You are on page 1of 3

NOTRE DAME – SIENA COLLEGE OF POLOMOLOK

Brgy. Poblacion, Polomolok, South Cotabato

FILI102 (SOSYEDAD AT LITERATURA)


Prelim na Pagsusulit – Ikalawang Semestre AY 2019-2020

“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.”
- Dr. Jose P. Rizal –
============================================================================
Panuto: Basahin nang mabuti ang panuto ng bawat bahagi ng pagsusulit upang maiwasan
ang pagkakamali. Isulat ang mga kasagutan sa sagutang papel.

I. Pagpipili-pili. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang angkop na katumbas sa Filipino ng salitang Espanyol na “literatura”?


A. LITERATURA B. LITERATURE C. PANITIKAN D. PAMPANITIKAN

2. Ito ay tumutukoy sa akdang nagsilbing inspirasyon kay Dr. Jose P. Rizal para maisulat ang
kanyang dalawang nobelang: Noli Me Tangere at El Filibusterismo?
A. UNCLE TOM’S CABIN C. EL CID CAMPEADOR
B. SOCIAL CONTRACT D. ILIAD AND ODYSSEY

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop pahayag tungkol sa kahalagahan ng panitikan?
A. Makikilala ang sarili bilang Pilipino, ang yaman at talinong taglay ng lahing pinagmulan, ang
kadakilaan at karangalan ng sariling tradisyon at kultura.
B. Mapapahalagahan ang kadakilaan ng ating kasaysayan, ang pagpapakasakit ng ating mga
ninuno upang tamasain ang kalayaan na pinakikinabangan sa kasalukuyan.
C. Mababatid ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng katangian ng mga literatura ng iba-ibang
rehiyon at matutunang ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.
D. Mailalapit ang damdamin ng mga iba’t ibang dayuhan sa mga Pilipino kahit may magkakaibang
kaisipan, paniniwala at pananampalataya nasasalamin dito ang iba’t ibang kultura.

4. Ito ay paraan ng pagsasalin ng panitikan sa pamamagitan ng bibig ng tao.


A. PASALINDILA B. PASALINSULAT C. PASALINTRONIKO D. PASALINSALIN

5. Ito ay anyo ng panitikan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at patalatang paraan.


A. PATULA B. PROSA C. PATANGHAL D. PANDAMA

6. Ito ay tumutukoy sa mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa


mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa kabanata.
A. NOBELA B. MAIKLING KUWENTO C. DULA D. ALAMAT

7. Mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay


may mga kababalaghang hindi kapani-paniwala.
A. BALAD B. EPIKO C. KARAGATAN D. AWIT AT KORIDO

8. Ito ay pagdulog o teoryang pampanitikan na tumutukoy sa mga kwentong base sa isang kulturang
pinaghanguan ng kwento o tula.
A. KLASISMO B. KULTURAL C. HUMANISMO D. FEMINISMO

9. Ito ay panunuring pampanitikan na magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at


iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.
A. KLASISMO B. KULTURAL C. HUMANISMO D. FEMINISMO

10. Ito ay teoryang pampanitikan na hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad


ng tao at binibigyan halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katwiran.
A. ARKITAYPAL B. BAYOGRAPIKAL C. EKSISTENSYALISMO D. QUEER

11. Sinasabing ito raw ay sumasalamin sa kultura at paniniwala ng isang tao at siyang nagbibigay ng
identidad sa bawat lipunang kinalakhan o kinapamumuhayan.
A. PANITIKAN B. WIKA C. KUWENTO D. SANAYSAY
12. Ang panahong ito ang kinilalang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino.
A. PANANAKOP NG AMERIKANO C. PANANAKOP NG KASTILA
B. PANANAKOP NG HAPON D. PANAHON NG HIMAGSIKAN

13. Tumutukoy ito sa panahon ng panitikan na kung saan ang mga nandayuhan ay nakikipagkalakal
sa pagitan ng 890 at 1200 AD.
A. KASTILA B. KATUTUBO C. AMERIKANO D. HAPON

14. Ito ay ang kauna-unahang alpabeto ng mga sinaunang tao sa Pilipinas bago pa man dumating
ang mga Kastila.
A. ALIBATA O BAYBAYIN B. CALLIGRAPHY C. CUNEIFORM D. SANSKRIT

15. Ito ay panahon ng panitikan sa ilalim ng krus at espada.


A. KASTILA B. KATUTUBO C. AMERIKANO D. HAPON

16. Ito ay panahon sa panitikan ng paghihimagsik at patuloy na pakikipaglaban.


A. AMERIKANO C. PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN
B. BAGONG KALAYAAN D. BAGONG LIPUNAN

17. Alin sa mga sumusunod ang wastong pahayag tungkol sa TEORYANG MORALISTIKO?
A. Ang mayayaman ay lalong yumaman at ang mahihirap lalong naghihirap.
B. Ang proposisyong nagsasaad ng tama at mali sa ugali o kilos ng tao ay ayon sa pamantayang
itinatakda sa lipunan.
C. Kailanman ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang babae, lalaki o homosexual man.
D. Ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

18. Alin sa mga sumusunod ang wastong pahayag tungkol sa TEORYANG MARKISMO?
A. Ang mayayaman ay lalong yumaman at ang mahihirap lalong naghihirap.
B. Ang proposisyong nagsasaad ng tama at mali sa ugali o kilos ng tao ay ayon sa pamantayang
itinatakda sa lipunan.
C. Kailanman ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang babae, lalaki o homosexual man.
D. Ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

19. Alin sa mga sumusunod ang wastong pahayag tungkol sa TEORYANG KULTURAL?
A. Ang mayayaman ay lalong yumaman at ang mahihirap lalong naghihirap.
B. Ang proposisyong nagsasaad ng tama at mali sa ugali o kilos ng tao ay ayon sa pamantayang
itinatakda sa lipunan.
C. Kailanman ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang babae, lalaki o homosexual man.
D. Ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

20. Alin sa mga sumusunod ang wastong pahayag tungkol sa TEORYANG QUEER?
A. Ang mayayaman ay lalong yumaman at ang mahihirap lalong naghihirap.
B. Ang proposisyong nagsasaad ng tama at mali sa ugali o kilos ng tao ay ayon sa pamantayang
itinatakda sa lipunan.
C. Kailanman ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang babae, lalaki o homosexual man.
D. Ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

II. Pag-iisa-isa. Ibigay ang mga hinihingi.


A. Uri ng Panitikan Batay sa Pagsasalin (21-23)
B. Uri ng Panitikan Batay sa Anyo (24-26)
C. Mga Akdang Tuluyan (27-36)
D. Mga Akdang Patula (37-40)
E. Iba’t Ibang Impluwensiya sa Panitikan (41-52)
F. Mga Yugto ng Panitikang Filipino (53-60)
G. Mga Teorya o Pagdulog sa Panitikan (61-75)
III. Pagpapaliwanag.
Rubriks:
5 – malinaw na malinaw na inilahad ang kasagutan
4 – malinaw na inilahad kasagutan
3 – hindi gaanong malinaw na inilahad ang kasagutan
2 – hindi malinaw na inilahad ang kasagutan
1 – hindi tiyak ang paglalahad ng kasagutan

76-80. Ayon kay Rubin, salamin ng kultura ang panitikan, nakalarawan dito ang kahapon, ngayon at
maging ang bukas ng isang bansa. Magbigay ng komento tungkol dito. (5 puntos)

81-85. Malaki ang impluwensiya ng banyagang panitikan sa ating bansa lalo na sa panahon ngayon.
Dahil sa makabagong teknolohiya higit pang umaangat ang panitikan ng ibang bansa. Kung
bibigyan ka ng pagkakataon na ipahayag ang iyong damdamin tungkol dito, ano ang isusulat
mong post sa iyong Facebook account upang maiparating sa kapwa Pilipino at hikayatin na
tangkilikin ang sariling panitikan?(5 puntos)

86-90. Nagkaroon ng TALANation dahil sa sikat na awitin at pinausong dance moves ni Sarah
Geronimo. Anong masasabi mo rito? Maituturing ba itong panitikan? Bakit oo? Bakit hindi?
(5 puntos)

91-95. Bilang mag-aaral sa kolehiyo, papaano mo pahalagahan ang mga teoryang pinag-aaralan
ngayon sa asignaturang “Sosyedad at Literatura”? Ihad ang sagot. (5 puntos)

96-100. Para sa iyo, alin sa mga teoryang pampanitikan ang sumasalamin sa ating lipunan sa
ngayon? Bakit kaya ito nangyari o naganap? Ipaliwanag. (5 puntos)

   Katapusan ng Pagsusulit   
Mabuhay! Blessed be God forever!

Inihanda ni:

MERBEN P. ALMIO
Course Instructor

Noted:

MARIA RUFINA M. PONO


College Dean

You might also like