You are on page 1of 4

Camarines Sur National High School

City of Naga
S/Y 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN 9
LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan:______________________________________ Baitang at Seksyon: _________________________


Piliin ang letra ng pinakatamang sagot.
1. Upang maging buo ang konsepto ng demand, kinakailangang magkaroon ng:
A. kahandaan at katiyakan sa pagbili ng produkto at serbisyo
B. kagustuhan at kakayahang bumili ng produkto at serbisyo
C. kapakinabangan st kasiyahan sa produkto at serbisyo
D. katuturan at kaginhawaan sa pagbili ng produkto at serbisyo

2. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng konsyumer sa iba’t-ibang
halaga o presyo.
A. Demand B. Demand Schedule C. Demand Function D. Demand Curve

3. Ayon sa batas na ito, mayroong magkasalungat na uganayan (inversely proportional) ang presyo sa dami
ng produkto o serbisyo sa pamilihan.
A. Batas ng Demand C. Batas ng Supply at Demand
B. Batas ng Supply D. ceteris paribus

4. Ito ay tumutukoy sa grapikal na representasyon ng isang demand schedule.


A. Demand B. Demand Function C. Demand Curve D. wala sa nabanggit

5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang makakapagpataas sa DEMAND ukol sa pagbili ng kotse:


A. oagbaba ng halaga ng car insurance C. pagtaas ng kita ng mamimili
B. patalastas ng nakapaghikayat sa mga konsyumer na D. pagtaas ng presyo ng kotse
gumamit ng bisikleta upang magkaroon ng healthy lifestyle

Para sa bilang 6, gamiting basehan ang Figure 1 sa ibaba upang masagot ang katanungan.

Figure 1

6. Aling paggalaw ang nagpapakita ng pagtaas ng DEMAND para sa fruit snacks?


A. mula point A patungong point B C. mula point A patungong point E
B. mula point A patungong point C D. mula point A patungong point D

7. Ang pagbabawal ng pamahalaan sa mga tv stations na magpalabas ng patalastas para sa alak ay maaaring
magdulot ng:
A. pagbaba ng demand para sa alak C. walang pagbabago sa demand para sa alak
B. pagtaas ng demand para sa alak D. wala sa nabanggit

1
8. Ayon sa batas na ito, mayroong direktang uganayan (directly proportional) ang presyo sa dami ng produkto
o serbisyo sa pamilihan.
A. Batas ng Demand C. Batas ng Supply at Demand
B. Batas ng Supply D. ceteris paribus

9. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga produser sa iba't-
ibang presyo sa isang takdang panahon.
A. Supply B. Supply Schedule C. Supply Function D. Supply Curve

10. Ito ay tumutukoy sa isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng produsyer sa iba't-
ibang presyo sa isang takdang panahon.
B. Supply B. Supply Schedule C. Supply Function D. Supply Curve

11. Ang produksyon ay tumutukoy sa paglikha ng mga produkto at serbiyo upang matugunan ang
pangangailanga ng tao. Alin sa mga sumusunod ang negatibong nakakaapekto sa supply ng kalakal sa
pamilihan?
A. kakulangan ng kaalaman sa pangangalakal bilang isang entreprenyur
B. kawalan ng kakayahan ng lakas paggawa ukol sa wastong pagtatagumpay ng trabaho
C. kakulangan ng puhunan para sa pagtatagupay ng kalakalan
D. lahat ng nabanggit

12. Ang pagbaba ng presyo ng isang produkto ay nagtutulak sa mga prodyuser na bawasan ang bilang ng
produkto na handa nilang ibenta. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng:
A. batas ng supply C. batas ng supply at demand
B. batas ng demand D. wala sa nabanggit

13. Alin sa mga sumusunod na salik ang maaaring makapagpataas sa antas ng produksiyon at supply ng isang
produkto?
A. pagtaas ng sahod ng mga manggagawa C. pag-usad ng tekonolohiya
B. pagtaas ng kita ng mga mamimili D. pagtaas ng singil sa kuryente

14. Alin sa sumusunod ang makakapagpataas ng supply ng gulong ng sasakyan sa pamilihan?


A. pagpataw ng pamahalaan ng karagdagang buwis sa mga kompanyang lumilikha ng gulong
B. pagtaas ng presyo ng goma na ginagamit sa paggawa ng gulong
C. pagkatuklas ng panibagong paraan na makakapagpabilis ng prodkusyon ng gulong gamit ang parehong
dami ng goma
D. pagkalugi ng ilang kompanyang gumagawa ng gulong
15. Ang mga prodyuser ng laptop ay binabaan ang pasahod sa kanilang mga empleyado. Ano ang maidudulot
nitong pagbabago sa laptop?
A. tataas ang supply ng laptop C. walang pagbabago sa supply ng laptop
B. bababa ang supply ng laptop D. tataas ang presyo ng laptop

16, Ang pagtaas ng bilang ng mga fastfood restaurants ay magdudulot ng:


A. pagbaba ng supply ng fastfood meals C. walang pagbabago sa supply ng fastfood meals
B. pagtaas ng supply ng fastfood meals D. wala sa nabanggit

17. Ang interaksyon ng supply at demand ay naipaliliwanag ang:


A. ugnayan ng presyo at dami ng produkto at serbisyo
B. bilang ng produkto at serbisyo; hindi kasama ang presyo nito
C. presyo ng produkto at serbisyo; hindi kasama ang bilang nito
D. wala sa nabanggit

18. Kung ang quantity demanded para sa isang produkto ay 400 subalit ang quantity supplied ay 200, maaaring
magkaroon ng:
A. shortage B. hoarding C. surplus D. equilibrium

2
Para sa bilang 19, gawing basehan ang Figure 2 para masagot ang sumusunod na katanungan.
Figure 2

19. Ang equilibrium price ay:


A. Php 2.00 B. Php 4.00 C. B. Php 8.00 D. Php 6.00

20. Ang equilibrium quantity ay:


A. 400 units B. 300 units. C. 600 units D. 200 units

21. Sa presyong Php 10.00 ay mayroong:


A. surplus na 400 units C. shortage na 200 units
B. surplus na 200 units D. shortage na 400 units.
22. Sa presyong Php 4.00 ay mayroong:
A. surplus na 200 units C. equilibrium quantity na 400 units
B. shortage na 200 units D. quantity supplied na 400 units

23. Sa presyong Php 1,250, karamihan sa mga tindahan ay nagkakaubusan ng stock ng Barbie dolls
sapagkat ang mga konsyumer ay nauubos ito oras na dumating ang delivery. Ito ay nangangahulugang:
A. mayroong surplus ng Barbie dolls at kinakailangang taasan ang presyo nito upang matamo ang
ekwilibriyo
B. mayroong surplus ng Barbie dolls at kinakailangang babaan ang presyo nito upang matamo ang
ekwilibriyo
C. mayroong shortage ng Barbie dolls at kinakailangang taasan ang presyo nito upang matamo ang
ekwilibriyo
D. mayroong shortage ng Barbie dolls at kinakailangang babaan ang presyo nito upang matamo ang
ekwilibriyo

24. Ang LCC Supermarket ay bumibili sa kanilang supplier ng labindalawang (200) cases ng Pepsi bawat
linggo at ibinebenta ito sa halagang Php 280.00 bawat case. Matapos ang isang linggo, nakabenta ang
nasabing kompanya ng 160 cases. Anong sitwasyon ang kinakaharap ng LCC at ano ang dapat gawin sa
presyo ng natitirang case ng Pepsi upang matamo ang ekwilibriyo?
A. surplus; taasan ang presyo C. shortage; taasan ang presyo
B. surplus; babaan ang presyo D. shortage; babaan ang presyo

25. Ito ay tumutukoy sa isang mekanismo na ngayon ay itinuturing na rin na isang lugar, kung saan nagkakaroon
ng interaksyon ang mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng produkto at serbisyo sa takdang presyo.
A. paaralan B. pamilihan C. pamahalaan D. palengke

26. Ang presyo ay instrumento upang magkasundo ang ______________ at _____________ sa pamilihan.
A. nangungutang at nagpapautang C. mamimili at nagbebenta
B. prodyuser at supplier D. konsyumer at mamimili

27. Ang pahayag na presyo ang nagsisilbing mekanismo ng alokasyon sa pamilihan ay nangangahulugang:
A. tanging ng may kakayahan at handang magbayad ang makakakuha ng mga produkto at serbisyo
B. walang katapusan ang demand sa pamilihan

3
C. pabago-bago ang supply sa pamilihan
D. limitado ang pinagkukunang-yaman sa pamilihan

28. Ang mekanismo ng pamilihan ay umiiral kung nagkakaroon ng _______________ sa pamilihan.


A. kompetisyon C. kasiyahan
B. katahimikan D. katuturan

29. Isang pagkakaiba sa pagitan ng pamilihang may ganap na kompetisyon (perfect competition) at
monopolistikong kompetisyon ay:
A. mas kaunti ang bilang ng prodyuser sa isang ganap na kompetisyon kaysa sa monopolistikong
kompetisyon
B. ang uri ng produkto sa ganap na kompetisyon ay differentiated samantalang sa monopolistikong
kompetisyon ay homogenous
C. sa ganap na kompetisyon, walang sinuman sa prodyuser at konsyumer ang may kontrol sa presyo;
samantalang sa monopolistikong kompetisyon ay prodyuser ang may kontrol sa presyo
D. sa ganap na kompetisyon, kailangan pang gawan ng patalastas; samantalang sa monopolistikong
kompetisyon, hindi na kailangan pang gumawa ng anunsyo o advertising

30. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasabi ng katotohanan ukol sa oligopolyo?
A. ito ay binubuo ng iilan o kakaunting prodyuser
B. maaaring magkaroon ng sabwatan o kasunduan sa pagitan ng mga prodyuser
C. ang mga prodyuser ang nagtatakda ng presyo sa pamilihan
D. madaling makapasok at makipagkompetensya sa mga kasalukuyang nagbebenta sa pamilihan

31. Ang crude oil na sinusuplay ng kakaunting bilang ng mga Middle Eastern countries ay halimbawa ng
anong estruktura ng pamilihan?
A. ganap na kompetisyon C. oligopolyo
B. monopolistikong kompetisyon D. monopolyo

32. Anong uri ng produkto mayroon ang isang monopolyo?


A. homogenous C. natatangi o walang kapalit
B. differentiated D. mamahalin

33. Ang paglagay ng price control ay isang halimbawa ng impluwensiya ng pamahalaan sa pamilihan. Isang
halimbawa nito ay ang paglalagay ng pinakamababang presyo sa produkto. Ito ay tinatawag na ___________
A. price ceiling C. market clearing price
B. price floor D. price tag

34. Kung ang presyo ng pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga
mamimili, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Ano ang tawag sa patakaran ng
pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan?
A. price ceiling C. market clearing price
B. price floor D. price tag

35. Ang price floor ay naglalayong tulungan ang __________________, habang ang price ceiling na man ay
para sa ikabubuti ng ______________.
A. konsyumer; walang sinuman C. pamahalaan; mga konsyumer
B. pamahalaan; mga prodyuser D. mga prodyuser; mga konsyumerto?

36. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
A. panghuhuli sa illegal vendors
B. pagtatakda ng price ceiling at price floor
C. pagtataguyod ng mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
D. panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang negosyo

37. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahihirapan makakuha ng trabaho matapos ang isang panukalang
batas ng pamahalaan ukol sa pagtaas ng minimum wage rate o pasahod sa mga manggagawa sa bansa?
A. mekaniko na may labinlimang taon na karanasan sa pag-aayos ng sasakyan
B. guro na may doctorate degree
C. working student na may limitadong kaalaman at karanasan
D. wala sa nabanggit

You might also like