You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Province of Cebu
City of Talisay
TALISAY CITY COLLEGE
Poblacion,Talisay City, Cebu
1st Semester, Academic Year 2021-2022

SPEC FIL 13: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II-


PANITIKAN NG PILIPINAS
Tagapagsulat ng Kurso Laisa R. Gonzales, Dev.Ed.D. Departmento Education

Fasiliteytor ng Kurso Celfon/ Telepono


Kurso at Taon Yunit 3.0
Ang kursong ito ay tumatalakay sa paggamit ng mga iba’t ibang anyo ng
Deskripsyon ng Kurso literatura ng Pilipinas galing sa sarili at iba’t ibang rehiyon sa pagtuturo,
produksyon at (assessment) na angkop sa elementarya.
Pangkalahatang Kinalalabasan Paggawa ng Bigbook mula sa nabuong sariling kuwento
Pagbigay ng reaksyon mula sa napanood na palabas o pelikula na may
Paunang Yunit na Kinalabasan pagsusuri sa mga kaugalian at paniniwalang Pilipino na masasalamin sa
napanood.

Pangalan ng Estudyante Kurso, Taon at Seksyon


Celfon/ Telepono Inilaang Oras 9 hours
Tirahan Mga Inilaang Petsa

Kagamitang Pampagkatuto 1 Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas


BATAYANG NILALAMAN LAYUNING PAMPAGKATUTO
 Batayang Kaalaman sa Pag-aaral ng Pagkatapos ng kagamitang pampagkatuto na ito ikaw ay:
Panitikan  Nakatutukoy sa mga matandang panitikan at sa mga
 Matandang Panitikan o Bago sulatin na naganap sa panahon ng Kastila at Propaganda;
Dumating ang mga Kastila  Nakabibigay ng mga pangunahing kaisipan o mensahe sa
 Panahon ng Kastila mga piling akda; at
 Panahon ng Propaganda  Nakasasaliksik ng akdang pampanitikan na nagkaroon ng
impluwensiya sa daigdig.
PAGGANYAK
Ano ang panitikan? Marami-rami ang maaaring maibigay nating katuturan o depinisyon ng panitikan. Kaya
mula sa iyong nalaman na kahulugan ng panitikan, subukang buuin ang akrostik sa ibaba. Maaaring salita, parirala o
pangungusap ang isulat para mabuo ang iyong sariling pagpapakahulugan sa panitikan.
P
A
N
I
T
I
K
A
N

TALAKAYAN
Sa bahaging ito, mabibigyan ka ng kinakailangang pagtatalakay, layunin nitong matulungan kang maunawaan
ang konsepto at mga kasanayan sa aralin.

Panitikan
 Ito ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang ginagalawang
lipunan. Pinakikilos ng panitikan ang ating isip at binibigyang pintig nito ang ating puso.
 Itinuturing ito na “kahapon” ng isang bansa sapagkat dahil dito nakikilala ang lahing pinagmulan, ang mga
karanasan, saloobin at kaisipang humubog ng ating pagkatao.
 Sinasabing “ngayon” at “bukas” din ang panitikan dahil sa pamamagitan ng mga nababasang balita at mga
naririnig sa radyo natutunghan natin ang nagaganap sa kapaligiran sa kasalukuyan at ang mga pangyayaring ito
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 1 of
10
ay maaaring magsilbing batayan ng mga pangyayaring magaganap sa mga susunod na henerasyon.
 Ito rin ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon
sa idinikta ng kanyang puso at isipan.
 Ayon kay Zeus Salazar, “ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura
kundi ito ay kuhanan-impukan ng alinmang kultura”.
 Ang panitikan ay sining sapagkat ito ay nakasulat sa isang maganda, maayos, at kalugud-lugod na pamamaraan.
 Sinasabing ito ay walang kamatayan, a never ever ending story, sapagkat ito ay buhay. Ang tao ang gumagawa
nito kaya habang mayroon pang nilalang na nabubuhay sa mundo, ang panitikan ay mapagpatuloy.

Impluwensiya ng Panitikan
Ang panitikan ay may mahalagang impluwensiya sa buhay, damdamin, kaisipan at ugali ng tao. Sa pamamagitan ng
panitikan, nagkakalapit ang damdamin ng mga tao sa buong daigdig. Maraming akdang pampanitikan ang nagdala ng
mahalagang impluwensiya sa mga tao sa daigdig. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Bibliya o Banal na Kasulatan. Naglalaman ito ng mga doktrina at aral ng pananampalatayang Kristiyano.
2. Koran. Ang bibliya ng mga Muslim.
3. Iliad at Odessey. Kinapapalooban ng mga mitolohiya at alamat ng Gresya. Sinulat ito ni Homer.
4. Mahabharata. Naglalaman ng kasaysayan ng pananampalataya ng India. Itinuturing ito na pinamahabang epiko
sa buong daigdig.
5. Canterbury Tales. Naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
Sinulat ito ni Chaucer ng Inglatera.
6. Uncle Tom’s Cabin. Naglalarawan ito ng kahirapang dinanas ng mga Amerikanong itim na naging batayan ng
kanilang Kalayaan. Sinulat ito ni Harriet Beecher Stowe.
7. Divine Comedia. Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong panahong yaon.
Sinulat ni Dante ng Italya.
8. El Cid Compeador. Naglalarawan ng katangiang panlahi at kasaysayang Pambansa ng mga Kastila.
9. Awit ni Rolando. Nagsasalaysay ito ng gintong panahon ng Kristyanismo ng Pransya.
10. Aklat ng mga Patay. Naglalaman ito ng mga alamat, mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
11. Aklat ng mga Araw. Akda ni Confucio ng Tsina na naging batayan ng pananampalatayang Intsik.
12. Isang Libo’t Isang Gabi. Naglalarawan ng natatanging ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan, at panlipunan
ng mga Arabo at Persyano.
13. Noli me Tangere at El Filibusterismo. Sinulat ni Jose Rizal. Naglalarawan ng paghihirap ng mga Pilipino sa kamay
ng mgga dayuhang Kastila. Gumising ito ng damdaming makabayan ng mga Pilipino na humantong sa kanilang
Kalayaan.

Mga Anyo ng Panitikan


May dalawang anyo ang panitikan, ang tuluyan at patula. Ang anyong tuluyan ay pagsasalaysay nang tuluy-tuloy at
nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap. Samantala, ang patula ay yaong nasusulat nang may sukat, tugma,
taludtud, at saknong.
Mga Akdang Tuluyan
1. Mito- Kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga
Diyos at Diyosa, kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.
2. Alamat- Kuwento o salaysay na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao at karaniwang tungkol sa pinagmulan ng
mga bagay-bagay.
3. Anekdota- Kuwento o salaysay na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan , nakawiwili at kapupulutan ng
aral.
4. Sanaysay- Salaysay na tumatalakay sa isang tanging paksa. Ang sariling opinyon o pananaw ay kitang-kita sa
sumulat. Maaaring pormal at di-pormal ang paglalahad.
5. Talambuhay- Kuwento o salaysay ng buhay ng isang tao.
6. Pabula- Kuwento o salaysay na ang karaniwang nagsisiganap ay mga hayop. Nag-iiwan ito ng magandang aral sa
mambabasa.
7. Parabula- Kuwento o salaysay hango sa banal na kasulatan na naglalayong mailarawan ang isang katotohanang
moral o ispiritwal sa isang matalinghagang paraan.
8. Dula- Kuwento o salaysay na sinulat para itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap na naglalarawan
ng buhay o ugali ng tao.
9. Maikling Kuwento- Kuwento o salaysay na nag-iiwan ng impresyon o kakintalan sa mambabasa.
10. Nobela- Kuwento o salaysay na mahaba, maraming tauhan,at tagpuan na nahahati sa mga kabanata/
11. Talumpati- Salaysay na sinulat upang bigkasin sa harap ng maraming tao na may layuning umakit, humikayat,
magpaliwanag, at iba pa.
12. Balita- Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa kapaligiran at maging sa ibang bansa.

Mga Akdang Patula


1. Bugtong- Tulang patugma na ang layunin ay pahulaan ang isang bagay, tao at pook. Kakikitaan ng talinghaga.
2. Salawikain- Tulang patugma na ang layunin ay maglahad ng mga butil ng karunungang kinapapalooban ng mga
aral sa buhay. Magandang gabay sa pang-araw-araw na buhay.
3. Epiko- Mahabang tulang pasalaysay na naglalarawan ng pambihirang katangian at kapangyarihan ng
pangunahing tauhan.
4. Liriko- Tulang nagpapahayag ng diwa, matinding damdamin at kaisipan.
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 2 of
10
5. Elehiya- Tulang pandamdamin o lirikong patungkol sa patay.
6. Soneto- Tulang liriko na binubuo ng 14 na taludtud. Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan.
7. Oda- Tulang lirikong nagpapahayag ng papuri at masiglang damdamin na patungkol sa isang kaisipan.
8. Tanaga- Tulang binubuo ng 4 na taludtod na may 7 pantig sa bawat taludturan. Kakikitaan ng talinhaga.
9. Haiku- Tulang binubuo ng 17 pantig na may 3 taludtud. 5 pantig ang sukat sa unang taludlod, 7 sa ikalawang
taludtod at 5 sa pangatlong taludtod. Nagmula ang ganitong uri ng tula sa Hapon. Tula na may kabuuang 17
pantig, binubuo ito ng 3 taludtod na may tiglilimang pantig sa una’t ikatlong taludtod, at pitong pantig naman sa
ikalawang taludtod.

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Panitikan


May apat na uri ang paglalahad ng iba’t ibang akdang pampanitikan, tuluyan man ito o patula. Ito ay ang mga
sumusunod:
1. Nagsasalaysay- Pagpapahayag na sumasagot sa tanong na sino, saan, kalian at ano. Nagpapakita ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang maayos na paraan.
2. Naglalarawan- Pagpapahayag na nagpapakilala ng kaanyuan, lagay, hugis, kulay, at iba pa na maaaring panloob
at panlabas na katangian.
3. Naglalahad- Pagpapahayag na ang layunin o hangarin ay magpaliwanag at magbigay ng kahulugan.
4. Nangangatwiran- Pagpapahayag na ang hangarin o layunin ay makaakit, makapagpaniwala sa sanhi at dahilan ng
mga bagay.

Kahalagahan ng Panitikan
1. Mababatid natin na tayo ay may sariling kalinangan o kultur ana maipagmamalaki sa ibang lahi sa daigdig.
2. Maipapaalam sa bawat Pilipino ang kahalagahan ng kanyang pagiging Pilipino kundi man ay ang mas malalim
nating pagpapadama.
3. Magsisilbing gabay upang tayo ay mahubog na maging isang taong may damdaming marangal, makatao at
kahali-halina.
4. Makita at masuri ang magaganda at mahuhusay na mga sinulat na akda, ang mga kamalian at kapintasan nito
para sa lalo pang ikadakila ng panitikan.
5. Mamulat ang ating kamalayan at sensibilidad, at matamo ang magandang saloobin at pagpapahalaga sa
kagalingang hatid ng panitikan.

Mga Panahong Saklaw ng Panitikang Pilipino


Sa bahaging ito, gagamiting gabay o patnubay ang mga sumusunod na paghahati-hati ng panahon sap ag-aaral ng
kasaysayan ng panitikang Filipino.
1. Panahon ng Matandang Panitikan. Sasaklawin ng panahong ito ang ating kasaysayan bago dumating ang mga
Kastila.
2. Panahon ng Kastila. Sakop nito ang panahon mula nang dumating ang mga Kastila. Ang tuon ng pag-aaral sa
panahong ito ay ang mga pagbabago sa paksa, anyo at estilo ng panitikan dahil sa impluwensiya ng mga
ipinalaganap na pananampalatayang Kristiyanismo ng mga Kastila.
3. Panahon ng Propaganda. Saklaw pa rin ang panahong ito ng panahon ng Kastila, subalit ang tuon ng pag-aaral sa
panahong ito ay ang unti-unting pagkagising ng kamalayang panlipunan at damdaming makabansa ng mga
Pilipino sa pamamgitan ng mga akdang sinulat ng mga kilalang propagandista.
4. Panahon ng Himagsikan. Tatalakayin sa panahong ito ang mga manunulat na Pilipino at ang kanilang mga
akdang mapaghimagsik, at lantarang pagtuligsa sa mga Kastila.
5. Panahon ng Amerikano. Saklaw nito ang panahon ng panankop ng mga Amerikano. Bibigyang-halaga sa pag-
aaral sa panahong ito ang mga impluwensiya ng mga Amerikano sa panitikang Filipino.
6. Panahon ng Hapones. Saklaw nito ang maikling panahon ng pananakop ng Hapones at ang kanilang mahalagang
impluwensiya sa panitikang Filipino.
7. Bagong Panahon. Saklaw ng panahong ito ang liberasyon hanggang kasalukuyan.

file:///C:/Users/Admin/Downloads/CM1-PANITIKAN-1.html

Matandang Panitikan
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Kastila, ang mga katutubong Pilipino ay mayroon nang maituturing
na sariling panitikan nagpapakita ng kanilang kalinangan at kasaysayan.
Ang Alibata
Ang simbolong bumubuo ng alibata ay katumbas ng 14 na katinig at 3 na patinig sa matandang abakada. Lahat ng
simbolong katinig at binibigkas nang may patinig na “a” sa dulo. Kapag ang katinig ay binibigkas nang may patinig na “e”
at “i” sad ulo, nilalagyan ng tuldok sa itaas ng simbulong katinig sa alibata, at kapag “o” at “u”, ang tuldok ay inilalagay
naman sa ibaba. Samantala, nilalagyan naman ng tandang krus o ekis sa kanang paibaba ng simbolong katinig para
mawala ang tunog na patinig nito gaya ng tunog na “y” sa salitang bahay.
Mga Unang Anyo ng Tula
 Awiting-Bayan- Ito ay mga tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, paniniwala, karanasan,
gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook o lugar.
 Mga Karunungang-Bayan- Ito ay ang mga bugtong, palaisipan, salawikain at kasabihan na nagpapatalas ng isipan
upang mag-isip at bigyang-kahulugan ang mahalagang kaisipan nakapaloob dito o ang mga salitang inilalarawan
nito.
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 3 of
10
1. Bugtong- ay isang uri ng laro na may kaugnayan sa pagpapahula sa isang bagay na inilarawan.
Halimbawa: Nagdaan si Negro, nabuwal na lahat ng tao (GABI)
2. Palaisipan- ay karaniwang nasa anyong tuluyan bagama’t may ilan ding palaisipan na nasa anyong patula.
Ito’y larong humahamon sa isipan ng tao upang mag-isip ng kasagutan o solusyon sa suliraning inilahad.
Halimbawa: May sampung baboy sa isang kulungan. Lumundag ang lima. Ilan ang natira?
3. Salawikain- ay mga patalinghagang pahayag na kinapapalooban ng makabuluhang pilosopiya sa buhay.
Ginagamit ito ng matatanda noong unang panahon para akayin ang mga kabataan sa wastong pag-uugali at
pagkilos.
Halimbawa: Ang sumisira sa bakal, ay kanya ring kalawang.
4. Sawikain- ay nagpapahayag din ng magagandang kaisipan o mensahe ng buhay. Ito’y tinatawag din
kawikaan na hango sa banal na kasulatan.
Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
 Iba pang Anyo ng Unang Tula
1. Mga Tugmaang-Pambata – Ito ay mga tugmang karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos o
gawi ng isang tao.
2. Bulong- Ito ang mga tugmang ginagamit sa panggagamot, pangkukulam o pang-eengkanto.
Halimbawa: Ikaw ang nagnakaw ng bigas ko. Lumuwa sana ang mga mata mo.
Mamaga s ana ang katawan mo. Patayin ka ng anito.
3. Epiko- Ito ay mahabang tulang pasalaysay na nagpapakita ng kabayanihan, katapangan at
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Halimbawa: Biag ni Lam-ang (Ilokano) Lagda, Haraya at Maragtas (Bisaya)
Hudhud at Alim (Ifugao) Hinilawod (Panay)

file:///C:/Users/Admin/Downloads/CM1-PANITIKAN-1.2.html

Panahon ng Kastila
Sa pagdating ng mga Kastila sa bayan ng mga Pilipino, naiba ang takbo at direksiyon ng ating panitikan. Pinasukan
ito ng mga ideyang kanluranin- Kastila at Kristiyanismo na hango sa sibilisasyong Griyego-Romano. Nagsimulang
magpakilala ang mga manunulat na Pilipino at patuloy pa rin ang pamamayani ng panitikang Griyego-Romano. Ang
alibata ay napalitan ng alpabetong Romano. Naisulat din sa panahong ito ang mga tula na karamihan at may temang
relihiyosong tula ng pagpuri sa Diyos. Kinagigiliwang basahin ang awit at korido sa panahon ng Kastila at nakilala rin ang
nobela bilang anyo ng panitikan.

Mga Akdang Panrelihiyon


Sa panahon ng Kastila lumabas ang iba’t ibang akda na may kaugnayan sa relihiyon at kagandahang-asal gaya ng
mga sumusunod:
1. Ang Doctrina Cristiana. Ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyong nalimbag sa Pilipinas. Ito ay sinulat ni
Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva noong 1593.
2. Nuestra Señora del Rosario. Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Sinulat ito ni Padre Blancas de San
Jose noong 1602. Naglalaman ito ng talambuhay ng mga santo, nobena at mga tanong at sagot tungkol sa
relihiyong Kristiyanismo.
3. Ang Pasyon. Ang aklat na ito’y naglalaman ng buhay at pagpapasakit ni Hesus. Ito ang karaniwang binabasa o
inaawit tuwing Mahal na araw.
4. Ang Barlaan at Josaphat. Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas na sinulat ni Padre Antonio de Borja.
Ipilagay na ito ang unang nobelang nailimbag sa Pilipinas.
5. Ang Urbana at Felisa. Ito ay sinulat ni Padre Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa
Tagalog”.
Mga Kantahing Bayan
Sadyang likas sa mga Pilipino ang pag-awit. Sa pamamagitan nito, higit nilang naipapahayag ang mga nilalaman ng
kanilang puso’t isipan. Bawat bayan o lalawigan ay may kani-kaniyang awiting sumasalamin sa kanilang natatanging
kultura.
Halimbawa: Leron-Leron Sinta (Tagalog) Sarong Banggi (Bikol) Dandansoy (Bisaya)
Mga Anyo ng Dula
Nanatili pa rin sa panahon ng Kastila ang mga kinagisnang kaugalian ng mga ninunong Pilipino gaya ng mga
seremonya at ritwal sa pagkamatay ng isang tao. Ang mga sumusunod ay mga anyo ng dula na umusbong sa panahong
ng Kastila.
1. Karagatan. Ang karagatan ay hango sa isang alamat ng isang dalagang nahulog ang singsing sa dagat, at ang
sinumang binatang makakakita nito’y siyang pakakasalan ng dalaga.
2. Duplo. Ang duplo gaya ng karagatan ay isinasagawa rin sa pamamagitan ng patulang pagtatalo. Subalit kung sa
Karagatan, ang higit na pinahahalagahan at ang katalasan ng isip sa pagsagot ng mga palaisipan, sa duplo naman
ay ang kahusayan sa paghabi ng mga taludtud. Belyaka ang tawag sa babaeng kasali, belyako naman ang sa lalaki
at berdugo ang tawag sa magparusa sa mga natalong kasali.
3. Juego de Prenda. Ito ay karaniwang libangan o pampalipas oras habang naglalamay sa patay. Ito ay bukas sa
lahat ng mga taong gustong sumali. Mga pangalan ng bulaklak ang bansag sa mga kasaling babae at
punongkahoy naman ang sa mga lalaki.
4. Karilyo. Ito ay isang dulang may kaugnayan sa pagpapagalaw ng mga karting hugis-tao sa likod ng isang kumot
na puti at pagbigkas ng diyalogo ng mga tauhang ipinalalabas sa karilyo.
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 4 of
10
5. Tibag. Ito ay pagsasadula sa paghahanap ni Reyna Elena at Constantino sa nawawalang krus ni Hesus.
6. Sinakulo. Ito ay dulang nagtatanghal ng buhat at pagpapakasakit ni Hesus.
7. Panunuluyan. Ito ay isang dulang nagpapakita ng paghahanap ng matutuluyan nina Birheng Maria at Jose para
doon isilang ang sanggol na si Hesus.
8. Salubong. Ito ay matutunghan tuwing madaling-araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Inaalala rito ang muling pagkikita
nina Hesus at Maria matapos mabuhay muli si Hesus.
9. Panubong. Ito ay pagbigkas o pag-awit ng isang mahabang tulang nagpaparangal sa isang panauhin o may
kaarawan.
10. Alay o Flores de Mayo. Tuwing buwan ng Mayo, isang kaugalian ng mga Kristiyano na mag-alay ng mga bulaklak
kay Maria kasabay ng pag-awit ng dalit o awit ng papuri.
11. Pangangaluluwa. Ginagawa sa gabi ng pista ng mga patay o Todos los Santos.
12. Moro-Moro. Ito’y dula na umiikot sa labanan ng Muslim at Kristiyano.
13. Zarzuela. Ito’y isang musical o melodramang may tatlong yugto at umiikot sa iba’t ibang paksa gaya ng pag-ibig,
paninibugho, paghihiganti, pagkasuklam at iba pang masisidhing damdamin.

Mga Patulang Pasalaysay


Awit at Korido.
Ang awit at korido ay kapwa patulang pasalaysay tungkol sa katapangan, kabayanihan, kababalaghan at
pananampalataya ng mga tauhan. Ang mga ito ay may magkatulad din ng paksa na kadalasan ay hango sa kaligiran o
kulturang Europeo. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. Ang korido ay may walong
pantig samantalang ang awit ay labindalawa. Binibigkas nang mabilis ang korido at marahan naman ang awit. Ang
Florante at Laura ay halimbawa ng awit samantalang Ibong Adarna ay halimbawa ng korido.
Ilan sa mga nakilalang manunulat ng awit at korido ay sina:
1. Jose dela Cruz- nakilala sa bansag na Huseng Sisiw at kinikilalang Hari ng Makata sa Tondo. Siya ang sumulat ng
Ibong Adarna, Bernardo Carpio, Doce Pares de Francia at iba pa.
2. Francisco Baltazar o Balagtas- nakilala sa tawag na Kikong Balagtas. Siya ang sumulat ng Florante at Laura,
Orosman at Zapira at iba pa. Itinuturing siyang Hari ng Makatang Pilipino at Ama ng Panulaang Tagalog.

file:///C:/Users/Admin/Downloads/CM1-PANITIKAN-1.3.html

Panahon ng Propaganda
Kapansin-pansin ang unti-unting pagkamulat, pagkabuo at paglaganap ng damdaming Makabayan ng mga
katutubong Pilipino sa huling bahagi ng ika -19 na dantaon. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng diwang
Makabayan, at ang tahimik na damdamin ay nahaluan ng damdaming paghihimagsik at lantarang paghingi ng pagbabago
ng Sistema ng pamamalakad ng pamahalaang Kastila at Simbahang Katoliko.
Layunin ng Kilusang Propaganda ang mga sumusunod na pagbabago: 1. Pagpapanumbalik ng kinatawang Pilipino sa
kortes sa Espanya; 2. Pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas; 3. Gawing lalawigan ng Espanya
ang Pilipinas; 4. Pagkakaroon ng sekularisasyon ng mga Parokya sa kapuluan; 5. Pagkakaroon ng Kalayaan sa
pamamahayag, pananalita, pagpupulong o pagtitipon, at pagpapahayag ng kanilang mga hinaing.

Ang Tatsulok ng Kilusang Propaganda


1. Jose Rizal. Si Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo Y Realonda ay ipinaganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa
Calamba, Laguna. Bata pa lamang siya ay kinakitaan na ng di-pangkaraniwang katalinuhan. Sa edad na walo ay
naisulat niya ang tulang ‘Sa Aking Mga Kababata”, sa edad na labinlima ay sinulat niya ang “A La Juventud
Filipina” na nagwagi sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula. Sinulat niya ang mga nobelang “Noli Me Tangere at
“El Filibusterismo” na sinasabing naging mitsa ng pagkagising ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.
Mga Akda ni Jose Rizal:
 Sa Aking Mga Kababata- naisulat ito noong walong taong gulang pa lamang si Rizal.
 Noli Me Tangere- ang nobelang gumising sa isip at puso ng mga mamamayang Pilipino para ipaglaban
ang Kalayaan ng bayan sa pamamagitan ng himagsikan.
 El Filibusterismo- karugtong ng Noli me Tangere. Itinuturing nobelang pampulitika ito dahil lantaran
niyang inilarawan at tinuligsa ang mga kasamaan at katiwalian sa pamahalaan gayundin ang simbahan
na nagtataglay ng kapangyarihan.
 Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)- tulang sinulat ni Rizal habang siya ay nasa loob ng Fort Santiago.
Itinago niya ang tulang ito at ibinigay sa kapatid na si Trinidad.
 A La Juventud Filipino (Sa Kabataang Pilipino)- tulang nilahok ni Rizal sa timpalak sa UST. Binigyang- diin
ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa edukasyon at ang pagpapaunlad ng kanilang magagandang
katangian.
 Sobre La Indolencia de los Filipinos (Hinggil sa Katamaraan ng mga Pilipino)- tinalakay ni Rizal sa
sanaysay ang mga kadahilanan ng palasak na turing sa mga Pilipino na tamad.
 ‘Filipinas Dentro De Cien Años” (Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon)- naglalaman ng prediksyon o
hula ni Rizal sa Pilipinas sa darating na panahon gaya ng pagkakaroon ng interes ng Estados Unidos sa
Pilipinas.
 Sa Karangalan nina Luna at Hidalgo- talumpating binigkas ni Rizal bilang pagpaparangal sa mga
Pilipinong nagkamit ng karangalan sa pagpipinta sa Pambansang Eksposisyon sa Madrid.
 Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- isa sa mahahalagang sanaysay na sinulat ni Rizal sa Espanya.
Binibigyang-diin niya rito na walang ibang baya para sa mga Pilipino kundi ang Pilipinas.
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 5 of
10
 Liham sa mga Kaanak at Kaibigan- masasalamin sa mga liham ni Rizal ang kanyang taimtim na
pagmamahal sa kanyang mga magulang at sa kanyang bayan, ang pagbabago ng kanyang mga kaasalan,
at ang kanyang mga pagpapakasakit para sa kanyang mga mithiin at layunin para sa bayan.
 Pangitain ni Padre Rodriquez (La Vision de Fray Rodriquez) at Por Telefono- mga akdang satiriko na
tumuligsa sa kasamaan at pagsasamantala ng mga prayleng Kastila sa mga Pilipino at ang paggamit nila
ng relihiyon para sa pansariling kapakanan.
2. Marcelo H. Del Pilar. Si Marcelo H. del Pilar ay ipinanganak noong ika-30 ng Agosto, 1850 sa Cupang, San Nicolas,
Bulacan ng kanyang mga magulang na sina Julian del Pilar at Blasa Gatmaytan. Nagtapos siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Itinatag niya ang Diariong Tagalog at naging patnugot din ng La Solidaridad. Bukod
sa sagisag na Plaridel, ginamit din niya ang mga ngalang Dolores Manapat, Piping Dilat, at Pupduh sa kanyang
mga panulat. Namatay siya noong ika-4 ng Hulyo,1896 sa Barcelona, Espanya.
Mga Akda ni M.H. Del Pilar:
 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- salin sa Tagalog ng tulang ‘Mi Amor Patrio” ni Jose Rizal at nalathala sa
Diariong Tagalog.
 Caiingat Cayo- satirikong bersyon ni del Pilar sa akdang sinulat ni Padre Jose Rodriquez na may ganit ring
pamagat. Binaggit niya na kung sinabi ni Padre Rodriquez na ang magbasa ng Noli Me Tangere ay isang
kasalanang mortal at mapupunta sa impiyerno, samakatuwid ay Nakagawa rin siya ng kasalanan dahil
binasa niya ang Noli.
 Dasalan at Tocsohan- ito ay kahawig ng mga dasal na itinuro ng mga prayle sa mga Pilipino. Sa mga dasal
na ito, lantaran niyang tinuligsa ang maling kaasalan ng mga prayle noon.
 Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas- tulang tugon sat ula ni Herminigildo Flores na ‘Hibik ng Pilipinas
sa Inang Espanya.” Binanggit niya sa tulang ito na sadyang mahina at matanda na ang Espanya kaya hindi
na makapagbigay ng tulong sa Pilipinas.
3. Graciano Lopez Jaena. Ipinanganak si Graciano Lopez Jaena noong ika-18 ng Disyembre, 1856 sa Jaro, Iloilo.
Nagtungo siya sa ibang bansa para matakasan ang pag-uusig ng mga prayle dahil sa mga akdang sinulat niya
laban sa kanila. Sa Espanya, itinatay niya ang La Solidaridad, ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda,
at siya rin ang unang namatnugot dito. Nakilala rin siya bilang mahusay na mananalumpati ng Kilusang
Propaganda. Namatay siya dahil sa sakit ng tuberculosis sa Barcelona, Espanya noong Enero 20, 1896.
Mga Akda ni G.L. Jaena:
 Fray Botod- tinuligsa rito ang ugali ng mga prayle na nagpapabayad nang mahal sa paglilibing sa mga
patay, ang pagpapautang nang may malaking tubo, at ang pagbibigay ng masamang halimbawa at
huwaran sa mga mamamayan. Inilarawan din sa akdang ito ang mga prayle na noong unang dating pa
lamang ay kasimpayat ng mga insekto, subalit pagkaraan na makakain ng papaya at saging ay naging
botod o malaki na ang tiyan.
 El Bandolerismo en Pilipinas- akdang nagtatanggol sa mga Pilipino sa paratang ng mga prayle na ang
mga Pilipino ay mga bandido at mga magnanakaw.
 Sa Mga Pilipino- talumpating naghahangad na magkaroon ng maayos, malaya at maunlad na kalagayan
ang mga Pilipino.

Iba pang mga Propagandista


1. Antonio Luna. Si Antonio Luna, kapatid ng dakilang pintor na si Juan Luna, ay higit na kilala sa pagiging heneral
ng hukbo ng himagsikan laban sa Amerikano. Nagtapos siya ng parmasyotiko sa Universidada ng Santo Tomas, at
pagkadoktor sa Universidad Central de Madrid. Ginamit niyang sagisag ang Taga-ilog sa kanyang mga akda na
karamihan ay sa wikang Kastila. Ilan sa mga akda niya ay “La Tertulia Filipina”, “Noche Buena,” “Por Madrid, “ at
Impressiones”, at iba pa.
2. Pedro Paterno. Isang iskolar, mananaliksik, dramaturgo, at nobelista si Pedro Paterno. Sumapi siya sa kapatiran
ng mga mason para maitaguyod ang pagkakaroon ng reporma sa sistema ng pamamalakad ng pamahalaang
Kastila ng Pilipinas. Ilan sa mga akdang sinulat niya ay “Ninay”, “A Mi Madre”, ‘Sampaguita y Poesias Varias,”
“Katipunan ng kanyan mga tulang Kastila, at iba pa.
3. Pascual Poblete. Si Pascual Poblete ay kilalang nobelista, makata, mandudula at mananalaysay. Itinatag niya ang
mga pahayagang “El Resumen”, “El Grito del Pueblo”, at ang “Ang Tinig ng Bayan” kung kaya’t dahil dito
itinuring siyang Ama ng Pahayagan. Ipinatapon siya sa Aprika dahil sa mga akda niyang tumuliga sa katiwalian at
pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ilan sa mga akda niya ay ang “Ang Kagilagilalas na Buhay ni Juan
Soldado,” ang salin sa Tagalong ng ‘Ang Conde ng Monte Cristo” ni Alexander Dumas at iba pa.
4. Jose Maria Panganiban. Sa ilalim ng sagisag na Jomapa ay naging tagapag-ambag siya ng mga sanaysay at
lathalain sa pahayagan ng mga propagandista. Bukod sa kabilang siya sa halos lahat ng kilusang Makabayan,
kilala rin siya sa pagkakaroon ng “Memoria fotografica”. Mahusay din siyang mananalumpati at mamamahayag.
5. Pedro Serrano Laktaw. Pinangunahan niya ang pagbubuo ng masonarya sa Pilipinas. Sinasabing ang mga akda
niyang “Diccionario Hispano-Tagalog”, “Estudios Gramaticales”, at ‘Sobre La Lengua Tagala” ang pinagbatayan
ni Lope K. Santos ng kanyang mga sinulat na Balarika ng Wikang Pambansa.
6. Isabelo Delos Reyes. Manananggol, mamamahayag, manunulat at kabilang sa “Iglesia Filipina Independente”.
Ang kanyang akdang “El Folklore Filipino” ay nagtamo ng gantimpala sa Exposisyon sa Madrid. Ang iba pa niyang
isinulat ay “Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista”, “Historia de Ilocos”, at iba pa.

file:///C:/Users/Admin/Downloads/CM1-PANITIKAN-1.4.html

PAGBUO NG KAALAMAN
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 6 of
10
PAGTATAYA
Gawaing Pagtataya blg 1 Aydentipikasyon
Basahin ang bawat pahayag o tanong sa ibaba at isulat ang salitang tinutukoy
Panuto:
ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
 Unawain ang bawat pahayag.
Pantulong na Gabay  Balikan ang mga salitang natutunan sa talakayan.
 Sagutin at ibagay ang sagot sa mga katanungan.
Your Rating/
Batayan sa Pagmamarka:
Total Points
25
1. Ang salamin ng buhay at pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lugar.
2. Matalinghagang mga salita o parirala na may sukat at tugma upang pahulaan ang isang bagay.
3. Salaysay na tumatalakay sa isang natatanging paksa.
4. Kuwentoo salaysay ukol sa buhay ng isang tao.
5. Tulang liriko na may 1 saknong at may 14 na taludtud na ang kabuuan ay hinggil sa damdamin o kaisipan.
6. Salaysay hinggil sa pinagmulan ng santinakpan, ng mga diyos at diyosa, ng mga mahiwagang nilikha.
7. Kuwento o salaysay na nag-iiwan ng impresyon o kakintalan sa mambabasa.
8. Ito’y kinapapalooban ng mitolohiya at alamat ng Gresya na sulat ni Homer.
9. Kuwento o salaysay na ang gumaganap ay mga hayop na nag-iiwan ng magandang aral sa mambabasa.
10. Nagsasalaysay ito sa gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya.
11. Sinulat niya ang Divine Comedia na naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.
12. Siya ang sumulat ng Canterbury Tales na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng Ingles.
13. Salaysay na sinulat upang bigkasin sa harap ng maraming tao na may layuning magpaliwanag at iba pa.
14. Tulang pandamdamin patungkol sa patay.
15. Ito ang kauna-unahang aklat panrelihiyong nalimbag sa Pilipinas.
16. Ito’y pag-alay ng mga bulaklak kay Maria kasabay ng pag-awit ng dalit o awit sa papuri.
17. Itinuring siyang Ama ng Pahayagan.
18. Talumpating naghahangad na magkaroon ng maayos, malaya, at maunlad na kalagayan ang mga Pilipino.
19. Itinatag niya ang La Solidaridad.
20. Ito’y naglalaman ng buhay ay pagpapasakit ni Hesus na karaniwang binabasa tuwing Mahal na Araw.
21. Siya ang may sagisag panulat na Laon-laan at Dimasalang.
22.Isang mananalumpati’t mamamahayag na may sagisag panulat na Jomapa.
23. Ito ay pagsasadula sa paghahanap ni Reyna Elena at Haring Constantino sa nawawalang krus ni
Hesukristo.
24. Nakilala siya sa bansag na Huseng Sisiw at ang sumulat ng Ibong Adarna.
25. Siya ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.”

MAPANURING PAG-IISIP
Gawaing Pagtataya blg 2 Pagbigay ng pangunahing kaisipan
Magbigay ng kaalaman o natutuhan sa mga akdang nasa ibaba. Mensahe o
Panuto:
pangunahing kaisipan lang ng akda ang isulat.
 Unawain ang hiningi o pinagawa.
 Balikan ang mga akdang nabanggit o natutunan sa talakayan.
Pantulong na Gabay
 Bumuo ng mensahe o kaisipan sa akda.
 Isulat ang nabuong mensahe o kaisipan bilang sagot.
Your Rating/
Batayan sa Pagmamarka:
Total Points
25
1. Noli Me Tangere
2. Pangitain ni Padre Rodriquez
3. Dasalan at Tocsohan
4. Fray Botod
5. Caiingat Cayo

PAGLIKHA
Gawaing Pagtataya blg. 3 Poster Making
Magsaliksik ng akdang pampanitikan na nagkaroon ng impluwensiya sa daigdig.
Panuto: Isulat o ilagay sa isang kopon bond. Huwag kaligtaang banggitin ang
pinagkukunang sanggunian.
Pantulong na Gabay  Unawain ang hiningi o pinagawa.
 Magsaliksik ng akdang pampanitikan na nagkaroon ng impluwensiya sa
ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 7 of
10
daigdig (gawing batayan ang talakayan).
 Ilagom ang nasaliksik para hindi gaanong mataas.
 Simulan na ang gawain o ang pinagawa.
 Isulat ang sagot o nasaliksik sa isang kopon bond.
Batayan sa Pagmamarka:
SANGGUNIAN

Badayos, P.B. (Ikalawang Edisyon). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino Mga Teorya, Simulain at
Istratehiya. Mutya Publishing House,Inc.
Holy Angel University. (n.d)
https://www.hau.edu.ph/intra/courseoutline/pdf/sed-bee/PANITIKAN.pdf
Mayos, N. S., Gutierrez, J.C.,Tica-a, P.F. (2008). Ang Guro ng Bagong Milenyo: Mga Kagamitang Panturo sa Filipino.
Jimcy Publishing House.
Pagkalinawan, L.C., Camba,M.N., Dela Torre, R.L., Gonzales, E.S., Ungriano, AR.M. (2006). Panitikan sa Iba’t Ibang
Rehiyon. Mutya Publishing House, Inc.
Recorba, F.M., Nacin, A.A., Tanawan, D.S.,Lartec, J.K. (2003). Pagsulat at Pagbasa sa Iba’t Ibang Disiplina. TRINITAS
PUBLISHING, INC.
Villafuerte, P.V.,& Bernales, R.A.(2008).Pagtuturo ng / sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Mutya Publishing House,
Inc.
Tagod,Jr., V.C (2013). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. CRIS’ PRINT OPTIONS.

TSEKLIST NG MGA NATUTUNAN SA PAKIKILAHOK SA MODYUL


Ang iyong fidbak ay mahalaga sa amin. Ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba ay tungkol sa modyul. Pakilalagay
ang punto sa kung saang pahayag ang naglalarawan sa iyong pagtataya sa modyul sa pamamagitan ng tsek sa
angkop na kahon.
YES NO
 Ang modyul ay madaling maunawaan.
 Ang ibinigay na mga panuto ay malinaw.
 Ang mga gawain o aktibiti ay kayang-kayang gawin.
 Ang mga ibinigay na impormasyon ay kumpleto.
 Ang guro ay naghahanap ng kasalukuyang fidbak

Ano pa ang iyong personal na iniisip tungkol sa modyul ? _________________________________________________


_________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

KATAPATANG PANG-AKADEMYANG PAHAYAG


Aking pinatutuhanan, na aking nabasa at buong nauwaan ang mga alituntunin ng Talisay City College patungkol sa
pagiging hindi tapat sa akademya at iyan ay buo kong nalalaman sa kung anuman ang posibleng mga kinahinatnan.
Kumpletong Pangalan ng
Iniwasto ni
Estudyante at Lagda
E-meyl E-meyl
Petsa ng
Petsa ng Pagsumite
Pagtanggap

Republic of the Philippines


Province of Cebu
City of Talisay
TALISAY CITY COLLEGE
Poblacion, Talisay City, Cebu

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 8 of


10
I. PAGBUO NG KAALAMAN

Panuto: Basahin ang bawat pahayag o tanong sa ibaba at isulat ang salitang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang salamin ng buhay at pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lugar.

2. Matalinghagang mga salita o parirala na may sukat at tugma upang pahulaan ang isang bagay.

3. Salaysay na tumatalakay sa isang natatanging paksa.

4. Kuwentoo salaysay ukol sa buhay ng isang tao.

5. Tulang liriko na may 1 saknong at may 14 na taludtud na ang kabuuan ay hinggil sa damdamin o kaisipan.

6. Salaysay hinggil sa pinagmulan ng santinakpan, ng mga diyos at diyosa, ng mga mahiwagang nilikha.

7. Kuwento o salaysay na nag-iiwan ng impresyon o kakintalan sa mambabasa.

8. Ito’y kinapapalooban ng mitolohiya at alamat ng Gresya na sulat ni Homer.

9. Kuwento o salaysay na ang gumaganap ay mga hayop na nag-iiwan ng magandang aral sa mambabasa.

10. Nagsasalaysay ito sa gintong panahon ng Kristiyanismo sa Pransya.

11. Sinulat niya ang Divine Comedia na naglalarawan sa pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano.

12. Siya ang sumulat ng Canterbury Tales na naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng Ingles.

13. Salaysay na sinulat upang bigkasin sa harap ng maraming tao na may layuning magpaliwanag at iba pa.

14. Tulang pandamdamin patungkol sa patay.

15. Ito ang kauna-unahang aklat panrelihiyong nalimbag sa Pilipinas.

16. Ito’y pag-alay ng mga bulaklak kay Maria kasabay ng pag-awit ng dalit o awit sa papuri.

17. Itinuring siyang Ama ng Pahayagan.

18. Talumpating naghahangad na magkaroon ng maayos, malaya, at maunlad na kalagayan ang mga Pilipino.

19. Itinatag niya ang La Solidaridad.

20. Ito’y naglalaman ng buhay ay pagpapasakit ni Hesus na karaniwang binabasa tuwing Mahal na Araw.

21. Siya ang may sagisag panulat na Laon-laan at Dimasalang.

22.Isang mananalumpati’t mamamahayag na may sagisag panulat na Jomapa.

23. Ito ay pagsasadula sa paghahanap ni Reyna Elena at Haring Constantino sa nawawalang krus ni Hesukristo.

24. Nakilala siya sa bansag na Huseng Sisiw at ang sumulat ng Ibong Adarna.

25. Siya ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog.”

II. MAPANURING PAG-IISIP

Panuto: Magbigay ng kaalaman o natutuhan sa mga akdang nasa ibaba. Mensahe o pangunahing
kaisipan lang ng akda ang isulat.

1. Noli Me Tangere

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 9 of


10
2. Pangitain ni Padre Rodriquez

3. Dasalan at Tocsohan

4. Fray Botod

5. Caiingat Cayo

III. PAGLIKHA

Panuto: Magsaliksik ng akdang pampanitikan na nagkaroon ng impluwensiya sa daigdig. Isulat o


ilagay sa isang kopon bond. Huwag kaligtaang banggitin ang pinagkukunang sanggunian.

ANG MATERYAL NA ITO AY KAGAMITANG PANG-EDUKASYONAL AT HINGI IPINAGBIBILI Page 10 of


10

You might also like