You are on page 1of 5

SEMI-FINAL

Modyul 1

Aralin 1

MGA ELEMENTONG LUMILIKHA NG MGA AKDANG PAMPANITIKAN

Ang mga akdang pampanitikan ay nililikha at nabubuo sa pamamagitan ng iba’t-ibang


elementong gumaganap ng mahlagang tungkulin upang ang mga obra maestro sa larangang ito
ng sinig ay mgakaroon ng buhay.

Katulad ng iba pang sining. Ang panitikan ay patuloy sa pagsulong at pag-unlad sa


pamamagitan ng iba’t-ibang dahilan. Anu-ano ng aba ang elementong masasabi nating
nakakatulong upang lumikha ngmga akdang maipagmamalaki natin bilang mga Pilipino?

1. Kapaligiran. Binibigyang pansin ang isang pook. Kasama ang iba’t-ibang sangkap na
kalikasan katulad ng klima, mga likas na yaman, mga pisikal na kapaligiran at mga
kaugnay nito. Maraming tula, maikling kwento, nobela, at iba pang akda ang sumilang at
malikha na ang ginamit na paksa ay ang kapaligiran at ang kalikasan.

2. Karanasan. Isang lunsaran ng mayamang paksa ang karanasan ng tao. Dito maraming
napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na mapaghahanguan ng paksa sa iba’t-
ibang uri ng akda. Bawat kasaysayan ng isang tao ay maaaring maging batayan para sa
isang akdang magbibigay sa mga mambabasa ng pagkakataong Makita ang kanyang
sarili sa kanyang binabasa, sa ganitong paraan nakakagawa siya ng pagkakataong pag-
ibayuhin ang kanyang pagsisikap tungo sa makabuluhang pamumuhay.

3. Salik sa Panlipunan at Pampulitika. Ang gawaing may kaugnay sa lipunan gayundin sa


pulitika ay isang malaking bahagi sa pagdaadala ng mga kaugalian, karanasan kalinangan
at kabihasnan ng isang tanging pook o bansa. Dito ay amay mga akdang tunay na
kakatawan sa kaisipan, damdamin at paniniwala ng mga mamamayan sa pook na ito.

4. Salik na Panrelihiyon. Maraming mg akdang nakilala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa


buong daigdig ang pumaksa sa salik na ito. Hindi natin matatawaran na ang
pananampalataya na natutuhan natin sa mga dayuhan ay nagkakaroon ng malaking
impliuwensiya upang ang ating mga manunulat sa iba’t-ibang panahon ay masulat ng
mga obra-maestrang panghabang panahon.

5. Edukasyon. Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro sa atin ay lalong nagpalawak sa


kalinangan at karunungang taglay na natin. Sa pamamagitan ng mga naituro sa atin sa
mga institusyon sa ating bansang kinagisnan, higit na nagkakaroon ng puang sa ating
puso ang makalikha ng mga akdang magpapakilala ng uri ng lipunan at edukasyong
naghatid sa atin sa kinalalagyan natin ngayon.
Modyul 1
Aralin 2

Mga Impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa

Sa kasaysayan, hindi lamang sa Pilipinas, kundi maging sa mga bansa sa daigdig,


mayroong mga akdang pampanitikan na nagdala ng malaking impluwensya upang maisulat at
mabuo ang obra-maestra ng iba’t-ibang bansa sa daigdig sa larangan ng panitikan.

Narito ang akdang pampanitikan ng iba’t-ibang bansa sa iba’t-ibang panahon na nagdala


ng dalwang mahalagang kalagayan ng panitikan sa daigdig; una, nagpaliwanag sa kalahagahan
ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. At ikalawa, s apamamagitan ng
akdang ito, ang mga bansa sa daigdig ay nakatagpo-tagpo sa damdamin, kaisipan at gayon din,
nagkaunawaan bukod pa sa nagkahiraman ng ugali at pamamaraan ng pamumuhay.

1. Banal na Kasulatan (Bibliya) mula ito sa Palestina at naging batayan ng


sangkakristiyanuhan. Nahahati sa dalawang bahagi: Ang Lumang Tipan at Ang Bagong
Tipan.

2. Koran (Bibliya ng mga Mohamedan) mula sa Arabia at nagtataglay ng mga kaisipan at


kautusang siyang sinusunod hanggang sa ngayon ng mga Mohamedan.

3. Iliad at Odyssey ni Homer. Mula ito sa Gresya at tumatalaky sa mga pakikipagsapalaran


ng mga Greko noong kanilang kapanahunan. Ang Iliad ay tungkol sa istorya ng pagsakop
sa Lungsod ng Troy habang ang Odyssey ay hinggil sa pagbabalik ni Odysseus mula sa
Trojan War.

4. Mahabharata na mula sa India. Ito ay itinuturing na pinakamahabang tula sa daigdig


(220,000 taludtod o linya). Tumatalakay ito sa pakikipagsapalaran ng mga pinunong
Indo-Aryan.

5. Divine Comedy ni Dante Aleghiere at mula sa Italya. Tinalakay naman ditto ang isang
paglalakbay sa langit, sa impiyerno at purgatory at nagpapakilala na ang tao ay
huhusgahan sa pamamagitan ng pamumuhay nia sa lupa.

6. El cid Campeador mula sa Espanya. Nagpakilala ito ng katangiang panlahi ng mga kastila
at ng kanilang mga alamat ay kasaysayang pambansa noong unang panahon.

7. The Songs of Roland ng Pransia. Kinapapalooban ito ng mga kwentong Roncesvalles at


ang lalong kilalang Doce Pares ng Prancia. Ito ay nagtataglay ng kasaysayan ng ganitong
panhon ng kakristiyanuhan sa Pransia.

8. Five Classics at Four Books. Mula ito sa Tsinan a kinatitikan ng magandang kaisipan at
pilosopiya ni Confucius. Naging batayan ang mga aklat na ito ng pananampalataya.
Kalinangan at kasaysayan ng mga Intsik na nakaapekto sa atin.
9. Book of Dead ng Ehipto na kinapaplooban ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at
teolohiyang Ehipto.

10. A Thousand and One Nights ng Arabia at Persia na nagtataglay ng mga kaugaliang
pampamahalaan, pangkabuhayan, pangkalinangan at panrelihiyon ng mga taga –
Silangan.

11. Canterbury Tales ni Chaucer ng Inglatera na naglalaman ng mga pananampalataya at


pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

12. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika. Binigyan-diin ditto ang
karumal-dumal na kalagayan ng mga itim sa kamay ng mga puti at siyang maging
batayan ng simulant ng demokrasya sa daigdig. Ito rin ang naging inspirasyon ni Dr. Jose
Rizal upang maisulat at mabuo ang kanyang dalawang obra-maestra, ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.

Sa ating bansa man maaaring mga akdang pampanitikan na naging inspirasyon ng mga
manunulat ng iba’t-ibang panahon. Maaari nating banggitin ang Florante at Laura ni Francisco
Balagatas, nag Noli at Fili ni Dr. Jose Rizal, Nena at Neneng ni Valerino H. Pena, Banaag at Sikat
ni Lope K. Santos, Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco, Kahapon Ngayon at Bukas ni
Aurelio Tolentino at ang Isang Dipang Langit, Mga Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya ni
Amando V. Hernadez.

Ilan lamang ang mga ito sa mga akdang pampanitikan sa ating bansa na susi sa
paghawan sa landas ng mga makabagong manunulat na sumibol at sumisibol pa sa iba’t-ibang
panahong iniikutan ng kasaysayan ng ating panitikan.

Modyul 1
Aralin 3

Ang mga kasangkapang Pampanitikan na Nagbibigay-Anyo sa Akda

Ang salitang estetika ay nanggaling sa salitang Griyego “aesthesis” na


nangangahulugang “pakiramdam,” o “dating ng anumang persepsyon sa sentido (panlabas at
panloob) ng tao.” Kung baga sa nakikita, ang estesis ay yaong uri ng pakiramdam at reaksyon
ng tao na nakakakita (ng kahit anuman iyon).

Kaugnay nito, ang mga sentido ng tao ay nahahati sa dalawang uri:


1. Ang mga sentidong panlabas (external senses) tulad ng paningin, pandinig, pang-amoy,
panlasa, pansalat
2. Ang mga sentidong panloob (internal senses) tulad ng imahinasyon o guniguni,
memorya, pang-unawa, at huwisyo o pagpapasya.
Mga Layon ng Estetika
1. Persepsyon ng sentidong panlabas
2. Konsepto na bunga ng mga sentidong panloob
Sa dalawang ito nauukol ang siyam na kasangkapang pampanitikan na nagbibigay-anyo sa
akda.

1. Nilalaman ay tumutukoy sa Tauhan, Tagpuan, Suliranin, Aksyon, Tema


2. Denotasyon ay ang karaniwan at likas o “literal” na kahulugan ng salita o pangungusap:
ito ang kahulugang adaling mahanap sa diksyunaryo.
3. Konotasyon ang tawag sa mga implikasyong tinataglay ng mga salita o pananalita. Ang
mga implikasyong ito ay maaring dulot ng pahiwatig na pananaw o saloobin na taglay ng
salita, tulad halimbawa ng salitang “basura”
4. Diksyon ang tawag sa paggamit ng mga salita na ipinalalagay na bunga ng maingat at
makabuluhang pagpili ng mga salitang ginagamit ng manlilikha upang makamit niya ang
pinakamabisang paraan ng pagpapatalastas ng kanyang nais ipahatid.
5. Mga kasangkapang panretorika ay tumutukoy sa mga pamamaraan na ginagamit ng
akda upang makamtan ang pinakamabisang epekto ng mga pangungusap at
komposisyon at ang mga sangkap nito. Ito ay may kinalaman sa kaayusan ng mga salita,
o pagkakasunod-sunod ng mga element ng mga pangungusap.
6. Mga kasangkapang pansukat ang tawag sa mga pamamaraan na ginagamit ng akda, lalo
na ang tu;a, upang bigyan ng angkop at kaaya-ayang daloy ang indayog ng mga salita at
pangungusap kapag ito ay binibigkas.
7. Mga kasangkapang metaporikal ang mga ginagamit na tayutay na nagpapayaman sa
kabuluhan at kahulugan ng akda. Dito kabilang ang simili, metaphor, ironeya, alusyon,
alterasyon, asonansya, onomatopeya, anaphora, alegorya, analohiya, conceit,
personipikasyon, apostropi, metonimi, sinekdoki, depersoisasyon, hiperbola, atbp. May
kinalaman din ito ang punto de vista at persona ng akda.
8. Tono ang nasasabi kung ano ang saloobin na nakapaloob sa teksto:matapat ba?
Sarkastiko? Nanunudyo? Satiriko ba? Parodya ba? Ito ang mga karaniwang sinasagot sa
ng tono. Napakahalaga nito sapagkat ang anumang pangungusap ay maaaring
bumaligtad ang kahulugan kapag nagbago ang tono nito. Lalong mahalaga ang wastong
pag-intindi sa tono kapag binibigkas ang literature sapagkat punto at ekspresyon ng tinig
ang nagdadala ng tono.
9. Istruktura. Binibigyang halaga ang pangkalahatang kaayusan at pagkakahanay ng mga
bahagi ng isang akda. Sa dulaang klasiko, ito ay lumalabas sa anyong
1. Eksposisyon
2. Kumplikasyon
3. Resolusyon.
Ito ay tinatawag ni Aristoteles na “simula, gitna at wakas.”Mayroon ding mga
istrukturang de kahon. Ito ay may pormulang ginagait lalo na sa mga akdang pasalaysay.
Halimbawa, ang klasikong pormula ng kewntong romatiko: Pag-ibig, paghihiwalay,
pakikipagsapalaran, at reunyon.
Gawain sa Modyul 1 Aralin 1 hanggang Aralin3.

1. Bakit mahalagang salik sa paglikha ng mga akdang pampanitikan ang mga


elementong nabanggit?
2. Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na akda ang tunay na nakaimpluwensiya sa
ating panitikan. Ipaliwanag ito.
3. Ano ang nagagawa ng mga pangungusap at komposisyon sa pagiging mabisa ng
isang akdang pampanitikan?
4. Magbigay ng halimbawa ng tulang may sukat at tugma at isang may malayang
taludturan. Paghambingin ang epekto nito sa iyo bilang mambabasa.

You might also like