You are on page 1of 25

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 10

I
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 3
MODYUL SA
FILIPINO 10

KUWARTER I
LINGGO 3
ARAW 1-4
Ang Alegorya ng Yungib
Mga Pahayag sa Pagbibigay
ng Sariling Pananaw
Development Team

Writers: Richard M. Collado Jane S. Dancel

Allan M. Utleg Maricel A. Tayson

Lovella A. Ramos Zenie Lazaro

Pauline M. Valdez Eisteen Aigner C. Salvador

Genieva S. Avila

Editor: Richard M. Collado

Reviewer: Lorna M. Balisbisana

Illustrator: Nestor Lucero Mark Bryan Aguinaldo

Lay – Out Artist: Allan M. Utleg

Management Team: Vilma D. Eda Joye D. Madalipay / Domingo L. Laud

Lourdes B. Arucan Juanito S. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 2

Ang modyul na ito ay inihanda para sa katulad mong mag-aaral ng Baitang 10
upang makatulong sa iyong pag-aaral sa mga aralin sa unang markahan sa
asignaturang Filipino.
Sa araling ito, iyong mapag-aaralan at masusuri ang sanaysay mula sa Gresya
na kinapapalooban ng mga pagpapahalaga at paniniwalang iyong mapag-aaralan at
matutunan mo ang mahusay na paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag sa
konsepto ng pananaw.
Inaasahang ikaw ay makasusulat ng isang maikling sanaysay sa isang
napapanahong isyung pandaigdig.

Narito ang mga layunin na kailangan

ALAMIN
mong matamo sa araling ito.
:

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Naipaliliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa

napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media (F10PN-Ic-d-64)
2. Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang
pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa maikling
kuwento (F10PB-Ic-d-64)
3. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
(F10PT-Ic-d-63)
4. Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig (F10PD-Ic-d-63)
5. Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig (F10PU-Ic-d-66)
6. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw
(F10WG-Ic-d-59)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 3

SUBUKIN Bago ka magpatuloy, sukatin muna natin ang
iyong kaalaman sa paksang ating pag-aaralan. Gawin
mo ang maiksing pagsubok na ito.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong at lagyan ng tsek ( / ) kung ito’y
tama at ekis (x) kung ito ay mali. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

______ 1. Ang mga naiwang bilanggo sa yungib ay nais na ring lumabas nang bumalik
ang kanilang kasamang bilanggo.
______ 2. Ang mga anino ay pinaniniwalaan ng mga bilanggo na totoo.
______ 3. Hindi makagalaw ang mga bilanggo dahil silay nakatali sa mga bato.
______ 4. Kinakailangang ang nagsusulat ng sanaysay ay sanay sa pagsasalaysay.
______ 5.Ang wika at istilo ay isa sa mga elememto ng sanaysay na tumutukoy sa wastong
paggamit ng mga salita upang mas madaling maunawaan ng mga mambabasa.
______6. Ang sanaysay ay nagpapahayag ng opinyon tungkol sa isang napapanahong
paksa.
______7. Nagtataglay ng tatlong mahahalagang bahagi ang mahusay na sanaysay:
panimula, katawan, wakas.
______8. Ang kaalaman sa mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw ay
mabisa upang maipahatid ang kaisipan.
______9. Ang ekspresiyong “sa ibang banda” ay nagpapahayag ng pananaw.
______10. Ang ekspresiyong “ayon sa” nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng
paksa at/o pananaw

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 4

BALIKAN Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa paunang
pagtataya? Kung gayon pag-aralan ang sumusunod
na kaalaman.

_____________________________________________________________
Sa pag-aaral ng modyul na ito inaasahang alam mo na ang sanaysay na may
layuning magbigay ng impormasyon at maari ding manlibang upang makapagdulot ng
anumang pagbabago. Kailangan ding maintindihan na ang Alegorya ay mga akda o
kwento na ginagamitan ng mga simbolo na kumakatawan sa isang ideya tungkol sa buhay
ng tao, sa politika, o sa usaping pangkasaysayan.

TUKLASIN Maaaring naaalala mo na ang kung ano ang

sanaysay ngunit narito ang ilang karagdagang
kaalaman ukol dito.

_____________________________________________________________
SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng akdang nasa anyong tuluyan na naglalayong magpaliwanag
ng isang paksa upang makatulong sa pagbuo ng pananaw. Sinasabing ito ay pinagdugtong
na dalawang salitang “sanay” at “salaysay” na nangangahulugang kailangang mahusay
ang sumusulat nito.

TATLONG BAHAGI NG SANAYSAY

1. PANIMULA – Ito’y naglalaman ng pangunahing kaisipan.

2. GITNA O KATAWAN – Kinapapalooban nito ng mga detalyeng nagpapalawak sa

pangunahing kaisipan.

3. WAKAS – Taglay ng bahaging ito ang pangkalahatang palagay o pasiya tungkol sa

paksa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 5

MGA ELEMENTO NG SANAYSAY

1. TEMA – Dito umiikot ang pagtatalakay sa isang paksa.

2. ANYO AT ISTRUKTURA – Ito’y tumutukoy sa maaayos na pagkakabuo at

pagkakasunod-sunod ng mga ideya at impormasyon.

3. KAISIPAN – Mga ideyang nagpapalinaw sa tema.

4. WIKA AT ESTILO – Kung ginamit ito nang tama mas malinaw ang pang-unawa ng
mga mambabasa dahil ang pagpapayag nang may kaangkupan sa paggamit ng wika at
nagpapakita nang katapatan.

5. LARAWAN NG BUHAY – Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang

salaysay.

6. DAMDAMIN – Nagtataglay ng damdamin ng may-akda sa isang paksa.

7. HIMIG – Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.

Ngayon na lalo mong naunawaan kung ano

SURIIN
ang sanaysay, basahin at unawain ang akdang
Ang Alegorya ng Yungib ni Plato.

_____________________________________________________________

Ang Alegorya ng Yungib

ni Plato
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat

mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong
naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito.
Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung
kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di
kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga
bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito,
maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 6

Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na

may dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato?
Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba
nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Sadyang mahirap ang buhay ngayon. Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi
nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?
Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang
gumalaw maging ang kanilang mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa
paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung nakaya nilang hindi
sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa
man para sa kanila?

Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa

ibang dako, hindi ba nila natitiyak na baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may
ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.

Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng
mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon, balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap
kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa kanilang
pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon,
lumakad at tumingin patungo sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang
magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang kalagayan
sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng
isa na ang kaniyang nakita noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay
papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag na pananaw- ano
ang magiging tugon niya?

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay
na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya
mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay
na nakikita niya sa kasalukuyan?

Malayong katotohanan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 7

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang
nararamdamang sakit upang siya’y magkubli sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain
na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa
kasalukuyan?

Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at

bako-bakong daan hanggang sapilitan siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi
ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang kaniyang mga
mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa
kasalukuyan - ang katotohanan.

Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita

niya nang maliwanag ang mga anino, kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay
sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng buwan at mga
bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa
gabi nang mas maningning kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.

Tiyak.

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang
ang repleksiyon niya sa tubig kundi makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa
iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.

Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At

ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya
at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.
Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol
sa kaniyang sarili. At kung maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib
pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na mapaliligaya niya ang sarili
sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?

Tiyak at tumpak.

At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa

kanila ang mabilis na makapuna sa pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang
nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang mahusay para sa

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 8

kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at
kaluwalhatian? O kaya’y kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin
ang tinuran ni Homer.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At

matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at mamuhay
katulad ng kanilang gawi?
Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad
na akala at mabuhay sa kahabag-habag na kalagayan.

Para makatiyak, sabi niya.

At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa

pagsukat sa mga anino kasama ang mga bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa
yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging matatag
(may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong
kalagayan ng paningin) hindi ba siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang
pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti na hindi na lamang
isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan
patungo sa liwanag; hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.

Walang tanong, ang sabi niya.

Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong
Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng
apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang paglalakbay
papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa
mahina kong paniniwala. Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o
mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng karunungan ay ito, ang
ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi;
at kapag ito’y natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang
pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay yaong sinumang may
kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay.
Samakatuwid kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga
bagay na ito .

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.
At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man
lang magbahagi para sa kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo
ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan; magiging likas ang
kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 9

Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal

na pagninilay-nilay patungo sa makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa
kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya
mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa
anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang
katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga

paningin ay dalawang uri o nanggaling sa dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas
ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw na
magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong
kung ang kaluluwa ba ng tao ay maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y
maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang
bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan
man niyang pagtawanan ang kaluluwa na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag,
mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya at
bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.

Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

GAWAIN 1: PAG-UNAWA SA AKDA

Panuto. Tingnan mo kung masasagot mo nang tama ang mga tanong batay sa iyong binasa.
Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ito ay mga may layuning magbigay ng impormasyon at maaring nanlilibang din upang
makapagdulot ng anumang pagbabago.
a. Kuwento c. Alegorya
b. Sanaysay d. Mito

2. Ito ay mga akda o kwento na ginagamitan ng mga simbolo na kumakatawan sa isang

ideya tungkol sa buhay ng tao, sa politika, o sa usaping pangkasaysayan.
a. Kuwento c. Alegorya
b. Sanaysay d. Mito

3. Gaano na katagal ang mga bilanggo sa yungib?

a. mula pagsilang c. mula pa noong nagkaisip
b. mula pa sa pagkabata d. mula sa pagtanda

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 10

4. Ayon sa mga bilanggo ang kanilang nakikita sa dingding ng yungib ay totoo.
a. Ito’y imahinasyon lamang. c. Hindi ito totoo
b. Maaring sila ay tama. d. Sang-ayon ako

5. Kung ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan, bakit sila tinawag na
mga “bilanggo” ni Plato?
a. Dahil hindi sila makalabas sa yungib.
b. Dahil sila ay nawiwili na lamang sa mga nakikita sa yungib.
c. Dahil minsan ang mga tao ay ayaw kumawala sa mga bagay na nakasanayan.
d. Dahil nakatali ang kanilang mga braso at leeg at kaya di sila makalabas.

6. Ano ang mahalagang natutuhan ng bilanggo mula sa pagtingin sa liwanag na nasa labas
ng yungib.
a. Ang buhay sa labas ng yungib ay hindi tunay.
b. Ang buhay sa labas ng yungib ay kasingganda ng kanyang nakagisnan.
c. Nasa labas ng yungib ang araw na nagbibigay ng buhay.
d. Nasa labas ng yungib ang kapahamakan ng kanyang buhay.

7. Paano ipinakilala ang kahalagahan ng “katotohanan” at “edukasyon” sa buhay ng

sangkatauhan?
a. Sa pamamagitan ng paggamit niya ng mga simbolo.
b. Ginamit niya ang alegorya upang mas nakawiwili ang pang-unawa.
c. Ipinakita ng bilanggong tumakas na mas marami kang matututunan kapag
bukas ang iyong isipan
d. Lahat ng mga banaggit.

8. Anong pag-uugali ang ipinakita ng mga naiwang bilanggo nang bumalik ang kanilang
kasama at sila’y gustong palayain?
a. Malupit sa kapuwa c. May bukas na isip
b. May pakikisama d. Takot sa pagbabago

9. Anong pag-uugali ang ipinakita ng bilanggo nang siya’y masayang ibinabahagi ang
natuklasan sa labas ng yungib?
a. May pagmamalasakit c. May bukas na isip
b. May pakikisama d. Lahat ng nabanggit

10. Anong masasalamin na kaugaliang Gresya sa akda?

a. Ang mga Griyego ay may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon.
b. Ang mga Griyego ay mataas ang pagpahalaga sa kalikasan.
c. Ang mga Griyego ay minsan ay naging mga bilanggo.
d. Ang mga Griyego ay nawiwili sa nakasanayan.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 11

GAWAIN 2: PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto. Pagtambalin ang mga salitang nasa loob ng kahon na magkatulad o magkaugnay
ang kahulugan. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga ito. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

Nagliliyab Pagmasdan Wastong pag-iisip Mahirati

Pagmasid Nag-aalab Intelektuwal Mahumaling

PAGYAMANIN Upang lalo mong mapaghusay ang iyong

: kasanayan sa pagpapahayag sa konsepto ng

pananaw iyong pag-aralan ang mga ekspresiyong
ginagamit.

____________________________________________________________

Pagkatapos mong mabasa ang akda at masagot ang mga tanong, sigurado akong
nakapulot ka ng mga ideya o pananaw ni Plato kung paano ang ating karanasan at bukas
na kaisipan ay nakatutulong upang mapaunlad ang ating kaalaman. Sa pamamagitan nito
alam kung ikaw din ay nakabuo ng iyong sariling pananaw ukol dito at maging sa kultura
ng bansang Gresya.
1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw.
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa

. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20 : Series of 2013 ng Commision On

Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura
sa ilalim ng General Education Curriculum o GEC sa taong 2016.

. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ng

Pilipinas ay Filipino.

. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng

Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 12

. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang
isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ ng

. Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay

isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang
masaganang ekonomiya.

. Sa aking pananaw ang edukasyon ay kailangan ng ating kabataan sapagkat ito

ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan.

. Sa tingin ng maraming guro na ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi lamang

nakasalalay sa kanila kundi maging sa mga magulang sa pagbibigay patnubay at suporta
sa kanilang mga anak.

c. Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip

. Pinaniniwalaan kong higit na dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol

sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.

. Inaakala ng iba na hindi mahigpit sa pagpapataw ng kaparusahan ang DENR kaya

patuloy silang lumalabag sa batas pangkalikasan.

d. Sa ganang akin, Sa tingin, akala, palagay ko

. Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang

pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.

. Palagay ko, kailangan ang malawig na programa ng DSWD para sa mga batang
lansangan na karaniwang sangkot sa maraming krimen sa kalsada.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw

a. Sa isang banda, Sa kabilang dako

Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomaly

sa kanilang pamahalaang lokal nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat
na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 13

Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy
malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkatiwalaang mamuno dito.

b. Samantala

Samantala mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita
ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan kung
sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.

GAWAIN 3: PAGPUPUNAN

Panuto. Bilang gawaing susubok sa iyong pag-unawa sa nakaraang aralin, iyong sagutin
ang mga sumusunod na bilang. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na ekspresyon upang
makabuo ng konsepto ng pananaw. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
Sa ganang akin Batay sa Sa tingin
Ayon sa Pinaniniwalaan Sa palagay

1. ______________ mabuting manatili ang mga mamamayan sa kanilang tahanan upang

maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na virus.
2. ______________ rekomendasyon ng IATF-EID ang pagbubukas ng klase ay sa buwan
ng Setyembre dahil sa COVID-19 pandemic.
3.______________ na sa pamamagitan ng patuloy na pagtatanim ng mga gulay at prutas
ay makatutulong upang maiwasan ang gutom.
4. _____________ ko malaki ang epekto ng krisis na ating kinahaharap sa kasalukuyan sa
ekonomiya ng mundo.
5. _____________ DSWD natatagalan ang pamamahagi ng ayuda sa mga barangay dahil
sa panahong ginugugol sa balidasyon ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

GAWAIN 4: SA AKIN LANG NAMAN!

Panuto. Magbigay ng reaksiyon sa ideya ng pahayag na halaw sa sanaysay. Isulat sa

sagutang papel ang iyong sagot.
Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala.
_______________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 14

Gayong alam mo nang gamitin ang mga
ISAISIP
ekspresyon sa pagpapahayag ng pananaw,
: subukan naman natin kung naunawaan mo
: binasang sanaysay.

_____________________________________________________________
GAWAIN 5: PALA-PALAGAY

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba na mgpoproseso kung ano ang iyong natutuhan
mula sa aralin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Bakit kaya ang mga naiwang bilanggo ay ayaw lumabas kahit pa sinasabi kanilang
kasama kung gaano kaganda ang labas ng yungib?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Ano ang sinisimbolo ng bilanggong lumabas ng yungib? Ipaliwanag.

3. Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng kuro-kuro sa isang paksa?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 15

Ngayon subukan mong iugnay ang iyong
ISAGAWA
sariling pananaw sa pananaw ni Plato tungkol sa
: kulturang Griyego kumpara sa kulturang Filipino.
:

_____________________________________________________________

GAWAIN 6: MALAYANG PAGPAPAHAYAG

Batay sa binasang sanaysay ni Plato, ipahayag ang iyong sariling pananaw gamit
ang mga ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw ukol sa nakitang mga
kulturang Griyego na maaaring nakikita sa kulturang Filipino. Isulat sa sagutang papel
ang iyong sagot.

______________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 16

TAYAHIN Mahusay! Ipahayag mo naman ngayon ang
aral na iyong napulot sa parabula.
:
:
_____________________________________________________________

GAWAIN 7: SANAY SA PAGSASALAYSAY

Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay na nagtataglay ng mga mungkahi na

makabuluhang gawain ng mga kabataan sa gitna ng community quaratine kung saan ang
mga 20 edad pababa ay hindi pinapayagang lumabas ng kanilang bakuran. Gumamit ng
mga ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw. Isulat sa sagutang papel ang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 17

KARAGDAGANG Upang mas lalo mong mapatibay ang

GAWAIN iyong natutuhan, isagawa ang kasunod na

: gawain.

_____________________________________________________________
Panuto: Panoorin ang isang balitang tungkol sa pandemiyang kinakaharap ng mundo.
Sagutin ang mga tanong pagkatapos at ito ay tatayain batay sa pamantayan sa ibaba. Isulat
sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ano-anong mahahalagang isyung pandaigdig at panlipunan ang masasalamin sa

napanood na balita?
_________________________________________________________________

2. Kung makakausap mo si Pangulong Duterte, ano-ano ang sasabihin mo sa kaniya

tungkol sa kaniyang mga panukala laban sa pandemiya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Ano naman ang maipapayo mo sa mga anak ng frontliners? Magbigay ng limang

mahahalagang payo na maaaring maging gabay sa lahat ng kabataang ang mga
magulang ay nagtatrabaho at nagpaoakahirap bilang frontliners.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Marka Pamantayan

4 Natalakay nang higit pa sa inaasahan ang lahat ng mahahalagang isyung

pandaigdig o panlipunan na taglay ng pinanood.

3 Natalakay sa mga isinagot ang mahahalagang isyung pandaigdig o

panlipunan na taglay ng pinanood.

2 Hindi gaanong lumitaw sa mga isinagot ang mga inaasahang mahahalagang

isyung pandaigdig o panlipunan na taglay ng pinanood.

1 Hindi lumitaw sa mga isinagot ang mga inaasahang mahahalagang isyung

pandaigdig o panlipunan na taglay ng pinanood.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 18

19 Filipino 10 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
1. x 2. / 3. / 4. / 5. /
6. / 7. / 8. / 9. x 10.x
Gawain 1
1. A 2. C 3. A 4. D 5. C
6. C 7. D 8. D 9. D 10. A
Gawain 2
Nagliliyab:Nag-aalab Pagmasid:Pagmasdan
Wastong pag-iisip:Intelektuwal Mahirati:Mahumaling
Gawain 3
1. Sa ganang akin 2. Batay sa 3. Pinaniniwalaan
4. Sa tingin 5. Ayon sa
Gawain 4
Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala. Ibig nitong ipakahulgan na hindi lahat
ng nakikita ay totoo. Maaaring tayo ay dinadaya lamang ng ating mga nakikita o
nammasid. Kayat marapat gawin ay magtiis kaysa aliwin tayo ng mga peke o huwad
na akala sapagkat sabi nga natin, marami ang namamatay s amaling akala.
Gawain 5
1. Bakit kaya ang mga naiwang bilanggo ay ayaw lumabas kahit pa sinasabi ng
kanilang kasama kung gaano kaganda ang labas ng yungib?
Dahil ang mga naiwang bilanngo ay hindi bukas ang kanilang isip sa pagbabago.
Sila’y nakukuntento na lamang sa mga bagay na nakagisnan kaya ayaw na nilang
lumabas baka lalo lamang silang mapapahamak kung sila’y lalabas.
2. Ano ang sinisimbolo ng bilanggong lumabas ng yungib? Ipaliwanag.
Sinisimbolo ng bilanggong lumabas ang mga taong may bukas ang isip.
Kadalasan ang mga mamayang may bukas ang pag-iisip ay may malawak na pang-
unawa sa mga bagay-bagay.
3. Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng kuro-kuro sa isang paksa?
Sa pamamagitan ng sanaysay naipapahayag ng isang manunulat ang kanyang
pananaw, kuro, opinyon at damdamin tungkol sa isang paksa lalo na kung maayos
ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

o Vilma C. Ambat, et.al, Filipino Modyul para sa Mag-aaral, C.2015, Department

of Education, 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig
City, Philippines 1600

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 20

Pangalan: _________________________________ Baitang/Seksyon: _____________

Paaralan: ______________________________________________________________

Guro: ________________________________ CP No. ng Magulang: _______________

SAGUTANG PAPEL

Paunang Pagtataya Gawain 1 Gawin 3

1. 1. 1.
2. 2. 2.
3. 3. 3.
4. 4. 4.
5. 5. 5.
6. 6.
7. 7.
8. 8.
9. 9.
10. 10.

Gawain 2
_____________________________:__________________________
_____________________________:__________________________
_____________________________:__________________________
_____________________________:__________________________

Gawain 4
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 5
1._____________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 21

2._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3._____________________________________________________________________

Gawain 6

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 22

Gawain 7

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 23

Karagdagang Gawain

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 24

For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)
Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900
Contact Number: (077)771-3678
Email Address:laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 10 25

You might also like