You are on page 1of 3

Pangalan: Victoria, Mark Jhon Lenon S.

Petsa: Abril 24, 2020

Pangkat at Seksyon: BSIS-2A

Marka : / 30

GAWAIN BLG. 1 (10 puntos)

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga sinalungguhitang pahayag ayon sapahiwatig nito sa pangungusap.

1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng
ilang araw sa labi.

- ISANG TAONG MAY KAMAY NA BAKAL, NA NAGAGAWANG MANAKIT KAPAG WALA

SA KANYANG SARILI.

2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad
nito.

- PAGIGING MAPAGBIGAY AT MATULUNGIN

3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y
magsisiksikan, takot na anumang ingay nagawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay
nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.

- MAIBUNTONG SA KANILA ANG GALIT AT SILA AY MAPAGBUHATAN NG KAMAY.

4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y
nakabubulahaw na sisigaw,at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon
nang buong lakas.

- NAKAKAIRITA O NAKAKAINIT NG ULO

5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang
matigas ang loob pero mabait natao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan
ngkaniyang asawa at mga anak.

- MAPILIT O WALANG PINAKIKINGGANG IBANG TAO.

6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas napagmamahal sa patay na bata

- UMAGOS O KUMAWALA ANG WAGAS NA PAGMAMAHAL.

GAWAIN BLG. 2 (10 puntos)


Panuto: Gumawa ng isang sanaysay mula sa napiling paksa na binubuo ng lima hanggang walong
pangungusap.

"MUSIKA"

Hindi maitatago ng karamihan sa atin na may kanya kanya tayong genre pagdating sa
musika. May mahilig sa saya, kalungkutan, galit o kabaliwan. Na siyang tumutukoy sa
kung ano ang ating nararamdaman. Musika ika nga ng karamihan ang siyang nagiging
kanlungan sa tuwing nagiisa ka, na kung susuriin ay totoo naman. Musika ang siyang
nagiging libangan, at dahilan upang mailabas ang labis na nararamdaman.

GAWAIN BLG. 3 (10 puntos)

Panuto: Gumawa ng tula mula sa kaparehong paksa sa iyong sanaysay anumang anyo.

"MUSIKA"

Sa bawat salitang binibigkas nitong mangaawit anong pighati at saya ang nakakapit.

Nadadala ako, hindi ko alam kung bakit dala ba ng saya, lungkot o galit.

Napaglalaruan yata ang emosyon ko.

Pinalalabas lahat ng bigat sa loob ko.

Nais ko ng yakap, sa kabila ng pagtangis ko.

Ganito na pala kabigat ang dinadala ko.

Ngunit hindi ako nagpadala ng husto.

Ako'y ngumiti at kanta'y inihinto.

Musika ang siyang nagiging kanlungan ko.

Maging pagtulog ay kasa kasama ko.

Ngunit di dahilan para ako'y malungkot at masulat ang istorya ng buhay ko sa musikang ito.

GAWAIN BLG. 4
Panuto: Gumawa ng balangkas ng isang pormal na sulatin. Gamitin batayan ang mga gabay na
katanungan sa pagsulat.

Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng siaunang panitikang Pilipino ang mga kuwentong-bayan?
- Sapagkat ang kwentong bayan ay isang panitikang nagsimula na bago pa dumating ang
espanyol. Ito rin ay nagbibigay ng mga magagandang aral sa ating buhay at sumasalamin din sa
buhay ng mga sinaunang pilipino sa kwentong bayan ang mga nangyari sa kanilang buhay.

Bakit sinasabing ang Pilipinas ay mayaman na sa pantikan bago pa dumating ang mga Espanyol?
- Sapagkat noon pa man ay may kaalaman na tayo sa mga bugtong, salawikain at iba pang uri ng
panitikan. Sa madaing salita ay matagal na tayong maalam sa ibang mga bagay.

Bakit mahalaga ang mga kuwentong-bayan tulad ng mga alamat at epiko sa pag-aaral ng kulturang
Pilipino?
- Sapagkat sa tulong ng kwentong-bayan tulad ng alamat at epikong kwento ay may nakukuhang
aral ang mga mambabasa tulad ng kung ano ang pinagmulan ng isang bagay kahit na ang mga ito
ay kinatha ng isip lamang.

Paano mo higit na mauunawaan at mapahahalagahan ang mga sinaunang akdang pinalaganap ng ating
mga ninuno?
- Aking higit na uunawain at pahahalagahan ang mga akdang sulatin ng ating mga ninuno sa
pagpapasa ng kanilang mga ideya at aral sa mga susunod pang hernerasyon.

Bakit mahalagang maging maayos ang banghay ng isang akda? Paano ito makatutulong upang
matiyak na maayos din ang daloy ng pangyayari sa babasahin.
- Mahalaga na maging maayos ang banghay ng isang paksa upang mas lubos na maunawaan ng
mambabasa ang ibig na iparating ng manunulat at lubos din na maunawaan ang mga pangyayari
at aral sa isang akda.

Paano mo magagamit ang mga aral na taglay ng mga sinaunang akdang Pilipino gaya ng kuwentong-
bayan sa pang-araw-araw mong pamumuhay?
- Pwede kong magamit ang mga aral na nakapaloob sa mga akda ng sinaunang pilipino gaya ng
kuwentong-bayan,salawikain,bugtong at iba pa sa pang araw-araw kong pamumuhay sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga aral sa aking sarili.

You might also like