You are on page 1of 29

Panitikang Pilipino

Magkapatid na Asignatura
Tanong ng Kaisipan?

•Bilang isang mag-aaral, ano ang


maiaambag mo sa pagpapanitili at
pagpapayaman ng ating panitikan?
PANITIKAN
Ano ang Panitikan?

•Nanggaling ang salitang panitikan sa


“pang/titik/an”, kung saan ikinabit ang
unalaping pang- at hulaping –an sa ugat na
titik. Ang may-bahid kanluraning salitang
literature ang isa pang katawagan para sa
larangan ng panitikan.
Ano ang Panitikan?

•Nagmula ang salitang literature


sa salitang Latin – littera – na
nangangahulugang titik.
Uri ng Panitikan

•Pasalin-Dila
•Ang tag sa panitikan kung ito ay
isinasalin na sa ibang henerasyon sa
pamamgitan ng bibig ng tao. Halimbawa
(Epiko, awiting-bayan, alamt bugtong
palaisipan).
Uri ng Panitikan

•Pasulat
•Ang paraan ng pagsasalin ng panitikan
magmula nang matutunan ng tao ang
sistema ng pagsulat.
Anyo ng Panitikan

• Tuluyan/Prosa- nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap at patalatang paraan.

• Patula- naksulat sa taludturan at saknungan. Ang


mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan
o malayang taludturan na nangangahulugang
walang sukat at tugma.
Panitikan
•Isang mabisang ekspresyon ng lipunan.
Isa itong pangunahing institusyon ng
pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon
na bumubuo ng bawat lipunan.
•Ang mayamang kaalaman ay nakakamit
sa tulong ng malawak na paglalakbay ng
isipan sa mga larangan ng kaalaman at
impormasyon.
• Ang panitikan at pag-aaral nito ay pumapasok sa
dalawang antas ng teoryang percept at concept.
• Percept- ipinapakita ang huwaran na nasa
akdang pasulat.
• Concept- pinagyayaman ang kahulugan at
nilalaman
Trivia!

• Sa bisa ng Proklamasyon ng Blg. 968, Series of 2015., ang


“Buwan ng Panitikan ng Pilipinas, ay ipinagdiriwang tuwing
buwan ng Abril.

• Ang Buwang Ng Panitikan ng Pilipinas 2018 na may temang


“Pingkian” ay kasabay ng ika 230 anibersaryo ng
pagkakasilang ni Francisco Balagtas ang “ang Bayani ng
Harayang Filipino.”
Elementong Lumilikha
ng mga Akdang
Pampanitikan
•Katulad ng sining, ang panitikan ay
patuloy na pagsulong at pag-unlad sa
pamamagitan ng iba’t-ibang dahilan.
kapaligiran
• Binibigyang pansin ang pook. Kasama ang
iba’t-ibang sangkap na kalikasan katulad ng
klima, mga likas na yaman, mga pisikal na
kapaligiran at ang kauganay nito.
• Maraming mga tula at maikling kwento ,
nobela ang sumilang at nalikha na nag ginamit
na paksa ay ang kapaligiran at kalikasan.
karanasan
•Isang lunsaran ng mayamang paksa ang
karanasan. Dito maraing napupulot na
pangyayari, sitwasyon at banghay na
mapaghahanguan ng paksa sa iba’t-ibang
uri ng akda.
Salik Panlipunan at Pampulitika

•Ang mga gawaing may kaugnayan sa


lipunan gayundin sa pulitika ay isang
malaking bahagi sa pagdadala ng
kaugalian at karanasan.
Salik na Panrelihiyon

•Maraming mga akdang nililikha hindi


lamang sa Pilipinas kundi sa buong
daigdig ang pumaksa sa salik na ito.
Hindi natin matatawaran ang
pananmpalataya na natutuhan natin sa
mga dayuhan ay nagkaroon ng malaking
impluwensiya.
edukasyon

•Ang pilosopiya ng edukasyon na naituro


sa atin ay lalong nagpalawak sa
kalinangan at karunungang taglay
natin. Sa pamamagitan ng mga naituro
sa atin sa mga institusyon sa ating
bansang kinagisnan.
Ang mga
Kasangkapang
Pampanitikan na
Nagbibigay-anyo sa
Akda
estetika

•Ay nanggaling sa salitang Griyego na


“aesthesis” na nangangahulugang
“pakiramdam”.
•Kung baga sa nakikita, estesis ay yaong
uri ng pakiramdam at reaksyon ng tao
na nakakakita.
nilalaman

•Ito ay tumutukoy sa “tauhan,


tagpuan, suliranin, aksyon at tema”
konotasyon

•Ang tawag sa mga implikasyong


tinataglay ng mga salita o pananalita.
Ang mga implikasyong ito ay maaring
maidulot ng pahiwatig na pananaw o
saloobin na taglay ng salita. Halimbawa
ng salitang “basura”.
diksyon

•Ang tawag sa paggamit ng mga salita na


ipinalalagay na bunga ng maingat at
makabuluhang pagpili ng mga salitang
ginagamit ng manlilikha upang makamit
ang pinakamabisang pakikipagtalastas
ng kanyang nais ipabatid.
Mga Impluwensya
ng Panitikan ng
Ibang Bansa
Impluwensya ng Panitikan

• 1. Banal na Kasulatan o Bibliya- ang naging pinakabatayan


ng paniniwalang Kristiyano sa buong daigdig.
• 2. Koran mula sa Arabia- ang pinakabibliya ng mga
Muslim
• 3. Illiad at Oddysey ni Homer- kinatutuhanan ng mga
mitolohiya at alamat sa Gresya.
• 4. Mahabharata- tumatalakay sa kasaysayan ng
pananampalataya sa India. Ipinalalagay itong
pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
Impluwensiya ng Panitikan

• Canterbury tales ni Chaucer- Naglalarawan ng Pananampalataya at pag-


uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
• Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe-nagbukas sa mga mata ng
Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula sa paglaganap
ng demokrasya sa buong daigdig.
• Divine Comedy- nagpapahayag ng moralidad, pananampaltaya at pag-
uugali ng mga Italyano noong unang panahon.
• A thousand and One Nights-ng Arabia at Persia na nagtatalakay ng mga
kaugaliang pampahalaang pangkabuhayan, pangkalinangan at
panrelihiyon ng taga-Silanagn.
Impluwensiya ng Panitikan

• El cid Campeador- naglalarawan sa katangiang panlipi ng ma


Kastila at Kasaysayan ng Espanya.
• Five Classics at Four Books- nagng batayan ng
pananampalataya ng mga Intsik.
• Book of the Dead- naglalarawan ng kulto ni Osiris at
tumatalakay sa mitolohiya at teolohiyang Ehipto.
• The Songs of Roland- kinapapalooban ito ng Doce Pares at
Roncesvalles ng Pransya. Isinasalaysay dito ang gintong
panahon ng Kristiyano sa Pransya.

You might also like