You are on page 1of 2

Holy Spirit Academy of Bangued

Corner McKinley, Taft St. Zone 6, Bangued, Abra

JUNIOR HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
(Bb. Xenia Mae Flores - Guro)
Name:_________________________________________ Section:__________________________
Date Submitted:________________________
MODYUL I: IKAAPAT NA LINGGO
ARALIN 3.2: TALENTO AT KAKAYAHAN KO, SA MABUTI ILALAAN
Layunin
CONTENT STANDARDS
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa talento at kakayahan
PERFORMANCE STANDARDS
 Naisasagawa ng mag-aaral ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng kanyang mga talento at
kakayahan
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
 Natutukoy ang kanyang mga talento at kakayahan
 Natutukoy ang mga aspekto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala sa sarili at nakikilala ang mga
paraan kung paano lalampasan ang mga ito
 Napatutunayan na ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento at kakayahan ay mahalaga
sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kung pauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa
pagkakaroon ng tiwala sa sarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at
paglilingkod sa pamayanan.
 Naisasagawa ang mga gawaing angkop sa pagpapaunlad ng sariling mga talento at kakayahan.
UNANG ARAW
PAGTUKLAS
Noong nakaraang linggo, ating natuklasan ang iyong mga talento and katalinuhan kabilang and
kahalagahan nito sa iyo. Natuklasan mo rin kung paano nito napapaunlad ang iyong sarili.Ngayon, ating pag-
aralan kung paano nalilinang ang iyong mga talino at talento pati na rin ang iba’t ibang pamamaraan ng
paghahayag ng talino ayon kay Howard Gardner. Tayo’y mag-umpisa sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong
sa ibaba. Ilagay sa patlang ang iyong sagot.
Gawain 1. Panuto: Ikaw ay hindi magaling sa Mathematics at English. Ibig ba nitong sabihin ay hindi ka
matalino? Limitahan sa tatlo hanggang limang pangungusap ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________________

PAGLINANG
Buklatin ang aklat sa pahina 43-47 para sa buong diskusyon.
Ang Theory of Multiple Intelligences
Ayon kay Howard Gardner na siyang awtor ng Theory of Multiple Intelligences, walang taong
ipinanganak na walang alam. Lahat tayo ay may kanya-kanyang talento at katalinuhan. Ang mga sumusunod
ang uri ng mga talion at talento. Basahing mabuti at isipin kung saan ka nabibilang.
2
1. Talinong pangwika – kahusayan sa paggamit ng salita (pasulat man o pasalita). Sila ang tinatawag na
may malawak na bokabularyo.
 Halimbawa: manunulat, editor, at mga magagaling magsalita sa makabuluhang paraan.
2. Talinong lohikal o pangmatematika – mahusay sa kaeksaktuhan o katiyakan sa numero, sa
organisasyon sa pag-iisip, at galing sa mga konsepto na abstrak.
 Halimbawa: mathematician, siyentipiko, inhinyero at detective
3. Talinong pang-espasyo o biswal – matalas magmasid sa paningin sa mga element sa kabuuan sa
mahusay na paggamit ng mga espasyo sa pamamagitan ng sukat, linya, mga kulay at mga bagay-
bagay.
 Halimbawa: arkitekto, pintor, make-up artist at battlefield-commander.
4. Talinong Pangmusika – Sensitibo sa pitch, ritmo, tema at maling tunog.
 Halimbawa: mang-aawit, kompositor at recording engineer
5. Talinong Pangkatawan – katangi-tanging pagkontrol sa katawan at mga bagay-bagay.
 Halimbawa: mananayaw, aktor, siruhano (surgeon), at mga magagaling sa sports.
6. Talinong interpersonal o pakikipagkapwa – sensitibo sa damdamin ng kapwa. Kadalasang marami ang
kaibigan.
 Halimbawa: guro, guidance counselor, at social worker.
7. Talinong Intrapersonal – makatotohanang kaalaman tungkol sa sarili. Kilala mo ang iyong sarili at alam
mo ang iyong mga gusto at hindi.
8. Talinong pangkalikasan o pangkapaligiran – tumutukoy sa kakayahang magpahalaga sa ganda ng
kalikasan.
 Halimbawa: mga kasapi ng DENR
9. Talinong eksistensiyal – pagkasensitibo at kakayahan sa malalim na pangangasiwa tungkol sa
pagkatao, kahulugan ng buhay, pagkalalang at kamatayan.
 Halimbawa: Pari at mga Philosophers.
Mga Paraan ng paglinang ng talento
1. Tuklasin ang mga ito.
2. Ibahagi ang mga ito sa tamang paraan.
3. Maging mapagkumbaba.

IKALAWANG ARAW
PAGPAPALALIM

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Limitahan ang sagot hanggang 3-5 pangungusap. Ilagay ang
sagot sa patlang.
1. Alin sa mga sumusunod na nabanggit na katalinuhan ang meron ka? Panano mo ito payayabungin?
_____________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagtuklas sa talion o talento?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like