You are on page 1of 2

REGION VII

DEPARTMENT OF EDUCATION
DIVISION OF CEBU PROVINCE
District of San Remigio 2
Anapog Integrated School
Anapog, San Remigio, Cebu

2nd Periodic Test in AP 2

Panuto: Sa tulong ng mga salita na nasa loob ng kahon, kilalanin ang tinutukoy ng sumusunod na pahayag.
Isulat ang sagot sa patlang. Supply Curve Demand Curve Demand Schedule Demand Batas ng Demand
Supply
____________ 1. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa
iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.
_____________2. Kapag mataas ang presyo ng produkto, mababa ang demand nito; Kapag mababa ang
presyo ng produkto, mataas ang demand nito.
_____________3. Talahanayan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at demand sa produkto.
_____________4. Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t
ibang presyo sa isang takdang panahon.
_____________5. Kurba na nagpapakita ng direktang relasyon sa pagitan ng presyo at quantity supplied. II.
Panuto: Suriin ang sitwasyon sa ibaba. Isulat ang KN sa patlang kung lilipat pakanan ang supply curve at KL
kung sa kaliwa naman.
______6. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng face mask holder sa pamilihan kaya nahihikayat si
Aling Benilda na magbenta ng ganitong produkto.
______7. Gamit pa rin ni Mang Pablito ang lumang gamit sa pananahi ng mga damit. ______8. Bumaba ang
gastos sa produksiyon ng banana chips ni Aling Sylvia kaya tumaas ang bilang ng mga nabuong produkto.
______9. Hindi muna binenta ng pamilyang Cruz ang kanilang paninda ngayon dahil inaasahang tataas ang
presyo nito sa susunod na linggo.
_____10. Uso ngayon ang online selling kaya marami ang pumapasok sa ganitong uri ng negosyo.
Panuto: Piliin ang wastong sagot. Isulat lamang ang titik sa patlang .
______ 1. Bakit kailangang pag-aralan ang tungkol sa konsepto ng supply?

a. Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng matalinong pagpapasya tungo sa pambansang


kaunlaran b. Nakatutulong ito upang umasenso ang bawat tao c. Nakapagbibigay ito ng kaalaman sa mga
negosyante d. Nakapagbibigay ito ng kaalaman sa mga mamimili

______ 2. Isinasaad sa batas na ito na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity
supplied ng isang produkto.

a. Batas ng Demand c. Batas ng Supply b. Batas Para sa Kababaihan d. Ekwilibriyo

______ 3. Ito ay talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang
presyo.

a. Quantity Demanded c. Supply Schedule b. Quantity Supplied d. Demand Schedule

______4. Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagpapabago ng supply maliban sa: a. Pagbabago
sa halaga ng mga salik ng produksiyon b. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda

c. Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto d. Dami ng mamimil

i ______5. Ito ay matematikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity supplied.

a. Demand Schedule c. Demand Function b. Supply Function d. Supply Schedule

II. Panuto: Tukuyin kung anong salik maliban sa presyo, ang nakaaapekto sa pagbabago ng supply sa
bawat pahayag.

Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot. a. Pagbabago sa Teknolohiya

b. Pagbabago sa halaga ng mga salik ng produksiyon c. Pagbabago sa bilang ng mga nagtitinda d.


Pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto e. Ekspektasyon ng Presyo f. Dami ng Mamimili

______ 6. Nahihikayat ang mga prodyuser na mag-prodyus ng mga nauusong produkto sa pamilihan.
______ 7. Hindi muna ibinenta ang lahat ng sibuyas ng mga negosyante sa kasalukuyan. Balak nilang ibenta
ito sa buwan ng Disyembre dahil inaasahang tataas ang presyo ng sibuyas.
______ 8. Gumamit ng modernong teknolohiya sa pagbuburda ng damit si Aling Susan. Maraming damit
ang nabuburdahan sa araw-araw.

______ 9. Tumaas ang presyo ng harina na sangkap sa paggawa ng tinapay.

______10. Bumaba ang presyo ng bangus kaya ang mga nag-aalaga nito ay lumipat sa pag- aalaga ng tilapia.

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

1. Anong kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga
konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto o serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa
presyong kanilang pinagkasunduan?

a. Disekwilibriyo b. Ekwilibriyo c. Shortage d. Surplus

2. Anong konseptong pang-ekonomiya ang isinasaad sa pahayag sa ibaba? Nangangailangan ng 50 PPEs


(Personal Protective Equipment) ang barangay Sta. Filomena ngunit 45 PPEs lamang ang natira mula sa
supplier ng kanilang lugar.

a. Surplus b. Disekwilibriyo c. Ekwilibriyo d. Shortage

3. Ipagpalagay na ang demand at supply functions ay: Qd= 100 – P Presyo (P)= 40 Qs = - 50 – 2P Ano ang
magiging quantity demanded o dami ng demand?

a. 50 b. 40 c. 60 d. 55

4. Ano ang magiging quantity supplied o dami ng supply?

a. 30 b. 20 c. 40 d. 25

5. Ano ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser?

a. Ekwilibriyong Dami b. Dami ng Supply c. Dami ng Demand d. Ekwilibriyong Presyo

6. Tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.

a. Ekwilibriyo sa Pamilihan b. Ekwilibriyong Presyo c. Ekwilibriyong Dami d. Ekwilibriyo

7. Isang sitwasyon kung saan mas malaki ang dami ng produkto na isinusuplay kaysa dami ng demand.

a. Shortage b. Surplus c. Ekwilibriyo d. Disekwilibriyo

8. Anong lugar o mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkakaroon ng transaksiyon upang
magkaroon ng bentahan?

a. Talipapa b. Karinderya c. Electronic Store d. Pamilihan

9. Bakit mahalagang instrumento o bahagi ng pamilihan ang presyo ng mga produkto nito?

a. Dahil dito kumikita ng malaki ang mga prodyuser


b. Dahil ito ang batayan ng mga mamimili sa pagbili ng mga produkto.
c. Dahil magiging libre ang mga produkto kung walang nakatakdang presyo.
d. Dahil ito ang gumagabay ng konsyumer at prodyuser sa pamilihan upang maging ganap ang
palitan nito.
10. Tinatawag na ______________ ni Adam Smith ang presyo bilang gabay sa ugnayan ng dalawang aktor
sa pamilihan.

a. invisible man b. invisible hand c. invisible guest c. invisible book

You might also like