You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
PORAC INTEGRATED SCHOOL
Second Summative In AP9

NAME:_________________________________ DATE:________________

Panuto: Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel.


1. Aling pangkat ng tao ang kumakatawan sa suplay?
a. Konsyumer c. Retailer
b. Prodyuser d. End User

2. Ano ang tawag sa dami o bilang ng produkto at serbisyong handang ipagbili sa magkakaibang presyo
sa isang takdang panahon?
a. Timbang c. Demand
b. Suplay d. Budget

3. Ano ang grapikong paglalarawan ng kaugnayan ng presyo sa dami ng suplay ng isang produkto o
serbisyo?
a. Price index c. Iskedyul ng suplay
b. Kurba ng suplay d. Batas ng suplay

4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?


a. bahay-kalakal c. bodega
b. tindahan d. daungan

5. Alin sa mga sumusunod na di-presyong salik ang nakapagbabago ng suplay sa pinakamabilis na


panahon?
a. espekulasyon ng mamimili
b. pagbabago ng teknolohiya
c. pagbabago sa salik ng produksyon
d. pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto

6. Kung ikaw ay isang negosyante, alin ang magiging batayan mo para magtakda ng presyo ng mga
produktong handa mong ipagbili sa pamilihan?
a. Panahon c. gastos sa produksyon
b. lokasyon ng pamilihan d. magkano ang kikitain

7. Alin sa mga sumusunod ang naaayon sa batas ng suplay?


a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang suplay.
b. Mas marami ang produktong handang ipagbili kapag mataas ang presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, tumataas din naman ang suplay ng mga konsyumer.
d. Ang suplay ay nakabatay sa pangangailangan ng mga mamimili.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng paitaas patungong kanan?


a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa suplay.
c. Sumasabay ang dami ng suplay sa pagtaas ng presyo.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng suplay.
9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at kakayahan ang prodyuser
na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000 lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na
ayuda habang nasa Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit sa bilang na
ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang 20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay
sa sitwasyong ito, ilan ang maituturing na suplay ng sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Paano nakaaapekto ang mga sakuna tulad ng bagyo at baha sa suplay ng pagkain ng mga Pilipino?
a. Bumababa ang presyo ng mga produktong naaani
b. Nagtataas ng presyo mga bilihin dahil sa nalubog sa baha
c. Marami ang nasisirang produkto sa mga pagawaan at bodega
d. Nalulugi ang mga magsasaka dahil sa pagkasira ng mga pananim

11. Bago dumating ang isang malakas na bagyo, paano mo matitiyak na may sapat na suplay ng pagkain
sa bahay niyo?
a. Pagbili ng mas maraming stock ng pagkain
b. Pangungutang sa kapitbahay na may sari-sari store
c. Pagtatanim ng gulay para may aanihin pagkatapos ng bagyo
. Paglipat ng bahay na mas malapit sa trabaho ng magulang ko

12. Sa pagsisimula pa lamang ng lockdown dulot ng pandemikong COVID19, paano tinugunan ng mga
Pilipino ang nagkakaubusang face mask sa pamilihan?
a. umasa sa binibigay ng gobyerno
b. nag-order online mula pa sa ibang bansa
c. nagsuot na muna ng panyo panakip ng bibig
d. gumawa ng sariling face mask na yari sa retasong tela o damit

13. Ang mga sumusunod na sitwasyon maliban sa isa ay sumasalamin sa wastong paraan ng mga Pilipino
upang tugunan ang kanilang pangangailangan kahit kulang sa badyet?
b. bumili ng patingi-tingi upang makamura
c. nagpupunta sa ukay-ukay para makabili ng murang damit
d. humingi ng tulong mula sa pamahalaan
e. magtanim ng gulay upang hindi na kailangang bumili

14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan mula sa tiyak na pagkalugi sa
gitna ng COVID-19 pandemic?
a. Nagpapautang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno
c. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.
d. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhang negosyante

15. Bakit kinakailangan ang matalinong pagpapasya sa pagdaragdag ng suplay sa pamilihan?


a. Makaiiwas sa pagkalugi ang mga prodyuser.
b. Marami ang makabibili sa abot-kayang presyo.
c. Magiging sikat ang tindahan ng produktong may dagdag na suplay.
d. Mas tataas ang kita ng mga negosyante kapag marami ang mamimili.

You might also like