You are on page 1of 22

UNANG

PAGSUSULIT
Konspeto ng Demand
■ Basahing mabuti ang bawat pangungusap
at unawain ang tanong. Ilagay ang sagot sa
inyong sagutang papel. MALALAKING
LETRA LAMANG ANG PAGSULAT NG
SAGOT.
_____1. Ano ang tawag sa dami ng produkto at
serbisyo na kaya at handang bilhin ng mga
konsyumer sa alternatibong presyo sa isang
takdang panahon?
A. demand B. ekwilibriyo C. produksiyon
D. supply
_____2. Ito ay isang grapikong paglalarawan
ng ugnayan ng presyo at quantity demanded.
A. Demand Curve B. Demand Schedule C.
Demand Function D. Demand Point
_____3. Ang matematikong pagpapakita sa
ugnayan ng presyo at quantity demanded.
A. Demand Curve B. Demand Schedule C.
Demand Function D. Demand Point
_____4. Kapag ang isang produkto ay nauuso
maraming mamimili ang napapagayang bumili nito
dahilan sa pagtaas ng presyo. Anong salik ang
nakaaapekto ng demand?
A. kita B. panlasa
C. dami ng mamimili D. inaasahan ng mamimili
_____5. Marami sa mga konsyumer ang nag-panic buying sa
dahilang may darating na malakas na bagyo. Anong salik ang
nakaapekto sa demand?
A.Panlasa
B.Inaasahan ng mamimili
C. Dami ng mamimili
D. Presyo ng makgkakaugnay na produkto
_____6. Si Mang Elmo ay nagkaroon ng disenteng
trabaho na may mataas na sahod. Kaya ng kanyang
pamilya na tustusan ang kanilang pangangailangan. Alin
sa sumusunod na salik ang nakaaapekto sa demand?
A. Kita B. dami ng mamimili
C. Panlasa D. inaasahan ng mga mamimili
_____7. Tuwang-tuwa si Mary Grace dahil dumami
ang nagpapa-load sa kaniya sapagkat halos lahat ng
mag-aaral sa kanilang barangay ay may celphone.
Ano ang tawag sa mga produktong ito?
A. Komplementaryo B. Maliit
C. Pamalit D. Temporaryo
_____8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakilos sa loob ng
isang kurba ng demand sa pamilihan, ngunit hindi sa paglipat
ng kurba ng demand?
A. Inaasahan ng konsyumer
B. Bilang ng konsyumer
C. Presyo ng produkto
D. Presyo ng ibang produkto
_____9. Nakaka-engganyo na bumili ng isang produkto kapag
marami ang bumibili nito, si Aling Rosa ay nahikayat na
bumili rin. Aling mga pangungusap ang nagpapatunay nito?
A.Maaari ding magpataas ng demand ang bandwagon effect.
B.Nahihikayat ang mga mamimili kapag marami ang bumibili
sa isang produkto.
C.Kapag uso ang isang uri ng produkto tataas ang demand nito
dahil marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa
uso.
D.Lahat ng nabanggit.
_____10. Bilang isang mag-aaral mahalagang
isabuhay mo ang batas ng demand. Papano mo ito
gagawin?
A.Gagastos ayon sa pangangailangan.
B.Marunong nang mag-ipon para sa kagustuhan.
C.Aalamin ang presyo ng produkto sa bawat pagbili.
D.Aalamin ang kalidad ng produkto sa bawat
pagbili.
_____11. Sa isang konsyumer ay may demand
lamang sa isang produkto kapag _____?
A.Ang presyo ng produkto ay mababa.
B.Gusto ng konsyumer na ariin ang produkto.
C.May sapat na suplay ng produkto na mabibili.
D.Ang konsyumer ay kapwa handa at kayang
bilhin ang produkto.
_____12. Sa isang mababang pahilig na kurba ng
demand sa pamilihan para produkto X, kung ang
presyo ngX ay ibababa mula sa Php 100 sa Php 80,
samakatuwid ang ceteris paribus ay:
A. Ang demand sa X ay tataas.
B. Ang demand ng kantidad ng X ay tataas.
C. Ang demand sa X ay bababa.
D. Ang demand ng kantidad ng X ay bababa.
_____13. Bilang isang matalinong mamimili, sa
paanong paraan nagkakaroon ng paglipat sa kurba ng
demand?
A.kung hindi nagagalaw ang presyo.
B.kung walang pagbabagong impluwensya ng di-presyo.
C.kung nagkakaroon ng pagbabago sanhi ng mga
variable na di-presyo.
D.kung walang paggalaw ng pinagbabatayang presyo
bilang variable ng demand.
_____14. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang
nagpapakita ng bandwagon effect?
A.Hindi bumili si Larry ng laptop kahit na mataas man
ang demand nito.
B.Ipinagpaliban ni Ana ang pagbili ng sapatos dahil sa
mataas na presyo.
C.Kumain na lamang si Ben ng tinapay dahil ito lamang
ang meron sa tindahan.
D.Bumili si Inday ng smartphone dahil gusto niyang
makipagsabayan sa uso ngayon.
_____15. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng
microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula
sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa
konsepto ng demand?
A.Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan
ng isang konsyumer.
B.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng
prodyuser sa iba’t ibang presyo.
C.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang
(able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo.
D.Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat
presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang
pangangailangan.
_____16. Bumaba ang benta ng tindahan ni Dennis
simula ng mag-lockdown. Bakit naaapektuhan ang
kanyang benta?
A.Dahil may ibang nagsulputan.
B.Dahil bawal pumunta sa labas.
C.Dahil marami ang tambay sa kalsada.
D.Dahil uwuwi sa probinsiya ang kanyang suki.
_____17. Bakit mahalaga para sa isang prodyuser na
malaman kung ano ang kagustuhan ng konsyumer?
A.Upang madagdagan ang halaga ng bilihin sa nais nilang
presyo.
B.Upang makakuha ng napakaraming suplay sa di-tiyak na
panahon.
C.Upang maibili lahat ng pera sa mga produktong nauuso
na dapat bilhin.
D.Upang mabigyang-kasiyahan ang mga pangangailangan
at kagustuhan ng mga konsyumer.
_____18. Paaano masasabi na ang demand sa produkto ay
tumataas?
A.Naibaba ng mga konsyumer ang lumilitaw na kurba ng
demand.
B.Hangad ng konsyumer na magkaroon pa ng lalong
maraming produkto.
C.Ang mga konsyumer ay handa at kayang bumili ng higit
na maraming kantidad ng produkto sa anumang presyo.
D.Ang mga konsyumer ay handa at kayang magbayad ng
mababang presyo para sa anumang kantidad ng produkto.
_____19. Paano naaapektuhan ng demand ang presyo
bilang variable?
A.Kapag mataas ang presyo, hindi naaapektuhan ang
demand nito.
B.Kapag mababa ang presyo, hindi naaapektuhan ang
demand nito.
C.Kapag mababa ang presyo ng kalakal o paglilingkod,
mataas ang demand para rito.
D.Kapag mataas ang presyo ng kalakal o paglilingkod,
mataas rin ang demand para rito.
20. Alin sa mga sumusunod na datos ang kukumpleto sa schedule batay sa demand
function na: Qd = 50 – 2P.

Presyo Qd

1.) 38

8 2.)

3.) 30

12 4.)

5.) 22

A. (1.)6, 2.)34, 3.)10,4.) 26, 5.)14)


B. (1.)7, 2.)35, 3.)11,4.) 27, 5.)15)
C. (1.)8, 2.)36, 3.)12,4.) 28, 5.)16)
D. (1.)9, 2.)37, 3.)13, 4.)29, 5.)17)

You might also like