You are on page 1of 10

QUIRINO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION
DIFFUN, CAMPUS

Gawain 1
Lumikha ng isang tula naglalarawan ng damdaming nais iparating sa mga mahal sa
buhay

Pamantayan sa gawain
Krayterya Bahagdan
Kaugnayan ng Tema 20%
Nilalaman 30%
Kintal 20%
Orihinalidad 30%
Kabuoan 100%

“KAYAMANAN”
Nakakatawa pa ring isipin
Na isang katulad mo ang iibigin
Yaman sa mundo hindi mo man maalay sa ‘kin
Kahit buhay ulit ulitin ikaw pa rin ang pipiliin

Pagiging ina’y matagal ng pangarap


Pagdating mo sa mundo sa damdamin kay sarap
Pagsungaw ng ngiti galing sayo ay kaligayahan
Ikaw lamang ang natatanging ina kailanman

Sa lahat ng iyong mga ginagawa


Nasa likod mo hindi magsasawa
Hindi mo man napapansin
Ito pa rin ang aking gagawin

Kahit na sa iyong pagbagsak


Wag mag alala kamay mo ay aking hawak
Hindi magsasawa at hidi mapapagod
Pagkat sayo ay masayang ngalilimgkod

Sabihin man nilang hindi ako mabuti


Nararamdaman moy unang iiintindi
Buong mundo may talikuran buong loob kong titiisin
Mawala na lahat sa akin,huwag lang ang ng-iisang kayamanan
PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ano ang iba’t ibang uri ng damdamin na maaaring ipahayag ng tao
sa pamamagitan ng panitikan?
- Sa pamamagitan ng panitikan naipapahayag ng tao ang kaniyang
damdamin , kaisipan o karanasan , hangarin o diwa ng mga tao at ito
rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o
tuluyan at patula.
2. Ipaliwanag kung paano ang isang uri ng damdamin ay maaaring ipahayag
sa pamamagitan ng panitikan.
- dahil ang panitikan ang pinakapayak na pagpapahayag ng
kaisipan,damdamin, dia o karanasan ng tao. Sa pamamagitan ng uri ng
panitikan na tuluyan o patula nakakapagsalaysay di ito sa pamahalaan,
lipunan at mga pananampalataya at karanasang ay kaugnay ng iba’t
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan,
pag-asa, pagkapuot, pighihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

1. Ipaliwanag kung ano ang saklaw ng panitikang Filipino

- Mga akdang pampanitikan na nagpapailala ng kasaysayan at kalinangan


ng bansang pinangalingan Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia
Koran mula sa Arabia Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos Noli
Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas Sanlibo’t Isang Gabi
mula sa Arabia at Persia Canterbury Tales buhat sa Inglatera , Iliad at
Odyssey mula sa Gresia El Cid Campedor mula sa Espanya.

- Mg MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINO


- Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898) Panahon ng Propaganda at
Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898) Panahon ng mga
Arnerikano (1899-1941) Panahon ng Hapones (1942-1945) Panahon ng
Bagong Kalayaan (Simula 1946) Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)
Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986) Panahon ng Bagong
Demokrasya (Simula 1986)
 Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)
Pagaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may impluwensiyang
kaisipang Malayo-lndoncsyo, Ang panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng
alamat, kuwentong-bayan, kantahing- bayan, epiko, at mga karunungang-bayan.
 Ibanahon ng rnga Kastila (1565-1898) Naging panrelihiyon ang paksa ng
panitikan ng panahon ng rnga Kastila, Ang layunin ng panitikan sa panahong
ito ay ang palaganapin ang Kristiyanisrno. Karamihan ga roga akda ay isinulat
ng mga prayle, Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang
kanluranin.
 Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)
Naging makabayan at mapanghirnagsik ang panitikan sa panahong ito.
 Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941) Ang panitikang Fil spino ga
panahong ito ay rnay impluwensya ng kaisipang demokratiko. Panahon ng
Hapones (1942-1945) Nakilala sa panahong ito ong molayang tula.
Tinularan ng ilang makatang Pilipino ang tulang llapon na hoccu o haiku,
Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong pampanilikan ang nangyari sa
panahong ito.
 Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946) Naging masiglang muli ang
panitikan sa panahong ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming
manunulat ang nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles.
 Panahon ng Aktibismo (Dekada '70) Sa panahong ito'y naging maiinit ang
paksa ng panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban
sa pamahalaan o awtoridad.
 Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986) Sikil ang mga panulat sa panahong
Vito. Limitado ang mga paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi
malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.
 Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986) Sumigla ang pamamahayag,
Malaya ang mga mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa
sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon na
humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba't ibang larangan.

PagsasanayGawain 1
Lumikon ng sampung mga halimbawa ng bugtong sa inyong lugar

1. langit ngato, langit baba, danum agtinga


( niyog)
2. No natignayen, bumekkelen
No natignayen bumagkungen
( silong ken aklo ) o ( basahan o sandok )
3. adda maysa a lakay kalbo ngem nakawaray
( kutira o pugita )
4. adda maysa prinsesa nakatugaw ti tasa
(kasoy)
5. bolong ti kappakappa nagtalikod,nagpada
( lapayag )
6. magmagna ni inam sangsangitam
( burias )
7. adda maysa alakay gumanuyod ti oay
( bao )
8. ania ti pinarsua ni apo a suec a maturog?
( paniki )
9. napanak diay bantay, adda nasabat ko lakay, sinagid ko natay
( bain-bain) o ( makahiya )
10.adda tapis ni kaka, saan man a mabasa
( aba ) o ( gabi )

Pagsasanay

Gawain # 2

Magsaliksik ng limang bulong mula sa inyong lugar at makipanayam ng


ilang nakatatanda kaugnay ng nasaliksik na bulong

1. Bari-bari apo
Ang bari-bari apo o makikiraan po ay kalimitang ginagamit ng tao lalo na
sa mga naniniwala sa mga elementong hindi nakikita.

2. Dayo-dayo
- Ang dayo-dayo ay ginagamit kapag may mga bagay kang itatapon.
Halimbawa na lamang ng mainit na tubig baka raw may masaktan kang
hindi natin nakikita.

3. Bao bao suktam ti baro


- Kapag may natanggal kang ngipin ihagis mo daw sa taas ng inyong
bubog at ibulong ang salitang bao bao suktam ti baro upang sa susunod
na tubo nito ay maganda ang kapalit

Pagsasanay

Gawain #3

Magtala ng limang salawikain at ipaliwanag ang kahulugang nakapaloob dito.

1. Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Kung ano ang pinanggalingan ay siya rin ang bunga. Kadalasan, ito ay tumutukoy
sa pagkakaparehas ng anak sa kanyang mga magulang.
2. Kung walang tiyaga, walang nilaga.
Walang pag-unlad kung hindi ka marunong mag tiyaga o magtrabaho ng maigi.

3. Pagkahaba-haba mang ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.


Sa kabila ng maraming taon at pagsubok na dumating, mauuwi pa rin sa kasalan
ang relasyon.

4. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.


Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy samantalang ang
mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.

5. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Mabilis mapasa-pasa ang balita mabuti man ito o masama kapag nakarating na sa
taenga ng tao at lumalabas na sa mga bibig.
Pagsasanay

Gawain # 4

Maglikom ng limang halimbawa ng kasabihann sa inyong


pook at ipaliwanag kung sa anong pagkakataon nila
sinasabi ang mga ito.

1. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganahan.


Hindi nasusukat sa kung anong mayroon ka ang kaginhawan ng iyong buhay. Ito
ay nakabase sa kung gaano ka kasaya sa buhay.

2. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.


Lahat ng daan patungo sa tagumpay ay may kaakibat na kahirapan na kailangang
lampasan.

3. Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.


Kapag mabuti ang iyong gawain, kailanma’y hindi ka matatakot sa mamatay at
husgahan sa kabilang buhay.

4. Ang batang hindi nagsasabi ng katotohanan ay hindi maaasahan.


Tunay na hindi ka makaasa sa bata man or matanda na hindi nagsasabi ng
katotohanan.

5. Kapag may isinuksok, may madudukot.


Kapag ikaw ay may itinira o itinabi, halimbawa ay pera, sa panahon ng kagipitan
ikaw ay may magagamit.
Pagsasanay

Gawain #5

Maglikom ng makalumang awiting bayan. Maglikon din ng


mga kontemporaryong awiting bayan. Suriin ang bawat isa
at pagkatapos, gumawa ng isang paghahambing ayon sa
mga sumusunod.

a. Paksa
b. Mensahe/tema
c. Layunin

a. PAKSA AWITING BAYAN


 Manang Biday
 Dungdungwen
 Pammulinawen
 Kundiman
 Kumintang

b. MENSAHE/TEMA

- Ang mga awiting bayan ay mga sinaunang awitin ng ating mga ninunong
Pilipino. Bago paman tayo sinakop ng mga Kastila, ang Pilipinas ay
mayroon ng pansariling kultura at tradisyon katulad lamang ng pagkanta
ng mga awiting bayan. Kadalasang binubuo ng labing-dalawang pantig sa
bawat taludtod ang mga awiting bayan. Bukod dito, sila rin ay nasa
anyong patula. 

c. LAYUNIN
-Ang pagunahing layunin nito ay malaman,matutunan,maisapuso maalala
natin Kung daan Tayo galing at Ito din ay nilang paalala na magagandang
habilin sa atin ang ating mga ninuno.

a.PAKSA KONTEMPORARYONG AWITIN


b. MENSAHE/TEMA
c.LAYUNIN

Pagsasanay

Gawain #6

Basahin ang Epikong Biag ni Lam-Ang at sagutin ang mga tanong sa


bahaging pagsusuri.

a. PAKSA
- Ang epikong ito ay isa sa mga pinakaunang epiko ng Pilipinas na isinulat
na tulang tuluyan. Ito rin ang isa sa dalawang epiko na nakadokumento sa
panahon ng pagsakop ng mga Kastila.

b. MENSAHE/TEMA
- Ang bag ni lam Ang ay sumasalamin sa katapangan ng mamamayang
pilino. nagpapakita ito ng mga bagay na kanyang gawin ng mga pilipino
para sa kanilang minamahal.

c. LAYUNIN
- Layunin ng manunulat na si lam-ang ay sumisimbolo bilang isang
matapang na Pilipino na inahahalintulad sa mga bayani na lumaban para
sa ating kalayaan. Si lam-ang sumisimbolo sa katapangan ngunit punong
puno ng pagmamahal.

1. Ayon sa kanya ang ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng


kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan-ang tatlong bagay na magkatipun-
tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.
- Julian Cruz Balmaceda
2. Ito ay matatalinhagang mga pariralang may sukat at tugma. Ang mga ito ay
nagtataglay ng butil ng karunungang hinabi sa maikli at patugmang pahayag
upang ipasagot sa iba.
- Bugtong
3. Ito ay binubuo ng ilang taludtod at ginamit ng ating mga ninuno upang
magpasintabi o hingan ng paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng mga
duwende at mga espiritu. Ginamit din nila ang mga bulong bilang
pangkulam o pang-engkanto.
- Bulong
4. Isa ito sa mga itinuturing na pinag-ugatan ng mga unang tulang Filipino na
nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan hanggang sa nakaugalian
nang kantahin hanggang sa kasalukuyan.
- Awiting bayan
5. Ito ay isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas.
Nahihinggil ito sa mga mahiwagang pangyayari o mga kabayanihan at
naglalaman ng mga katangian, paniniwala, kaugalian, saloobin, mithiin at
sukatan sa buhay ng ating mga ninuno.
- Epiko

You might also like