You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Pamantayang sa Pagkatuto: Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga isyu


at hamong panlipunan, partikular ang isyung pangkapaligiran, mga isyung pag-
ekonomiya tulad ng globalisasyon, paggawa at migrasyon, isyung pangkasarian, at
isyung pampolitika tulad ng pagkamamamayan, karapatang pantao at pananagutang
pansibiko na kinahaharap ng mga bansa sa kasalukuyang panahon, gamit ang mga
kasanayan sa pagsisiyasat, pagsusuri ng datos at iba’t ibang sanggunian,
pagsasaliksik, mapanuring pag-iisip, mabisang komunikasyon, pagiging
makatarungan, at matalinong pagpapasya tungo sa mapanagutang mamamayan ng
bansa at daigdig.
Petsa:
Oras Taon at Pangkat Blg. Ng Araw
Tatlong Araw (3)

I. LAYUNIN : Naatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.


AP10PKI- Ia-1

1.1 Nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong Isyu bilang bahagi ng


pagtuturo ng Araling Panlipunan 10.

1.2 Natatalakay ang katuturan ng lipunan at ang mga bumubuo rito.

1.3 Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu at


mga hamong panlipunan tungo sa makabuluhan at tiyak na pagkaunawa sa
lipunan.

II. NILALAMAN:

A.Paksa: Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu


 Katuturan ng Kontemporaryong Isyu
 Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
 Katuturan ng Lipunan
 Mga halimbawa ng mga Hamong Panlipunan
 Istrukturang panlipunan at ang mga element nito.
B.Sanggunian: AP10 LM p. 1-22
C. kagamitan: Mga larawan, Ilustrasyon, Tsart, Task Cards,

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Paunang Pagtataya:
1-5 LM pahina (tingnan ang pahina 3 - 6 ng LM at 5 – 1 ng
TG)
2. Pagganyak: Itanong: Ano-anong mga suliranin ang iyong
nakikita?
Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay?
Paano tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na
isyu at hamon?
Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang isyu at hamong
panlipunan?

B. Paglinang ng Aralin: Constructivism Approach/Collaborative Approach


1. Gawain 1- Flower web
Punan ng mga ideya ang flower web tungkol sa sariling pagkaunawa
tungkol sa Kontemporaryong Isyu.

KONTEMPORARYONG
ISYU

2.Gawain 2 – Pangkatang Gawain: Headline-Suri


Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng headline naitalaga sa
inyo. Sagutin ang tanong na: Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning
panglipunan? Isulat ang sagot sa diagram.

Pangkatang
Gawain

HEADLINE

Mga Larawan Larawan sa pahina 8-9 ng LM


Pamprosesong mga Tanong
1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo sa headline na napunta sa inyo?
2. Maituturing mo bang isyung panlipunan ang ipinakikita ng bawat headline?
Bakit?
3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibang isyung panlipunan?

3.Gawain 3 – Paunlarin ang kaalaman


Pagbasa ng Teksto: Basahin ang teksto sa na hinango mula sa artikulo ni Leile B.
Salaverria tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas. Pahina 13 ng LM

Itanong : Tungkol saan ang binasang teksto?


Ano ang isyung kinaharap ng ating bansa batay sa teskto?
Naunawaan mo na ba kung ano ang lipunan? Isa-isahin ang mga kahulugang
nagmula sa mga kilalang mga Pilosopo. Bigyang-pansin ang mga malalaking salita o
mahahalagang salitang kanilang nabanggit na may kaugnayan sa pagkaunawa sa lipunan.

C. Paglalahat:

Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na


nangangahulugang current o napapanahon.Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito
ay tumutukoy sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga
napapanahong isyu. Sa madaling sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan
ngayon. Matutunghayan sa ibaba at sa susunod na pahina ang mga isyu ngayon.
Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya dulot
nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pagsolusyon sa bawat
isa. At bilang isang mamamayan ng ating bansa, naaapektuhan tayo sa mga isyung ito
gustuhin man natin o hindi. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang
malaman natin ang mga nangyayari sa mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging
isang aktibong mamamayan na may pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana
tayong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong
isyu upang makatulong sa kung ano man ang dapat paunlarin.
Ano para sa iyo ang lipunan? Magbanggit ng kahulugan ng lipunan mula sa
pilosopong iyong napili.

D. Paglalapat: (localization/contextualization)
1. Mahalaga ba sa iyo bilang mag-aaral magkaroon ka ng malawak na
kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?
2. ano ang kahalagahan ng mga kaalaman tungkol sa mga hamong
panlipunan at isyung napapanahon sa isang indibidwal?

IV. Pagtataya: Timbangin Mo/ Indibidwal na Gawain


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang A kung tama ang
nilalaman ng una at ikalawang pahayag; B kung tama ang nilalaman ng
unang pahayag at mali ang ikalawa; C kung mali ang nilalaman ng unang
pahayag at tama ang ikalawa; D kung mali ang nilalaman ng una at
ikalawang pahayag.
_A_1. A. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan
sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon,
at pagpapahalaga.
B. Sa pag-aaral ng mga isyu at hamong panlipunan, mahalagang
maunawaan ang bumubuo, ugnayan at kultura ng isang lipunan.
_C_2. A. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga tanong may
magkakawing na ugnayan at tungkulin.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa
isang lipunan, makakamit ang kaayusang panlipunan sa
pamamagitan ng maayos na interaksiyon ng mga mamamayan
_A_3. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipunang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyong maipagkaloob ang mga inaasahan
mula rito.
_D_4. A. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary
group.
_A_5. A. Ang bawat indibiduwal ay may posisyon sa isang social group. Ang
posisyong ito ay may kaukulang gampanin o roles.
B. Ang hindi pagganap sa inaasahang gampanin ng isang tao sa
isang socialgroup ay nakapagdudulot ng isyu at hamon na
makaaapekto sa bawat isa sa nasabing grupo.

Pangkatang pagsasanay: Photo Essay sa ¼ na bahagi ng putting kartolina


Batay sa ginawang pagtalakay sa paksa, hayaan ang mga mag-aaral
na gumawa ng isang photo essay.

V. KASUNDUAN:
1. Magbigay ng kaganapan sa iyong bayan na maituturing na headline
ngayon, mangalap ng isa hanggang dalawang larawan sa facebook at igawa
ng caption.
2. Ano ang istrukturang panlipunan? Anu-ano ang mga elemento ng
istrukturang panlipunan?

AP 10 LM p. 14-21

Inihanda ni:

GNG. JULIE DC. ACOSTA


Guro III, Pililla NHS

You might also like