You are on page 1of 6

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9

S.Y. 2022- 2023

Pangalan: Grado at Pangkat: Iskor:

PANUTO : Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang bawat tao ay may mga pangangailangan at kagustuhan na nais niyang matugunan sa pang-araw-
araw niyang pamumuhay. Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng salitang Demand?
A. Dami ng produkto at serbisyong handang bilhin ng mga mamimili sa iba't-ibang halaga o presyo.
B. Dami ng produkto at serbisyo na tumutugon sa pangangailangan at kagustuhan ng mamimili.
C. Dami ng produkto at serbisyong handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba't-ibang halaga o
presyo.
D. Dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba't-ibang halaga o
presyo.

2. Si Mang Ramon ay nagtitinda ng isda sa palengke. Madalas na nauubos ang kaniyang paninda kung
kaya nakakabili siya ng lechong manok na siyang paboritong ulam ng kanyang mag-anak. Nagkataon na
nagkasakit si Mang Lito at hindi na muna siya nakapagtinda ng isda, kung kaya ang Sardinas na hindi nila
dating inuulam ang siya nang kinukunsumo ng kanilang pamilya sa kasalukuyan. Ano ang tamang
termino para sa kinunsumong Sardinas ng pamilya ni Mang Lito?
A. Inferior goods C. Relief goods
B. Normal goods D. Subsidy goods

3. May nagpadala ng facebook link kay Flor sa kanyang messenger. Binuksan niya ito at napag alaman na
mayroong live selling ng mga mura at magagandang “Ukay-Ukay” na damit. Nakita niyang may mga
kaibigan at kakilala siyang nanonood din at nag uunahang mag "Mine" ng kanilang mga orders.
Naganyak si Flor at hindi namalayang, marami-rami na rin siyang naorder mula sa live selling. Alin sa
sumusunod na salik na nakakapagpabago sa demand ang kaugnay sa nangyari kay Flor?
A. Panlasa C. Dami ng Mamimili
B. Presyo ng Magkaugnay na Produkto D. Espektasyon ng mamimili

4. Tingnan ang pigura sa kanan. Sa ekonomiks, ano ang ipinapakita nito?


A. Iskedyul ng Demand C. Kurba ng Demand
B. Demand Elasticity D. Iskedyul ng Supply

5. Sa Pilipinas, ipinagdidiriwang ang Mayo 1 bilang " Araw ng mga Manggagawa". Sa araw na ito
inaaprubahan ang dagdag na umento sa sahod ng mga manggagawa ng mga pampubliko at pribadong
kompanya. Ayon sa konsepto ng demand, ang mga mamimili ay komukonsumo pa rin ng mga produkto
at serbisyo kahit na may pagtaas sa presyo sa mga panahong ito. Ano ang nagpapaliwanag dito?
A. Subsitution effect C. Income Effect
B. Complimentary effect D. Normal Effect

6. Paboritong ulam ng mag-anak ni Aling Fe ang Beef Bakareta. Sa pamimili niya sa palengke nakita niyang
napakataas ang presyo ng karne ng baka na siyang pinakasangkap ng kanyang menu sa Pasko. Dahil
dito, bumili na lamang siya ng karne ng manok na ipampapalit niya sa karne ng baka. Naging matalino ba
si Aling Fe sa sitwasyong ito?
A. Oo, dahil naghanap siya ng pamalit sa produkto na may mababang presyo.
B. Oo, dahil nakatipid siya sa kanyang biniling produkto.
C. Hindi, dahil hindi na ito kakainin ng kanyang pamilya.
D. Hindi, dahil dapat niyang tanggapin na tumataas ang presyo ng mga produkto sa isang
takdang panahon

7. Suriin ang Demand Schedule sa kanan. Alin sa mga


sumusunod na pormula ng demand function ang nagpapakita ng
katumbas na datos sa schedule ng demand?
A. Qd= 500-50P C. Qd= 600-25P
B. Qd= 500-15P D. Qd= 500P+25P

8. Saan nagagamit ang Ceteris Paribus Assumption sa mga sumusunod na sitwasyon?


A. Bagsak presyo ang mga imported na Hamon at Keso na tinda ni Kemmy kung kaya mataas ang
demand nito.
B. Masarap at de kalidad ang mga Cakes na gawa ni Donna kahit na mataaas ang presyo kumpara sa
karamihan.
C. Inaasahan nang mababa ang porsyento ng mga mapipinsalang tatamaan ng paputok sa Bagong Taon
dahil sa limitasyon ng pagbebenta ng mga malalakas na fire crackers.
D. Nakahilera sa sidewalk ang mga nagtitinda ng magkakaparehong prutas panghanda sa Bagong Taon.

9. Kamakailan lang marami ang nagtataka sa pagtaas sa presyo ng Sibuyas sa pamilihan. Maraming
espekulasyon ang naglalabasan ng mga dahilan kung bakit ito ay nararanasan. Alin sa mga sumusunod na
sitwasyon ang illegal at hindi katanggap-tangap?
A. Dahil sa mas madalas ang pag-ulan na naranasan ng halos buong bansa, naapektuhan ang
produksiyon ng sibuyas na nakaasa sa mas tuyong lupa at mainit na panahon.
B. Hindi na makapasok ang mga imported na sibuyas sa Pilipinas kaya nagkakaubusan ng supply nito sa
pamilihan at nagtutulak sa pagtaas ang presyo nito.
C. Maraming mga negosyante ang nagtatago ng kanilang supply ng sibuyas upang mas tumaas lalo ang
presyo nito sa susunod na mga araw.
D. Dahil sa kakaunti na lamang ang growers o tagapagtanim ng Sibuyas kaya nagkakaubusan ang suplay
nito sa pamilihan.

10. Piliin ang tamang representasyon na tumutukoy sa Konsepto ng Batas ng Demand, Gamitin ang mga
simbolo sa sumusunod na interpretasyon:
P= Presyo, D=Demand , = Pataas = Pababa
A. B. C. D.

11. Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na
lumikha o magsuplay ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ano ang ibig sabihin ng
salitang Supply?
A. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handang ipagbili ng mga prodyuser sa ibat-ibang presyo
sa isang takdang panahon.
B. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong handa at kayang bilhin ng mamimili sa ibat-ibang
presyo sa isang takdang panahon.
C. Tumutukoy sa dami ng produkto na handang bilhin ng mamimili sa pamilihan.
D. Tumutukoy sa dami ng produkto at sebisyong ginugustong bilhin ng mamimili sa pamilihan.
12. Noong 2022, dumating ang bagyong Agaton at Paeng na nag-iwan nang malaking pinsala dahil sa
malawakan at lagpas bahay na pagbaha sa buong Probinsya ng Capiz. Dahil dito ang mga Real Estate
Developer ay mas pinalawak pa ang lupaing denebelop na hindi naaabot ng baha. Kasabay nito ang
pagtaas ng halos doble sa dating presyo. Gayunpaman marami pa rin ang bumili ng mga nasabing lupain
dahil sa takot na sila ay muling bahain sa dati nilang tinitirhan. Piliin sa mga sumusunod na salik na
nakaapekto sa supply ang naaayon sa sitwasyon.
A. Pagbabago sa Teknolohiya C. Pagbabago sa Halaga ng mga salik ng produksiyon
B. Ekspektasyon sa Presyo D. Pagtaas ng Presyo.

13. Sa tuwing magbabagong taon, bumibili ng stocks ng mga papaputok ang Association of Firecrackers
Cooperative - Capiz Chapter mula sa mga pabrika ng Bocaue, Bulacan. Dahil sa kontrolado ng kanilang
mga miyembro ang presyo ng supply na paputok sa Probinsya, kahit na mataas ang presyo nito, patuloy
pa ring bumubili ang mga tao. Kaya tuloy-tuloy din ang orders nila ng mga paputok galing sa mga pabrika.
Piliin sa mga pigura ang tamang representasyon ng paglipat ng supply curve batay sa sitwasyon.
A. C.

B. D.

14. Piliin at suriin ang mga kompanyang nakahanay sa Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon bilang
Monopolyo.
A. CAPELCO, MRWD, LRT C. PROCTER & GAMBLE, UNILEVER, NESTLE
B. PLDT, GLOBE, DITO D. MC DONALD’S, KFC, JOLLIBEE

15. Noong March 27, 2019 inilabas ng U.S. District Court ng Florida ang hatol at pinagbabayad ang 27
piratang websayt opereytor ng 27 milyon dolyar bilang danyos sa ABS-CBN Corporation dahil sa
pagpalabas nila ng drama at pelikula na walang pahintulot sa kompanya. Ano ang legal na dokumento
ang pinanghahawakan ng ABS-CBN upang ipaglaban ang kaso?
A. License C. Copyright
B. Trademark D. Patent

16. Ito ay tumutukoy sa uri ng balangkas ng Estruktura ng Pamilihan na kung saan ang sinumang negosyante
may kalayaang pumasok at lumabas sa anumang negosyong legal bilang bahagi ng industriya.
A. Monopsonyo C. Monopolyo
B. Oligopolyo D. Pamilihang may Ganap na Kompetisyon

17. Ang Balangkas ng Estruktura ng Pamilihan na ito ay tumutukoy sa iisang konsyumer na kumukunsumo sa
maraming bilang ng ipinagbibiling produkto at serbisyo.
A. Monopsonyo C. Monopolyo
B. Oligopolyo D. Pamilihang may Ganap na Kompetisyon

18. Sa estrukturang ito, iisa lamang ang nagtitinda ng walang kauring produkto.
A. Monopsonyo C. Monopolyo
B. Oligopolyo D. Pamilihang may Ganap na Kompetisyon

19. Ang tawag sa inilalagay na simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nag mamay-ari nito.
A. Patent C. Trademark
B. Copyright D. Intellectual Property Rights

20. Tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao o kompanya na maaring kabilang ang mga akdang
pampanitikan (literary works) o akdang pansining (artistic works).
A. Patent C. Trademark
B. Copyright D. Intellectual Property Rights

21. Ito ay isang na napapaloob sa isang sertipiko at iginagawad ng Gobyerno sa isang imbentor upang
mapagbawalan na gayahin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ng bansa ang imbensyon na walang
pahintulot galing sa imbentor. A.
Patent C. Trademark
B. Copyright D. Intellectual Property Rights

22. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser sa kanyang produkto
mula sa mandato ng gobyerno.
A. Price Floor C. Price Ceiling
B. Price Freeze D. Retail Price

23. Ito ay tumutukoy sa uri ng pagkontrol ng Pamahalaan na nagpapahinto sa paggalaw ng presyo ng mga
bilihin pagkatapos ng matitinding kalamidad, natural man o gawa ng tao na tumama sa isang komunidad.
A. Price Floor C. Price Ceiling
B. Price Freeze D. Retail Price

24. Ang ________ ay isang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng Presyo (P)at Quantity Supplied (QS).
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Demand Function D. Supply Curve

25. Mangyayari ang paglipat ng Supply Curve kung may pagbabago sa salik na ________________.
A. Presyo C. Presyo ng Supply
B. Di-Presyo D. Di-Presyo ng supply

26. Isang talaan na nagpapakita ng ugnayan ng Presyo (P)at Quantity Supplied (QS) ang ____________.
A. Supply Schedule C. Supply Function
B. Demand Function D. Supply Curve

27. Nais magbenta ng mga negosyante ng isang kalakal kung ________________ ang halaga nito.
A. mababa C. mataas
B. balance D. kulang
Para sa bilang 28-32 P
QS ng sibuyas
28. Ano ang ipinapakita ng Supply Curve sa graph?
A. Ang Supply ay bumaba C. Ang Supply ay tumaas
B. Ang Supply ay balanse D. Ang Supply ay sapat

29. Mula sa unang Supply Curve (S1), ano ang (QS) Quantity Supplied ng sibuyas sa presyong 40?
A. 600 kilo C. 500 kilo
B. 800 kilo D. 700 kilo

30. Mula sa ikalawang Supply Curve (S2), ano ang (QS) Quantity Supplied ng sibuyas sa presyong 40?
A. 600 kilo C. 500 kilo
B. 800 kilo D. 700 kilo

31. Ayon sa Supply Curve (S1), ang prodyuser ay handang magbenta ng 600 kilo ng sibuyas sa anong
presyo?
A. 20 C. 40
B. 30 D. 50

32. Mula sa ikalawang Supply Curve (S2), ang prodyuser ay handang magbenta ng 700 kilo ng sibuyas sa
anong presyo?
A. 20 C. 40
B. 30 D. 50

Para sa bilang 33-37

Produkto: Bawang

33. Ano ang tawag sa talaan na ipinakita sa itaas?


A. Supply Schedule C. Market Schedule
B. Demand Schedule D. Equilibrium Schedule

34. Ayon sa talaan sa itaas, pantay ang dami ng Demand at Supply ng bawang sa presyong 130 kada kilo.
Ano ang tawag sa presyong 130?
A. Ekwilibriyong presyo C. Ekwilibriyong dami
B. Ekwilibriyo D. Ekwilibriyong iskyedyul

35. Ayon sa talaan sa itaas, pantay ang dami na 60 kilos ang Demand at Supply ng bawang sa presyong 130
kada kilo. Ano naman ang tawag sa dami na 60 kilos?
A. Ekwilibriyong presyo C. Ekwilibriyong dami
B. Ekwilibriyo D. Ekwilibriyong iskyedyul

36. Anong mga presyo mula sa talaan na nasa itaas ang mayroong surplus or kalabisan ng supply ng
bawang?
A. 140, 150, 160 C. 120, 130,140
B. 100, 110, 120 D. 130, 140, 150

37. Anong mga presyo mula sa talaan na nasa itaas ang mayroong shortage or kakulangan ng supply ng
bawang?
A. 140, 150, 160 C. 120, 130,140
B. 100, 110, 120 D. 130, 140, 150

38. Malawak ang naging pinsala ng Bagyong Agaton noong Abril 2022 sa mga produktong agrikultura
(agriculture) at akuwakultura (aquaculture) sa Probinsya ng Capiz. Ano ang naging epekto nito sa presyo
at supply ng seafoods sa Probinsya?
A. Tumaas ang presyo dahil bumaba ang supply C. Bumaba ang presyo dahil tumaas ang supply
B. Balanse ang Presyo at ang supply D. Pumantay ang presyo at dami ng supply

39. Mayroong liga ng basketball sa plaza ng Barangay Loctugan. Dahil sa dami ng mga manlalaro at
manonood ng liga, naging patok ang nag-iisang food cart business ni Lance na may tindang milk tea at
siomai. Nang mga sumunod na araw marami nang mga food cart ang nakahilera sa gilid ng basketball
court na may magkakaparehong tinda. Ano ang mangyayari sa supply at presyo ng siomai at milk tea?
A. Tataas ang supply at tataas ang presyo C. Bababa ang supply at tataas ang
presyo B. Balanse ang supply at bababa ang presyo D. Tataas
ang supply at bababa ang presyo

40. Sunod-sunod ang anunsiyo nang pagtaas sa presyo ng petrolyo na umaabot hanggang P20.00 sa loob
ng isang linggo. Ano ang magiging epekto nito sa singil sa pasahe?
A. Tataas ang singil sa pasahe
B. Bababa ang singil sa pasahe
C. Walang pagbabago sa singil sa pasahe
D. Libre ang pasahe sa jeep.

41. Noong Marso 2020 napailalim ang buong Probinsya ng Capiz sa Enhanced Community Quarantine
(ECQ) dahil sa COVID 19 virus, marami ang hindi nakapaghanda sa nasabing pandemya. Kung kaya
ang pinakamahalagang gamit noon upang makalabas ng bahay ang mga nasa hustong gulang na tao ay
ang facemask at face shield. Piliin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang ugnayan
ng supply, demand at presyo para sa facemask at face shield?
A. Mataas ang demand ng facemask at face shield ngunit kulang sa supply kaya mataas ang presyo ng
mga ito.
B. Mababa ang demand ng facemask at face shield ngunit mataas ang supply kaya mababa ang presyo
ng mga ito.
C.Mataas ang supply ng facemask at face shield ngunit mababa ang demand kaya mababa din ang
presyo ng mga ito.
D.Mababa ang supply ng facemask at face shield ngunit mataas pa din ang presyo ng mga ito.

42. Piliin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng ekwilibriyo sa demand at supply at ng presyo
nito.
A. Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison o Red Tide sa mga Coastal Barangay ng
Lungsod ng Roxas, nagdulot ito ng pagtaas ng presyo sa mga Sea Shells, Tahong at Talaba. Bukod
dito naging matumal ang pagdating ng mga kustomer sa mga kainan na matatagpuan sa Barangay
Baybay dahil sa takot na malason.
B. Mahigpit na binabatanyan ng Probinsya ng Capiz ang mga karne ng baboy na nanggagaling sa Iloilo
dahil sa nararanasang outbreak ng African Swine Fever virus ng kanilang Probinsya. Dahil dito
bumaba ang presyo ng mga karneng baboy upang maibenta lamang ito sa merkado.
C. Magaganda at branded ang mga Ukay-Ukay na damit na ibinebenta ni Nita sa kanyang live selling.
Ngunit napakamahal ng presyo nito kung kaya wala halos “miners” o mga bumibili sa kanyang
paninda.
D. Nagkasundo sa presyo ang mga namamakyaw at mangingisda sa mga bagong huling isda na
idinaong sa fishing port, kung kaya agad na natapos ang kanilang transaksiyon at nagsipag-uwiang
masaya.

43. Pagpatak ng Alas Singko y Medya ng hapon, pinahihintulutan nang maglatag sa “sidewalk” ng
Roxas City Public Market ang mga nagtitinda ng mga tingi-tinging gulay at prutas. Sa anong balangkas
ng Estrukturang pamilihan ito nakahanay?
A. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon C. Pamilihang Balanse ang Kompetisyon
B. Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon D. Pampamilihang Kompetisyon

44. Tanging ang Capiz Electric Cooperative lamang ang nagsusuplay ng kuryente sa buong
Probinsya ng Capiz. Sa anong balangkas ng Estrukturang pamilihan ito nakahanay?
A. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon C. Pamilihang Balanse ang Kompetisyon
B. Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon D. Pampamilihang Kompetisyon

45. Pinangarap ni Mang Pedring na maging , Bombero at Guro ang propesyon ng kaniyang mga
anak. Nang sa gayon magiging permanente silang mga kawani ng Pamahalaan. Ang Anyo ng Pamilihang
May Hindi Ganap na Kompetisyon na tumutukoy sa mga propesyong nabanggit ay _________?
A. Monopolyo C. Oligopolyo
B. Monopsonyo D. Polipolyo

46. Ipon mula kanyang alkansiya ang pinangpuhunan ni Joan sa mango float at leche flan
na itininda niya online at naging patok sa mga netizens noong kapaskuhan. Ang balangkas ng
Estrukturang pamilihan na tumutukoy sa negosyo ni Joan ay__________?
A. Pamilihang May Ganap na Kompetisyon C. Pamilihang Balanse ang Kompetisyon
B. Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon D. Pampamilihang Kompetisyon

47. Mahaba ang pila ng mga nagpapa gas na sasakyan ang mga gasolinahan ng Roxas City dahil
sabay-sabay na nag anunsiyo ang mga Kompanya ng langis na magtataas ng limang pisong
dagdag bawat litro ng Gasolina at Kurudo kinabukasan.Ang anyo ng Pamilihang May Hindi Ganap na
Kompetisyon na tumutukoy dito ay ____________?
A. Monopolyo C. Oligopolyo
B. Monopsonyo D. Polipolyo

48. Si Mang Epin ay wholesaler ng mga prutas at gulay sa Roxas City Public Market. Ang kanyang presyo sa
mga produkto ay naka ayon sa presyong gumagalaw sa loob ng pamilihan. Nang nakapag order siya ng
sako-sakong sibuyas mula sa kanyang supplier sa Cagayan sa presyong P350.00 bawat kilo, doon din
nagpalabas ng pinakamataas na maaring ibenta sa halagang P250.00 para sa bawat kilo ng sibuyas ang
Pamahalaan. Maaring malugi si Mang Epin kung susundin niya ang itinakdang presyo ngunit wala siyang
magagawa dahil kung hindi ay makakasuhan siya sa paglabag sa utos ng Pamahalaan. Anong uri ng
pagkontrol ng Pamahalaan sa presyo sa pamilihan ang inilalarawan ng sitwasyon?
A. Price Freeze C. Price Ceiling
B. Price Floor D. Retail Price

49. Gayon na lamang ang tuwa ng mga miyembro ng Barangay Lonoy Farmers Association (BLFA) sa
kanilang narinig mula kay Mayor Dadivas na ang NFA o National Food Authority na mismo ang pupunta at
bibili ng kanilang mga aning palay mula sa kanilang mga palayan sa presyong hindi bababa mula sa
itinakda ng Pamahalan. Dahil dito hindi na sila makakakuha ng mababang presyo na ibinibigay ng mga
“middlemen” o namamakyaw ng palay na siya nilang agarang pinagbebentahan ng kanilang mga ani. Ang
pagtatakda ng pinakamababang presyo ng Pamahalaan para sa palay ay uri ng pagkontrol nito sa presyo
na ng tawag ay_________.
A. Price Freeze C. Price Ceiling
B. Price Floor D. Retail Price

50. Ang Sangguniang Panlalawigan ng Capiz ay nagdeklara ng State of Calamity dahil sa malawakan at
mapinsalang pagbaha dulot ng Bagyong Paeng noong Octobre 2022 na nagpalubog sa mga produktong
pang agrikultura at imprastruktuka sa Probinsya. Kalakip sa probisyon ng kanilang deklarasyon ay ang
pagpigil sa mga negosyanteng galawin ang presyo ng kanilang mga naimbak na mga paninda bago pa
man tumama ang bagyong Paeng. Anong uri ng pagkontrol ng Pamahalaan sa presyo sa pamilihan ang
inilalarawan ng sitwasyon?
A. Price Freeze C. Price Ceiling
B. Price Control D. Retail Price

Inihanda Iwinasto ni:

Pinagtibay ni:

You might also like