You are on page 1of 18

Aralin 1

Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa


Mas Mataas na Antas ng Edukasyon at Lagpas
Pa

- Bb. Fuentes
Instructor
Ano nga ba ang kahalagahang
naidudulot ng wika sa buhay ng tao?

Ano nga ba talaga ang wika?


Bakit ito’y totoong napakakomplikado
at tunay na may kapangyarihan?
◇ Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan
ay nag-iiba sa bawat tao.
◇ Ito’y umuunlad at patuloy na nagbabago.

Ayon kay Edward Sapir. Ang wika ay isang likas at makataong


pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
mithiin.

3
Ang mga mananaliksik ay nagkakaisa na ang ating mga
ninuno’y mayroong sistema ng pagsulat gamit ang kanilang
alpabeto na tinatawag nilang Alibata.

Ang Alibata’y binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig


at labing apat na katinig.

4
Pinagkaiba ng baybayin at alibata

Baybayin Alibata
◇ Ang baybayin ay ◇ An alibata ay isang
tinatawag na katutubong paraan ng
sinaunang alpabeto ng pagsulat ng mga
mga Pilipino bago pa Filipino. Ito ay hango
man dumating ang sa Kavi na paraan ng
mga Espanyol at pagsulat ng mga taga-
maituro ang Java.
alpabetong Romano.
5
Pahapyaw na kasaysayan

6
Pambansang Wika
◇ Hindi naging madali ang pagpili nito
◇ Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso

7
1934 Nagkaroon ng Kumbensyong
Konstitusyunal
◇ Lope K. Santos at
◇ Pangulong Manuel L. Quezon

8
1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935 na
Saligang Batas

◇ Batas komonwelt Blg 184 (Surin ng wikang


Pambansa)

9
1937
◇ Ipinoklam ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog
bilang batayan (Kautusang Tagapagpaganap Blg 134)

10
1940
◇ Inumpisahang ituro ang wikang pambansa batay sa
Tagalog sa lahat ng paaralan-publiko at pribado.

11
Tagalog, Pilipino, Filipino;
May pagkakaiba ba?

12
Wikang Tagalog
◇ Isang wikang natural, may sariling mga
katutubong tagapagsalita.
◇ Isang partikular na wika na sinasalita ng isa sa
mga etnolinggwistikong grupo sa bansa ang
mga Tagalog.

13
Wikang Tagalog Bilang
Wikang Pambansa
◇ Nasangkot ang Tagalog sapambansang arena
nang ideklara ni Presidente Manuel L. Quezon
ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog
noong Disyembre 30, 1937 (Executive Order
No.134

14
Wikang Pilipino
◇ Ang Wikang Pilipino ay ang Filipino National Language
(noong 1943) na batay sa Tagalog mula noong 1959,
nang ipasa ang Department Order No. 7 ng noo'y Sec.
Jose Romero ng Department of Eduaction.
◇ Ito ang tinatawag na wikang opisyal, wikang
pampagtuturo at asignatura sa Wikang Pambansa mula
1959.

15
1959
◇ Pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7)

16
1972
◇ Nagkaron ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong
Konstitusyunal
◇ Unang nagamit ang salitang Filipino bilang baggong
katawagan sa wikang pambansa ngunit hindi napagtibay

17
1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng S.B
◇ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

18

You might also like