You are on page 1of 2

Holy

1 Spirit Academy of Bangued


Corner McKinley, Taft St. Zone 6, Bangued, Abra
JUNIOR HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
(Bb. Xenia Mae Flores - Guro)
Name:______________________________________________ Section:________________
Date Submitted:________________________
I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang lahat ng mga pangungusap tungkol sa kilos-loob ay tama maliban sa isa __________________.
A. Ang isip at kilos-loob ang kambal na kapangyarihang nagpapabukod-tangi sa tao sa lahat ng nilalang.
B. Ang isip ay umuunawa tungo sa katotonahanan at ang kilos-loob ay kumikilos tungo sa kabutihan. Ito
ang mga kapangyarihan ng tao upang gumawa ng tama at mabuti.
C. Mahalagang hubugin ng wasto ang isip at kilos-loob ayon sa pinakamataas na pamantayan, ang batas
ng Diyos at batas ng kalikasan.
D. Hindi na kailangang hubugin ang kilos-loob sapagkat ito’y natural na sa tao.
2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng dalisay na kilos-loob?
A. Ang pagsasabi ng hindi magandang bagay tungkol sa kapwa.
B. Ang paglamang sa kapwa tao.
C. Ang pagpuputol sa mga puno para sa pera.
D. Ang pagtulong sa kapwa kahit sa mumunting paraan.
3. Alin sa sumusunod ang pinaka-angkop naglalarawan sa karunungan?
A. Ang karunungan ang yaman ng isip.
B. Ang karunungan ang bunga na nahubog na isip at kilos-loob batay sa katotohanan
C. Ang karunungan ang pisikal na lakas ng tao.
D. Ang karunungan ang kakayahan ng taong tumulong.
4. Ang mga sumusunod ay nagpapaunlad ng kilos-loob maliban sa isa ________.
A. Magbasa ng Banal na Kasulatan.
B. Magbasa o manood ng mga dinadakilang aklat at pelikula.
C. Linangin ang karunungan sa mga pangkatang pag-aaral.
D. Maglaro ng mga games sa internet.
5. Bilang isang estyudante, paano mo maisusulong ang konsepto ng katotohanan?
A. Ang pag-iwas sa pagsisinungaling at pagsuporta sa pagsasabi ng katotohanan kahit na ito ay
nakakasakit.
B. Ang hindi pagsabi ng totoo dahil ito ay makakasakit sa kapwa.
C. Ang pagsasabi ng totoo kung kaibigan mo ang sangkot/
D. Ang pagsisinungaling sa mga kaaway.
6. Ang batas ay __________________________________.
A. Isang kautusan na ipinapatupad para sa kabutihan ng lahat.
B. Tuwirang nag-uutos sa tao kung ano ang kailangan niyang gawin at kung ano ang ipinagbabawal at ang
kaparusahan sa sinumang lalabag nito.
C. Pinag-iisipan at ipinapasa ng mga opisyal na namamahala sa lipunan o pamayanan na may kapangyarihang
gumawa ng batas.
D. Ipinaaalam sa lahat ng mayayaman.
7. Kanino galing ang mga katagang “ang tunay na pinanggagalingan ng mga batas ng tao ay mula sa batas ng
Diyos (God’s Law) at batas ng kalikasan”?
A. Aquinas C. Locke
B. Einstein D. Crick
8. Ang mga sumusunod ay katangian ng batas moral maliban sa isa ____________.
A. Ito ay unibersal. Ito ay totoo sa lahat ng tao kahit saang dako ng mundo.
B. Ito ay eternal o panghabang-panahon. Ito ay totoo ay hindi nagbabago kahit kailan.
C. Ito ay obhetibo, walang duda at hindi natutuligsa.
D. Ang mga batas lipunan ay hindi dapat nakabatay sa likas na batas moral.
9. Ang batas ng Diyos ay ___________________.
A. Hindi opisyal na batas.
B. Batas lamang ng mga katoliko.
C. Batas na walang hanggan anuman ang iyong relihiyon.
D. Batas na para lamang sa mga Pilipino.
10. Ang batas ng kalikasan ay ______________________.
A. Ginawa ng tao para mapanatili ang kaayusan sa mundo.
B. Ginawa ng tao upang hindi maging malaya ang mga tao.
C. Ginawa ng tao para sa pera.
D. Ginawa ng tao para magkaroon ng kapangyarihang mamuno.
11. Ang mga sumusunod ay ang mga dapat tandaan tungkol sa konsiyensiya maliban sa isa _______.
A. Kailangan may pag-unawa kung ano ang mabuti at masamang gawa
B. Kailangang maunawaan kung ano ang batas moral
C. Kailangan gamitin ang kaalaman sa kanyang gagawin
D. Kailangang malaya ang tao upang hindi magkaroon ng limitasyon sa nais nitong gawin.
12. Ang mga sumusunod ay paraan kung paano ginagamit ng ating konsensiya maliban sa isa _____.
A. Ang konsiyensiya ay nagpapatunay kung mayroon kang ginawa o hindi ginawa.
B. Ito ay naghuhusga kung mayroon kang dapat o di dapat gawin.
C. Ito ay naghuhusga kung mabuti o masama ang ginawa.
D. Ito ang nag-uudyok sa iyo na gawin ang kahit anong gustong gawin.
13. Ang maling konsiyensiya ay maaaring nagkakaiba sa sumusunod na mga paraan maliban sa isa____.
A. Tuliro o may duda C. Mapagwalang-bahala.
B. Maluwag, manhid D. Mapagpakumbaba
14. Ang pangunahing salik sa paghubog ng konsiyensiya ay ang mga sumusunod maliban sa isa __________.
A. Laman at lawak ng pagkatuto
B. Antas ng kakayahang mag-isip
C. Impluwensiya ng tagahubog ng pagkatuto
D. Talino ng isip
15. Ang mga sumusunod ay mga paraan na makatutulong sa pagpapatibay ng konsiyensiya maliban sa isa __.
A. Seryosong pag-aaral tungkol sa batas moral
B. Pagninilay
C. Paghingi ng gabay mula sa nakatatanda.
D. Pag-usig sa pasiya ng iba

II. Essay. Ipaliwanag ng mabuti ang mga sumusunod gamit lamang ang tatlo hanggang limang pangungusap.
1. Kailan mo masasabing ikaw ay malaya? (5pts)
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
2. Paano mo mapapangalagaan ang iyong dignidad? (5pts)
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Paano mo mapapaunlad ang iyong buong pagkatao? (5pts)
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

You might also like