You are on page 1of 3

CENTER FOR POSITIVE FUTURE, INC.

#27 J.P. Rizal St. Balite, Rodriguez, Rizal


Government Recognition No. 081 s. 2006

ESP 9
Ikalawang Buwan ng Pagsusulit

Pangalan: _________________________________________________ Iskor: ________________


Pangkat at Baitang: _________________________________________Petsa: _________________

I. Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat pangungusap. Tukuyin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang _____________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.


A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme
B. pagsuot ng Identification Card (ID)
C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
D. lahat ng mga nabanggit
3. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga
kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may
karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
3. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang
supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba ang naging
pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya
kagaya ng iba pang mamamayan.
5. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa ___________.
A. Terorismo B. Pagbabayad ng utang C. Pagpatay sa sanggol D. Diskriminasyong pangkasarian
6. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?
A. Sa paggawa ng moral na kilos.
B. Dahil tao lang ang may isip.
C. Dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.
D. D. Dahil tao lang ang marunong kumilos.
7. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?
A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer
B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
C. Isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya.
D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang
8. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang
maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan sa _______.
A. pribadong ari-arian C. bumili ng mga ari-arian
B. mag-impok sa bangko D. umangkin ng pribadong ari-arian

9. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng _____________.


A. pag-iisip ng pagsisisi B. pananagutan C. damdamin ng pagsisisi D. pagmumuni
10. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw
at gutom na. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming grupo habang naghihintay siya ng may
mabakante.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may
kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa
siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
10. Ang _____ ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may
kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
A. Karapatan B. Konsensiya C. Sinseridad D. Tungkulin
11. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho
o komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang
________________.
A. magtrabaho o maghanap buhay. C. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay
B. pumunta sa ibang lugar. D. mag-abroad.
12. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang pagsasama.
Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila.
Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang
kanilang karapatang ____________________.
A. Mag-asawa. C. Magkaroon ng pribadong ari-arian.
B. Magkapagtrabaho. D. Makapumunta sa ibang lugar o bansa.
13. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang pagsasama.
Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila.
Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito ay ang
kanilang karapatang ____________________.
A. Mag-asawa. C. Magkapagtrabaho
B. Magkaroon ng pribadong ari-arian. D. Makapumunta sa ibang lugar o bansa.
14. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa
hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi
niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na.
15. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay _________________.
A. bagay na pansarili lamang.
B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
C. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao.
D. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao.
16. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa Likas na Batas Moral.
A. Pangungulit sa bata na maligo
B. Pagpilit sa mga tao na magsimba
C. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa
D. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor
17. Paano nalalaman ang mabuti?
A. Kung ito ay nakakatulong sa pagkabuo ng sarili
B. Kung ang ginawang desisyon ay sabay na ginamitan ng isip at puso
C. Kung ang pagpili ay batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon
D. Kung ang mga posibleng epekto ng pagpili ay mapanindigan niya ang mga bungang kanyang
kakaharapin
18. Dahil mahigpit ang kampanya laban sa paggamit ng ilegal na droga, ang ibang kabataan ay
napapansin mong nagnganganga o nagbabantay na lang sa mga tindahan ng dahon ng cocaine, dahon ng buyo,
tabako, bangkit (apog), at bunga (betel nut) mga sangkap na mapagkukunan ng lokal na droga. Anong
angkop na kilos ang gagawin mo upang maituwid mo ang bisyong ito?
A. Panoorin ko ang kanilang ginagawa
B. Iuulat ko ang kaganapan sa mga kinauukulan
C. Kunan ko sila ng mga larawan at ipapakita sa pulisya
D. Pagsasabihan ko ang mga nagtitinda na pagtutulak pa rin iyon ng droga.
19. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa sumusunod ang
tunay na diwa nito?
A. Protektahan ang iilang mayayaman at may kapangyarihan
B. Ingatan ang interes ng nakararami
C. Itaguyod ang karapatang-pantao
D. Kondenahan ang mapagsamantala sa kapangyarihan
20. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga
mamamayan B. Sa pamamagitan ng maraming mga batas
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura na senyales ng pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat
mamamayan
21. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
A. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
22. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba C. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
B. Pagiging matulungin sa kapuwa D. Pagkampi sa tao
23. Ano ang dapat gawin para maging mabuting tao?
A. Maging palakaibigan B. Maging makatao C. Maging mapagbigay D. Lahat ng nabanggit
24. Pumunta ka sa bakanteng loteng inuupahan mo dahil nakita mong pinapala ito ng iba upang tabunan ang
kanal nila. Nagtanong ka lang nang maayos at mapayapang umalis. Di nagtagal lumabas ang isang babae at
galit na sumisigaw at pinaringgan ka upang palabasin na mali at masama ang iyong pagsita. Paano mo aayusin
ito nang hindi lulubha ayon sa Likas na Batas Moral?
A. Hindi na lang ako kikibo
B. Susubukan kong magpaliwanag
C. Hahayaan ko na lang na lalamig ang kaniyang ulo
D. Pakikinggan ko ang kaniyang panig bago ako magpapaliwanag
25. Alin sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
A. Konsensiya B. Katuwiran B. Dignidad D. Kilos-loob

II. Panuto: Kalakip ng mga nakalahad na iba;t ibang halimbawa ng karapatan, magbigay ng katumbas na
tungkulin nito. Isulat ang iyong sagot sa espasyo bawat kolum.

26-30.
Hal. KARAPATAN: Mabuhay
TUNGKULIN: Pangalagaan at pahalagahan ang sariling buhay na ipinagkaloob sa iyo.

26. KARAPATAN: Makapagpasaya ng ibang tao


TUNGKULIN:

27. KARAPATAN: Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon.


TUNGKULIN:

28. KARAPATAN: Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya.


TUNGKULIN:

29. KARAPATAN: Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan.


TUNGKULIN:

30. KARAPATAN: Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto.


TUNGKULIN:

You might also like