You are on page 1of 22

ARALIN 1

Kahalagahan ng Pagiging
Mulat
sa Kontemporaryong Isyu

MANUEL I.
SEPTIMO
Pagmasdan ang larawan

Katulad ka ng batang ito na nag-


iisip bakit ito nagaganap sa
kanilang lugar?Ano ang
maipagmamalaki mong nagawa
upang hindi mo na muli itong
maranasan?
Kahulugan ng
Kontemporaryong Isyu
Kontemporaryo
ay nangangahulugan ng mga
pagyayari sa daigdig mula sa ika-
20 dantaon hanggang sa
kasalukuyang panahon na naka-
kaapekto sa ating kasalukuyang
henerasyon
Kahulugan ng
Kontemporaryong Isyu
Isyu
tumutukoy sa mga na-papanahong
pangyayari na maaaring
gumagambala, nakakaapekto at
maaaring makapagpabago sa
kalagayan ng tao at sa lipunang
kanyang ginagalawan.
Kahulugan ng
Kontemporaryong Isyu
Isyu
Ang bawat kontemporaryong isyu ay
itinuturing na suliranin na
nangangailangan ng pansin upang
mabawasan kungdi man mawala ang
maaaring negatibong epekto nito sa
tao.
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
1. Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang
Sanggunian
Primaryang sanggunian

A ng pinanggagalingan ng impormasyon
ay ang mga orihinal na tala ng mga
pangyayaring isinulat o ginawa ng mga
taong nakaranas ng mga ito. Halimbawa
ng mga ito ay ang mga sariling talaarawan,
dokumento, larawan, pahayagan,
talambuhay, talumpati, sulat at guhit.
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
1. Pagkilala sa Primarya at Sekundaryang
Sanggunian

Sekundaryang sanggunian

A y ang mga detalye at interpretasyon


batay sa primaryang pinagkunan.
Kinabibilangan ito ng mga aklat,
komentaryo, encyclopedias at political
cartoons.
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
2. Pagtukoy sa Katotohanan at
Opinyon
Katotohanan

A y ang totoong pahayag o


pangyayari na pinatutunayan sa tulong ng
mga aktwal na datos. May mga
ebidensyang nagpapatunay na totoo ang
mga pangyayari.
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
2. Pagtukoy sa Katotohanan at
Opinyon
Opinion

A y (kuro-kuro, palagay o haka-haka)


ay nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan
ng tao tungkol sa inilalahad na larawan.
3. Pagtukoy sa Pagkiling (Bias)
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
3. Pagtukoy sa Pagkiling
(Bias)
A ng pag-aanalisa ng mga
impormasyon na may
kaugnayan sa agham
panlipunan ay kinakailangang
walang kinikilingan.
Mga Kasanayang Kailangan sa
Pag-aaralng Kotemporaryong Isyu
4. Pagbuo ng paghihinuha,
paglalahat at kongklusyon
Ang hinuha (inferences) ay isang
pinag-isipang hula o educated guess
tungkol sa isang bagay para makabuo
ng isang konklusyon. Kailangang
gamitin ang kaalaman at mga
karanasan tungkol sa paksa upang
matuklasan ang nakatagong mensahe.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu

1. Paggamit ng malinaw at makabuluhan na kaalaman tungkol sa


mahahalagang kaganapan na nakakaimpluwensiya sa mga tao, pamayanan,
bansa at mundo.
2. Pagsusuri at pagtaya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga
pangyayari
3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at
iba’t ibang sanggunian para makakalap ng mga
impormasyon.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga
Kontemporaryong Isyu

4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuri ng


kwantitatibong datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan.

5. Mapanuring pag-iisip, matalinong pagpapasya, mabisang komunikasyon,


pagkamalikhain at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Pagmasdan ang
larawan. Ayon sa POPCOM 1 sa 10 babae sa Pilipinas
ang maagang nabubuntis (ABS-CBN News Posted at
Dec 11 2019). Itala sa concept map ang mga isyu at
suliraning maiuugnay sa larawan. Gawin ito sa inyong
sagutang papel.
Gabay na Tanong

1. Nahirapan ka ba sa pagtukoy ng mga isyu at suliranin kaugnay ng


larawan?
2. Sino-sino ang mga kasangkot sa suliraning panlipunan na ito?
3. Anong pinakamabigat na suliranin o isyu ang maiiugnay mo sa iyo bilang
isang kabataan?
4. Papaano makakatulong sa iyo ang iyong mga nasuring suliranin kaugnay
ng isyu na ito?
PERFORMANCE TASK 1

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Pumili ng alin man sa sumusunod na maari


mong gawin upang ipahayag ang iyong saloobin at opinion ukol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong isyu. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
*sanaysay
*tula
*orihinal na awitin
*Poster or Slogan
MAIKLING PAGSUSULIT

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at kung ito ay
mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwasto ang pahayag.
Isulat ang iyong sagot sa patlang. Gawin ito sa inyong sagutang papel.
________ 1. Ang lipunan tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na
maaaring gumagambala, nakakaapekto at maaaring makapagpabago sa
kalagayan ng tao at sa lipunang kanyang ginagalawan.
________ 2. Ang katotohanan at opinion ang pinanggagalingan ng
impormasyon ay ang mga orihinal na tala ng mga pangyayaring isinulat o
ginawa ng mga taong nakakaranas ng mga ito.
MAIKLING PAGSUSULIT
________ 3. Ang pag-aanalisa ng mga impormasyon na may kaugnayan sa
agham panlipunan ay kinakailangang walang kinikilingan.
________ 4. Ang kontemporaryo ay nangangahulugan ng mga paksa, tema,
pangyayri, usapin o suliraning nakakaapekto sa tao at sa lipunan.

________ 5. Ang kultura ay naglalarawan sa isang lipunan.


MAIKLING PAGSUSULIT
Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang I kung tama ang nilalaman
ng una at ikalawang pahayag; S kung tama ang nilalaman ng unang pahayag
at mali ang ikalawa; Y kung mali ang nilalaman ng unang pahayag at tama
ang ikalawa; U kung mali ang nilalaman ng una at ikalawang pahayag. Gawin
ito sa inyong sagutang papel.
______ 1. A. Mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong isyu sa loob
at labas ng ating bansa.
B. Ang mga kontemporaryong isyu ay walang kaugnayan sa mga
pangkaraniwang mamamayan.
MAIKLING PAGSUSULIT

______ 2. A. Malaki ang papel ng pamayanan sa pagharap sa isyung


nagaganapsa loob at labas ng ating bansa.
B. Katuwang dapat ng pamahalaan ang mamamayan sa paghahanap

______ 3. A. Kinakailangan maging mulat ang mga mamamayan sa pagharap


sa mga kontemporaryong isyu.
B. Maituturing na isyung panlipunan ang katamaran ng ilang mag-aaral sa
kanilang pag-aaral.
MAIKLING PAGSUSULIT
______ 4. A. Ang pamahalaan lamang ang inaasahan ng mga mamamayan sa
paglutas sa mga isyung panlipunan.
B. Dahil sa magkakawing na ugnayan at tungkulin ng mga tao sa lipunan,
makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagit ang maayos na
interaksiyon ng mga mamamayan.
______ 5. A. Ang lipunan ay binubuo ng mga institusyon. Tumutukoy ito sa
matatag at organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.
B. May mga isyu at hamong panlipuanang umuusbong dahil sa
kabiguan ng isang institusyon maipagkaloob ang mga inaasahan mula rito

You might also like