You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Island Garden City of Samal

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL


San Jose, District II, Island Garden City of Samal

Banghay Aralin sa Filipino 8

Petsa: 7/30/2019
Oras ng pagtuturo: 02:00-04:00PM

I. LAYUNIN

Kasanayan sa Pampagkatuto: Nakikinig nang may pag-unawa upang : mailahad ang layunin ng
napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

Code: F8PN-Ig-h-24

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Naipaliliwanag ang konsepto ng Epiko.


B. Nailalahad ang mga elemento ng Epiko.
C. Naipapahayag ang damdamin sa nabasang Epiko.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Epiko

Sanggunian: Modyul 3.2 Epiko


https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-8-epiko
Kagamitan:
Visual Aid, Kopya ng Epiko na “Ullilam”

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

- Panalangin
- Pagtetsek ng liban at di liban
- Pagsasaayos ng silid aralan
- Pagbabalik aral

B. Pagganyak:

Magpakita ng mga larawan na nagpapakita ng mga sikat na karakter na may hindi pangkaraniwang abilidad
kumpara sa pangkaraniwang mga tao. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang interpretasyon nila sa nakikitang
larawan.

C.Pagtatalakay

- Magbigay ng maiksing pagpapakila ng paksa para sa araw na ito.


- Pamprosesong tanong:
1. Ano ang Epiko?
2. Anu-ano ang mga elemento nito?
3. Anu-ano ang mga kilalang Epiko ng bansa?

Pangkatang Gawain: Debate


Panuto: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng kopya ng “Ullalim” upang
basahin at unawain. Pagkatapos basahin ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong: Ilagay sa manila paper ang
mga sagot. Bibigyan ang bawat pangkat ng limang minuto upang talakayin ang kanilang sagot sa buong klase.

1. Ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kasalan sa Kalinga? Ipaliwanag gamit ang story ladder.

2. Ano ang iyong interpretasyon sa ginawa ni Dulaw na manligaw pa ng iba


gayong may kasintahan pa siya?
3. Sang-ayon ka ba o hindi sa ginawa ni Ya-u na pumayag na dakpin si Dulaw bunga ng kaniyang
kataksilan?
4. Kung ikaw si Dulliyaw, tatanggapin mo ba ang pag-ibig ni Dulaw gayong alam mo na may kasintahan pa
siya? Ipaliwanag ang iyong damdamin tungkol dito.

D. PAGBUBUOD:
- Iproseso ang mga nakalap na sagot at magkaroon ng paglalahat hinggil sa Epikong “Ullalim” at
mahalagang aral nitong nais iparating sa mga mambabasa. Magkaroon din ng pagbubuod hinggil sa kung
paano higit na mauunawaan at mapapahalagahan ang mga epiko sa sariling rehiyon.

IV. PAGTATAYA:

Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.


_________1. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipaglaban ng isa o grupo ng tao
laban sa kanilang mga kaaway. (Epiko)
_________2. Ito ay ang Epiko ng mga Ilokano. (Biag ni Lam-ang)
_________3. Ito ang elemento ng Epiko na nagbibigay linaw sa paksa, banghay, at tauhan. Ito din ang lugar o panahon na
kinikilusan ng tauhan. (Tagpuan)
_________4. Ito ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa epiko. Ito ay pwedeng maging payak o komplikado.
(Banghay)
_________5. Ito ang mga salitang hindi lantaran ang kahulugan. (Matatalinghagang Salita)
_________6. Ito ay nagbibigay-buhay sa epiko. Karaniwang nagtataglay ng kapangyarihan.
_________7. Ito ang nagbibigay linaw sa paksa, banghay at tauhan. Ito din ang lugar o panahon na kinikilusan ng tauhan
(Tagpuan)
_________8. Ito ang Epiko ng Maranao. (Bidasari)
_________9. Ito ang Epiko ng Bikol (Ibalon)
_________10. Ito ang Epiko ng mga Moro (Parang Sabir)

V. Kasunduan
Panuto: Sumulat ng sampung pangungusap nag naghahambing. Isulat sa ½ pirasong papel.

VI. Repleksiyon
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya ___________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation ________
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin ________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation__________
E. Alin sa mga estratehiya ng pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? ______
F. Anong suliranin ang aking naranasan na masosolusyunan sa tulong ng aking punongguro at supervisor?________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?_________

Inihanda ni:
JEORGETTE I. LAGRIMAS
TEACHER I

You might also like