You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
PANAGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Guro: Marie Ann V. Remotigue Baitang/Antas: Grade 9


Linggo: Unang linggo Markahan: Ikatlong Markahan
Iskedyul ng Pagturo: 07:46-08:45 Orchid (MTWF)
10:01-11:00 Sampaguita (MTWF)
02:01-03:00 Hyacinth (MWThF)
I. LAYUNIN
A. Kasanayang - Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
Pampagkatuto maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan (F9PB-IIIa-50)
- Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang halimbawang
elehiya; (F9PU-IIIa-53)
- Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.
(F9WG-IIIa-53)
II. NILALAMAN
1. Paksa Parabula mula sa Kanlurang Asya
III. KAGAMITAN SA
PAGKATUTO
3. Sanggunian Modyul 9 Filipino
4. Iba pang Kagamitan PPT, Visual Presentation, mga larawan, strip papers
IV. PAMAMARAAN (4A’s)
Gawain ng Guro
A. Panimulang
Gawain
1. Panalangin Sinumulan ang talakayan ng isang Panalangin.

2. Pagbati
Babatiin ang mga mag-aaral

3. Pagtala ng Itatala ang mga mag-aaral na lumiban sa klase.


Liban
4. Alituntunin Ilalahad ang alituntunin sa klase.
1. Makinig ng mabuti.
2. Makiisa sa mga gawain.
3. Itaas ang kamay kapag sumagot
4. Kapag marinig ninyo ito (3 pagpupok) tumayo at sabihing “
Handa na po”

5. Balik- Aral Bubunot ng mga katanungan ang mga piling mag-aaral ukol sa
nakaraang leksiyon.

6. Pagganyak Magpapakita ng mga larawan tungkol sa Alibughang Anak.


Magtatanong sa mga mag-aaral ukol sa mga mahahalagang
pangyayari sa kuwento.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
PANAGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur

7. Paglalahad PARABULA
ng Paksa

8. Paglalahad - Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay


ng Layunin maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan
(F9PB-IIIa-50)
- Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang
halimbawang elehiya; (F9PU-IIIa-53)
- Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang
pahayag. (F9WG-IIIa-53)

B. Pagbuo ng
Aktiviti

1. Activiti Magkakaroon ng Pangkatang gawain.


Hahatiin ang mga mag-aaral sa 4 na pangkat.
Gamit ang Bubble Map, magbibigay ng tig-dalawang kahulugan ng
Parabula ang bawat pangkat at iulat sa klase.

2. Analisis Naging madali ba sa inyo ang paggawa ng gawain? Bakit?

3. Abstraksyon

a. Paglalahad Upang ating mas maunawaan ang paksa, ay isa-isahin muna


sa nating bigyang pagpapakahulugan.
Tatalakayin
Ano nga ba ang Parabula?

Ang Parabula ay nagmula sa salitang griyego na parabole na


nagsasaad ng dalawang bagay (na maaaring tao, hayop, lugar o
pangyayari) para paghambingin. Ito ay makatotohanang
pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa
nakasaad sa Banal na Aklat.

Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing patnubay sa


marangal na pamumuhay ng mga tao.
Talinghaga- Ito ay lipon ng mga salita na may ibang kahulugan o
hindi tuwirang pagbibigay ng kahulugan.

Anekdota- isang maikling salaysay ng isang nakawiwili,


nakalilibang o patalambuhay na pangyayari.

Paano sumulat ng Liham?

Liham- Ito ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na


taong patutunguhan nito.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
PANAGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur

MGA BAHAGI NG LIHAM

1 .Pamuhatan- dito sinusulat ang tirahan at petsa kung kailan


sinulat ang liham na kadalasang makikita sa kanan ng liham sa
pinakaitaas na bahagi.

Halimbawa: Purok 3, Panagaan, Mahayag ZDS


Ika-16 ng Marso, 2023

2 .Bating Panimula- ito ay maikling pagbati sa sinusulatan o taong


makatanggap ng liham na ang bantas na ginagamit sa hulihan ay
kuwit (,).

Halimbawa: Mahal kong Francis,

3. Katawan ng Liham- sa bahaging ito nakasulat ang mga nais


iparating ng taong gumagawa ng liham para sa taong kanyang
susulatan o makatanggap nito.

4 .Bating Pangwakas- sa bahaging ito ipinapahayag ang


magalang na pamamaalam ng taong sumusulat ng liham at
nagtatapos ito ng kuwit (,) at kadalasang makikita sa ibabang
bahagi bago ang lagda.

Halimbawa: Nagmamahal,

5 .Lagda- nakasaad ang pangalan ng nagpapadala ng liham at


maaari ring may lagda sa ibabaw ng pangalan.

b. Talakayan Magbibigay ng kopya ng Akda sa Matalinghagang May-ari ng


Ubasan sa bawat Pangkat. At magbibigay ng mga Gabay na
Katanungan na sasagutan ng mga mag-aaral.

4. Aplikasyon Hahatiin ang mag-aaral sa dalawang pangkat.

Unang pangkat

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang pangyayari mula
sa akda ay nagaganap hanggang sa kasalukuyan at bigyan ng
patunay sa pamamagitan ng pagsulaat ng kaparehong pangyayari
sa nakalaang espasyo.

___1. Nakita ng may-ari ng ubasan na walang magawa ang mga


tao na nasa palengke kaya tumayo nang tumayo nalang sila buong
maghapon.
Kaparehong pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
PANAGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur

___2. Pinapunta ng may-ari ng ubasan ang mga manggagawa


upang magtrabaho sa kanyang ubasan.
Kaparehong pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________

___3. Nakatanggap ng parehong sahod ang lahat ng mga


manggagawa kahit hindi pareho ang oras na iginugol nila sa
pagtatrabaho.
Kaparehong pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________

___4. Nagreklamo ang mga manggagawang nakatanggap ng


parehong sahod sa mga manggagawang mas kaunti ang oras na
iginugol sa paggawa.
Kaparehong pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________

___5. Nainggit ang iilang manggagawa sapagkat malaki pa rin ang


sahod na natanggap ng kanilang ibang kasamahan kahit na isang
oras lang nagtrabaho sa ubasan.
Kaparehong pangyayari:
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Ikalawang Pangkat

Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod


na salita ayon sa patalinghagang kahulugan. Isulat ito sa
nakalaang espasyo.

1 . ORAS: ___________________________________________.

2. Manggawa: ________________________________________.

Itatama ang sagot ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng


pamantayan sa pagmamarka.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
PANAGAAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Panagaan, Mahayag, Zamboanga del Sur

c. Paglalapat Ano ang aral na makukuha mo sa parabola na ating binasa na


sa pang-araw- magagamit mo sa iyong sariling karanasan?
araw na buhay

d. Paglalahat
Bakit mahalaga na pag-aaralan ang Parabula?

e. Ebalwasyon Hinango mula sa Filipino 9 Modyul 1- Tayahin


F. TAKDANG
ARALIN
Sumulat ng isang liham na nangangaral; isang halimbawa ng
elehiya.

Inihanda ni:

MARIE ANN V. REMOTIGUE


Tagapagturo

Iniwasto ni:

MERCEDES P. TARE
Head Teacher IV

Inaprobahan ni:

JOHN EDWIN S. DEGAYO


School Principal II

You might also like