You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I – ILOCOS REGION
SCHOOLS DIVISION OF LAOAG CITY
BALATONG INTEGRATED SCHOOL
PANGALAN: _________________________________ GRADE & SECTION:_______________
I. Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa bawat aytem. Piliin at itiman ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ang salitang latin na ito ay nangangahulugang ipinagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa
pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
A. Cetera desunt C. Oikonomia
B. Ceteris paribus D. Trade-off
2. Isa sa mga elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o
nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand?
A. Ito ay tumutukoy sa mga produkto na maaring pamalit sa pangangailangan.
B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng prodyuser.
C. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t
ibang presyo.
D. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo na mabibili lahat ng
konsyumer ang lahat ng pangngailangan nila.
3. Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity
demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, ano ang mangyayari sa dami ng gusto at kayang bilhin?
A. Bumaba C. Tumaas
B. Nadagdagan D. Walang pagbabago
4. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang
gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng
prodyuser?
A. Demand C. Produksiyon
B. Ekwilibriyo D. Suplay
5. Isinasaad sa batas ng supply na may direktang ugayan ang presyo at quantity supplied ng isang produkto. Ano ang
mangyayari sa quantity supplied kapag tumataas ang presyo?
A. Bumaba C. Tumataas
B. Humihinto D. Walang pagbabago
6. Isa sa mga paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply
function. Ano ang supply function?
A. Ito ay grapikong paglalarawan ng presyo at quantity supplied.
B. Ito ay nagpapakita ng larawan ng presyo at quantity supplied.
C. Ito ay matematikong paglalarawan ng presyo at quantity supplied.
D. Ito ay talaan na nagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied.
7. Ano ang tawag sa kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga
konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ng mga prodyuser ay pareho
ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan?
A. Ekwilibriyo C. Ekwiliriyong dami
B. Ekwilibriyong presyo D. Disekwilibriyo
8. Ano ang ipinakita sa kalagayan ng pamilihan kapag hindi pareho ang quantity demand at quantity supplied?
A. Disekwilibriyo C. Ekwilibriyong dami
B. Ekwilibriyo D. Ekwilibriyong supply
9. Alin sa sumusunod na larawan ang industriyang HINDI kabilang sa oligopolyo?

A. C.
https://tinyurl.com/ https://tinyurl.com/5e8dwdxd

5pcesnvp

B. D.
https://tinyurl.com/4j2rh986 https://tinyurl.com/4ukxrm7x
10. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may
kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto at serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan.
Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa
pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
A. Department store C. Talipapa
B. Pamilihan D. Tsangge
11. Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng
konsyumer at prodyuser.
A. Estruktura ng pamilihan C. Salik ng produksyon
B. Salik ng pagkonsumo D. Sistemang pang-ekonomiya
12. Sa estruktura ng pamilihang ito ay nagaganap ang tinatawag na product differentiation sa pamamagitan ng
packaging, advertisement, at flavor ng mga produkto.
A. Monopolistik kompetisyon C. Monopsonyo
B. Monopolyo D. Oligopolyo
13. Ano ang tawag sa pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng pamilihan na kilala rin bilang price support?
A. Floor price C. Price clearing
B. Price ceiling D. Price freeze
14. Sa panahong nakararanas o katatapos pa lamang ng kalamidad ng bansa, ano ang ipinapatupad ng pamahalaan
ang pagbaawal sa pagtaas ng presyo sa pamilihan, ano tawag dito?
A. Floor price C. Price ceiling
B. Fix price D. Prize freeze
15. Ito ang tawag sa mga produkto na tumataas ang demand kapag tumaas ang kita ng tao.
A. Common goods C. Luxury goods
B. Inferior goods D. Normal goods
16. Ang Substitution effect at Income effect ay dalawang konsepto ng demand na nagpapaliwanag kung bakit
magkasalungat o inverse ang ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. Alin sa mga konseptong ito ang
nagpahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas
mura.
A. Income effect C. Salary effect
B. Demonstration effect D. Substitution effect
17. Mayroong tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand. Ito ay Demand curve, Demand function
at _____________.
A. Demand goods C. Demand scheme
B. Demand income D. Demand Schedule
18. May mga salik din na nakaaapekto sa demand maliban sa presyo, alin sa mga salik na ito ang nagpapahayag na
nakapagpataas ng demand ng indibiduwal ang dami ng bumibili ng isang produkto dahil nahihikayat ka rin na bumili?
A. Kita C. Dami ng Mamimili
B. Panlasa D. Presyo ng kaugnay na produkto
19. Alin sa sumusunod ang pangunahing salik na nakakaimpluwensiya sa dami ng ipinagbibiling produkto at
serbisyo?
A. Mamimili C. Prodyuser
B. Presyo D. Tindera
20. Alin sa mga konsepto ng suplay ang nagpapakita ng talaan ng ugnayan ng presyo at suplay?
A. Supply assumption C. Supply function
B. Supply curve D. Supply schedule

You might also like