You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Schools Division of Zambales
PORAC INTEGRATED SCHOOL
Fourth Summative In AP 9

NAME:_________________________________ DATE:________________

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa bawat tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Kailan masasabi na ikaw ay isang matalinong mamimili?


a. Kung mas pinipili mong gumamit ng credit card kaysa cash
b. Kung palagi kang nag-aabang ng sale sa Lazada o Shopee upang makatipid
c. Kung sinusuri mo ang kalidad ng produkto at bumibili ka ayon sa iyong badyet.
d. Kung bumibili ka ng higit sa iyong kailangan upang matiyak mong hindi ka mauubusan

2. Alin sa mga sitwasyon sa ibaba ang nagpapakita ng pagiging mapanuri ng isang mamimili?

a. Inuuna ang mga bagay na mahalaga kaysa sa luho


b. Laging inaalam ang substitute sa mga produktong bibilhin
c. Hindi nagbabago ang pagkonsumo kahit idolo pa niya ang nag-endorso nito
d. Tinitignan ang sangkap, presyo, timbang at pagkakagawa ng produkto bago ito bilhin
3. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga karapatan ng isang mamimili?
a. Karapatang pumili b. Karapatan sa patalastasan
c. Karapatan sa malinis na kapaligiran d. Karapatang magbayad sa produktong binili
4. Sa mga sitwasyon sa ibaba, alin ang nagpapakita ng karapatan natin sa patalastasan?
a. Pagkakaroon ng return policy ng bawat establisimyento
b. Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa karapatan at pananagutan ng isang mamimili
c. Pagkakaroon ng kaalaman upang maiwasan ang mapanlinlang na advertisement
d. Pagkakaroon ng organisasyon na tutulong na maitaguyod ang ating mga karapatan

5. Bilang mamimili, bakit kailangang alam mo ang iyong mga karapatan?


a. Dahil magagamit mo ito sa paghahanap ng trabaho
b. Dahil ito ang magtutulak sa ekonomiya upang umunlad
c. Upang maging angat sa iba na hindi alam ang kanilang mga karapatan
d. Upang maiwasan ang madaya, mapahamak at mapagsamantalahan ng iba

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tungkulin ng isang mamimili?


a. Ang pagiging alerto at mausisa sa kanyang mga bibilhin
b. Ang pagtangkilik sa mga produktong gawa ng kapwa Pilipino
c. Ang paglalagay ng etiketa o price tag sa mga produktong ibinebenta
d. Ang pangangalaga sa likas na kayamanan ng bansa para sa susunod na henerasyon

7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng ating kamalayan sa kapaligiran?


a. Pagbili ng mga produktong lokal
b. Pagiging mapanuri sa mga produktong bibilhin
c. Hindi pagsasawalang-bahala sa mga gawaing hindi tama
d. Iniiwasan ang paggamit ng plastic at mga bagay na hindi madaling matunaw

8. Ano gagawin mo kung may alam kang nagbebenta ng mga hindi aprubadong gamot para sa COVID-
19?
a. Hindi makikialamupang hindi na lang madamay
b. Hayaang ang mga taong bumili nito ang magreklamo
c. Susubukan ang gamot para malamang epektib ito o hindi
d. Ipapaalam sa kinauukulan at hayaang sila ang sumuri sa kakayahan ng gamut

9. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng malasakit panlipunan bilang mamimili?


a. Pagiging alisto sa pagtanggap ng sukli
b. Pagtangkilik sa mga produktong Pinoy
c. Pagtatatag ng mga samahan para sa mga mamimili
d. Pag-aksyon sa pagsasamantala ng mga mangangalakal

10.Ang pagtingin kung may sanitary permit ang isang establisyimyento ay halimbawa ng karapatan ng
mamimili sa ___________________.
a. Kaligtasan c. Pangunahing pangangailangan
b. Patalastasan d. Malinis na kapaligiran

11.Aling karapatan ang maaari mong gamitin para sa mga establisyimyentong hindi nagpapatupad ng no
return policy sa kanilang ibinebentang produkto?
a. Karapatang dinggin
b. Karapatan sa patalastasan
c. Karapatang bayaran at tumbasan ang anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa pagtuturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili

12.Isa sa mga tungkulin ng mamimili ay ang pagkakaroon ng malasakit panlipunan, sa papaanong paraan
nakakatulong sa kapwa ang pagtangkilik natin sa mga produktong atin?
a. Sa pagtangkilik natin sa ating mga produkto, mas nakikilala ito ng ibang bansa
b. Sa ganitong paraan, mas marami ang mahihikayat na magnesgosyo at umasenso sa buhay
c. Maiiwasan ang pagkakaroon ng artipisyal na kakulangan sa mga produkto dahil dadami ang demand
dito

d. Wala itong epekto dahil ang konsyumer ay may karapatang pumili ng produkto at serbisyo na
kanyang bibilhin

13.Anong ahensya ng pamahalaan ang inatasan upang palawigin ang kalakalan at industriya sa bansa at
siya ring tagapagtaguyod ng karapatan at tungkulin ng mamimili?
a. Department of Foreign Affairs (DFA)
b. Department of Trade and Industry (DTI)
c. Department of Labor and Employment (DOLE)
d. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

14.Ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mamimili hinggil sa produkto o sangkap nito ay


karapatan ng mamimili sa ______________.
a. kaligtasan b. pagpili
c. patalastasan d. malinis na kapaligiran
15.Ang
pagsasawalang-kibo ay hindi nakakatulong upang labanan ang pagsasamantala ng mga mapandarayang
mangangalakal, anong tungkulin ng mamimili ang sumasaklaw dito?
a. pagkakaisa b. pagkilos
c. kamalayan sa kapaligiran d. malasakit panlipunan

You might also like