You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Western Mindanao State University


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Bachelor of Secondary Education
Zamboanga City

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7


(DEDUCTIVE METHOD)

I. LAYUNIN

Sa Araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Matutukoy ang mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon


ng pagdadalaga at pagbibinata.
b. Maibabahagi ang mga karanasan patungkol sa mga inaasahang kakayanan
at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
c. Aktibong makilahok sa mga gawaing inaasahan sa panahon ng pagdadalaga
at pagbibinata.

II. PAKSANG-ARALIN

a. Paksa: Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng


Pagdadalaga at Pagbibinata
b. Sanggunian: https://www.slideshare.net/barsatancristy/angkop-sa-
pagdadalaga-at-pagbibinata
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Flash Cards, Manila Paper, Pilot Pen

III. PAMAMARAAN

a. Pagbati
Magandang Umaga mga bata( Magandang umaga po ma’am Princess)

b. Panalangin
Para sa panalangin ay pangunahan mo Jade (“amen”) Bago kayo maupo,
pulutin niyo muna ang mga basura at ayusin ang mga upuan.

c. Pagtala ng Liban
May lumiban ba sa ating klase ngayon? (“wala po ma’am) “Mabuti naman”

d. Pagbabalik-aral
Ngayon bago tayo magsimula ng bagong aralin, sino ang makapagsasabi
kung ano ang itinalakay natin kahapon?(ang ating tinalakay kahapon ay ang
senyales nang pagdadalaga at pagbibinata)Tama! Magaling bigyan ninyo ng
palakpak ang inyong mga saraili.

IV. PAGGANYAK

Gawain 1: Magpapakita ang guro ng mga larawan ng babae at lalaki na may


ginagawa sa komunidad. Tatawag ng mag-aaral upang sagutin ang
katanungan na itatanong ng guro patungkol samga larawan.
V. PAGTALAKAY SA ARALIN

(Pagkatapos ng pagganyak ang guro ay magtatanong muli sa mga mag-aaral


patungkol sa mga larawang naipakita.) Pagkatapos ng pagtatanong, ipapasuri ng
guro ang mga larawang ipinakita. Dito sisimulan ng guro ang pagtatalakay sa
paksa na Mga Angkop at Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga at Pagbibinata.

A. PAKIKIPAG-UGNAYAN SA MGA KASING EDAD


1. Naglalahad ng problema o opinion sa malapit na kaibigan
2. Nagkakaroon ng “Crush” o paghanga
3. Mas kasama ang “Friends” o kaibigan sa proyekto o paglalaro at pagkukuro-
kuro
B. PAPEL SA LIPUNAN BILANG BABAE O LALAKI
1. Nagging responsible sa pag-aaral ; Mag-aral
2. Sumunod sa batas ayon sap inaiiral salugar o eskwelahan
3. Pagtuklas ng iba pang pakipakinabang na mga talento
C. PAMANTAYAN SA ASAL SA PAKIKIPAGKAPWA
1. Nagiging magaling sa pakikipag-usap
2. Nagiging malaya ang isip , gawa sa pagbibigay ng ideya.
3. Naging makabuluhan o saysay ang kilos at gawa
D. KAKAYAHANG GUMAWA NG MAINGAT NA PAGPAPASYA
1. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
2. Nagiging handa sa susunod nayugto ng buhay tulad ng pag-aasawa at
pagpapamilya at paghahanapbuhay.
3. Maging mabuti at mapanagutan o responsableng tao

VI. PAGLALAHAT (NG MGA GAWAIN NG BAWAT GRUPO)

Unang pangkat, ikalawang pangkat, ikatlong pangkat at ika apat na pangkat.


Maraming salamat sa inyong presentasyon, tunay nga may natutunan kayo sa
araw na ito, palakpakan niyo ang inyong mga sarili. Ngayon naman sino ang
makapagpaliwanag sa buong tinalakay natin ngayong umaga? (Sumagot ang
isang estudyante). Magaling, ngayon dahil alam niyo na at naiintindihan talaga
ang ating aralin ay magkakaroon tayo ng maikling pagsusulit “sa kalahating
papel ay ipaliwanag ninyo ang kahalagahan ng bawat paksa, bawat paksa ay
may tig lilimang puntos.

a. Pakikipag-ugnayan sa mga kasing edad


b. papel sa lipunan bilang babae o lalaki
c. Pamantayan sa asal sa pakikipagkapwa
d. Kakayahang gumawa ng maingat na pagpapasya

VII. IMPERENSIYA

Ang pagdadalaga at pagbibinata ay panimula pa lamang tungo sa pagiging


mabuting mamamayan ng lipunan. Kaya habang nagdadalaga at nagbibinata pa
lamang ay isa-isip nating mabuti ang mga dapat nating gawin lalong-lalo na sa
pagpapasya sa mga bagay-bagay na maaaring maka apekto sa ating
kinabukasan. Naiintindihan ba ninyo class?(Opo ma’am Princess), may mga
katanungan pa ba?( Wala na po ma’am). Mabuti naman at naiintindihan ninyo
ang mga angkop at inaasahan kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga
at pagbibinata”
VIII. BERIPIKASYON

Tatawag ng mag-aaral na magbibigay ng kanilang sariling opinion kaugnay sa


Mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

IX. EBALWASIYON

Sa kalahating papel ay isulat ang inyong sagot sa dalawang katanungan

1. Dapat bang isa-isip ang mga angkop at inaasahang kilos sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata?

2. Makakatulong ba ito sa inyo sa hinaharap?

X. TAKDANG-ARALIN

Sa isang kalahating papel ay gumawa ng pangungusap na naglalahad ng mga


gawaing maaringg awin nang bawat kasarian sa lipunan, mapa-babae o lalaki
man.

Inihanda ni: PRINCESS JANE E. AYCO


BSED-1C

You might also like