You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Region IX Zamboanga Peninsula


Division of the Schools
AYALA NATIONAL HIGH SCHOOL
Ayala Zamboanga City
ARPAN 9 (SUMMATIVE TEST)
1st Quarter( WEEK 6-7)
Pangalan: _______________________________ Iskor:________________
Antas:___________________________________ Petsa:________________
I – PANUTO: Maramihang pagpipili: piliin ang tamang sagot at bilugan ang tamang titik ng inyong napiling
sagot sa sagutang papel na nasa ibaba.

1. Sino ang ekonomistang British na may-akda sa aklat na "The General Theory of Employment, Interest and Money" na
nagsabing malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Adam Smith B. John Maynard Keynes C. Robert E. A. Farmer D. Gregory Mankiw
2. Ang pagkonsumo ay ang pagbili at paggamit ng produkto o serbisyo na magbibigay ng _________ sa tao.
A. kagipitan B. kasayahan C. kapakinabangan D. kagiliwan
3. Ang paggaya ng mga tao sa kanilang naririnig, nakikita at napapanood sa iba't ibang uri ng media na nakaaapekto sa
pagkonsumo ng tao ay tinatawag na ______.
A. kita B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
4. Bakit mahalagang masuri ang iba't ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo?
A. Upang malaman ang iyong karapatan bilang mamimili. B. Upang maisaalang-alang ang mga proseso sa
pamimili.
C. Upang hindi maloko sa iyong pamimili. D. Upang magamit ng maayos ang produktong nabili.
5. Kung magkakaroon ka ng trabaho at may pamilya na sa hinaharap, paano mo maiiwasan ang pagkabaon sa utang?
A. Walang problema kung may utang dahil bahagi ito sa buhay ng tao.
B. Maaaring humingi ng tulong pinansiyal sa kamag-anak kapag kapos sa pera.
C. Huwag isipin kung gaano katagal bayaran ang utang dahil may trabaho ka naman.
D. Huwag gumastos ng higit pa sa kinita. Mag-impok.
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks?
A. Nakatutulong ito sa mabuting pamamahala
B. Nakatutulong ito sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon
C. Nakatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng matalinong pagdedesisyon.
D. Nakatutulong ito sa pagbuo ng mga plano sa buhay
7. Mahilig sa uso si Rina, kaya nung lumabas ang isang patalastas (advertisement) ang usong jacket ay bumili rin siya.
Aling salik ng pagkonsumo ang nakaaapekto kay Rina?
A. Inaasahan, dahil ito ay magiging uso sa hinaharap
B. Demonstration Effect, dahil naiimpluwensiyahan ng tao ng iba’t ibang social media
C. Kita, dahil nagdidikta ito sa pagkonsumo ng tao
D. Pagbabago ng presyo, dahil magiging mura ito kung marami ang bumibili
8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang epekto ng pag-aanunsiyo?
A. Bumili ng bagong smart phone si Ruby dahil mas bago ang mga features nito.
B. Binili agad ni Sheildon ang limited edition ng bag sa online shop.
C. Pinili ni Stephen ang produktong mura ngunit maganda ang kalidad.
D. Paboritong artista ni Ethan si Daniel Padilla kaya bumili siya sa produktong ini-endorso nito.
9. Sa nakikita, naririnig at napapanood ng tao sa facebook, twitter at instagram, malaki ang impluwensya nito sa
kanilang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ito ay halimbawa ng mga makapangyarihang __________ ng
ating lipunan.
A. Social Media B. Influencers C. Tagapagsalita D. Vloggers
10. Ang ______ ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong kanilang ibinibigay. Kapag mababa ang
sahod ng isang tao ay nangangahulugan ng pagbaba rin ng kanyang kakayahan na kumonsumo.
A. kita B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
11. Ang sumusunod ay mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo. Alin sa mga salik na ito sinusuri ang halaga ng
bilihin?
A. presyo B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
12. Bakit bumababa ang pagkonsumo ng isang tao kung maraming utang na dapat bayaran?
A. Naiipon ang kakaunting halaga ng pera
B. Humihina at tumataas ang presyo ng bilihin
C. Nabibigyang-pansin ang mga bagay na mas kailangang bilhin
D. Maglalaan ng salapi ang tao pambayad sa kanyang utang
13. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao bilang konsyumer. Alin sa mga salik
ang hindi nakakaapekto sa pagkonsumo?
A. kita B. mga inaasahan C. pagbabago sa presyo D. mapanuri
14. Limitado ang nabibili sapagkat may utang na kailangang bayaran.
A. presyo B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
15. Mas maraming nabibiling gamit sa bahay tuwing Nobyembre sapagkat may paparating na bonus tuwing Disyembre
A. presyo B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
16. Nabili ng dalawang damit sa presyo ng isa dahil sa sale sa mall.
A. presyo B. demonstration effect C. pagkakautang D. Mga Inaasahan
17. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo
upangmapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Anong salik na nakakaapekto sapagkonsumo
ang ipinapahiwatig nito?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo
18. Ang pagkonsumo ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Alin sa mga salik ng pagkonsumo angdahilan ng
pagkakaiba sa paraan ng pagkonsumo ng isang abogado at sang construction worker?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo
19. May mga ilang konsyumer na naiimpluwensyahan ng mga anunsiyo sa radio, telebisyon, pahayagan at magingsa
internet at iba pang social media na nagiging dahilan sa pagtaas na pagkonsumo sa isang inendorsongprodukto. Alin
sasumusunod na salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ang tinutukoy nito?
A. Kita B. Mga Inaasahan C. Demonstration Effect D. Pagbabago ng presyo
20. Paano nakaaapekto ang kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Ang pagbaba ng kita ay pagtaas ng konsumo B. Ang paglaki ng kita ay pagbaba ng konsumo
C. Ang paglaki ng kita ay paglaki rin ng konsumo D. Ang paglaki ng kita ay walang epekto sa konsumo

Inihanda ng mga guro sa ArPan

SHEILA M. BARRO
DUMABOC C. ARCELA
RYAN ALFONSO
MARIGRACE RUFINO

Pangulo ng Departament ng ArPan

PEDRO B, BOSQUE JR

You might also like