You are on page 1of 5

FILIPINO 10 WEEK 3

Kabanata 1- Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

ARALIN 3 - (Ang Apat na Buwan ko sa Espanya, Pangunahing Paksa at


Pantulong na Ideya, Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling
Pananaw)

MGA LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon mula sa kwentong “Ang
Apat na Buwan ko sa Espanya” at nakikilala ang sanaysay
2. Nagagamit sa tunay na buhay ang mga aral na napulot sa akda
3.Napapahalagahan ang mensahe na napulot sa binasang sanaysay
4.Nagagamit ang mga pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
isang talata
5.Nalalaman ang paraan ng pagbuo ng isang talata
6.Napapahalagahan ang pagpapahayag ng sariling pananaw gamit ang
mga pananda/ angkop na pahayag na gagamitin
7.Natutukoy ang ideya sa pagpapahayag ng sariling pananaw
8. Naihahambing ang bansang Pilipinas sa Espanya.

PANIMULA
Ang Espanya ay isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob nang
mahigit tatlong daang taon. Hanggang sa kasalukuyan, napakarami pa rin sa
mga impluwensiya ng bansang ito ang masasalamin sa ating wika, kultura,
tradisyon, pananampalataya, at uri ng pamumuhay. Sa kasalukuyan, umaabot
sa mahigit 50,000 Overseas Filipino Worker o OFW ang naghahanapbuhay at
naninirahan sa bansang ito particular sa malalaking lungsod dito tulad ng
Madrid at Barcelona. Maliban sa mga OFW, mayroon ding humigit-kumulang
300,000 Pilipino ang may dual citizenship (Pilipino at Espanyol). Sila ang mga
tinatawag na mestizo (mestizo) o mga anak ng mga magulang na may lahing
Pilipino at lahing Espanyol

PAMUKAW NA GAWAIN
“Payabungin Natin” (A at B) pahina 55 ng aklat.

Pamprosesong Tanong:
1. Nasubukan mo na bang maglakbay o mamasyal sa ibang bansa?
Ibahagi ang iyong hindi malilimutang karanasan.
VOCABULARY
TERMINO DEPINASYON
OFW Overseas Filipino Worker
Sanaysay Isang anyo ng sulating naglalahad na kung minsay may
layuning makakuha ng ano mang pagbabago, bagama’t
maaring makalibang din. Ito ay napabilang sa akdang
tuluyan.
WEEK 3- AGOSTO 31-SEPT. 4, 2021
MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
Activity 1 “Birtwal na Talakayan”
Basahin ang kwentong pinamagatang “Ang Apat na Buwan ko sa
Espanya ” na matatagpuan sa pahina 56-61 sa inyong aklat.

Activity 2 “Palawakin pa Natin”


Ang tatlong Video Clip na makikita ay patungkol sa isyung
pandaigdigan at panlipunan. Maari ring mapanood ang buod ng kuwento
na nasa ibaba.Sagutin ang mga katanungan sa pahina 74-75.
1. Anak (Trailer) https://www.yotube.com/watch?v=MPRsTD_tG3Y
2. A Mother’s Story (Full Trailer)
https://www.youtube.com/watch?v=xcnG23HcHwc
3. Caregiver (Full Trailer)
https://www.youtube.com/watch?v=Ro3aFTVYxJQ

SYNTHESIS/CLOSURE
Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng
tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw. Kung sakaling magpapahayag ka
sa isang pormal na okasyon, gumamit ka rin ng pormal na pananalita
SUMMATIVE TEST
Paghambingin ang bansang Espanya at Pilipinas batay sa
KASUOTAN, URI NG PAMUMUHAY AT PANINIWALA SA RELIHIYON.
PILIPINAS ESPANYA

Kasuotan

Uri ng
Pamumuhay

Paniniwala sa
Relihiyon

PURPOSIVE ASSIGNMENT
Magsaliksik ng “Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari” upang maging handa sa susunod na talakayan.
FILIPINO 10 WEEK 4

Kabanata 1- Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyong Mediterranean

ARALIN 4 - (Ang Pagbibinyag sa Ilog Savica, Epiko at mga Halimbawa


Nito, Mga Salitang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng
Pangyayari)

MGA LAYUNIN
1.Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay
ipinararanas ng may akda sa pangunahing tauhan
2.Nabibigyang tanaw ang mensaheng nakapaloob sa akda
3.Napapahalagahan ang aral na napulot sa epikong binasa
4.Nakikilala ang mga tauhan sa mga halimbawang epiko
5.Nalalaman ang takbo ng kwento sa bawat halimbawang epiko
6.Napapahalagahan ang karakter na ginampanan ng bawat tauhan;
7.Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
pangyayari
8.Natutukoy ang kahalagahan ng tamang pagsusunod-sunod ng
pangyayari
9.Nakapagbibigay hinuha sa itinuring na bayani sa sariling lugar at sa
tauhan sa epiko

PANIMULA
Si France Preseren ay isang makatang naging tanyag dahil sa kanyang
mga soneto subalit lalo siyang nakilala dahil sa kanyang epikong Krst pri
Savico o Pagbibinyag sa Ilog ng Savica (1935). Siya ngayon ay kinikilalang
pambansang makata ng bansang Slovenia at ang kanyang obra maestro ay
kinikilala bilang pambansang epiko. Isang monumentong nagpaparangal sa
kanya ang itinayo sa lungsod ng Ljubljana, ang kabisera ng Slovenia at ito
ngayon ay tinatawag na Preseren Square. Bilang karagdagang pagpaparangal
ay inilagay ang kanyang larawan sa kanilang dating 1000 perang papel na
Tolar subalit ngayong napalitan na ang kanilang salapi ay inilagay ang larawan
niya sa Slovenian two-euro coin. Gayundin, ang pinakamataas na pagkilala sa
kanilang mahuhusay na alagad ng sining ay ginagawaran ngayon ng Preseren
Award, ang prestisyosong parangal na isinunod sa kanyang pangalan

PAMUKAW NA GAWAIN

Alamin natin ang ilang mga bagay tungkol sa epiko, subukan


mong punan ng mga salitang may kinalaman sa epiko ang mga kahon.
Maaari kang magsaliksik kung sa tingin mo ay kinakailangan. Makikita ito
sa PPT.
VOCABULARY

TERMINO DEPINASYON
Epiko Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos na
ang ibig sabihin ay salawikain o awit. Isa itong mahabang
tulang pasalaysay na tumatalakay sa kabayanihan ng isang
tao na angat sa kalikasan. Ito’y inaawit o kaya’y
binibigkas nang patula na may tiyak na layunin at
karaniwang ang mga pangyayari ay hindi kapani-paniwala at
nagtataglay ng maraming kababalaghan.
Bayani tumutukoy sa isang indibidwal na handang ialay ang sarili sa
bayan kahit kapalit nito’y kanyang buhay

WEEK 4- SEPT. 6-11, 2021


MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
Activity 1 “Birtwal na Talakayan”
Basahin ang kwentong pinamagatang Pagbibinyag sa Ilog
Savica na matatagpuan sa pahina 80-85 sa inyong aklat.
https://www.youtube.com/watch?v=aEvP2tqaZD4
Activity 2 “Sagutin Natin”
Sagutan ang “Sagutin Natin” pahina 85-88 (A,B at C) ng aklat.

SYNTHESIS/CLOSURE
Hindi sagot sa pagkakaiba-iba ng tao ang digmaan sa halip, pairalin ang
mapayapang usapan at paraan. Magdudulot lamang ng kasamaan ang isang
digmaan at maaring makawasak ng maraming buhay na hahantong lamang sa
kamatayan. Napakahalaga ng kapayapaan sa buong mundo sapagkat kung
mayroon nito ang bawat lugar uunlad ang lahat at walang mapapahamak.
SUMMATIVE TEST:
Magbigay hinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at
kapanahunan ang mga tauhan sa epikong binasa.Isulat ang iyong sagot
sa Long bond paper.

CRITOMIR

ACHILLES MGA TAUHAN NG


BEOWULF
MGA EPIKO

ODYSSEUS
PERFORMANCE TASK:
Gumawa ng iyong sariling “Poster at Islogan” na nagpapakita ng
panghihikayat sa mga kabataan na magbasa ng mga Epiko sa
kasalukuyang panahon.
PAMANTAYAN:
MENSAHE - 10 pts.
PAGKAMASINING -10 pts.
KALINISAN - 10 pts.
30 pts.

You might also like