You are on page 1of 21

UNANG

PAGSUSULIT
KARAPATAN AT TUNGKULIN
_____1. Ito ay ang kapangyarihang moral na
gawin, hawakan pakinabangan at angkinin ang
mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang
estado sa buhay.
A.Tungkulin B. Karapatan
C. Dignidad D. Kalayaan
_____2. Ito ang pinakamataas na antas ng karapatan dahil kung
wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang iba pang karapatan.
Anong karapatan ang tinutukoy nito?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatan sa pribadong ari-arian
C. Karapatang magpakasal
D. Karapatang pumunta ng ibang lugar.
_____3. Anong karapatan ng tao ang bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magpakasal
C. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
D. Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya
_____4. Ito ay mga bagay na inaasahang
magagawa o maisasakatuparna ng isang tao.
A. karapatan B. sinseridad
C. konsensiya D. tungkulin
_____5. Ano ang mga tungkulin ng isang mag-aaral?
A. pagsuot ng uniporme
B. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
C. pagsuot ng Identification Card (ID)
D. lahat ng mga nabanggit
_____6. Ito ang maaaring mangyari kapag nilabag
ang karapatang pantao.
A. pag-iisip ng pagsisisi
B. damdamin ng pagsisisi
C. pananagutan
D. pagmumuni
_____7. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na
Batas Moral?
A. Ibinubulong ng anghel
B. Itinuturo ng bawat magulang
C. Naiisip na lamang
D. Sumisibol mula sa konsensiya
_____8. Alin ang batayan sa pagiging
pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
A. Dignidad B. Kalayaan
C. Karapatan D. Isip at kilos-loob
_____9. Alin sa mga uri ng karapatan ang nagsasabing
puwedeng lumipat sa ibang lugar na may oportunidad tulad
ng trabaho?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay
C. Karapatang magpakasal
D. Karapatang pumunta sa ibang lugar
_____10. Nagsabi na ang 32 gulang na si Cathy sa kaniyang
ina na mag-aasawa na siya. Napagtapos na niya ang kaniyang
dalawang kapatid. Ngunit sinabi ng kanyang ina na kailangan
munang magtapos ang bunso nila na nasa Junior HS pa
lamang. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang ina. Anong
karapatan ni Cathy ang nalabag sa halimbawang ito?
A. Karapatang bumukod ng pamilya
B. Karapatang mag-asawa
C. Karapatang magmahal
D. Karapatang pumili ng mamahalin
_____11. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na
pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang
pagkain nila na nasa hapag- kainan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming
tahanan.
B. Kukuhanan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa
Youtube.
C. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil
maysala ang pusa.
D. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang
masaktan ang pusa.
_____12. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang
drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang
pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay
naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo. Ano ang nararapat
mong gawin kapag nakita mo ang pangyayaring ito?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa
kaganapan.
C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis
para mamagitan sa kanila.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber.
Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
_____13. Laging kinukutya at sinasaktan si
Elizabeth ng kaniyang mga kaklase sapagkat ito ay
maitim, at hindi kayang ipaglaban ang sarili. Ano
ang maaaring gawin ni Elizabeth upang tumigil na
ang kaniyang mga kaklase sa pananakit sa kaniya?
A. Labanan na sila
B. Magsumbong sa guro
C. Huwag ng pumasok
D. Magpaputi upang hindi na asarin
_____14. Kayong magkaka-eskuwela ay nasa paborito ninyong kainan. May
pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa
paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa
binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang dapat ninyong gawin?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan
sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siya ng malulugaran.
C. Tatawagin ko ang pansin ang isa sa mga service crew para maglaan
ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
_____15. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa
sumusunod ang HINDI ibig sabihin nito?
A. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon
ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
C. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang
ang makagagawa ng moral na kilos.
D. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang
kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga
bagay na kailangan niya sa buhay.
_____16. Alin ang HINDI nagpapakita ng tungkulin sa
kaakibat ng karapatan sa buhay?
A. Iniwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis
na pagkain.
B. Sumali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad
ng car racing.
C. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski
sa Peru para sa mga batang Kalye.
D. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng, Roa para sa
mga batang biktima ng pang-aabuso.
_____17. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik
ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga criminal o
nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang
ganitong klaseng parusa? Bakit?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa
krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang
tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang
bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.
_____18. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may
masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket upang
bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya.
Tama ba ang naging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag
pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na
tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may
karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan.
_____19. Ano ang maaaring gawin ng isang
tao upang maging makabuluhan ang
karapatan ng isang indibidwal?
A. Kutyain B. Igalang
C. Palaguin D. Pandiri
_____20. Ano ang mangyayari sa tao kapag
hindi niya nagampanan ang kaniyang
tungkulin na kilalanin at unawain ang
kaniyang karapatan?
A. Mas makakabuti
B. Mawawalan ng dignidad
C. Maliligaw ng landas
D. Magiging mas makabuluhan

You might also like