIC, HAMON SA LIPUNAN …
POLLUTION
AP Grade 10 , Jalajala NHS
Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd
Lakbay- STAGE 2

Kultura Source: LM AP10, DepEd


basa,
Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng pansin ang kultura. Ayon kina Andersen at

pamumuhay ng isang grupong panlipunan Lakbay-


Taylor (2007),ang kultura ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
o isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-

tuto
katwiran ng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa masama.
Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “ito
ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi, at ang kabuuang gawain
ng tao”.
Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na
naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay mula
paggising hanggang bago matulog ay bahagi ng ating kultura. May dalawang uri ang kultura. Ito ay ang materyal na
kultura at hindi materyal na kultura

PANINIWALA
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap
na totoo. Maituturing itong batayan ng
pagpapahalaga ng isang grupo o lipunan sa kabuuan. Nakakaapekto sa mga isyu at hamong panlipunan ang paniniwala
ng isang indibiduwal o pangkat ng tao.
PAGPAPAHALAGA (VALUES)
Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalay sa paniniwala ng isang lipunan. Maituturing itong batayan
ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan ito kung ano
ang tama at mali, maganda at kung ano ang nararapat at hindi nararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibang
pagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sa pagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan. Kapag ang isang situwasyon
o gawain ay labag sa mga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu o hamong panlipunan.
NORMS
Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga
norm ang nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang kaniyang
kinabibilangan. Mauuri ang norms sa folkways at mores. Ang folkways ay ang pangkalahatang batayan ng kilos ng
mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa mas mahigpit
na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011).
SIMBOLO (SYMBOLS)
Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)
Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga
tao sa lipunan. Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mga pagkumpas (gestures), at iba pang bagay na nauunawan
ng mga miyembro ng isang lipunan.Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino ang pagmamano. Ang gawing ito ay
sumisimbolo sa isang paraan ng pagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mga nakatatanda

Pangalan: _________________________________________ Baitang/Pangkat_____________ Petsa: ______

Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman tungkol sa mga elemento ng istrukturang panlipunan at
elemento ng kultura Ang iyong kaalaman sa mga bagay na ito ay makakatulong sa pagsusuri at pag-
unawa mo sa ilang isyu at hamong panlipunang tatalakayin sa bawat markahan. Kung may mga isyu
na dulot ng hindi mabuting ugnayan ng mga istrukturang panlipunan, mayroon din namang mga
isyung may kaugnayan sa kultura.
Panuto: Lagyan ng tsek ang emoticon kung alin ang sumasalamin sa iyong pagkatuto o tugon sa
paunang pahayag bago simulan ang panibagong pagpapayaman ng kaalaman. Isulat naman sa patlang
ang mahahalagang salita na iyong naunawaan. Good luck!

___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________

Optional Formative Assessment


Gawain 2. Timbangin Mo
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B
kung tama ang nilalaman ng unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at
tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag.
___1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan, at kultura ng isang lipunan.
___2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na
ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan
sa pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
___3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga
inaasahan mula rito.

Gawain 4. Modified True or False


Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali, itama ang salitang may
salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
__________1. Ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang
lipunan.
__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura na tumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing
pamantayan ng pagkilos sa isang lipunan.
__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos na katanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa
kabuuan.

AP Grade 10 , Jalajala NHS


Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd
Lakbay- STAGE 3

basa,
Ang Sociological Imagination
Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga istrukturang bumubuo rito
maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang
Lakbay-
panlipunan at kultura sa pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.
Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga

Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natintuto


personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination.
ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at
isyung panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang
indibiduwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan.
Isang halimbawa nito ang problemang kinakaharap ng mga Pilipino sa usaping pantrapiko lalo na sa Kamaynilaan
at mga karatig-lugar. Sa simula, maaaring isisi sa tao ang pagiging huli niya sa pagpasok sa paaralan, subalit kung susuriin
ang isyung ito, masasabing ang palagiang pagpasok nang huli ay bunga ng malawakang suliraning pantrapiko. Kung
gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang dapat harapin kundi isang isyung
panlipunan na nakaaapekto sa isang indibiduwal. (Source: LM AP10, DepEd)

Isyung Personal at Isyung Panlipunan


Ano nga ba ang kaibahan ng isyung personal at isyung panlipunan? Ang mga isyung personal ay sinasabing
nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. Samantala ang
isyung panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong
panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.
Isang magandang halimbawang ibinigay ni C. Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung
panlipunan ay tungkol sa kawalan ng trabaho. Kung sa isang komunidad na may 100,000 mamamayang maaaring
maghanapbuhay ay may isang walang trabaho, maaring ituring ito bilang isang isyung personal. Subalit kung sa isang
lipunang mayroong 50 milyong tao at 15 milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaari itong ituring na “isyung panlipunan”.
Sa malalim na pagtingin, maaaring maging kongklusyon na may kakulangan sa lipunan o istruktura nito na nagdudulot ng
kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan dito. (Source: LM AP10, DepEd)
KAHALAGAHAN NG PAGIGING MULAT SA ISYU AT HAMONG PANLIPUNAN
Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan upang
maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may
bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning pangkapaligiran. Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito sa
indibiduwal, sa iba’t ibang pangkat ng tao, at sa lipunan sa kabuuan. Higit sa lahat, makatutulong din ito upang maging
aktibong bahagi ka ng mga programa at polisiya na naglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin. Ang mga
mamamayang mulat at tumutugon sa kanilang mga tungkulin ay kailangan sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng
indibiduwal at lipunan. (Source: LM AP10, DepEd)
Gawain.PANGATUWIRANAN MO!
Panuto: Balikan ang talata sa itaas at lagyan ng salungguhit ang kahulugan ng sociological imagination, isyung personal at isyung
panlipunan. Pagkatapos nito at basahin ang mga situwasyon sa kahon, tukuyin kung anong uri ng isyu at magbigay ng maaaring
sanhi at bunga.
Sitwasyon Isyung Personal o Panlipunan Sanhi at Bunga
Malalang epekto ng bagyo sa Maynila at
karatig syudad
Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
apektado ng COVID19
Sa klaseng research nakagawa ng bioplastic
mula sa kaliskis ng isda,
Bakit mahalagang maging mulat sa kontemporaryung isyu at hamong panlipunan? ______________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
AP Grade 10 , Jalajala NHS
Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd
Lakbay- STAGE 4

IMBESTIGADOR basa,
Panuto: Sa araw na ito ay isa kang imbestigador. Magimbestiga upang makapangalap ng

Lakbay-
impormasyon mula sa mga pagpipiliang kontemporaryong isyu. Sa gawaing ito ay higit kang
imumulat sa isyu at hamon ng isyung panlipunan. Maaaring makapangalap ng
impormasyon sa telibisyon, babasahin, internet at maging simpleng pagtatanong sa mga
tao sa iyong paligid. tuto
SULIRANIN SA BASURA DISASTER PREPAREDNESS COVID19

https://tnt.abante.com.ph/problema-sa-basura- https://www.google.com/amp/s/nectoday.com/
https://tinyurl.com/ycjkhps7
personal-para-kay-isko-moreno-2/ the-3-rs-in-disaster-preparedness/amp

1 Anong kontemporaryong isyu ang nais mong imbestigahan?

2 Bakit mo ito nais imbestigahan?


3 Magbigay ng 2-3 sanhi o dahilan ng napili mong isyu

4 Magbigay ng 2-3 epekto o bunga ng napili mong isyu

5 Sino-sino ang apektado sa isyu at hamong panlipunan na iyong napili?

6 May pakialam kaba , ating bansa at daigdig sa kontemporaryong isyu at hamong panlipunan na iyong napili? Bakit?

Sanggunian o pinagmulan ng mga impormasyon sa imbestigasyon : __________________________________


Lagyan ng pirma
APng taong
Grade nainterbyu
10 , Jalajala NHS kung sa kanya nagmula ang sagot sa bilang 3 at 4.
Inihanda ni: G. MARLEX M. ESTRELLA, MAEd
Lakbay- STAGE 5

TSEK AT PLANO, KUHA MO?


basa,
Malaking tulong ang iyong mga pinagdaanan sa lakbay-basa, lakbay-tuto, stage 1-4, at ngayon ay tamang

Lakbay-
pagkakataon para sa gawaing, TSEK AT PLANO, KUHA MO? Lagyan ng tsek ang iyong napiling kasagutan
sa kahon at magbigay ng 1-2 plano base sa isyu at hamong panlipunan na iyong naimbestigahan. Ngayon pa
lang ay binabati na kita!
Blg Mga Pahayag tuto
Hindi sumasang-ayon
Ako ay natuto
Bahagyang Lubos na sumasang-
sumasang-ayon ayon
1. Natukoy ko ang konsepto ng
kontemporaryong isyu
2. Natukoy ko ang sociological
imagination
3. Natalakay ko ang isyung personal at
isyung panlipunan
4. Natukoy ko ang kahalagan ng
pagiging mulat sa isyu at hamong
panlipunan.
5. Nagkaroon ako ng mapagmalasakit
na saloobin sa isyu at hamong
panlipunan
6. Handa akong tumugon sa mga isyu at
hamong panlipunan

SULIRANIN SA BASURA DISASTER PREPAREDNESS COVID19


Napagyaman ko ang aking kaalaman tungkol sa kontemporaryong isyu at hamong
panlipunan. Pagdating naman sa naimbestigahan kong isyu at hamong panlipunan sa
kasalukuyan, ako ay may plano
na__________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Halimbawa: Makiisa sa clean and green project sa aming barangay.
Binabati kita sa iyong
tagumpay sa unang
Gupitin angaralin sa ito,
bahaging panahon
idikit sang
kwaderno at isulat ang iyong maikling pagninilay.
NEW NORMAL
Nauunawaan ko na ______________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Nabatid ko na ___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

You might also like