You are on page 1of 32

Don Mariano Marcos Memorial State University

Kolehiyo ng Edukasyon

MODYUL 2

FIL 119/SEFL 111- MAIKLING KUWENTONG


FILIPINO/MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

JOHN NOEL S. NISPEROS, Ed.D.

Modyul 2
2

SILABUS NG Fil 119/SEFL 111- MAIKLING KUWENTONG FILIPINO/MAIKLING


KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

Pangalan:_________________________ Taon/Pangkat______________
Propesor: ________________________ Iskedyul: __________________

A. KALIGIRAN NG KURSO:
Sumasaklaw sa pag-aaral at pagpapahalaga ng pangkasaysayang pag-
unlad ng maikling kuwento at nobelang Filipino na may pagbibigay-diin
sa mga sangkap at pagkabuo nito.
B. LAYUNIN NG KURSO:
Pagkatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang panimulang pag-aaral sa panitikang pangrehiyon
at pambansa.
B. Naiisa-isa ang mga piling akdang pampanitikan na tumatak sa
iba’t ibang panahon.
C. Nagkakaroon ng paghahambing sa mga kaligirang
pangkasaysayan, akdang napili at natalakay ayon sa mga
elemento at bahagi ng maikling kuwento at nobela.
D. Napahahalagahan ang mga akdang pampanitikan kasabay ng mga
buhay, kultura, tradisyon sa panahong nabuo ito.
E. Nakabubuo ng hinuha, suri, pananaliksik sa iniatang na mga
gawain/babasahin/link at iba pang akdang pampanitikan.
C. BALANGKAS AT ORAS NG PAGTUTURO:

LINGGO ARALIN ORAS


Oryentasyon at pagtalakay sa Pilosopiya, Bisyon,
Misyon ng DMMMSU
Tunguhin ng Kolehiyo ng Edukasyon at
1 Ispesipikong Layunin ng BSE 3
Pagtalakay sa Balangkas ng Kurso/Panuntunan
ng Unibersidad at Kolehiyo/Code of
Discipline
MODYUL 1- MAIKLING KUWENTO MULA SA GREYD 7
2 Aralin 1 SANDAANG DAMIT 3
3 Aralin 2 IMPENG NEGRO 3
4 Aralin 3 ANG AMBAHAN NI AMBO 3
5 Aralin 4 NEMO, ANG BATANG PAPEL 3
6 Aralin 5 MABANGIS NA LUNGSOD 3
7 Aralin 6 PORK EMPANADA 3
PILING NOBELA NG GREYD 7

Modyul 2
3

8 Aralin 7 NAGSIMULA SA PANAHON NG YELO 3


9 MIDTERM NA PAGSUSULIT 3
MODYUL 2- MAIKLING KUWENTO MULA SA GREYD 8
10 3
Aralin 1 UHAW ANG TIGANG NA LUPA
11 Aralin 2 LUPANG TINUBUAN 3
Aralin 3 ANG PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG
12
BATA
Aralin 4 IMPONG SELA
MODYUL 3- PILING MAIKLING KUWENTO AT
NOBELA
13 3
Aralin 1 ANG AMA
Aralin 2 NIYEBENG ITIM
Aralin 3 ISANG LIBO’T ISANG GABI
14 3
Aralin 4 MGA PATAK NG LUHA
MODYUL 4- PILING MAIKLING KUWENTO AT
NOBELA
15 3
Aralin 1 ANG KUWINTAS
Aralin 2 ANG ALAGA
Aralin 3 ANG KUBA NG NOTRE DAME
16 3
Aralin 4 PAGLISAN
17 PINAL NA PAGSUSULIT 3
18 3

D. MODYUL NG KURSO

Modyul ng Greyd 7, 8, 9, at 10, Kagawaran ng Edukasyon

Nisperos, John Noel S. (2020). MODYUL 1, 2, 3, 4 ng Kurso. DMMMSU

E. SANGGUNIAN:
Belvez, Paz Et al. (2006). Panitikan ng Lahi- Pangkolehiyo. Rex Book Store.
Manila.

Belvez, Paz Et al. (2006). Maikling Kuwento/Katha. Panitikan ng Lahi-


Pangkolehiyo. Rex Book Store.
Manila.

Bulaquiña, Marvin A.(2017). Isang Pagsusuri sa akdang: Mabangis na


Lungsod ni Efren R. Abueg. Halaw sa
http://bulaquinamarvin.blogspot.com/?=1

Centizas, Lovely (2020). Ang Limang Elemento ng Nobela. Hinango sa


https://www.slideshare.net
Flores, Itchan (2013). Mabangis na Lungsod (Efren R. Abueg) Short Film.
Hinango sa https://m.youtube.com

Modyul 2
4

Llagas, Irish Jean (2018). Pagsusuri sa Kuwentong Uhaw ang Tigang na


Lupa . Hinango sa
https://www.academia.edu/36159417/PAGSUSURI_SA_KWENTONG_U
HAW_ANG_TIGANG_NA_LUPA_I_PANIMULA

Matute, Epifanio G. (2014). Talambuhay. Panitikan.ph. Institute of


Creative Writing, University of the Philippines Diliman, Quezon City,
Philippines Hinango sa http://panitikan.ph/2014/06/07/epifanio-g-
matute/

Matute, Epifanio G. (2010) . Impong Sela(Maikling Kwento) .Panitikan HS2.


Hinango sa http://panitikanhs2.blogspot.com/2010/07/impong-
selamaikling-kwento-epifanio-g.html

Matute, Genoveva Edroza(2017). Talambuhay. Hinango sa


https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-
genoveva/

Nisperos, John Noel S. (2020). Pagsusuri sa Lupang Tinubuan (Maikling


Kuwento Sa Panahon Ng Hapon). Panpacific University, Urdaneta
City, Pangasinan.Ulit, Perla G. Et al. (1998). Pagpapahalaga sa
Panitikan ng Pilipinas. Grandwater Publications and Research
Corporation. Makati city.

Reyes, Maria Myrma (2020).Buod ng Uhaw ang Tigang na Lupa, Pagsusuri sa


Lupang Tinubuan...
https://www.scribd.com/document/347587915/Buod-Ng-Uhaw-Na-
Tigang-Na-Lupa-at-Lupang-Tinubuan

Villafuerte, Patrociño Et al. (2000). Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas.


Mutya Publishing House. Valenzuela city.
Villanueva, Rene O. (1998) Nemo, Ang Batang Papel (Mula sa: Ang Gintong
Habihan: Mga Kuwentong Premyado ng Palanca. . Maynila: Tahanan
Books for Young Readers.)

Iba pang website:


Arceo, Liwayway Buod ng Uhaw na Tigang na Lupa. Hinango sa
https://pdfslide.tips/documents/buod-ng-uhaw-na-tigang-na-lupa.html

Batas sa Pagprotekta ng Mga Bata sa Internet (Children’s Internet


Protection Act) (2017) Hinango sa
https://www.fcc.gov/consumers/guides/batas-sa-pagprotekta-ng-mga-bata-
sa-internet-childrens-internet-protection-act

Danicaparra (2020) Buhay ni Narciso G. Reyes. Halaw sa


https://brainly.ph/question/991805)

Modyul 2
5

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino, DepEd/module Filipino G 8 Hinango sa


https://pdfrock.com/pdf-tdocx.html?queue_id=5f297bf9421873095d8b456f)

Maikling Kuwento (2017) Lupang Tinubuan. Ni Narciso Reyes (Halaw sa


https://www.facebook.com/215649688828253/posts/lupang-tinubuanni-
narciso-reyesang-tren-ay-tumulak-sa-gitna-ng-sali-salimuot-na-
/466386413754578/)

rowenafuertes15 (2018) Buod ng Ang Paglalayag Sa Puso ng Isang Bata


.Halaw sa https://brainly.ph/question/1882358)

Karagdagang website:
file:///C:/Users/User/Downloads/FILIPINO%20MODULE%20G%207%20%20&%2
08/filipino_vii_learners_material__q1_2_.pdf

file:///C:/Users/User/Downloads/FILIPINO%20MODULE%20G%207%20%20&%2
08/learning_package_baitang_7_q3.pdf

http://educationalprojams.weebly.com/uploads/1/0/2/3/102353042/learni
ng_package_baitang_7_q4.pdf

http://rubistar.4teachers.org/index.php
http://www.readingquest.org/strat/qarl.html
panitikan@yahoo.com
panitikan ng umuunlad na bansa@google.com
http://aha.tusd.us
info@pdfrock.com

A. Kalakaran ng Kurso
1. Maagap na pagpasa ng mga Gawain at sulating awtput
2. Reflection logs/Recitation logs
3. Pagsusulit
4. Indibidwal na pananaliksik at pag-uulat
5. Atendans sa online na klase/group chat
6. Midterm at Pinal na Pagsusulit

B. Sistema ng Pagtatasa
- 50% Midterm Greyd
- 50% Pinal na Greyd

C. Pamantayang Pangklase
1. Inaasahan ang pagtalima sa Student Handbook ng DMMMSU.
2. Aktibong pakikilahok sa online na klase/group chat/modyular
3. Pagpasa ng mga Gawain sa itinakdang araw.
4. Regular na atendans tuwing may online na klase.
D. Oras ng Konsultasyon
1:00 – 5:00 Biyernes

Modyul 2
6

Inihanda ni: Pinagtibay nina:

______________ _________________ ________________


Propesor Tserman- BSE Dekano

PLANONG PAMPAGKATUTO NG KURSO SA Fil 119/SEFL 111- MAIKLING


KUWENTONG FILIPINO/MAIKLING KUWENTO AT NOBELANG FILIPINO

(Lektyur) – (Propesor) Araw/Oras________ Silid-aralan_______

Oras Hanguang
Resultang Aralin Pamamaraang Pagtatasa
Pampagkatuto Pampagtuturo Kagamitan

Maisabuhay Oryentasyon at
ang Pilosopiya, pagtalakay sa
Bisyon, Misyon Pilosopiya,
ng DMMMSU Bisyon, Misyon
ng DMMMSU
Matalos ang
Tunguhin ng Tunguhin ng Kolehiyo
Kolehiyo ng ng Edukasyon at 3 Interaktibong Handout/ Pagbubuo
Edukasyon at Ispesipikong pagtuturo/ Poster/ ng
Ispesipikong Layunin ng Video clip sanaysay
Layunin ng Pagtalakay/
BSE Pakikipanayam
BSE

Mabigyang- Pagtalakay sa Balangkas


linaw ang ng Kurso/Panuntunan
Balangkas ng ng Unibersidad at
Kurso/Panuntu Kolehiyo/Code of
nan ng Discipline
Unibersidad at
Kolehiyo/
Code of
Discipline
MODYUL 1- MAIKLING
KUWENTO MULA SA
GREYD 7
Magkaroon ng Aralin 1 SANDAANG 3 Patuklas/ Sanggunian Pagbubuod
malalim na DAMIT Ugnayang /Modyul sa mga
kamalayan sa tanong- batas/
kuwentong sagot Powerpoint
nabasa. Pagbibigay
-komento

Maging
pundasyon ng Aralin 2 IMPENG NEGRO
kaalaman sa 3 Pananaliksik Modyul/ Pagsasagawa
sa mga
pag-aarala ng
Modyul ng Gawain sa
kuwento sa
DepEd Modyul/
buhay.
Antas
Panitik

Modyul 2
7

Makapag- Aralin 3 ANG AMBAHAN 3 Isahang Akda/ Pagsukat


ambag ng dati NI AMBO Modyul/ ng
nang Pag-aaral/ kamalayang
kaalaman sa Modyul ng pangkomunidad
Pagtatala ng DepEd
mga akdang
pampanitkan datos
ng rehiyon.

Makabuo ng
konkretong
kabatiran sa Akda/
kultural at Aralin 4 NEMO, ANG 3 Pagbasa at Modyul/ Reflektibong
teknikal na BATANG PAPEL pagtatala/ pag-aaral
aspeto ng Pagbubuo/ Modyul ng
panulat ng Pagsusulat DepEd/
may-akda. piyesa

Maiugnay ang
mga teoryang
pampanitikan Aralin 5 MABANGIS NA Pananaliksik Akda/ Paghahambing
3
at batas ng LUNGSOD / Modyul/
Paghahambing/
Pilipinas sa Modyul ng
akdang mapag- Pagtatala ng
DepEd/
aaralan. mga pangyayari
piyesa

Magkaroon ng
bukas na isip
at pagyakap sa Aralin 6 PORK Pagbasa at Akda/ Pagsasagawa
3 sa
mga akda at EMPANADA pagbibigay- Modyul/
opinyon Gawain/
produktong Modyul ng
dayuhan. DepEd Antas

Panitik

PILING NOBELA NG
GREYD 7

Maiugnay ang
kultural at
aspetong Aralin 7 NAGSIMULA SA Pag-uugnay/ Akda/ Pagsasagawa
3 sa
panlipunan sa PANAHON NG YELO Modyul/
Pagbibigay- Gawain/
mapag- metapora Modyul ng
aaralang mga DepEd Antas
akda.
Panitik

Modyul 2
8

MIDTERM NA PAGSUSULIT

MODYUL 2- MAIKLING
KUWENTO MULA SA
GREYD 8
Mapalawak pa
ang kaalaman
sa panitikan
lalo na sa mga
akdang
pampanitikan Aralin 1 UHAW ANG 3 Pagbasa at Video Pagbubuod
ng Pilipinas. TIGANG NA LUPA pagtatala/ clip/ ng
Pagbubuo Akda/ konseptong
Modyul nabuo

Maging
mapanuri sa
mga akdang
may kinalaman Aralin 2 LUPANG Paghahambing Pagbibigay
sa lipunan at TINUBUAN 3 / Akda/ kasagutan
pamayanan. Pagbibigay- Modyu sa mga
kahulugan Gawain

Makatukalas pa Aralin 3 ANG 3 Pagtatasa/ Pagbibigay-


Pagsasagawa Rubrik/
ng mga akdang PAGLALAYAG SA PUSO sitwasyon
nakaaantig ng NG ISANG BATA Pagtsek
damdamin. sa
kasagutan

Mapalalim ang
kamalayang
Pagwawasto
panlipunan sa Aralin 4 IMPONG SELA 3 Pagbubuod Akda/
sa
mga Modyu
Gawain
umuusbong na
sigalot ng mga MODYUL 3- PILING
MAIKLING KUWENTO
pangunahing
AT NOBELA
tauhan.
Pagtatala/ Akda/ Ebalwasyon/
Modyu Pagwawasto
Pagsasagawa

Makabuo ng Aralin 1 ANG AMA


mga
panukalang
panlipunan
3 Pananaliksik Video/ Pagpasa
kaugnay sa Aralin 2 NIYEBENG ITIM
mababasang / ng
Group nasaliksik
mga akda. Paghahambing chat /Gawain

Maagang Aralin 3 ISANG LIBO’T


masuong sa ISANG GABI
mundo ng
pananaliksik at
Pananaliksik Pag-uulat
imbestigasyon 3

Modyul 2
9

pagdating sa Aralin 4 MGA PATAK / Website/ sa


panitikan, NG LUHA nasaliksik
Paghahambing Babasahin
kultura at /Ebalwasyon
kamalayang /
panlipunan.
powerpoint

MODYUL 4- PILING
MAIKLING
KUWENTO
AT
NOBELA

Maging Aralin 1 ANG KUWINTAS


mapanuri sa
kaligirang
pangkasaysaya 3 Pananaliksik Website/ Pag-uulat
n nang may / sa
bukas na isip Babasahin nasaliksik
sa pagyakap ng Paghahambi / /Ebalwasyon
Aralin 2 ANG ALAGA ng
iba’t ibang
powerpoint
kalakaran sa
buhay.

Madaling Aralin 3 ANG KUBA NG


mailapat ang NOTRE DAME
mga teoryang
pampanitkan, 3 Pananaliksik Website/ Pag-uulat
pagdulog at / Babasahin sa
estratehiyang Paghahambi / nasaliksik
pampagtuturo ng powerpoint /Ebalwasyon
batay sa
karanasan sa Aralin 4 PAGLISAN
pag-uulat at
pananaliksik.

PINAL NA PAGSUSULIT

Inihanda ni: Pinagtibay nina:

______________ _________________ ________________


Propesor Tserman- BSE Dekana

Modyul 2
10

Paunang Salita

Tunay ngang walang permanenteng bagay sa mundo. Mabilis ang pag-


unlad, pagbabago at parang kabuteng sumusulpot kung saan-saan ang mga
bago at kakaibang produktong likha ng mapanuring kaisipan ng mga
dalubhasa. Kaugnay nito, ang inobasyon at modipikasyon sa mga alituntunin,
patakaran at programang resulta ng mga teorya at konseptong nabubuo ng
ating mga dalubwika ay mabilis ding napapalitan.

Bilang guro sa hinaharap, kailangan mong malaman ang pinagmulan


ng lahat nang ito. Kilalanin ang unti-unting pagbabago ng kalakaran sa
edukasyon sa iyong bansang kinagisnan. Makibahagi ka sa mga isyung may
kinalaman sa iyong pagkatuto. Sundin ang mga gabay sa modyul na ito na
iyong magiging hulwaran tungo sa mabungang pagtuturo sa mga
estudyangteng naghihintay ng iyong tulong pangkaisipan. Ang isang
edukador na tulad mo ang magpapayabong pa sa kultura at kaalaman sa
asignaturang Filipino.

Nabuo ang proyektong ito upang mabigyang-tuon ng Kolehiyo ng


Edukasyon, Departamento ng Filipino ang pagbabago ng midyum sa
pagtuturo ng Filipino kurikulum sa Pilipinas kasabay ng globalisasyon at
modernisasyon ng mga konteksto at pag-aaral mula sa pananaliksik ng mga
guro, dalubwika, tagapagsalin at tagapagsulong ng batas mula sa
Departamento ng Edukasyon.

Sa pamamagitan ng modyul na ito, maaga mo nang matatalakay ang


mga maiikling kuwento at piling nobela sa Greyd 8 ayon sa umiiral na
kurikulum at mga aralin ng DepEd.

May-akda

Modyul 2
11

MODYUL 2
MAIKLING KUWENTO

MAIKLING KUWENTO MULA SA GREYD 8-------------------13

Aralin 1 UHAW ANG TIGANG NA LUPA

Aralin 2 LUPANG TINUBUAN

Aralin 3 ANG PAGLALAYAG SA PUSO NG ISANG BATA

Aralin 4 IMPONG SELA

Modyul 2
12

MODYUL 2

MAIKLING KUWENTO

 INTRODUKSYON

Binabati kita dahil sa matagumpay na pag-aaral sa naunang


modyul. Huwag kang mapapagod dahil walang katapusan ang daloy at
yaman ng panitikan sa Pilipinas. Lalo pa itong pinayaman dahil sa
pananakop ng mga dayuhan, ibig sabihin nito, marami man ang nalagasan ng
buhay, iba’t ibang obra naman ang ipinamalas ng ating mga manunulat,
rebolusyonaryo sampu ng ating mga bayani.
Sa pangunguna ng mga edukador ng DepEd, ang pagbuo at pagpili
ng mga akdang pampanitkan ng ating bansa ay naging matagumpay. Sa
pribado o pampublikong paaralan ka man mapapadpad, balang araw,
natitiyak kong handa ka sa labang iyong susuungin. Ang bawat gawain sa
isang aralin ay nakabatay sa mga kompetensis, pamantayang pangnilalaman
at pamantayang pagganap ng Greyd 8.
Inaasahan na ang modyul na ito ay makatutulong sa mga
nagpapakadalubhasa ng Filipino na gaya mo, dahil ang mga araling ito ang
siyang napag-aaralan na sa Greyd 8. Hinihikayat ng may-akda na
pagyamanin ng mga guro at mga estudyante ang mga mungkahing gawain
na nakapaloob dito upang higit na maunawaan ng mga magiging mag-aaral
mo sa hinaharap. Marapat lamang na iyong i-download ang mga modyul sa
baitang na ito nang iyo nang magamit sa hinaharap.

MGA LAYUNIN

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan ang mga


nagpapakadalubhasa sa Filipino na:

1. Matatalakay ang mga piling kuwento at nobela sa Greyd 8.


2. Matutukoy ang pag-unlad ng maikling kuwento at nobela sa iba’t
ibang panahon.
3. Maisasalayasay ang mga nasaliksik na mga maiikling kuwento at
nobela upang magamit sa pag-aaral ng panitikan.
4. Maging pundasyon ang mga piyesa sa pagsusuring bubuoin sa klase.
5. Maiuugnay ang uri ng panitikang ito sa sarili, lipunan at sa iba pang
babasahing kapupulotan ng kuwento at aral ng/sa buhay.

 TANDAAN/ISAALANG-ALANG ITO:

Modyul 2
13

Binubuo ng apat na Aralin ang Modyul. Basahin at unawain ang mga


teksto, piyesa at babasahing nakapaloob sa susunod na mga modyul at sa
modyul na ito ang magiging pundasyon dito. Pagkatapos mong mapag-aralan
ang bawat Aralin, handa ka nang sagutin o isagawa ang mga pagsasanay.

Huwag mag-atubiling sumangguni sa iyong Propesor kung nais mo ng


malawakan o malaliman pang pang-unawa.

PANIMULANG PAGTATAYA NG MODYUL 2

PANUTO: Isulat ang PANITIKAN kung ang pangungusap ay tama


samantalang WIKA kung ito ay mali.
1. Sinulat ni Liwayway Arceo ang kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa sa
Panahon ng Hapon.__________
2. Isang natatanging katangian ng maikling kuwento ay nag-iiwan ng
kakintalan sa mambabasa.__________
3. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging maikli at may iba’t ibang
elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay, tunggalian kasukdulan at
wakas.__________
4. Si Narciso G. Reyes ang may-akda sa Lupang Tinubuan.__________
5. Sinulat ni Liwayway Arceo ang kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa sa
Panahon ng Hapon.__________
6. Sinulat ni Narciso G. Reyes ang kuwentong Lupang Tinubuan sa Panahon
ng Komonwelt.__________
7. Si Genoveva Edroza-Matute ay isang kilaláng kuwentista, mananaysay, at
guro sa Filipino.__________
8. Ang Impong Sela ni EGM ay kabilang sa aklat-katipunan ng
UNESCO.__________
9. Kababakasan ng kulturang Pilipino ang kuwentong Impong
Sela.__________
10. May namayaning pilosopiya si Impong Sela sa kanyang papel na
ginampanan.__________

MAIKLING KUWENTO MULA SA GREYD 8


Aralin 1 UHAW ANG TIGANG NA LUPA
(Buod)
Liwayway Arceo

Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina


nang hindi ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang
paghinga at paminsan minsan ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina
ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang siyang

Modyul 2
14

magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang
batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.
Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya,
ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo,
ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat. Ilang taon ang nakalipas
ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang
ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga mata ng
kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.
Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na
masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito
hiniwalayan ng kanyang ina. Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na
karamdaman ng ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang
kahitang pelus ng ipaayos sa kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa
kahita ay hindi ang kaniyang ina. Walang lagda ang larawan at ang
tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”. May nakita rin ang anak na
isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang
ama at tanggapan nito. Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit
tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa kalamigan ng lupa ang
kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang tibok ng puso ay hindi
pagibig tuwina. Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na
mawalan ng malay samantalangang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang
imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at patuloy na lumuluha kung walang
makakita sa kanya. Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na
siya at sila ng kanyang mahal ay maaari nang magtungo….na nag moog na
kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang paraan.
Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata
ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng
ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay “Sabihin mo, mahal ko na
maangkin ko na ang kaligayahan ko”. Mariing kinagat ng ina ang labi
at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang mahal. Hinagkan ng ina ang asawa
at kasabay noon ay lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala nang mga luhang
dumaloy sa mga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa ng lumisan.
(Halaw sa https://pdfslide.tips/documents/buod-ng-uhaw-na-tigang-na-
lupa.html)

DALOY NG ISIP

Ang maikling kuwento ay isang kathang pampanitikang ang layuni’y


maglahad o magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan. Ang maikling kuwento, bukod sa pagiging
maikli at may iba’t ibang elemento tulad ng tagpuan, tauhan, banghay,
tunggalian kasukdulan at wakas. Isang natatanging katangian ng maikling
kuwento ay nag-iiwan ng kakintalan sa mambabasa.
(Halaw sa Gabay sa Pagtuturo ng Filipino, DepEd/module Filipino G 8
https://pdfrock.com/pdf-
tdocx.html?queue_id=5f297bf9421873095d8b456f)

Sinulat ni Liwayway Arceo ang kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa sa


Panahon ng Hapon.

Modyul 2
15

Gawain 1. Gamit ang link, pag-aralan muna ang mahahalagang punto at


bahagi ng pagsusuri ni Llagas, Irish Jean (2018). Pagsusuri sa Kuwentong
Uhaw ang Tigang na Lupa na hinango sa
https://www.academia.edu/36159417/PAGSUSURI_SA_KWENTONG_UHA
W_ANG_TIGANG_NA_LUPA_I_PANIMULA. Pagkatapos nito, sundin ang
pormat o istilo ng pagsusuri sa nasaliksik na kuwento.

Gawain 2. Mga Elemento ng maikling kuwento


PANUTO: Ibigay ang mga pangyayari sa kuwento batay sa mga elementong
nabanggit. Maaaring i-download ang kabuoan ng kuwento nang iyong
magamit nang tama ang mga elemento.

Gawain 3. Bisang Pangkarunungan…


PANUTO: Punan ng mga detalye ang tsart. Bumuo ng pangkalahatang
sitwasyong ng panitikan sa panahong ito.

 ANTAS PANITIK

PANUTO: Palalimin ang kaalaman sa kuwento sa pamamagitan ng pagtala sa


mga katangian ng anak, ina, asawa at pamilya. Iugnay ito sa sarili mong
sitwasyon o obserbasyon. (Bisang Pandamdamin)

Modyul 2
16


Aralin 2 LUPANG TINUBUAN
Narciso G. Reyes

Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan


ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune,
Taliba? Ubos nap o. Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan
at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta.
Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang
supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na
lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang
pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez.
Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako
araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli.
Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug.
Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y
napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat
at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo
Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa
dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig
ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding
ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa
Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay
ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng
iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita
kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama
ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang
damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak,
lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana

Modyul 2
17

at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha,
kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang
kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-
ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon
sa Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng
makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga,
niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa
araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi
mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa kabila ang
madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno
ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.
‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero
ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng
pagkabigo sa kanyang dibdib. ’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon.
Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del
Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa
ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang iyon ay
nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-
ligid.
Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang
pagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang
iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang
iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay
roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang,
matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga
nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni
Danding. ’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob
niya. ’ Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.’
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong
iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan.
Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang
may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa
kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap
na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang
pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat
sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding, na tila
magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-
anak na ngayon lamang nakilala.
Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa
bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At
sa bukas na lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga
puting kurtina salo ng pinagbuhol na lasong itim, ay walang tigil ang
pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan,
nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba
ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa
labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-
dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay.
Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at
kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi

Modyul 2
18

ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig


sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot.
’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng
kanyang Tita Juana. ’At ang pinsan mong si Bining,’ ang pabulong pang
habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni
Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso.
Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa mesang kalapit,
binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang
kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.
Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa
may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at namandala
ana ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw.
Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at
nagmasid sa paligid-ligid.
Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo
Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na
kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo
Tasyo ang unang nagsalita.
’Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.
’Bakit po?’
’Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’
’May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.’
’Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’
’Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?’
’Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang
nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan.
Naulila agad siya sa ama.’
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng
bukid. ’Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang
munti. Sa kabilang pitak siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya
sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa
kaiiyak.’
Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang
likuran. ’Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang
hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga
huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina,
doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang maikling papuri sa
kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.’
Napangiti si Danding. ’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng
pagkakaluwas niya sa Maynila?’
’Oo,’ natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga
nangyari. ’Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.’
’Nahuli po?’
’Oo – sa liwanag ng aandap-andap na bituin.’
Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at
ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang
pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.

Modyul 2
19

’Ano ang pinanood mo sa bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga


bagong tuklas niyang pinsan.
’Ang araw,’ ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang
naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa
bahay.
Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay
Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at
batbat – sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang
magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na
nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng
mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga
pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang
pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling
maging ang pinakamaliit na halaman.
Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at
pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip
sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga
naulila.
Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang
mga piping pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-
iyak.
Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng
kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang
mga mata.
Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang
kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya
man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang
dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at
nagpaunang bumalik sa bahay.
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa
bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at
nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay
nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga
kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at leeg.
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa
nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at
ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa,
itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalig
niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay
ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng
ama niya, ay napanatag ang kanyang puso.
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at
kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni
Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang
pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng
palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si
Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang
punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay

Modyul 2
20

sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak


ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng
tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang
pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang
mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang
sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at
Bonifacio.
Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga
pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding
ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan,
kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at
nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti.
Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan
niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi
na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman
ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang
nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-
andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
(Halaw sa https://www.facebook.com/215649688828253/posts/lupang-
tinubuanni-narciso-reyesang-tren-ay-tumulak-sa-gitna-ng-sali-salimuot-na-
/466386413754578/)

DALOY NG ISIP

Si Narciso G. Reyes ay ipinanganak noong ika-2 February


1914 sa Tondo, Manila at namatay noong ika-7 May 1996.
Naging isa siyang guro, journalist, at manunulat ng dyaryo.
Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang "Lupang Tinubuan",
"Kalahating siglo sa talambuhay ng kamalayan : ang 25
pinakamabuting maikling kathang Pilipino ng 1943", "Rizal
at iba pang mga piling Dula" at marami pang iba. (Halaw sa
https://brainly.ph/question/991805)

Sinulat ni Narciso G. Reyes ang kuwentong Lupang Tinubuan


sa Panahon ng Komonwelt.

Gawain 1. Pagpapalalim…
PANUTO: Gamit ang link, basahin at pag-aralan ang post ni Reyes, Maria
Myrma (2020). Buod ng Uhaw ang Tigang na Lupa, Pagsusuri sa
Lupang Tinubuan...
https://www.scribd.com/document/347587915/Buod-Ng-Uhaw-Na-
Tigang-Na-Lupa-at-Lupang-Tinubuan
Pagkatapos nito, bumuo ng maikling refleksyon.

Modyul 2
21

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
__________

Gawain 2. 3N ng kaalaman…
PANUTO: Batay sa nabasang kuwento, dagdagan ang mga parirala sa
talahanayang 3N

Natutunan ko ang… Nagbigay interes sa Nais ko pang


akin ang… matutunan
ang…

Gawain 3. Pahalagahan natin…


PANUTO: Sagutin ang sumusunod:
1. Anong suliraning panlipunan ang mababakas sa kuwento?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Ano ang damdaming nangibabaw sa paglalakbay na iyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Paano pinatunayan ng pangunahing tauhan ang kanyang paninindigan sa
lipunang kanyang kinagaglawan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Iyo na bang naranasan ang ganitong sitwasyon? Patunayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Magtala ng mga pagdulog at teoryang pampanitikan na maaaring iugnay
rito. Bakit mo ito nasabi?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Modyul 2
22

 ANTAS PANITIK

PANUTO: Gamit ang talahanayan, bumuo ng pagsusuri sa


Lupang Tinubuan (Maikling Kuwento sa Panahon ng Hapon)

I. LAYUNIN NG MAY-AKDA KASAGUTAN


I. Ibigay ang layunin ng may-
akda sa pagsulat ng kuwento.
➢ Ang layuning ito ba ay
akma sa layuning
pampanitikan? Ipaliwanag.
II. MAGBIGAY NG PAGSUSURI SA
MGA SUMUSUNOD:
1. Banghay SIMULA
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
KAKALASAN
WAKAS
2. Sino ang nagkukuwento?
3. Ano ang suliranin sa
kuwento?
4. Paano nalaman ang suliranin?
5. Magbigay ng dalawang (2)
simbolo/simbolismo at paano
nakatulong ang mga
simbolo/simbolismong ito sa
pag-unawa sa kuwento?
III. ANALISIS: (Karagdagan)


Aralin 3 ANG PAGLALAYAG SA PUSO NG
ISANG BATA
Genoveva Edroza Matute

Ang paggunita ng guro sa isang batang kanyang naging mag-aaral.


Isang batang lalaki na maitim, may kaliitan at may kaitiman, siya ay
walong taong gulang pa lamang na bata noon. Isang batang buhay na buhay
sa kanyang mga alaala, ang di pagkalimot sa mukha nito at pangalan nito at
higit sa lahat ang isang bagay na itinuro nito sa kanya. Siya na isang guro
ngunit siya ang naturuan ng munting bata. Isang batang pinakamaliit sa
klase, at isa na din sa pinaka di maganda doon. Isang batang may pipis na
ilong na lubhang kapansin-pansin kung sino man ang titingin ay mahahabag
dito. Kahit ang pagsasalita nito ay iba at ito ay may punto sa paraan ng

Modyul 2
23

pagsasalita. Ngunit ang batang na ito ay kaibig-ibig sapagkat ang batang ito
ay nagpapa-iwan tuwing hapon at ito din ang pinaka huling umalis. Ang
batang ito ang nagliligpit ng mga naiwang panlinis at mag aayos ng klase. At
sa huli nga ito ay magpapaalam sa kanya at sasabihing “Goodbye Teacher”
Sa simula ang pagtataka ng guro sa gawi ng bata, isang mahiyaing
bata na madalas ay pahuli sa kanyang mga kasamahan. Ngunit sa huli
kanyang napagdugtong-dugtong ang mga ito.
Ang bata ay isang ulilang lubos na lumuwas upang maging utusan. Sa
araw siya ay nag-aaral upang makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
kanyang amo.
Ang pagkaramdam ng guro ng kalungkutan para sa bata, sapagkat
gusto niyang makitang masayang nakikisalamuha ang batang iyon sa iba.
Ang paggawa nito ng maliliit na bagay para sa guro ay isang kasiyahan
na para sa bata. Sapagkat sa batang ito ang mahalaga dito ay mayroong
nagmamahal.
Hanggang sa magkaroon ng isang pangyayari, mainit ang ulo ng guro
kung kaya marami siyang mga salitang nasabi na hindi dapat. Nakalimot siya
sa maaring maramdaman ng bata, ang kalungkutan nito. At ang kagustuha
nito na may nagmamahal dito.
Gayun man ang bata ay patuloy pa din sa mga gawain nito sa loob ng
ng klase. Ang pagliligpit ng mga panlinis, pag-aayos ng mga upuan at ag
paghihiwalay nito ng kanyang tsinelas ngunit ang bata ay hindi tumitingin sa
kanya katulad ng dati. Naiisip ng guro na ang bata ay napopoot sa kanya.
Umalis ang bata ng tahimik at ang kanyang mga yabag ay mabibigat. Ngunit
biglang bigla ang bata ay bumalik upang magsabi ng “Goodbye Teacher”,
pagkatapos ay umalis itong muli.
Natulala ang guro sa mga sandaling iyon. Ang bata ang kanyang naging
guro sa mga sandaling iyon. Nagbigay sa kanya ng munting leksyon na dala
niya hanggang sa siya ay nabubuhay.
(Halaw sa https://brainly.ph/question/1882358)

DALOY NG ISIP

Si Genoveva Edroza-Matute ay isang kilaláng kuwentista,


mananaysay, at guro sa Filipino.

Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay


“Leave-taking” at “Land of the Bitter” na nailathala sa
Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly.
Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen-
tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa
karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,”
“Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa
Puso ng Isang Bata.”
(Halaw sa
https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-
matute-genoveva/)

Modyul 2
24

Gawain 1. Pinagsamang kultura…


PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod:
1. Bilang guro sa hinaharap, ano-ano ang iyong mga natatanging katangian?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Magbigay ng iyong ‘di makalilimutang katangian ng iyong mga naging
guro.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Anong suliraning panlipunan ang naipakita ng may-akda sa kuwento?
Talamak pa rin ba ito sa kasalukuyan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
4. Kaiba sa kulturang banyaga ang kabataan noon, sa iyong palagay bakit
nagbago ang kultura ng kabataan ngayon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Ano-anong pagpapahalaga ang nais iparating ng may-akda sa kuwento.
Aling bahagi ng kuwento ito mababasa?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain 2. Integrasyon
PANUTO: Magdownload ng isang awit na may kinalaman sa bata o kabataan.
Ibuod ang mensaheng nais iparating dito.

Gawain 3. Integratibong gawain


PANUTO: Magtala ng mga pambansa at pangglobal na isyung pambata o
pangkabataan. Paano ito nilulutas ng pamahalaan?

Modyul 2
25

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Gamit ang link na https://www.fcc.gov/consumers/guides/batas-
sa-pagprotekta-ng-mga-bata-sa-internet-childrens-internet-protection-
act, Batas sa Pagprotekta ng Mga Bata sa Internet (Children’s Internet
Protection Act), magbigay ng sariling panukala upang ito’y
maisasakatuparan nang maayos.

Basahin ang bahagi ng batas ng CIPA.

Ang mga paaralan at aklatan na napapailalim sa CIPA ay inaatasang


gumamit at magpatupad ng isang patakaran sa kaligtasan sa Internet na
tumutugon sa:

• Pag-access ng mga menor de edad sa mga hindi naaangkop na bagay


sa Internet;
• Kaligtasan at seguridad ng mga menor de edad sa paggamit ng
electronic mail, mga chat room at iba pang uri ng direktang
electronic na komunikasyon;
• Hindi awtorisadong pag-access, kabilang ang tinatawag na “pag-
hack,” at iba pang labag sa batas na aktibidad ng mga menor de edad
online;
• Hindi awtorisadong pagbubunyag, paggamit, at pagpapakalat ng
personal na impormasyon patungkol sa mga menor de edad; at
• Mga hakbang na naghihigpit sa pag-access ng mga menor de edad sa
mga materyal na mapanganib para sa kanila.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________


Aralin 4 IMPONG SELA
Epifanio G. Matute

Noon ay buong kataimtimang minalas ni Impong Sela ang kanyang


lalabing-animing taong apong lalaki sa pagkakahigang walang katinag-tinag.
Sa ilalim ng maputing kumot, ang kanyang apong nakatihaya ay matuwid na
matuwid na katulad ng isang bangkay, walang kakilus-kilos maaliban,
marahil, sa maminsan-minsang pagkibot ng mga labing nanuyo at halos
kasiimputla na ng isperma. Maya-maya’y marahang dinama ng kanyang palad
ang noo ng nahihimlay na maysakit. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga
ay napakislot na animo’y biglang nagulat ngunit hindi rin nabalino sa
pagkakahimbing.

Modyul 2
26

“Maria Santisima!” ang nahihintakutang bulong ni Impong Sela sa kanyang


sarili samantalang iniaangat ang kanyang kamay mula sa pagkakadantay sa
noo ng apo.” Nagbalik na naman ang kanyang lagnat.”
Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa
kanyang dibdib. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang
nakararaan, salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y. . .
Mahal na Ina ng Awa!
Ito’y kanyang ikinababalisa. Nalalaman niyang ang lagnat na
nagbabalik ay lubhang mapanganib. Ano kaya kung ang kanyang apo, ang
kanyang pinakamamahal na si Pepe’y. . . Maawaing langit!
Bakit, hindi ba siya ang maituturing na nagpalaki sa kanyang apong
ito! Kauna-unahan niyang apong lalaki sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki,
sa katauhan ni Pepe ay ibinuhos ni Impong Sela ang lahat na pagmamahal at
pag-aaruga ng isang impo. Hindi halos nalalaman ng mga magulang nito kung
paano siya lumaki. Laki sa Nuno ang tawag sa kanya. At tapat sa kasabihang
iyon, si Pepe’y lumaki sa layaw, sa malabis na pagpapalayaw.
Siya ang naging dahilan ng malimit na pagkakagalit ni Conrado at ni
Impong Sela. May mga pagkakataong ang anak at ang ina ay nagkakapalitan
ng maiinit na sagutan, ngunit kailanman, palaging ang matanda ang
nagtatagumpay. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang
kanyang si Pepe.
At saka ngayo’y. . .
Si Impong Sela’y nagsimulang mag-isip nang malalim. Kailangang si
Pepe’y maligtas sa kuko ng kamatayan. Sa kanyang pagkalito ay pumasok sa
diwa ang gunita ng mga santo, panata, debosyon…
A. . .!
“Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay
ang pagtitirik ng mga mata, “Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo
at magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang
kunin.”
Natatandaan pa niyang ang panata ring yaon ang nagligtas sa kanyang
anak na ama ni Pepe nang ito’y pitong taon pa lamang. Kahimanawari ay ito
rin ang magligtas naman sa kanyang apo!
Maya-maya, ang maysakit ay kumilos. Dahan-dahang idinilat niya ang
kanyang mga matang wari ay nananaginip at saka tumingin-tingin sa kanyang
paligid. Hindi naglaon at namataan niya ang kanyang impo sa kanyang
tabi.Inilabas niya ang kanyang kamay sa kumot at saka iniabot ang kamay sa
matanda.
“Lola.” ang mahinang tawag.
“Oy, ano iyon, iho?” ang tugon ni Impong Sela sabay pihit at yumukod
nang bahagya upang mapakinggan niyang mabuti ang sasabihin ni Pepe.
“Nagugutom ako.”
“Ikukuha kita ng gatas.”
“Ayoko. Sawa na ako sa gatas.”
Ang matanda ay nag-atubili. Gatas, sabaw ng karne, katas ng
dalandan, tsaa, at wala na. Ang mga ito lamang ang maaaring ipakain sa
kanya ayon sa bilin ng doctor.
“Ibig mo ng kaldo, anak?”
“Ayoko!

Modyul 2
27

“Katas ng dalandan?” Kangina lamang umaga’y itinulak niya at


natapon tuloy ang idinulot ng matanda. At si Pepe’y ayaw na ayaw ng tsaa,
noon pa mang siya’y malakas.
“Lola, nagugutom ako!” Ang tinig ni Pepe’y may kahalo nang
pagkainip.
“Sandali lang, iho,” sabay tindig ng matanda at lumabas sa silid.
Pagkaraan ng ilang sandali, Si Impong Sela’y nagbalik na taglay na
kanyang kamay ang isang pinggan ng kaning sinabawan ng sinigang na karne
, at isang kutsara.
“Eto, anak, ngunit huwag kang kakain nang marami, hane?”
Pagkakita sa pagkain, si Pepe’y nagpilit na makaupo ngunit pabagsak
na napahigang muli sa unan. Ang matanda’y nagmamadaling lumapit sa
apong nanghihina.
“Huwag kang pabigla-bigla, iho,” aniya, samantalang inaayos ang mga
unan sa tabi ng dingding.”O, dito ka sumandal.”
Sa tulong ng kanyang lola, si Pepe’y nakasandal din sa unan. At siya’y
sinimulan nang pakainin ni Impong Sela. Isang kutsara. Dalawang kutsara.
Tatlo. Apat. Katulad ng isang hayok na hayok sa gutom ay halos sakmalin ni
Pepe ang bawat subo ng kanyang lola.
“Nanay! Ano ang . . . “ Si Conrado’y patakbong pumasok sa silid at
tinangkang agawin mula kay Impong Sela ang pinggan ng kanin ngunit huli
na! Ang pinggan ay halos wala nang laman.
“Nanay! Wala ba kayong isip?” ang sa pagkabigla ay naibulalas ni
Conrado .
“Hindi ba ninyo nalalaman ang bilin ng doctor na…”
“Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng matanda.
“Nalalaman ko kung ano ang aking ginagawa. Paano lalakas ang bata kung
papatayin ninyo sa gutom? Hindi siya mamamatay sa kaunting kanin. Bayaan
mo siyang mamatay na nakapikit ang mata at huwag nakadilat. Totoooooy!
Neneeeee!”
Ang dalawang maliliit na kapatid ni Pepe’y tumatakbong pumasok sa
loob ng silid.
“Huwag kayong tatakbo! Hindi ba ninyo nalalamang may sakit ang
inyong kapatid? O , kanin ninyo ito,” at idinulot ni Impong Sela sa mga bata
ang natirang pagkain ni Pepe, “sayang kung itatapon itong grasya ng Diyos.”
“Huwag!” ang halos naisigaw ni Conrad. “Inay, hindi ba ninyo
nalalamang si Pepe’y may tipus?”
“E, ano ngayon? Ang mga bata ay mahahawa, hindi ba?” anang
matanda sa tinig na naghahamon. “Ang hirap sa inyo’y pinaniniwalaan
ninyong lahat ang dala rito ng mga Amerikano. May korobyo kuno ang sakit
ni Pepe na siyang makakain ng mga bata.Tse! Bakit noong kapanahunan
naming, walang paku-pakulo ng tubig, walang poso-artesyano, at
nanggagaling lamang sa balon ang aming iniinom na kung minsan ay may liya
pa. Tingnan mo ako. Gaano na ako katanda ngayon? Kung ang karobyong
iyang pinagsasasabi ninyo ay totoo, bakit hindi ako namatay? At kayong mga
tubo sa panahong ito na masyadong delikado sa lahat ng bagay, ilan sa inyo
ang umaabot sa edad naming? Kaukulang lahat iyang pinagsasasabi ninyo.
Kung ibig ng Diyos na ikaw ay mamatay ay mamamatay ka, magpagamot ka
man sa isang libong doctor. Sa kanya ka umasa at huwag sa kalokohan. Kanin

Modyul 2
28

ninyo ito.” ang baling sa mga apo, “ at huwag kayong parang tuod sa
pagkakatayo!”
Si Totoy at si Nene ay nag-atubili at tinapunan ng tingin ang kanilang
amang pagkatapos ng mahabang “sermon” ng kanilang lola ay walang
nagawa kundi ang magsasawalang- kibo na lamang.
“Bakit, natatakot ba kayo?” ang tanong ni Impong Sela sa kanyang
mga apo. Hinagisan pa mandin ng isang irap ang kanyang anak, at saka
hinugot ang tsinelas mula sa kanyang paa. “Tingnan natin kung sino ang
masusunod sa bahay na ito!, Kunin ninyo ito, kung hindi’y…”
Nanginginig na sumunod ang mga bata, samantalang ang kanilang
ama’y tumatanaw na lamang sa labas ng durungawan.
Kinabukasan, si Pepe’y nahibang sa lagnat. Nagbalik ito sa isang
matinding bugso na siyang hindi ikapalagay ng maysakit. Tila siya iniihaw,
pabiling-biling sa hihigan, at nakalulunos kung humahalinghing. Sa mga mata
ni Sinang na kanyang ina ay nalalarawan ang isang paghihirap ng kaloobang
isang ina lamang ang maaaring makadama sa gayong mga sandali,
samantalang minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang
anak. Naroon din si Impong Sela. “Masama ang kanyang lagay.”
Hindi nagkamali ang doctor. Sa loob ng sumunod na oras ay pabali-
balikwas si Pepe sa kanyang higaan at naghihiyaw ng kung anu-anong
ikinakakagat ng labi ng mga nakamamalas. Ang mga luha ni Sinang ay tila
walang-lagot na tanikala. Walang patid. Walang-tila. Ang mga ngipin ni
Conrado’y nagtitiim. Samantalang si Impong Sela ‘y bumubulong ng walang
katapusang mga panalangin.
“Sinang,” ang marahang tawag ng lalaki sa kanyang asawa, “huwag
kang umiyak. Ang mabuti kaya’y dalhin natin siya sa ospital.”
“Ospital? At nang siya’y pabayaang mamatay roon? Hindi! Huwag
ninyong madala-dala si Pepe ka sa ospital. Kung kayo’y nagsasawa nang
mag-alaga sa kanya ay bayaan ninyo kaming maglola.Maaalagaan ko rin
siyang mag-isa. Mabuti ka ngang ama! Noong ikaw ay maliit pa, sa tuwi kang
magkakasakit , ako ang nagtitiyaga sa iyo at hindi kita inihihiwalay sa aking
mga paningin. Kung ito’y hindi mo magagawa sa sarili mong anak ngayon –
hayaan mo’t ako ang gagawa!”
“Ngunit, Nanay!” nasa tinig ni Conrado ang pagsusumamo at
pagmamakaawa.
“Ano ang ating magagawa rito? Kulang tayo sa mga kagamitan.
Samantalang sa ospital. . .”
“Samantalang sa ospital,” kapag si Impong Sela’y nagsimulang
manggagad, siya’y handang makipaglaban, “lalo na’t ikaw ay nasa walang
bayad, ay titingnan ka lamang nila kung kailan ka nila ibig tingnan. Ano ang
kuwenta sa kanila ng isang maysakit na hindi naman nila kaanu-ano?
Mamatay ka kung mamatay ano ang halaga sa kanila niyon? Tingnan mo ang
nangyari kay Kumareng Paula, isang araw lamang sa ospital at. . . Ave Maria
Purisima! Huwag ninyong gagalawin ang apo ko! Hindi maaari!”
Sa mukha ni Conrado ay biglang sumulak ang dugo! Ibig niyang
humiyaw, ibig niyang maghimagsik, ibig niyang magtaklob na ang langit at
lupa!
Ngunit mula sa kanyang nangangatal na mga labi ay walang namutawi
kundi ang impit na “Diyos ko! ! !” Sa gitna ng kanyang pagluha, ang mabait
na si Sinang ay lumapit sa asawa at tinapunan iyon ng isang “hayaan- mo-

Modyul 2
29

na- ang- Nanay” na tingin. Kasabay ang isang malalim na bunting-hininga si


Conrado’y nalugmok sa isang likmuan. Ang salitaan ay napinid na.
Umagang-umaga kinabukasan, nagtaka na lamang sila’t natagpuan
nila sa isang sulok si Impong Selang nananangis, umiiyak na nag-iisa. Siya’y
hindi man lamang tinuluan ng luha nang si Pepe’y naghihirap at saka ngayon
pang si Pepe’y matiwasay na, salamat sa suwerong tinusok sa kanya ng
manggagamot ay saka. . .
“Bakit, Nanay?” ang namamanghang tanong ni Conrado.
“Naiisip-isip ko,” ang kanyang hikbi, “ ang anak na dalagita ni Juan ay
kamamatay lamang noong isang lingo!”
“O, ay ano?” Lalo namang namanghang tanong ng anak na hindi
maiugpong ang pagkamatay ng anak ni Mang Juan sa mga luha ng kanyang
ina.
“Iya’y totoo! Huwag mong pagtatawanan ang matatandang pamahiin.
Marami na akong nakita. Iya’y hindi nagkakabula.”
“Pawang nagkataon lamang ang nakita ninyo. Huwag ninyong guluhin
ang isip ninyo sa kaululang iyan.”
“ Ang isa pa,” ang patuloy ng matandang hindi siya pinapansin,
“kagabi, ang mga manok ay nagputakan. Nang ang nasira mong ama ay
namatay ay ganyan din ang nangyari noong huling gabi bago siya pumanaw.
Kaawa-awang Pepe kooo!”
At…
Kataka-taka o hindi kataka-taka, ang luha ni Impong Sela ay
nagpatuloy ng pagdaloy hanggang ang mga luntiang damo sa ibabaw ng
puntod ng pinakamamahal niyang apo ay halos isang dangkal na ang angat sa
lupa.
(Halaw sa http://panitikanhs2.blogspot.com/2010/07/impong-selamaikling-
kwento-epifanio-g.html)

DALOY NG ISIP

Si Epifanio G. Matute ay naging mamamahayag ng Mabuhay


sa ilalim ng DMHM (Debate, Monday Mall, Herald, Mabuhay).
Naging patnugot rin siya ng mga magasin ng Sampaguita,
Mabuhay, at Pagsilang, at kagawad ng mga magasing
Liwaywayat Malaya.

Siya ay naging pangunahing scriptwriter ng Dramatic


Philippines sa ilalim ng direktor na si Narciso Pimentel, Jr.,
na nakilala sa mga dulang panradyo at pantanghalan. Ang
pinakabantog nilang produksyon ay Kuwentong Kutsero. Ang
Impong Sela ni EGM ay kabilang sa aklat-katipunan ng
UNESCO.
(Halaw sa http://panitikan.ph/2014/06/07/epifanio-g-
matute/)

Modyul 2
30

Gawain 1. Talasalitaan tayo!


PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga piling salita mula sa
kuwento.
1. Sa gayong pagkakadantay, ang nakahiga ay napakislot na animo’y biglang
nagulat ngunit hindi rin nabalino sa pagkakahimbing.__________
2. Ang lagnat ng bata ay nawala na, dalawang araw na ang nakararaan,
salamat sa kanyang santong kalagyo, ngunit ngayo’y.__________
3. Ang matanda’y nakaramdam ng isang biglang bugso ng lungkot sa
kanyang dibdib.__________
4. Hindi niya mapapayagang masaling man lamang ng ama ang kanyang si
Pepe.__________
5. Minamalas niya ang kahambal-hambal na ayos ng kanyang
anak.__________

Gawain 2. Bisang Pandamdamin


PANUTO: Ibigay ang damdaming nakapaloob sa sumusunod na pahayag:
1. “Maria Santisima!”__________
2. “Mahal na Hesus Nasareno!” ang kanyang marahang bulong kasabay ang
pagtitirik ng mga mata, “Para Mo nang awa! Iligtas Mo po ang aking apo at
magsisimba kami ng siyam na Biyernes sa Quiapo. Huwag Mo po siyang
kunin.”__________
3. “Lola.” ang mahinang tawag.__________
4. “Inay, hindi ba ninyo nalalamang si Pepe’y may tipus?”__________
5. “Ow, hayaan mo ako!” ang madaling putol sa kanya ng
matanda.__________

Gawain 3. Matuto tayo!


PANUTO: Isulat ang bisang pandamdamin at bisang pangkaisipan ng mga
tauhan sa kuwentong napag-aralan.

TAUHAN BISANG PANDAMDAMIN BISANG PANGKAISIPAN


Impong Sela
Conrad at
Sinang
Pepe

Iugnay ang mga ito sa tradisyonal at makabagong paraan ng panggagamot.


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

 ANTAS PANITIK
PANUTO: Gamit ang link na
http://ladyreean.blogspot.com/2005/07/impong-sela-ni-epipanio-

Modyul 2
31

matute.html, basahin ang halimbawa ng pagsusuri at bumuo ng sariling


gawa rito. Isagawa ito sa pamamaraang naratibo.

RUBRIK SA GAWAIN

Pag-aanalisa at
paglatag ng katibayan-----------20
Pangangatuwiran-----------------15
Istilo ng pagbuo sa pagsusuri---10
Integrasyon at kabatiran-------- 5
KABUOAN---------------------------50

PAGTATAYA SA MODYUL 2

PANUTO: Kompletohin ang kataga gamit ang 3 N’s.

Natutuhan ko Natuklasan ko na… Ngayon akin nang


na… napagtanto na…

PANUTO: Pumili ng isa (1) sa apat akdang pampanitikang napag-aralan.


Suriin ito gamit ang 4 T’s na talahanayan.

Tauhan

Tagpuan

Tumatak na
pangyayari
Tema

 BUOD NG MODYUL

Modyul 2
32

Sadyang mayaman at malikot ang imahinasyon ng ating mga


manunulat. Maliban sa mga obra ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose
P. Rizal; maituturing ding obra ng panitikan ang umusbong sa pag-usad ng
iba’t ibang panahon.
Binabati kita sa pagkakataong iyong madalumat ang mga gawaing
pangklase sa modyul na ito. Marapat lamang na iyong isabuhay ang mga aral
at pagpapahalaga sa mga akdang pambansa.
Hinihimok ng may-akda na lalo pang pag-ibayohin ang kasigasigan sa
pananaliksik ng iba pang elemento ng panitikan na madadalumat sa modyul
ng Greyd 8 nang sa ganon ay lalalim pa ang iyong kaalaman dito.
Karamihan sa nilalaman ng mga akda ay umikot sa pamilya, suliraning
panlipunan, pangkalikasan at kalakaran ng kabataang tulad mo. Laging
iugnay ito sa iyong sarili nang ika’y lalo pang magsusumikap sa iyong napiling
propesyon.

 PAGLALAPAT

Magsaliksik ng isang napapanahong kuwento o nobela at ibahagi ito


sa klase.
Isaalang-alang ang sumusunod:

1. kaligiran ng bansa
2. kultura
3. kakaibang genre o ambag sa panitikan
4. mga namayagpag na akdang pampanitikan

Modyul 2

You might also like