You are on page 1of 3

Araling Panlipunan (Ekonomiks 9)

Ikalawang Markahang Pagsusulit


Pangalan:___________________________________ Grade & Section:________________ Date:___________
TEST I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang tamang sagot at titik lamang ang isulat sa iyong sagutang
papel
1.Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon.
a.Supply b. Demand c. Price Elasticity d. Demand Curve
2. Isinasaad _______na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto.
a. Price Elasticity b. Batas ng Supply c. Batas ng Demand d.Demand Schdule
3.Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tutugon sa pagbabago ng presyo |ε| = 0
a.Elastic b. Inelastic c. Unitary d.Perfectly Inelastic
4. Ilan ang Quantity Demanded kung ang P=5, a=60, b=10?
a.10 b.15 c.12 d.5
5.Ano ang tawag sa grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded?
a.Demand Curve b. Demand Schedule c. Demand Function d.Demand Elasticity
6.Ito ay tumutukoy sa bahagdan ng pagbabago sa dami ng demand o supply batay sa pagbabago sa presyo.
a. Elasticity of Supply b. Elasticity c.Demand Elasticy d. Elastic
7.Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25 nakabili ka ng 5 bareta ng
sabon. Kompyutin ang price elasticity ng demand.
a.-4.47 b.4.77 c.-4.77 d.4.47
8.Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula sa itaas , pababa, pakanan o downward sloping curve, ito ay
nagpapahiwatig ng_____________.
a.walang ugnayan ang demand sa presyo b.hindi nagbago ang presyo ayon sa demand
c.negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand d.inverse na ugnayan ng presyo sa dami ng demand
9.Tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang
takdang panahon.
a.Demand b.Elasticity c.Supply d.Elasticity of Supply
10.Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa batas ng supply?
a. Mayroong inverse na ugnayan ang presyo at quantity supplied ng isang produkto
b. Mayroong direktang o positibong ugnayan ang presyo at quantity demanded ng isang produkto.
c. Mayroong direktang o positibong ugnayan ang presyo at quantity supplied ng isang produkto.
d. Mayroong inverse na ugnayan ang presyo at quantity demanded ng isang produkto
11.Kompyutin ang Qs kung ang presyo ay Php10 gamit ang supply function na QS=0+10P.
a.25 b.20 c.15 d.10
12.Ang sumusunod ay mga salik na nakaapekto sa supply maliban sa isa.
a. Pagbabago ng teknolohiya b.Pagbabago sa halaga ng mga salik sa produksiyon
c.Pagbabago sa bilang ng nagtitinda d.Pagbabago sa kita
13.Ipagpalagay na tumaas ang presyo kada bote ng gatas mula Php30 at ngayon ay naging Php40.
Ang Quantity supplied na dati 100 naging 150 na. Kompyutin ang priced elasticity ng supply.
a.2.4 b.3.4 c.4.4 d.1.4
14.Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura, ano ang tawag
dito?
a. Income Effect b. Substitution effect c. Price Effect d. Demand
15.Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at Quantity Demanded?
a. Demand Function b.Demand Schedule c. Demand Curve d. Demand Elasticity
16. Ayon kay ______sa kaniyang aklat na Essentials of Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng
kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser.
a. Adam Smith b. Gregory Mendell c.Gregory Mankiw d. Nicholas Smith
17. Bakit mahalaga ang konsepto ng price elasticity of supply para sa mga prodyuser?
a.Upang malaman ng mga konsyumer ang dami ng bibilhin
b. Dahil sila ang nagtatakda ng presyo
c.Upang malaman kung tataas ba ang presyo
d. Upang makaagapay sa pagbabago nang sa gayon ay makuha ang ninanais na kita.
18.Alin sa sumusunod na pahayag tungkol sa supply ang hindi tama?
a.Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser
b.Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang gusto at kayang bilhin
c.Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang gusto at kayang bilhin
d.Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili
19. Sino ang nagpakilala ang konsepto ng elasticity sa ekonomiks?
a.Adam Smith b.Alfred Marshall c.Nicholas Gregory Mankiw d. Marshall Smith
20. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang
ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
a. Ekwilibriyo b Presyo c. Pamilihan d. Pamahalaan
21. Ito ay nararanasan kung ang Quantity Supplied ay mas kaunti sa Quantity Demanded.
a.Shortage b. Surplus c. Price Frreeze d. Inflation
22. Anumang sitwasyon sa kalagayan na hindi pareho ang Quantity Demanded at Quantity Supplied
a. Ekwilibriyo b. Shortage c.Surplus d. Disekwilibriyo
23.Ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser.
a.Ekwilibriyong dami b. Ekwilibriyo c. Price support d. Ekwilibriyong Presyo
24.Ito ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
a.Pamilihan b.Pamahalaan c.Prodyuser d.Konsyumer
25. Gamit ang demand at supply function na Qd=60-10P, Qs=0+10P kompyutin ang ekwilibriyong presyo.
a.1 b.2 c.3 d.4
26. Gamit ang demand at supply function na Qd=60-10P, Qs=0+10P kompyutin ang ekwilibriyong dami.
a.10 b.20 c.30 d.40
27. Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinakita ang ugnayan ng konsyumer at
prodyuser.
a.Estruktura ng Pamilihan b. Pamilihan c. Pamahalaan d.Pamilihang Ganap
28.Paano nagkaroon ng ugnayan ang pamahalaan at pamilihan?
a.Ang pamahalaan ang nagtatakda sa lahat ng presyo ng produkto
b.Sa pamilihan bumibili ng mga produkto
c.Pamahalaan ang may-ari ng pamilihan
d.Isinasaayos ng pamahalaan ang kaguluhan sa pamilihan at kabuuan ng ekonomiya
29.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi tama tungkol sa price ceiling.
A.Itinatakda ito kapag ang equillibrium price ay masyadong mataas sa pananaw ng mga konsyumer
B.Ang price ceiling ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium price.
C.Nagdudulot ng shortage
d.Kilala bilang price support o minimum price policy
30.Kilala bilang price support o minimum price policy na tumutukoy sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga
produkto at serbiisyo
a.Price Floor b.Price Ceiling c.Price Floor d.Price Policy
31.Kilala sa katawagang maximum price policy o pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang
kanyang produkto.
a. Price Control b.Price Policy c.Price Ceiling d. Price Floor
32.Ito ay ang _______, na siyang instrument upang maging ganap ang palitan sa pagitang ng konsyumer at prodyuser.
a. Supply b.Presyo c.Demand d.Elasticity
33.Ang patakaran ito ay isang pamamaraan upang mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng nasabing
produkto lalo na sa panahong ng krisis.
a.Anti Profiteering Law b. Minimum Wage Law c.Suggested Retail Price d.Price Stabilization Program
34. Paano nagkaiba ang price floor at price ceiling?
a. Ang price floor ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium price samantala ang price ceiling ay mas mataas sa equilibrium price.
b. Ang price ceiling ay itinatakda na mas mababa sa equilibrium price samantala ang price floor ay mas mataas sa equilibrium
price.
c. Ang price ceiling ay nagdudulot ng surplus samantala ang price floor ay nagdudulot ng shortage.
d. Itinatakda ang price floor kapag ang equillibrium price ay masyadong mataas sa pananaw ng mga konsyumer price ceiling kapag
mababa.
35. Hanapin ang presyo kung ang b=20, a=300, Qd=200.
a.5 b.10 c.15 d.20
36.Kompyutin ang ekwilibriyong presyo gamit ang supply at demand function na. Qs=70+10P at Qd=100-20P
a.1 b.2 c.3 d.4
36. Gamit ang supply at demand function sa bilang 36 hanapin ang ekwilibriyong dami nito.
a.100 b.90 c.80 d.70
37.Ipagpalagay na ang presyo ng kendi ay 4, ilan ang quantity supply nito kapag ang a=0 at b=10?
a.50 b.40 c.30 d.20
38.Paano inilarawan ng supply curve ang batas ng supply?
a. Ang pagtaas ng presyo ay nakapagpababa ng supply
b.Ang paglipat ng supply curve sa kaliwa ay nagdudulot ng pagtaas ng supply
c. Kapag ang kurba ay gumalaw mula ibaba , pataas at kanan ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at
quantity supplied
d.Ang pagbaba ng presyo ay nagdudulot ng pataas ng supply
39. Ito ay estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o ideal.
a.Monopolyo b. Monopsonyo c.Pamilihang may ganap na kompetisyon d. Paamilihang may di ganap na kompetisyon.
40.Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng podukto o nagbibigay serbisyo
a.Monopsonyo b. Monopolyo c. Oligopolyo d.Monopolistic Competition
TEST II. Panuto: Hanapin sa hanay B ang sagot sa hanay A. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.
HANAY A HANAY B
1. Ito ay estruktura ng pamilihan na kinikilala bilang modelo o a.RA 9374
ideal. b.Ekwilibriyong Presyo
2. Uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na c.Nicholas Grfory Mankiw
gumagawa ng podukto o nagbibigay serbisyo d. Price Elasticity of supply
3. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay e.Unitary
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. f. RA 602
4. Tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng g. Monopsonyo
merkado kung saan ipinakita ang ugnayan ng konsyumer at h.Pamilihan
prodyuser. i.Estruktura ng Pamilihan
5. Ito ang nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang j.Pamahalaan
konsyumer ang sagot sa marami niyang pangangailangan at k.Monopolyo
kagustuhan. l. Pamilihang may ganap na kompetisyon
6. Ang tawag sa pinagkasunduang bilang ng mga produkto
o serbisyo
7. Ayon kay ______sa kaniyang aklat na Essentials of
Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo
ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser.
8.Paraan na ginagamit upang masukat ang magiging
pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser tuwing
may pagbabago sa presyo.
9. Uri ng price elasticity of supply kung saan pareho ang
bahagdan ng pagbabago ng presyo at supply.
10. Batas na nag-uutos sa mga employer na bigyan ng hindi
bababa sa minimum wage sa isang manggawa.

Inihanda ni:
CHRISTINE J. LAMAN
Araling Panlipunan Teacher

Iniwasto ni:
JOSE M. GONZALES
Principal II

You might also like