You are on page 1of 10

QUIRINO STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

MASUSING BANGHAY ARALIN FILIPINO 8

PAKSA 7

I LAYUNIN

Sa loob ng 60 minuto, 85 percent sa mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nakakapagbigay kahulugan ng wika

b. nabibigyang halaga ang wika

c. maiiuugnay ang sarili sa pang araw araw na buhay ang sariling wika

II PAKSANG ARALIN : Wikang Balbal

Sanggunian: Module 8/internet

Kagamitan: Biswal o visual aids,multimedia, Manila paper,marker

III PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


PANIMULANG GAWAIN

PANALANGIN
Bago tayo magsimula, tayo muna ay manalangin upang
mas maging prodaktibo ang ating talakayan. Shama Makapangyarihang Diyos,
magbigay ng Panalangin. Sa pamamagitan ng inyong anak na si Jesus,
humihingi ako ng inyong tuong upang
maipagpatuloy namin ng maayos an gaming
pag-aaral at gabayan niyo kami sa araw na
ito Amen

PAGBATI
Magandang umaga! Mga mag-aaral Magandang umaga bb. Ordonez

PAGTALA NG LUMIBAN
Batid kong walang lumiban ngayon sa ating klase, para sa (nagsipagtaas ang kamay ang mga mag-aaral
inyong atendans sabihin lang ang salitang present kung at tatawag ng pangalan ang guro)
mayroon kayo sa araw na ito.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

BALIK ARAL
Ating naman balikan ang pinag aralan natin noong Tungkol po sa uri ng Pandiwa at pokus ng
nakaraang araw ano ang ating tinalakay klas? pandiwa mam

Tama ! sino naman makakapagbigay kahulugan kung ano


ang uri at pokus ng pandiwa Ang uri pandiwa ay ang Katawanin at palipat
at ang Pitong Pokus ng pandiwa ay Pokus ng
aktor, pokus sa layon,kosatibong
pokus,Benapaktibong pokus,instrumentong
pokus at pokus sa direksyon

Magaling batid kong naintindihan niyo na kung ano ang


Pandiwa at ang mga aspeto at uri at kung ang ga
ginagamit na Pokus sa pangungusap.

MAHUSAY KLAS ! at naunawaan niyong mabuti ang


ating tinalakay kahapon

A. PAGGANYAK

ngayon dumako tayo sa ating aralin bago yan may


inihanda akong isang Gawain

PANUTO: Tukuyin kung anong pamagat ng nasa litrato

Sa inyong palagay klas ano ang tawag natin sa mga


litratong ito? ito ay halimbawa ng ?...
Social Media mam
Tama! ito ay isang halimbawa ng social media batid kong
lahat tayo ay updated sa social media sino sa inyo ang
may Facebook,twitter,titok,instagram at messenger?
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

Ayan lahat tayo ay meron ng apps sa ating cellphone para


sa inyo klas ano kaya ang magandang dulot social media
sa ating pang-araw-araw na Gawain sa ating buhay. (nagsipagtaas ang mga kamay ng mga mag-
aaral)

Unang-una na magandang dulot ng social


media para sa akin ay ang pagkakaroon ng
malawak na komunikasiyon sa mga mahal ko
sa buhay, saan man silang parte ng mundo.
Ikalawa, ang pagbibigay ng tamang
impormasyon na nakakatulong sa aking mga
ginagawang pananaliksik lalo na sa aking
Mahusay ! Ang internet ay may malaking naitutulong sa mga takdang aralin, ngunit mas mainam pa
pag-aaral, pananaliksik, paghahanapbuhay, rin ang pagbabasa ng aklat. Ikatlo,
pangangalakal, libangan, pakikipag-ugnayan at iba pa. makakatulong ito sa pagpapalago ng aking
Ngunit kung may magandang dulot mayroon ding? self-confidence.

Tama ! kakambal nan g masama ang mabuti ngunit ano


nga ba ang masamang dulot sa atin ng social media? atin
itong alamin

B. PAGHAWAN NG SAGABAL
masamang dulot
Ngayon dumako naman tayo sa paghawan ng sagabal
basahin ang panuto klas.

Ihanay ang kasingkahulugan ng nasa hanay


A sa hanay B
Hanay A
1. Chaka
2. Japorms
3. Keribels
4. Kebs Pa?
5. Kano
6. Purita
7. Erpat
8. Ermat

10.Chibogan
Hanay B
 Kakain Na – To Eat
 Hindi maganda – Not pretty
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

 Mukha – Face
 Porma – Clothes
 Kuha mo ba? – Got It?
 Kaya Pa? – Can you still go
on?
 Amerikano – People from
America
 Mahirap – Poor People
 Ama – Father
 Ina – Mother
Magaling! klas alam niyo ba ang mga salitang ating
binigyan kahulugan ito ay Halimbawa ng Balbal na salita

C. PAGLALAHAD

Pagiging tamad ang pinakakarinawang masamang epekto


ng paggamit ng social media sa atin bilang mga mag-aaral
dahil imbis na matuto tayong gumamit ng mga aklat
bilang sanggunian gumagamit na lang tayo ng internet sa
pananaliksik. Sa paggamit natin ng mga aklat bilang
sanggunian, mas lumalawak ang ating kaalaman at
nagiging mahusay tayo sa pagbabasa. Hindi katulad ng
internet isang click mo lang, lalaabas na agad ang mga
sagot at impormasyon kaya aasa ka na lang tuloy sa mga
google kaysa sa pagbabasa ng mga aklat.

at dahil sa pagahumaling sa social media marami na


tayong natutunan na salitang balbal, alam niyo ba ang
balbal? at dahil dito nakakalimutan na natin ang ating
wika.bago natin alamin kung ano nga ba ang balbal atin
itong sagutin.

D. PAGTALAKAY
Bago tayo dumako ano ang wika klas?

Basahin ang nasa screen klas


QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

Ang wika ay ang pagpapahayag ng tao ng


kanilang kaisipan at damdamin sa iba.

Ayon kay Henry Gleason, ang kahulugan ng


wika ay isang sistematikong balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga
tao na kabilang sa isang kultura.

Dahil dito, madaming nagsasabi na ang wika


ay nabubuo ng isang bansa at sinasalamin
ang lipunan.
-
Sapagkat ang wika ay ang naging daan sa
pagbubuklod ng mamamayan ng isang
lipunan, at sa pamamagitan nito, nalalaman
Ngayon, isipin mo kung ano ang maaaring mangyari kung natin kung ano ang gustong ipahiwatig nila.
ang buong mundo ay nawalan ng wika.

Hindi natin maiintindihan ang isa’t isa, titigil ang pag


unlad ng mga lipunan, at mawawalan tayo ng paraan na
ipahayag ang ating mga sarili. Ang mundong ito ay
malungkot, magulo, at nakakapanghina ng loob.

Kailangan natin ang wika sa pang araw-araw nating


buhay, sa pagbuo ng mga sistema na nag bibigay
kaalaman sa tama o mali. Nag bibigay ang wika ng
sariling pagkakakilanlan sa sinoman gumamit nito.

Dahil sa wika, nagkakaroon tayo ng oportunidad na


makipag talastasan sa iba, lumalalim ang ating mga
kaalaman, at nagiging parte tayo sa pag-unlad ng lipunan.

Kaya naman napakahalaga ng wika sa ating buhay ngunit


dahil sa mga umuusbong na ibang salita tulad na lamang
ng balbal o slang iba iba na ngayon ang pananalita ng
mga kabataan.

Dahil? kailangan daw sumabay sa uso upang malaman


ang mga bagong salita na sumusulpot ngayon. Dahil
bunga ito ng makabagong teknolohiyang tinatangkilik ng
mga kabataan dahil sa mga bagong likhang katawagan.
ano nga ba ang salitang balbal o slang maari niyo bang
basahin klas ang nasa screen
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

Ang wikang balbal ay tinatawag ding wikang


islang o kolokiyal. Ito ay ang wikang
ginagamit na walang pamantayan at
ginagamit ng isang partikular na grupo o
pangkat sa lipunan. Nabuo ang mga wikang
ito sa di pormal na paraan. Maaaring ito ay
mga salitang pinaikli, mga salitang
pinagsama, mga salitang hiniram ngunit
iniba ang baybay, at mga maikling salita na
pinahaba.
Tinatawag din ang wikang balbal na salitang
kanto o salitang kayle. Ito ay sapagkat ang
mga salitang balbal sa Pilipinas ay
kadalasang nabubuo sa mga usapan sa kalye
ating tatalakayin kung saan nga ba galing ang mga at sa mga usapan ng mga gumagamit. Dahil
salitang balbal. kakaiba sa pandinig, ang salitang balbal ay
naging bahagi na rin ng kulturang popular ng
Ang Salitang balbal ay mga bagong salita na kadalasan ay Pilipinas.
makikita sa mga kanto o sa mga kalye. Ito ang mga
salitang gawa-gawa lamang o kaya’y kombinasyon ng
mga salitang galing sa ating wika o sa wikang banyaga.
Ang balbal ay tinatawag rin na salitang kalye. Sa Ingles,
ang mga balbal ay tinatawag na “street slang”. Sa pang
araw-araw nating buhay, maririnig natin o kaya’y
ginagamit ang mga salitang balbal na ito.

Halimbawa na lamang nito ay ang mga:

Tsikiting – Mga Bata – Children


Chika – Sabi – Gossip
Patok – Kasalukyong Moda – Trendy
Pudra – Ama/Tatay – Father
Mudra Ina/Nanay – Mother

Minsan, binabaliktad ang mga salita para bigyan ng ibang


kahulugan ito katulad ng astig na galing sa salitang
“tigas”. Kahit nga ang mga politiko ay gumagamit ng
salitang balbal. Isang halimbawa nito ay si Mayor Isko
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

Moreno o mas kilala bilang “Yorme” (Mayor na


binaliktad lamang).

Naintindihan ba klas ang kahulugan ng balbal o slang klas

E. PANGKATANG GAWAIN
Kung gayon ngayon mayroon akong hinandang isang
pangkatang Gawain rito ang unang row ang siyang unang
grupo at pangalawang row ay siyang pangalawang grupo
at ang pangatalong row ay ang panghuling grupo
May sampong minuto kayo para gawin ang aktibity
naintindihan ba klas?
OPO !
Basahin ang panuto klas

I. Panuto: Lagyan ng diyalogo ang tauhan sa


larawanmgamit ang wika ng kabataan sa
kahit na anong paksang maibigan.

Panuto: Lagyan ng diyalogo ang tauhan sa


larawanmgamit ang wika ng kabataan sa
kahit na anong paksang maibigan.

II. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga wikang


gamit ng kabataan na ginagamit ni Francisco
baltazar sa pagsasalita.isulat ang sagot sa
patlang.

a. babae b. aprub c. sigarilyo


d.brother e.kasintahan j. nakakagulat
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

III. Ibigay ang kahulugan ng nasalungguhitang


wika ng kabataan na ginamit sa pahayag.

1. Petmalu si Dela cruz sa pagsulat ng tula kaya sa


kanya ako nagpaayos
Kahulugan:_____________________
2. Lodi man ako ng marami ngunit di nila alam ang
hirap ng buhay na aking nararanasan sa
bilangguan.
Kahulugan:______________________
3. Werpa sa aral at mensahe sa buhay ang akdang
Florante at laura
Kahulugan: _______________________
4. ATM papunta na ako sa tagpuan naming ni selya
sa ilog beata
Kahulugan: _______________________
5. Exagge naman ang mga tao kung makapagsabi
ng kanilang paghanga.
Kahulugan:_______________________

Kung gayon maari na kayong mag umpisa mayroon


kayong 15 minuto para gawin ang aktibity
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

( makalipas ang 15 minuto isa isang prinesenta ng bawat


grupo ang kanilang ginawa )

Tapos na ba klas atin na itong iwasto para sa unang


bahagi ng Gawain sino ang gustong mag presenta sa
harapan
( pagkatapos ng limang minutong pag prepresenta ng
bawat grupo )

Palakpakan ang bawat grupo sa galing na paglikha ng


pangungusap gamit ang balbal o slang

( BAWAT GRUPO AY NAGPRESENTA


SA KANILANG MGA PINAGSAMANG
F. PAGLALAHAT KAISIPAN)

Ang wika ay parte ng ating pang araw-araw na buhay. MGA SAGOT:


Ginagamit natin ito upang magkaintindihan sa iba. 1. D
Ngunit, higit pa dito ang kahalagahan ng wika sa 2. J
ating sarili at sa lipunan. Mahalaga ang wika sa sarili 3. B
at lipunan dahil hindi lamang ito berbal at di-berbal. 4. A
Ito ay parte ng pagkakakilanlan ng isang tao at bansa. 5. E

Ito rin ay importante dahil malaki rin ang ambag nito


sa pagbuo ng personalidad ng isang tao. Sa bansang
Pilipinas, maraming wika ang maririnig. Dahil ito sa
malawak na arikipelago ng bansa. Sa ibat-ibang pula,
maririnig natin ang ibat-ibang lengguahe o wika.

Dahil sa wika, makikita natin ang ibat-ibang dialekto


at “accent” at mga terminolohiya na makikita lamang
sa isang partikular na kultura.
QUIRINO STATE UNIVERSITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat sa papel bakit mahalagang pag-aralan ang wika

1. paano mo maiuugnay ang mga salitang balbal o slang sa iyong pang araw araw na buhay

may 15 minuto kayo para tapusin ang aktibity

( makalipas ang 15 minuto)

Ipasa paharap ang papel

V. TAKDANG ARALIN

Ngayon Para sa inyong takdang aralin ibigay ang mga teorya na nagmulan ng wika

PAALAM KLAS!

INIHANDA NI: INIWASTO NI:

Bb. AUBREY ANNE B. ORDONEZ Gng. Crisanta L. Baquiran

Gurong Nagsasanay Gurong Tagasanay

You might also like