You are on page 1of 18

10

FILIPINO
Kwarter 2 – Modyul 4
Ako Po’y Pitong Taong Gulang
(Dagli mula sa Isla ng Caribbean)

Self-Learning Module
PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman


ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ilang mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


1|P age
Mga Kasanayang Pampagkatuto Aralin 1.4

Maikling Kuwento

Mga Kompetensi:

• Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at

opinyon tungkol sa isang paksa sa isang dagli (F10PN-IIa-b-72)

• Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na pananaw

ng tauhan (F10PS-IIg-h-71)

• Nakasusulat ng isang makatotohanang dagli base sa pangyayari at

damdamin (F10PT-IIa-b-72)

• Nailalahad ang kultura ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-bayan

sa napakinggang usapan ng mga tauhan (F10PU-IIa-b-74)

Mga Layunin:

Pagkatapos ng pag-aaral na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:

• Naunawaan ang kaibahan ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan

• Nakapaglahad ng mga opinyon sa mga paksang natalakay sa bawat akda;

• Nakapagbahagi ng kaalaman ayon sa sariling pagkaunawa sa paksa;

• Nakapagbigay ng malinaw na pagkaunawa sa pangyayari at damdamin

sa nabasang dagli

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


2|P age
Gawain 1: Patotohanan ang Konsepto

Sagutin ang kasunod na mga gawain. Makatutulong ito upang sa gayo`y maunawaan mo
kung paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan at paano makatutulong ang
mga salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin sa pagsulat ng sariling dagli?

Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo. Lagyan ng tsek

(✔) ang hanay ng iyong sagot

Totoo Konsepto Tungkol sa Aralin Hindi


Totoo
1. Ang dagli ay mga sitwasyong may mga nasasangkot sa
tauhan ngunit walang aksiyong umunlad, gahol ang
banghay at paglalarawan lamang.

2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at walang


timping nangangaral, namumuna, nanunudyo o
kaya`y nagpapasaring.

3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng paghihimagsik.

4. Ang mga salitang malungkot, takot na takot at


tuwang-tuwa ay nagpapahayag ng damdamin.

5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong bata pa ako at


kamakailan lang ay gnagamit upang maglarawan ng
mga pangyayari.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


3|P age
ALAM MO BA?

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling


kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.

Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba
ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina
Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus,
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope
K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang
1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol
at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga
manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento


at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng
dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento


at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng
dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat lipunang kanilang ginagalawan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


4|P age
Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan
ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang
lumalaban sa mananakop na Amerikano

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na


pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o
tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli
at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-
in-the-life, at iba pa at lehimitasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media.

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN


Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles
ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na
umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar
ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na


pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag
Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni Eros Atalia
kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring
pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang ang paggamit ng
wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez
na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila:
"Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula
sa maliit at partikular na karanasan. Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan
ng bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,


pasingaw at proto fiction o micro fiction sa Englis. Narito ang isang halimbawa ng dagli
na isinulat ni Salvador R. Barros.

"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at reporter


ay may malaking ipinagkakaiba.”

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


5|P age
Pinagmulan ng mga Isla ng Carribean
Sa loob ng isandaang taon , ang Carribean Islands ay pinaninirahan ng tatlong
pangunahing katutubong tribo.- Ang Arawaks , ang Ciboney at ang tribo na nagbigay ng
pangalan sa isla-ang Caribs. Sinasabing sa pagdating ni Christopher Columbus ang unang
European na nakarating sa isla ay nagkaroong ng dramatikong pagbabago sa kasaysayan
ng Carribean.Ang Spain ang orihinal na umangkin sa buong isla.Hindi ito ikinasiya ng
mga taga-isla na nakatira roon maging ng mga bansa sa Europa na nag-aagawan sa isla
tulad ng France, England, Netherlands at Denmark.

Samantala ang mga taal na katutubong tribo na nakatira sa isla ay halos nalipol.
Kung nalipol ang mga tao ng isla gayundin ang kanilang pamumuhay kaya ang kultura ng
Carribean ay madalas na nagbabago. Karamihan ng mga taga isla ay nagging biktima ng
pang-aalipin kung kaya napalitan ang katutubong kultura mula sa Africa. Di-kalaunan
ang mga labanan ay natigil at karamihan sa mga isla ay natahimik. Bagaman, ang pang-
aalipin ang sumisira sa plantasyon ng asukal at kape sa lugar. Karamihan ng mga labanan
ay natigil dahil ang mga bansa sa Europa ay humubog sa sarili nilang kultura sa mga
sarili nilang teritoryo.

History of Carribean Island, kinuha noong Marso 3, 2014 Mula sa


(http//. destination 360.com/carribean/history

Ano –anong
mahalagang
impormasyon ang
nakuha mo sa
binasa?

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


6|P age
Ngayon ay natitiyak kong handa ka nang basahin ang dagli mula sa
Rehiyon ng isa sa mga isla ng Carribean upang masagot mo kung paano naiiba
ang dagli sa iba pang akdang pampanitikan.

Ako Po’y Pitong Taong Gulang

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Caribbean. Ako po’y
pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang
mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas
singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap
pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako
ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po akong
ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong gulang na anak na


lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at paghahain ng tanghalian ng pamilya.
Kung hindi pa po oras ng pagkain, kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at
gawin ang mga utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga
damit at hugasan ang pinagkainan at linisin ang kusina.
Hinihugasan ko rin po ang mga paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong
araw na ito at sinampal po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na po siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa
giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit at wala akong
sapatos. Hindi po ako kailanman pinayagan ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib
ko para sa pamilya. Kagabi po ay sa labas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila
ako sa sahig sa loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat
nito. Ayaw po nila kasi akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia

- Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


7|P age
GAWAIN 2. UNAWAIN MO

Panuto: Suriin ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng grapikong
representasyon.

Ako
Po`y
Pitong
taong Tauhan Tagpuan Pangyayari 1 Pangyayari 2 Pangyayari 3
gulang

1. Ipahayag ang iba`t ibang damdamin nakapaloob sa binasang dagli.

2. Sa kasalukuyang panahon, may pangyayari ba sa iyong paligid na kapareho ng nabasa mong dagli?
Ipaliwanag ang sagot

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


8|P age
ALAM MO BA:

Ang mga salitang may salungguhit sa binasang teksto ay salitang ay


nagpapahayag ng damdamin ng tao ayon sa iba’t ibang sitwasyon?
Nakatutulong ang mga salitang ito upang malinaw na mailarawan ang
nadarama ng tao. Balikan mo ang iyong napag-aralan sa modyul 1
tungkol sa pagpapahayag ng mga emosyon at saloobin. Makatutulong ito
sa mabisang pagpapahayg ng damdamin. Naririto pa ang ibang
halimbawa na ginamit na salita na nagpapahayag ng damdamin sa dagli
na iyong binasa:

• galit na galit
• galit
• nakakalungkot
Tingnan naman natin ang mga salitang
• hindi umano noong bata pa ako
• nasaksihan nakita ko
• apat na taon pala kwento ni Jojie
Ang mga salitang nabanggit ay ginagamit sa pagsasalaysay ng mga
pangyayari. Ang mga salitang ito ay mga palatandaan na ang nagsasalita ay
nagsasalaysay ng mga pangyayari na maaaring batay sa karanasan,
nasaksihan o napanood
Gumamit din ng mga salitang nagpapahayag ng pangyayari sa
dagli na iyong binasa, tulad ng:
• noon sumunod
• ngayon pong araw na ito kagabi po
• pagkatapos po kung minsan po

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


9|P age
Pagsasanay 1: Basahin ang talata at pagkatapos ay itala sa iyong sagutang papel ang
mga salitang ginamit na nagpapahayag ng pangyayari at damdamin

Nabigyan ako ng pagkakataon na dumalo sa writeshop ng isang pribadong


palimbagan bilang paghahanda sa pagsulat ng modyul na gagamitin ng mga mag-
aaral.
Ang unang araw ay ginugol ko sa biyahe, pag-aayos ng mga gamit sa itinakdang
silid at oryentasyon sa mga gagawin. Madalas kasi na ginaganap sa malayong lugar ang
writeshop upang mailayo ang mga kalahok sa magulong lungsod ng pinagmulan at
mabigyan ng bagong inspirasyon. Naroroon ang pananabik at takot kung ano ang
mangyayari sa akin sa loob ng ilang araw

Sa ikalawang araw ay nakinig lamang ako sa panayam tungkol sa iba’t ibang


kaalaman na kailangan upang makapagsulat. Ang ikatlong araw ay ginugol ko sa
paghahanap ng mga materyales, babasahin, akda na gagamitin sa pagsulat. Sumakit
ang ulo ko at nakaramdam ng hilo sa dami ng binabasa at hinahanap.

Sa ikaapat na araw ay nagsimula na akong magsulat sa una kong aralin. Masaya


kong hinarap ang hamon kahit na alam kong hindi madali ang aking gagawin. Malaki
ang naitulong ng iba ko pang kasama sa writeshop. Madalas kaming mag-brainstroming
at hindi nawawala ang biruan at tawanan. Gumugol ako ng ilang araw bago nakatapos
ng isa. Anong sarap sa pakiramdam na mayroon ka ng naisulat pero kinakabahan pa
rin dahil susunod naman ang pagkritik ng mga batikan sa institusyon.

Sumunod na araw ay humarap kami sa panelist ng kritiko na binubuo ng


specialist, validator, at mga propesor sa unibersidad. Noong una ay parang magsisikip
ang dibdib ko sa dami ng puna na kanilang sinabi. Kung mahina ang iyong loob ay para
kang matutunaw sa iyong kinauupuan. Subalit itinanim ko sa isip na kailangan kong
maging bukas, makinig, magtala, at tanggapin ang lahat ng kanilang sasabihin na sa
huli ay huhubog sa aking kakayahan sa pagsusulat. Tinandaan ko ang lahat at nangako
sa sarili na sa susunod ay lalo ko pang pagbubutihin ang pagsusulat.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


10 | P a g e
Pagsasanay 2: Bumuo ng maikling salaysay tungkol sa iba pang
problema na kinakaharap ng kabataan maliban sa child labor. Pumili ng
isang paksa sa ibaba. Isulat ang talata sa iyong sagutang papel. Sikaping
gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari.
1. Bullying
2. Maagang pag-aasawa
3. Masasamang bisyo
4. Generation gap
5. Problemang pampamilya

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman Nailahad ang mga
isyu at 10
mungkahing
solusyon sa mga
suliranin

Organisasyon Naipakita ang


maayos na 10
ugnayan o
kaisahang diwa
ng pangungusap

Estilo Nakasusulat ng
maayos na 10
saloobin ukol sa
isyu

Kabuuang 30 puntos
Puntos
DEP

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


11 | P a g e
Sanggunian
Aguirre, Princess. “Kontemporaryong Dagli.” Scribd. Accessed July 21, 2021.
https://www.scribd.com/presentation/444586035/Kontemporaryong-Dagli-pptx
Ambat, Vilma. “Kagawaran Ng Edukasyon Filipino 10 Mga Akdang Pampanitikan Ng Mga Bansa
Sa Kanluran.” Depedmbhs.ga, 2021. http://www.depedmbhs.ga/wp-
content/uploads/2021/02/Filipino-10-Q2-Week-2.pdf.

annsantos74. “Budget Gr.-10-Final-Edited Do,” June 14, 2017.


https://www.slideshare.net/annsantos74/budget-gr10finaledited-do.

Banaag, Aila Anissa. “Aralin 2.2.” Scribd. Accessed July 21, 2021.
https://www.scribd.com/presentation/358435356/aralin-2-2.

BaronJellyfish13394. “BaronJellyfish13394.” Coursehero.com, 2021.


https://www.coursehero.com/file/p49dbbau/Pero-kahit-ganon-ang-nasa-aking-isipan-ay-sana-
bumalik-kayo-kahit-alang-alang/
Brainly. “Madali Mo Bang Naunawaan Ang Iyong Binasa? Bakit? - Brainly.ph.” brainly.ph.
Accessed July 21, 2021. https://brainly.ph/question/436761.

“Sa Kasalukuyang Panahon,Sa Iyong Paligid Ba Ay May Mga Matilde Kang Nakikita?Ilarawan -
Brainly.ph.” brainly.ph, July 14, 2015. https://brainly.ph/question/176787
“Salitang Katugma Ng Matalas - Brainly.ph.” brainly.ph, November 19, 2020.
https://brainly.ph/question/7201220.

Corundum Crucibles. “Bugo Pldt Panirado Gud Mo, Yw Na Abandon Napud Kog 5 Games Mayg
Kamo Mo Dula Anang 5 Games Mga Bugo Panirado Gud Mo .” smartanswer-ph.com.
Accessed July 21, 2021. https://smartanswer-ph.com/filipino/bugo-pldt-panirado-gud-mo-
yw-na-aba-8424412.

Cunanan, Marielle. “ANG CARIBBEANx - ARALIN 2.2 DAGLI MULA SA REHIYON NG... S.”
Coursehero.com, 2021. https://www.coursehero.com/file/60440086/ANG-
CARIBBEANpptx/.

DeanDiscoveryRabbit6. “Modyul-5-LAS-Gawain-1-3 - GAWAIN 1 Tuklasin Mo Panuto...”


Coursehero.com, 2021. https://www.coursehero.com/file/91368566/Modyul-5-LAS-Gawain-
1-3docx/.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


12 | P a g e
Sanggunian

“Grade 10 Lm Filipino 10 – Quarter 2. Pdf [2nv59ey9yrlk].” idoc.pub. Accessed July 21, 2021.
https://idoc.pub/documents/grade-10-lm-filipino-10-quarter-2pdf-2nv59ey9yrlk
Helper Homework. “Suriin Ang Tauhan, Tagpuan at Mga Pangyayari Sa Binasang Dagli Sa Tulong
Ng Grapikong Representasyon.” brainanswerph.com. Accessed July 21, 2021.
https://brainanswerph.com/filipino/question2521476.

Homework Helper. “Suriin Ang Tauhan, Tagpuan at Mga Pangyayari Sa Binasang Dagli Sa Tulong
Ng Grapikong Representasyon.” brainanswerph.com. Accessed July 21, 2021.
https://brainanswerph.com/filipino/question2521476.

Jenita Guinoo. “Thor at Loki.” Thor at Loki, September 11, 2017.


https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/thor-at-loki-79627636.

LieutenantBraveryIbex12. “Q2-UNANG-LINGGO.docx - FILIPINO 12 Filipino Sa Piling...”


Coursehero.com, 2021. https://www.coursehero.com/file/77683190/Q2-UNANG-
LINGGOdocx/.

Manotnot. “Aralin-2-2-Modyul (1) - Aralin 2.2 Ako Poy Pitong Taong...” Coursehero.com, 2021.
https://www.coursehero.com/file/16727975/aralin-2-2-modyul-1/.

Morales, Ryan. “Filipino 10 Demo | PDF.” Scribd. Accessed July 21, 2021.
https://www.scribd.com/presentation/324080020/Filipino-10-Demo.

Paspas. “Paspas.” Paspas. Accessed July 21, 2021. https://claresttmamld.wordpress.com/.

Sapitan, Joemelyn Breis. “Mga Akda Sa Aralin 2. Panitikang Kanluran. | PDF.” Scribd, n.d.
https://www.scribd.com/document/470330112/Mga-akda-sa-Aralin-2-Panitikang-Kanluran.

scribd. “Grade 2 Lesson Plan 2nd to 4th Grading. All Subjects.” Scribd. Accessed July 21, 2021.
https://www.scribd.com/doc/273935268/Grade-2-Lesson-Plan-2nd-to-4th-Grading-All-
Subjects.

“LM - Modyul 2.04.14.15.” Scribd, 2015. https://id.scribd.com/doc/316445398/LM-Modyul-2-04-


14-15.

Ville, War. “FILIPINO 10: AKO PO’Y PITONG TAONG GULANG.” FILIPINO 10, 2015.
https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ako-poy-pitong-taong-gulang.html.

Wattpad. “Grade 10 Filipino Module - MALIGAYANG PASKO - Wattpad.” www.wattpad.com.


DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY
Accessed July 21, 2021. https://www.wattpad.com/159315961-grade-10-filipino-module-
13 | P a g e
maligayang-pasko.
Susi sa Pag-unawa

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


14 | P a g e
SINOPSIS:

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay nagbibigay ng isang magandang aral tungkol sa
buhay. Ipinapakita nito ang kaugnayan ng ating mga ginagawa araw-araw sa ating mga
magagandang asal bilang tao. Binibigyang diin dito ang pagpapahayag ng paninindigan at
pananaw batay sa sitwasyong kinalalagyan. Kailangan harapin ang mga pagsubok at matuto
mula rito.

Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makagagawa ng dagli na may kaugnayan sa buhay

at upang maipakita ang pagiging isang mabuting tao sa lipunan.

Magbsa at linangin ang sariling katangian at kaugalian bilang isang tao. Kilalanin ang

sarili at tuklasin ang mga nakatagong kabutihan na maaaring maipagmalaki sa buong mundo.

MAY-AKDA:

MARIA FAITH H. CABANOS. Nagtapos ng kursong Bachelor in


Secondary Education Major in English. Kasalukuyang nagtuturo ng
Filipino at English sa ikawalu hanggang ikasampung baitang sa
Mandaue City School for the Arts. Naging Filipino Koordineytor at
School Paper Adviser sa Filipino mula sa taong 2018 hanggang sa
kasalukuyan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


15 | P a g e
DEPARTMENT OF EDUCATION REGION VII

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, CESO V


Schools Division Superintendent

LEAH B. APAO, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD


LRMDS, Education Program Supervisor– (LRMDS)

FELICITAS C. MAGNO, MAED


Education Program Supervisor in Filipino

MARIA FAITH H. CABANOS


Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


16 | P a g e
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY


17 | P a g e

You might also like